Chapter 11: The Prophecy, Ahri's Body.
Nasa malawak na guest room sina Alux at kasama sina Jane at Lanna.
"bro. Tiyak agad nilang ipapatawag si Master Baline-----"
Natigil sila dahil dumating ang limang elders mula sa pintuan at kasunod ang dalawang papasok na sina Micos at Baline.
Yumuko sina Alux at Cho. At ganun din sina Jane at Lanna.
Lumingon si Baline sa dalawa at, nanlaki ang kanyang mga mata, tila nawala na ang kanyang kalmadong hitsura. na agad namang napalitan ito ng galak at hindi makapaniwala.
Agad lumapit si Baline at idinikit ang kanyang hintuturo sa noo ni Jane,
.
.
.
ilang sandali ay ganun din kay Lanna.
"isang Twin stars. ----Isang twin stars ha-ha ha ha ha. Bukas na bukas ang kanilang mga meridians, at isa pa maluwang ang mga ito kumpara sa mga nagcucultivate sa lampas na level ng Epic stages."
Sa unang pagkakataon nila marinig ang malakas na pagtawa ng isang Saint stage cultivator na may halong takot na sadyang kakaiba naman sa kanilang lahat.
.
.
Nagtinginan sina Jane at Lanna.
.
.
.
(Meridians/Qi-Veins daluyan ng energy)
.
"ahm, great grandma, ano po ang Twin stars?".
Agad naitanong ni Jane na tila naguguluhan.
"nasa prophecy ang tungkol sa pagsilang ng twin stars. Ibig sabihin kayo ang magiging liwanag sa nalalapit na Dark Age ng mundong ito-----pero, mukhang hindi pa kayu nakatapak sa pagiging Master stage"
Lumingon si Baline sa Headmaster na si Micos.
"nakahanda na po ang mga top tier Qi gathering pills, para sa kanila. At ang Dragon pills"
Yumuko naman si Micos kay Baline.
Nagtinginan naman sina Alux at Cho sa kanilang narinig.
'Bro!!, mga prestigious items na para lang sa mga top Geniuses ng White ice Sect. At ibibigay ito sa kanilang dalawa! '
Sabi naman sa mental message ni Alux kay Cho.
.
.
.
Sa mga sandaling iyon Nag usap-usap sila at tinanong ni Baline sa dalawa ang buong pangyayari at bakit sila binigyan ng isang Saint Stage expert ng ganung mga Cultivation techniques at ma u-unlock lang ang mga ito kapag nakatapak na sila sa Master stage.
.
-----
.
Matapos ang kanilang pag-uusap ay nagpaalam na sina Jane at Lanna hawak nila ang tig dalawang kahon na gawa sa purple gold. (parang pencil case lang ang laki)
"Master, bat hinayaan mo silang mag-cultivate sa labas. Mas ligtas sila dito".
Tanong ni Micos.
"He he, curious ako sa maaaring mangyari. Dahil ang kompletong nakasaad sa prophecy tungkol sa twin stars, ay naka focus sa iisang tagapagligtas----at ito ay walang iba kundi ang mapipiling magiging lalake ng dalawang twin stars----ang poison king".
Napangiti ito at napatingin sa kaulapan.
'mukhang narito sya----'
.
.
.
Zzzzzziiiiiiiirrrrrggghhhhhhh!!! (sonic boom)
May paparating mula sa maulap na kalangitan sa itaas ng white ice sect.
Nakapulang Ruby gothic Robe ang tila pabagsak mula sa itaas.
Whhhaaaammmm!!! (wave impact)
"ipag paumanhin mo ang biglaan kong pagdating, he he he."
Ito ay babaeng hindi lalayu sa aura ni Baline at may ruby eyes (cornea) at lalong makikitang may kahawig ito at iyon ay walang iba kundi si Ruby.
"tsk, napadalaw ka Reign Rose. Mukhang tahimik parin ang iyong Sect sa mga nagdaang panahon."
Sabi ni Baline. At may kalmadong expression sa mukha.
*Reign Rose: Age 989, may hitsurang nasa edad na 25, long Ruby Hair, Hot and tempting gaze, Reddish eyes (cornea). Total Hotbabe, 5'7"*
's-sya! Ang Tinatawag na Bloody Calamity!, ang kilalang Queen of Swords!, Reign Rose'.
Nanghihina mga tuhod ni Micos dahil sa Baleful Aura na pumapalibot kay Reign.
"mukhang kasama mo ang dalawa kanina. Nalaman ko kasi na dumating na ang takdang panahon para isakatuparan ang Alliance ng limang sects".
Ngumiti si Reign kay Micos.
"Micos, maaari ka ng umalis. May pag-uusapan kaming dalawa".
Utos nito kay Micos na halatang pinipilit lang nitong makatayo ng maayos sa mga sandaling iyon.
"masusunod master".
Yumuko at agad pumasok ito sa Main door.
.
.
.
"asan ang kapatid mo, ang tatlo, at dalawang BattleFreaks mula sa organization na yun?".
Naitanong ni Baline habang lumutang silang pareho sa ere at tila pataas pa sila ng pataas 2kFt, 3kFt, -----
"si Sis, ay hundi pa lumalabas sa kanyang Sect. At mukhang wala parin syang planong tumigil sa pag Cucultivate. he he he. Mukhang hindi magtatagal darating din ang tatlo sa Saint peak pavilion."
Sagot naman nya.
Wwwwoooooosssshhhh!!! (air Waves)
Bumilis pa ang kanilang pag-angat sa kalangitan.
10kft,
.
.
.
20kft,
.
