"Humanda!" agad umayos ng tayo si Alex ng marinig ang command ni Officer Laurentt. Hindi nga alam ng dalaga kung bakit siya nasama sa kalokohang training na 'to. Kung hindi lang talaga siguro dating officer si Kim, ang kanyang natitipuhan ay malamang hindi siya magkakainteres dito. Totoo nga ang sinasabi ng iba na kapag inlove ka papasokin mo kahit di mo sigurado.
"Private De Silva, mamamatay ka sa laban pag hindi ka nagfocus dito. Mamaya mo na isipin kung ano mang iniisip mo" Nagpinting ang kanyang tenga sa narinig mula sa officer niya. 'Pasalamat ka Laurentt officer ka, pasalamat ka rin na takot akong mapatawan mo ng punishment.' nasabi niya nalang sa isip niya.
"Okay, tiwalag" command ni Akisha, pinagpahinga muna niya ang kanyang mga hawak na privates dahil kahit hindi niya aminin ay nararamdaman na niya ang sakit ng katawan at pagod. Ilang oras narin ang training at mainit pa dahil tirik ang araw.
"buti nalang kay ate Akisha tayo nabigay, hindi niya inaabuso ang mga trainees niya." -Hazel
"oo nga! tignan niyo naman yang iba halos dalawang oras na tayo sa field wala pang silang break maski water break lang" -Mj
"mabait talaga yang si Ate Akisha, idol ko yan e" -Lina
"mabait na siya sa lagay na yon? pinahiya nga ako kanina e." reklamo ni Alex, kabaliktaran nga naman ang nangyari sa kanya kanina sa mga papuri ng kasama niya.
"pero aminin mo kahit ganun siya kanina, hindi ka nahirapan sa pagtrain niya satin" sagot ni Amy, tumango siya, totoo namang hindi niya sila pinahirapan. Pag may konting pagkakamali man ay pinapaulit nalang niya na walang reklamo hindi tulad ng ibang officers na pag hindi nagsasabay o nagkakamali ang hawak nila punishment agad ang katapat.
"aamin ka lang naman di naman sinabi ni Amy na titigan mo si Ate Akisha ng may meaning kagaya ng ginagawa mo ngayon" sabay silang lima sa pagtukso sa dalaga.
"hoyy wala akong gusto sa kanya ha, kay Kim lang 'to" nagkatinginan sila bago nagsalita si Amy.
"Wala naman kaming sinabing gusto mo siya" tumawa siya "tsaka kahit may gusto ka sa kanya, mahihirapan ka"
"ha? bakit?" biglang naging curious si Alex sa narinig niya.
"at bakit ka rin interesado?" panunukso ni Lina "konting payo lang bestfriend, kung may gusto ka kay Ate Akisha kalimutan mo na yan kase talagang mahihirapan ka hindi nga siya nagkakagusto sa lalaki, sa babae pa kaya?" ang ibig sabihin straight siya at hindi pa nagkakagusto sa lalaki ang magandang officer.
"eh ano naman ngayon gaya nga ng sinabi ko, kay Kim lang ako" sabay tayo niya at naglakad pabalik sa pwesto nila kanina, dalawang minuto nalang bago matapos ang ten minute break.
"Kay Kim ka nga, hindi naman siya sayo" hindi na lang niya pinansin yon dahil alam niyang mas tutuksuhin siya ng mga kaibigan at talaga namang masakit ang sinabi nila dahil alam niyang walang gusto sa kanya ang taong gusto niya.
"Okay ba ang nga hawak mo?" tanong ni Officer Rosario kay Akisha siya ang battallion.
"They're fast, hindi ko na nga alam kung anong ipapagawa ko" halata sa pananalita ni Akisah ang kawalang galang pero hindi naman yun kabastosan dahil hinahayaan nila si Akisha na ganun, siya kase ang pinakabata sa barkada pero pinasikat.
"Sige pabalikin ko lang si Officer Rabang, makakapagpahinga kana rin" Tumango nalang siya, ng nagbreak kase ang nga trainees na kinabibilangan ni private De Silva, hinawakan niya ang trainees ni Officer Rabang.
