Alexis' POV
Tok. Tok. Tok.
Gising ako ngunit di ako makagalaw. Bagkus naririnig ko pang may kumakatok sa pintuan.
"Alexis, iha, gumising ka na at nang di ka malate sa klase mo." sabi ng babaeng kumakatok.
"Bubuksan ko na ang pinto ha?"
"Anak, gumising ka na. Ano bang nangyayari sa yo? Naririnig mo ba ako?" natataranta niyang tanong habang ginigising ako.
Ilang sandali pa ay sinampal niya ako ng pagkalakas-lakas. Aray! Teka, parang nangyari na to dati a? It's like a déjà vu.
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at nasilayan ko ang isang nakangising babae.
"Ang sakit na man nun!" singhal ko sa kanya habang hinihimas ang pisngi kong sinampal niya.
"At kelan pa kita naging nanay ha?"inis kong tanong sa kanya.
"Ah, eh, ayaw mo nun? Hahaha. May nanay na ang isang gusgusing batang tulad mo," kinakabahang sagot ni Leanne, roommate ko, habang kinakamot ang kanyang ulo.
"Huwag mo akong simulan. Hindi maganda ang gising ko!" pananakot ko sa kanya na may halong panlilisik ng mata habang tinuturo siya.
"Huhuhu, natatakot ako sobra," sarcastic niyang sagot habang kunwaring nanginginig kaya di ako nakatiis at binato ko siya ng unan.
"Ay, ano ba yan kahit kailan talaga napaka-KJ mo, Alexis. Hmpf. Makaalis na nga," pagmamaktol niya at tuluyan ng lumabas ng aking kwarto.
Ngunit ang pinagtataka ko ay kung bakit parang kanina niya pa pinipigilang tumawa. Ano na naman kaya ang kalokohang ginawa ng isang ito?
Bumangon na ako sabay hikab at pag-unat ng aking mga kamay. Inaantok pa talaga ako. Kainis.
Nakaupo ako ng ako'y mapatingin sa kalendaryo na nakapatong sa study table. Biglang uminit ang aking dugo kaya bigla akong turmayo upang sana'y habulin si Leanne ngunit napahinto ako saglit nang napansin ko ang aking itsura sa harap ng salamin.
Pambihira talaga ang babaeng iyon. Ginawa ba namang sketchbook ang mukha ko. Ang pangit pa ng mga doodles niya. Wala talagang talent ang babaeng iyon pagdating sa Arts. Teka, ano ba tong sinasabi ko? Dapat ay makaisip na agad ako ng paraan upang magantihan siya ah!
"LEEEEANNNNEEEE!!! Humanda ka! Lintik lang ang walang ganti!" I shouted at the top of my lungs dahil sa sobrang inis ko sa babaeng yon.
"Gumising ka na Ylrza."
"Ylrza..."
"Ylrza..."
"Malapit na..."
"Malapit na..."
Bigla akong natigilan nang may mga boses na naman akong naririnig. Akala niyo natatakot ako? Pwe. Mas nangingibabaw pa rin ang inis ko kay Leanne.
"Kung sino ka man. Pwede ba? Huwag ngayon. Wala akong ganang patulan ka. Tsk." inis kong sabi at binalewala na ang mga boses na aking naririnig.
Padabog akong lumabas ng kwarto upang hanapin si Leanne. Kainis talaga siya. Bakit ba niya ako ginising ng maaga e Sabado pala ngayon?
Mukhang nakaalis na talaga siya. Nalibot ko na kasi ang buong dorm sa kakahanap sa kanya at wala akong nakita kahit anino niya. Makaligo na nga lang at nang malamigan kahit papaano tong ulo ko.
Pagkatapos kung maligo ay kumain na ako dahil sa kanina pa pala kumukulo ang aking tiyan nang di ko napapansin dahil sa kakahanap ko kay Leanne.
Mabuti na lang ay ipinagluto niya pala ako ng agahan kaya medyo nabawasan ang inis ko sa kanya. Pagkain lang talaga ang katapat ko. Ang sarap kasi ng mga luto ni Leanne e. Ngayon naman ay pinupuri ko na siya dahil sa pagkain? Ano ba naman yan.
Ako nga pala si Alexis Leonhart, 16 yrs old, matalino at misteryoso sabi nila. Maganda rin daw ako sabi ulit nila. I'm 5'6 in height. I have curly long brown hair with a fair complexion.
Leanne is my roommate and my only friend in school. Maganda siya pero maarte sabi nila. Hindi ko siya sinisiraan dahil yun talaga ang sabi nila. Childish at bipolar din siya sabi ulit nila. She's also 16 and has a white complexion parang si Snow White. Mahaba ang sobrang itim at tuwid na buhok niya. 5'4 ang height niya kaya medyo matangkad ako ng konti sa kanya.
Her full name is Maria Leanne Sye Stanford. Tunog mayaman ang kanyang apelido. Mayaman naman talaga yun, as in sobrang yaman kaya maarte. Isa pang ayaw nila sa kanya ay mahilig ito sa mga pranks gaya na lang ng ginawa niya sa akin. Naalala ko naman tuloy yung kalokohan niya kaya naiinis na naman ako. Dapat talaga makaganti na ako sa babaeng yun.
Teka, ngayon ko lang napansin na ako lang pala mag-isa dito sa dorm. Nasaan na kaya silang lahat? Hmm.