magsumikap

Ako sa edad kung 9 yrs old kung saan saan na ako naging ka tulong

Para makapag aral Lang

Nung mag second year high school na ako

Pina uwi ako ng nanay ko at tumigil na daw ako sa pag aaral

Kasi buntis po sya.. manganganak at kambal...

Sa awa naman sa akin ng school nurse namin kinausap ung principal ng school

Hayun po pinag aral ako one year...mababa grades ko kasi Panay absent kasi yaya ako ng mga kapatid ko at gawaing bahay.. 13 pala kaming magkakapatid..pangalawa ako sa panganay...

Pag 3rd year high school ko isa namang teacher sa akin nag tuition..pag 4 year ko ipon ko at sunubukan ninpapa na magbigay kahit kaunti...nilalakad ko Lang para tipid.tapos ka graduate ako high school

... tapos kinabukasan pagtapos ko graduate high school ka balot na mga gamit ko. Un pala na apply na ako ng nanay ko sa isang intsik para mag yaya ng mga anak

Hayyyyy sakit po kasi gusto pa mag college...

9 days bilang yaya Diko po kaya, kasi 2 am ako natutulog at gigising 4,30 am

Tapos ung pagkain ko na almusal half pandesal at malabsay na kape...

Umuwi ako sa bahay nang walang dala kahit anu , kasi tumakas Lang ako ng magtapon ako basura,umuwi ako para makita ng nanay ko itsura ko... tapos akala ko ma awa sa akin dahil para na akong zombie na walang tulog at kalansay... sa halip ma awa pinagpapalo ako..😔

Tapos binalik niya ako sa instik

Ung instik naman kakasuhan daw ako nagnakaw dahil umalis akong walang pa alam...ung nanay ko Panay bulyaw sa akin... sinagot ko ung instik sabi ko sige po kasuhan niyo po ako... una ano ninakaw ko sa inyo...?

Sinampal ako nang nanay ko...wala daw ako ugali...

Dahil sabi ko sa instik sige kasuhan ninyo ako para naman makita ako na minor pa ako pero inabuso nila dahil para na akong zombie..at kulang sa akin... hayun si intsik takot sila hehe...ang masaklap sa 9 days ko bilang katulong at yaya 90 pesos Lang binayad...sa akin Lang ayaw ko na kunin pero kinuha ng nanay ko...

Di nagtagal pina layas ako ng magulang ko kaya lumayas ako..sa gulang kung 17 yrs old. Marami pong nangyari sa akin...pero pa sikreto ako nagpapabigay ng tulong sa mga kapatid ko.2 yrs ako nagtrabaho at palihim ko pinapabigay sa mga magulang ko.. mahal ko kasi sila.kahit ganun sila sa akin.,

Dumating ung gulang kong 19

Nag asawa na ako..

Ok naman po , kaso mga one year nahuli ko nambabae

Umu wi ako sa Amin

Nag patayo ako bahay kubo

Dahil alam ko na ugali ng asawa ko. Ayaw ko na mag pakasal kahit may anak na kaming isa... pero ayaw ng mga magulang ko kaya kahit civil naikasal kami.pinatawad ko dahil Dina daw ulit...

Makalipas isang taon nambabae nanaman... di magulo ulit.. lahat naranasan ko.emotionally , spiritual at pagkagutom...

Nung buntis ako sa pangatlo

Duon nag lakas loob ako mag hiwalay.dahil Diko na kaya... pang lalait, pang toturture at gutom inabot ko, sobra sobra , pambubug ..

Ang masakit binigyan ng itak ng tatay ko ung asawa ko gusto ako patagain...

Walang wala ako... sobra ung mag isa Lang ako at lahat sila hinusgahan ako...pero pinanindigan ko desistion ko..

Umalis ung asawa ko naiwan sa akin ang dalawang anak ko at ung pinagbubuntis ko...sobrang hirap po halos mabaliw ako...ang daming nangyari sa akin mabuhay ko Lang ang tatlo kung anak...I can say I'm a good mother,lahat ginagawa ko para sa mga anak ko... ayaw ko mangyari sa kanila ang nangyari sa akin... 12 yrs na kaming hiwalay ng asawa ko at never siya nag sustento,, minsan nga gusto ko ipa Erwin tulfo...

Pero ma stress Lang ako

Kaya eto kinakaya ko lahat...

Ay never kung akalain makapag aral pa ako sa sitwasyon ko... now I'm graduate bachelor of public administration last march 2019... diba maganda ang desisyon ko na mag hiwalay,,?nakapagtapos pa ako,, at ung tatlo kung anak ma ayos na ag aaral...nakakaluha pero ito po nangyari sa buhay ko... na ayaw ko mangyari sa mga anak ko,,,☺️