"Permission to join, sir" sabay salute ng lima sa harap, tumango lang siya, bale thirteen na privates na ang hawak niya.
"Marching tayo ngayon, kayong lahat magkakaroon ng chance na ilead ang pulutong. Private De Silva, proceed" bumilog ang mga mata niya ng lahat ng kasama niya ay tumingin sa kanya.
"Bakit ako sir?"
"Are you not able to lead your co-privates? Isang malaking bawas 'yan sa points mo if tinanggihan mo. Remember you're in a training at wala kang right na iquestion ang officer mo" pinipilit niyang maging strikto sa kanila para hindi nila samantalahin ang pagiging mabait ng officer.
"pero, nahihiya po ako at hindi ko naman ginustong sumali dito" pagod na masiyado para magsalita ang officer kaya tinitigan na lamang niya ang private dahilan para magmaktol si Alex at imbes na pumunta sa harap ni Akisha ay naglakad siya palayo.
"Private De Silva remain!" dinig ng lahat ang boses ni Bryan, ang battallion. "Officer Laurentt what's the problem?" pero imbes na sagotin siya ay nanatiling matalim ang tingin ni Akisha sa pasaway na private. Walang nagawa si Bryan kundi kay De Silva tanungin ang problema.
Nagiging mabait siya sa privates niya para mas lalo silang magkainteres sa training hindi para suwayin ng isa lang.
"I'm taking a break, pag nagcommand si officer Rabang lumapit kayo kaagad. Tiwalag" walang gana niyang command sa mga natitirang privates sa harapan niya. Agad siyang tumalikod at naglakad papunta sa shed upang makaupo at magmeryenda. Mawawala naman siguro ang init ng ulo niya sa panonood sa ibang trainees.
After awhile, lumapit sina Rafi at Rica mga pinsan niya na officer din.
"pansin namin yun kanina first time na may maglakas loob na tumanggi sayo" sabi ni Rafi sabay alok sa kinakain niyang fishball.
"Ganyan na Ganyan kami ni Alexa dati e" sabi naman ni Rica. Nagkatinginan sina Rafi at Akisha sa kanya kase may halo pang kilig ang pagkakasabi niya non.
"hoy Rics, malabo yang iniisip mo. Eh alam mo namang hindi yan nagkakagusto sa lalaki, sa babae pag kaya? Ni isa kila Don, Michael at Bryan na ex niya walang kasiguraduhan kung may pag-asa"
"kaya happy ka? Kase alam mong di magugustuhan ni Aki ang crush mong si Don?" alam ni Akisha na may gusto ang pinsan niyang si Rafi kay Don na since 2nd year high school ay nanliligaw na sakanya. Bago pa siya intrigahin ng dalawa ay niyaya na niya ang mga ito sa field.
Lumapit siya kay Officer Rabang, hindi nakaligtas sa mata ni Akisha ang pasaway na private nandun na ulit siya sa pwesto niya.
"Kukuha ako ng lima" tumango si Neil.
"Privates Andres, Antonio, Raquiza, Bardoquillo at Rabang move" kinuha ni Akisha yung apat at kumuha ng isang lalaki na kapalit ni De Silva.
"Bakit hindi mo ako kinuha?" this is the second time na pinagtaasan niya ng boses ang kanyang officer, nakaramdam ng hiya ang dalaga para sa sarili niya. Iisipin ng ibang privates na kayang-kaya nilang maliitin ang mga officers nila pag hinayaan ni Akisha ang isang to.
"Hindi ko kailangan ng isang hindi marunong makinig. May attitude ka, hindi ka makakapasok kung ganyan" naglakad siya palayo at sumunod ang mga itetrain niyang privates.
"AYAW MO SAKIN?! edi wag, kala mo naman sinong magaling magturo" agad tumingin sa kinaroroonan niya si Akisha, bumilog ang kamao nito. Tumingin nalang siya kay Neil at binigyan ng senyales.
"Private De Silva give me four weeks. Down!" nag-alangan pa siya at tumingin kay Akisha. "Do or quit!" sabi ulit ni Neil.
"Do sir!" at agad niyang ginawa ang punishment. Nagfocus nalang siya sa hawak niyang privates at hindi na pinansin pa ang pasaway na yon.