Ang nayon ng inuilaya ay nagkakagulo ngayon at dahil iyon sa asawa ni punong lider ng nayon na si Erifisitimo na ngayon ay nanganganak na hindi isa kundi dalawa at kambal nga ang isisilang ng asawa ni Erifisitimo na si Anastasha
"ano kaya ang kasarian ng anak ni Anastasha?"
"basta pre pag babae yan kaltok ka sa akin!"
"ay nakakainghit naman"
Sabi ng mga tao na nanonood habang isinisilang ni Anastasha ang kambal
At pagkalipas ng ilang minuto ay natagumpayan isilang ni Anastasha ang kambal tuwang-tuwa ang mga tao at mas natutuwa si Erifisitimo naiyak pa nga siya sa tuwa
"binabati kita punong lider Erifisitimo at Anastasha dahil hindi parehas na lalaki o babae ang inyong anak kundi lalake't babae ito" sabi ni Feilia na punong mangagamot ng nayon at itinapat niya ang kaniyang kaliwang kamay sa kambal at nagbanggit ng mahikang pamprotekta sa kambal at pagkatapos bendisyunan ni Feilia ang kambal ay inabot niya ito sa ina ng kambal na si Anastasha.
Tumayo at iniyuko ang kaniyang ulo bago umalis at pagkalabas ay kinuyog siya ng mga tao upang magtanong tungkol sa kambal "lalake't babae po ba siya?,ano po ang pangalan?"
Sinagot naman ito ni Feilia nang maayos "oo lalake't babae siya ngunit hindi ko na layunin na alamin pa ang pangalan ng kambal si punong lider Erifisitimo na lang ang inyong tanungin ukol sa pangalan ng kambal" tumawa at umalis na si Feilia ang mga tao naman ay nagsialisan na upang matulog at hindi magampala ang magasawa sa kanilang oras sa kambal nilang anak.
At nagusap ang magasawa ukol sa kambal nilang anak
"siya nga pala Anastasha ano ba ang ipapangalan natin sa dalawa nating anak?"
natawa si Anastasha at sinagot ang tanong ni Erefisitimo
"mahilig ang magulang ko sa bulalakaw at bituin kaya't Lakaw at Tuin ang ipapangalan ko sa dalawa nating anak"
Napangiti si Erefisitimo at doon na sila nagumpisang maging magulang.