Stasyon

Ylrza's POV

"Oh, ayan tapos na. Ang ganda mo talaga anak! Manang-mana ka nga sa akin,"sabi ng magaling kong ina matapos niya akong itorture kanina. Kung anu-ano ang pinaggagagawa sa akin at kinasabwat pa talaga ang mga katulong namin sa bahay.

Kanina ko pa talagang gusto umalis dahil nakakainis na ang mga ginagawa nila. Ilang beses niya ba akong balak kuhanan ng litrato? Ang sakit na ng mata ko dahil sa flash ng camera.

"Tama na nga po yan! Masakit na sa mata!" pagrereklamo ko sa kanya at buti na nga lang ay tumigil nga siya.

"Ay, sorry anak nadala lang. Ang cute mo kasi at ang gaganda ng mga kuha ko sa'yo. Gusto mo bang makita?" alok niya sabay abot ng camera sa akin.

"No, I'm not interested. Ano? Di pa tayo aalis?" nababagot kong tanong sa kanya.

"Ay, oo nga pala," natataranta niyang sagot tapos pinatong niya muna ang kanyang camera sa sofa, "Yaya, kunin niyo na po yung mga gamit niya sa taas nasa guest room lahat. Salamat," mahinahong utos niya.

"Opo, Ma'am Luri," sagot ng katulong namin.

Palabas na ako ng bahay nang biglang hawakan ni mommy ang braso ko.

"O, san ka naman pupunta?"

"Tsk, tinatanong pa ba yan? Siyempre lalabas ng bahay at sasakay na sa kotse."

"Wala ka man lang bang balak tulungan si yaya?"

"Psh. Bakit ko naman gagawin yun? Para san pang naging katulong siya rito? Kung gusto niyo, kayo ang tumulong sa kanya," bored kong sagot sa walang kwenta niyang tanong.

I saw a sudden shock in her face at hindi na siya nakapagsalita kaya tuluyan na akong lumabas at sumakay na sa backseat.

Maya-maya pa'y dumating na sila at nilagay na ang mga gamit ko sa compartment ng kotse. Pagkatapos ay pumasok na si mommy at tumabi sa akin. Ano na man kayang drama to?

"Anak di ko gusto ang inasal mo kanina ha?" panenermon niya sa akin.

"Matuto kang gumalang sa mga nakakatanda sa'yo. Lahat ng mga ginagawa nating masama ay may consequences. Kaya bilang parusa sa ginawa mo ay hindi ako ang sasama sa iyo at hanggang sa bus station ka lang niya ihahatid para naman maranasan mo ang pagiging commoner," mahaba niyang paliwanag ngunit di ko naman pinakikinggan ang mga sinasabi niya dahil sinuot ko agad ang earphones ko.

"Ylrza, nakikinig ka ba?" medyo pasigaw na may halong inis na tanong na tanong ni Mommy sa akin.

"Opo, nakikinig ako. Gusto niyo ulitin ko pa?"

Ang totoo di ko naman talaga masyadong napakinggan lalo na yung huling niyang sinabi basta ang alam ko di siya ang maghahatid sa akin. Mabuti nga yon para wala ng manggugulo.

"Sige, mag-iingat ka na lang sa byahe mo. I love you. Dadalawin ka na lang namin dun ng daddy mo," sabay halik sa aking pisngi at lumabas na.

Ilang sandali pa matapos lumabas si mommy ay bumukas na ang pinto ng driver's seat at umupo na ang driver namin.

Nung pinaandar niya na ang kotse dun na rin nagsimula ang unang paglalakbay ko.

Matapos ang ilang minuto ay nabagot na ako dahil sa sobrang bagal magmaneho ng matandang driver na to. Makatulog na nga lang.

Hindi ko alam kung anong oras na, pero nagising na lang ako nang biglang pumreno si manong at nauntog ako sa upuang nasa harap ko.

"Aray! Ano ba naman yan manong? Ba't ba bigla na lang kayong huminto?" naiinis kong tanong sa kanya.

"Nandito na po tayo Ma'am!"masigla niyang sagot sa akin.

"Kanina ko pa po kayo ginigising kaso ang himbing ng tulog niyo kaya naisipan kong prumeno nang biglaan para magising na talaga kayo at saka huwag kayong mag-alala nasa labas na po lahat ng gamit niyo," tuloy-tuloy niyang sabi habang nakangiti ng malapad.

"Ganun po ba? Sige bababa na ko. Salamat sa paghatid."

"Teka po Ma'am, pinabibigay po ni Ma'am Luri," sabi niya sabay abot sa kin ng isang envelope.

"Ano naman to?"

" Hindi ko po alam e, basta ang sabi niya ay ibigay ko na lang po sa inyo pagdating natin sa bus station."

"Teka..." parang huminto ang processing ng utak ko.

"What? Nasa bus station tayo ngayon?"

"Opo, di ba sinabi ng mommy niyo?"

Nanginginig ang katawan ko sa sobrang inis kaya hindi ko nalang sinagot ang nakakabwisit niyang tanong.

"E bakit hanggang bus station lang? Pwede bang pakihatid na lang ako sa school namin? Di ko kasi alam kung paano pumunta dun."

Hindi niya rin ako sinagot bagkus bigla na lang siya nagalit. Nasa loob pala ang kulo ng matandang to. Ibang klase.

"Bababa ka ba o hindi? Baka gusto mong kaladkarin pa kita palabas!?" bulyaw niya sa akin.

Wow. Just wow. Ano siya amo? Tsk. Bwisit. Makababa na nga lang. Nagsasayang lang ako ng laway dito at baka ano pang magawa ko sa matandang ito.

"Fine. You don't need to shout. OK? Kalma lang."

"Labas na kasi dami pang arte. Madami pa akong gagawing trabaho!" galit na singhal ng driver sa akin.

Wala na nga akong nagawa kundi ang bumaba na lamang. Padabog kung sinara ang pinto ng kotse sabay sipa rito ngunit ang ikinagulat ko ay bigla na lang pinaharurot ang sasakyan ng bipolar na driver na yun at muntik pa akong matumba.

"ARGGH! Bwisit talaga!"

Di ko na napigilang sumigaw dahil sa inis. Napatingin tuloy lahat ng mga tao sa akin na may halong pagtataka. Psh. Wala akong pakialam sa kanila dahil may mas malaking problema ako ngayon. Anong gagawin ko dito sa bus station?