>Kreiss POV<
"Ano?" sagot ko sa tumawag sa akin na si Veon. Tumawag siya. Siyempre natatawagan niya ako dahil tinawag ko siya at ang number ko na nasa call history niya na. Nalaman ko ang number niya from someone in their class that I know.
"Pupunta na ako diyan." Sabi niya sa akin at napatawa ako.
"Bakit ngayon pa?" mapangasar kong sabi sa kanya at napatawa nanaman ako.
"Nasaan na si Sheloah?" tanong niya at napangiti ako. Ano kayang gagawin niya?
"Nakakulong sa kwarto. Hindi ko pinapalabas." Pagsisinungaling ko sa kanya at napasigaw siya sa telepono.
"'Wag mong saktan si Sheloah!" sigaw niya at napatawa ako.
"Kung hindi ka pupunta rito, wala na siya. Akin na siya." Sagot ko sa kanya at binaba ko yung tawag at agad kong itong pinatay para hindi niya ako matawag.
Sumandal ako sa kitchen counter at napapatawa nanaman ako dahil sa ginawa ko. Wala talaga akong balak saktan si Sheloah. Nung una lang para makidnap ko siya. May gusto lang kasi akong mapatunayan.
Hinawakan ko yung kutsilyo at hinawakan ko yung tip nito. "Sige nga, Veon. Tingnan ko…" I trailed off at ngumiti ako ng masama.
"Kung mahal mo si Sheloah… tulad ng pagmamahal ko sa kanya."