Prologue

May mga alaala ka ba sa buhay mo na gustong gusto mong balikan? na gagawin mo lahat para maramdaman ulit ang saya kahit sa ilang minuto lamang. Magawa ang mga bagay na sana ginawa mo nung mga panahon na yon, at higit sa lahat ginusto mo rin bang bumalik sa nakaraan para makasama ulit ang taong labis mong minahal?

Nakahiga ngayon sa kanyang kama si Kiteng tanaw ang kanyang mababang kisame. Hanggang ngayon di parin siya makapaniwala sa nangyayare sa buhay niya. Isang buwan na ang nakaraan matapos bawian ng buhay ang kanyang nobyo. Chronic Kidney failure ang naging sanhi ng pagkamatay neto. Isang buwan na ang lumipas pero di parin nagsasalita si kiteng. Mas bumuti na nga ang kalagayan neto dahil nung una nang malaman na namatay ang kanyang nobyo wala siyang tigil sa pag iyak. Walang tigil sa pag iyak nang walang tunog. Pigil na pigil ang bawat hikbi. Maga ang mata at nanginginig na katawan. Hanggang kailan kaya magiging ganito ang sitwasyon ni kiteng? Hanggang kailan bago niya matanggap ang pagkamatay ng nobyo niya?