"Dad, ano po ito?"
"Anak, huwag mong bubuksan iyan. Magagalit ako."
"Wow ang ganda po." Isang nakaka-agaw pansin na kahon ang nakita ni Matty sa workplace ng kanyang tatay.
"Dad, bakit po hindi maaring buksan ang kahon na iyon?"
"Sumunod ka nalang anak. Kung sinabing hindi, huwag gagawin ha."
"Opo, dad."
Si Matty ay isang batang lahat ng gustong alamin, inaalam niya kahit mali pa ito. Masyadong bukas ang kanyang isipan sa lahat ng nangyayari sa kanyang paligid. Matanunging bata si Matty at kapag hindi mo sinagot ang mga gusto niyang alamin, hindi ka niya titigilan.
Ngunit paano naman kaya kung ang kanyang "curiosity" ay ang magpapahamak sa kanya?
Hindi, palitan natin iyong tanong. Paano kung ang pagsuway niya sa "huwag gagawin" ng kanyang tatay ay magdadala sa kanya ng trahedya o kapahamakan habang buhay? Pagsisisihan kaya niya ito, o mayroon siyang ibang paraan upang labanan ito.
Madilim na at oras na para matulog ang mga taong bayan na nakatira sa barangay Nagupa. Isa itong lugar na matatagpuan sa tuktok ng bundok.
"Anak, matulog ka na diyan." Sabi ng tatay ni Matty
"Dad, hindi po ako makatulog. Pwede po ba akong manood ng TV?"
"Hindi pwede anak. May pasok ka pa bukas."
Dahil sa curiosity ni Matty, hindi niya mapigilang lumabas ng bahay upang pumunta sa workplace ng kanyang tatay. Pumasok siya sa loob nito.
"Nasaan kaya iyong kahon na iyon? Parang luma na ang itsura pero bakit kaya gusto kong buksan iyon."
Pumasok si Matty sa isang kuwarto kung na doon inilalagay ng kanyang dad ang mga gamit niya. Binuksan niya ang ilaw at hinanap ang kahon na iyon ngunit biglang nagsara ang kanyang pinasukan na kuwarto.
Hinila niya ang hawakan nito at bubuksan sana pero hindi na niya ito kayang hilain na parang mayroong pumipigil sa pagbukas ng pintuan.
Naiiyak siya pero ayaw niya muna mag-panic dahil ayaw niya ring mahuli siya ng tatay niya.