.
.
30kFt---------
.
.
.
100kFt, .
.
.
.
200kFt.
Sa isang pavilion na nakalutang sa himpapawid at hindi ito lumilipat ng lugar o hindi ito gumagalaw.
"mukhang andito na sila----"
Sabi naman ni Reign.
Wwooooossshhh!!! (3x) (air pulses)
"yoowww!!, Long time-- long time--- long time no kiss Bab------e!! "
Isang lalakeng medyo india/ american ang hitsura at kulay.
"tsk!, lumayo ka saken Satsune!, kung hindi ----makakatikim ka ng ilang hiwa sa leeg mula sa Blood rebellion ko! "
.
.
Wuuuuunnngghhhhh!! (baleful glow)
.
.
Lumabas na tila nabuo sa bloody particles ang isang long sword na may mga nakaukit na bloody runes at bloody eye symbols na hawak ngayun ni Reign.
*Satsune Deca: Age 3000-or more, oldest of the Saint Group, nagmumukhang nasa edad na 25, Brown Skinned, golden spikey hair, bluish fiery eyes (corneas). Not bulky body (Marathonist body build), 6'2"*
"ha ha ha. Ngayun lang ulit kayo nagkita, ganyan kaagad kayo ka sweet."
Sabi naman ng isang babaeng may rosal attire na kimono at nakangiti ito kay Satsune.
*MinJane Soon: Age 1005, may hitsurang nasa edad na 28, long black inky hair, dark brown eyes (corneas), flawless legs este---flawless beauty na katulad nina Baline at Reign, 5'6".*
.
.
.
Wwhhhuiiirrrllll!!
.
.
"Big Sis, ang bilis mo parin tulad nung dati. nauna ka nanaman dumating dito sa Saint Peak Pavilion!".
Sabi ng nahuling dumating sa tatlo. Kakambal ito ni MinJane na lalake.
*BaeDuk Soon: Age 1003, may hitsurang nasa edad na 28, gray bangs hair, (nakatakip ang bangs sa mga mata), mapayat sya ng konti sa katawan ni Satsune. 6'2"*
"Bro BD!, long time no---- Battle trainings. he he he."
Agad namang umakbay si Satsune kay BaeDuk.
"ok, ok. Tara na sa loob at maumpisahan na natin ang meeting. hmmmfp. Tiyak nahuli na tayo sa mga iba pang Alliance team sa ibang mga kontinente at mga bansa----".
Singit naman ni MinJane na tila pouty lips itong umiwas ng tingin kay Satsune.
Sang-ayon naman sina Baline at Reign sa sinabi nya.
Bago pa man sila makapasok sa lagusan ng Pavilion ay naramdaman nila ang isang papalapit na Saint Stage Expert.
'Guys, hindi Familiar sakin ang Aura----at lalong hindi ito galing sa naramdaman natin kahapon----'
Sabi ni Baline.
Pero lumingon sila kay Satsune na tila sumeryoso ang hitsura nito. At agad pumaharap sa kanilang grupo.
Whhhhaaaammm!!! (air waves)
Isang lalakeng may hiwa sa noo ang dumating. At may hawak itong Wooden staff.
"long time no see, Sir Satsune. Mukhang---- Nalalapit na ang takdang panahon. At tila nakahanda narin kayong mga tao. He He he he. buweno naparito ako upang magbigay banta sa nalalapit na digmaang pandaigdig. Wag kayong aapak sa Central Demon Kingdom sa pinaka South ng MagicBeast lands----- alam ko alam mo kung anong ibig sabihin nito---- Satsune. Old invasion days are going to happen again".
Lumingon Ito kay Satsune.
"alam ko, mukhang hindi lang tayo ang mapapasabak sa digmaan sa panahong ito Dragonel".
Sabi naman ni Satsune. Na may kunot sa noo nito.
"kung gayon tapos na ang misyon ko dito. Maaari naba akong umalis? Kailangan ko pang magtungo sa ibang kontinente eh---"
Yumuko ito sa harapan nilang lahat na tila nagbibigay galang sa kanila.
"sige. Maaari ka ng umalis."
Sabi naman ni Satsune.
Agad namang umalis patungong hilaga ang lalakeng iyon.
"Satsune, ano ang tinutukoy nya. At mukhang ikaw lang ang nakakakilala sa kanya. Anong ibig sabihin ng, hindi lang tayo ang mapapasabak sa digmaan? "
Tanong ni Baline. At lumingon ito sa iba at mukhang ganun din silang lahat wala din silang alam tungkol dun.
Wwwoooooossshhh!!! (3x) (air waves)
Dumating naman ang tatlong anyo sa kalagitnaan ng pagtatanong ni Baline.
"Sis, hindi mo ako ginising. At sinu yung dumating kanina. Tila nanggaling ito sa norte".
Sabi ng tila kaparehang anyo ni Reign, pero hindi sila masyado magkamukha.
*Guya Rose: katulad lang ni Reign, maliban sa hitsura. Pero napaka-ganda parin nya (kakambal sa katawan)*
"tsk. Hinayaan nyo ang isang Beast na makatungtong dito?! ----si Dragonel yun diba pareng Satsune, ano pakay nya para bumisita ulit dito pagkatapos ng unang Old invasion war".
Sabi ng isang lalake. Na tila nakapikit ito.
*Dante Baron: Age 3000- or more, (masasabing mas bata konti ng ilang taon kay Satsune), may hitsurang nasa edad na 29, black long hair, Blind eyed, 6'3"*
At ang tahimik na katabi ni Dante ay ang tila Assistant nito.
*Haruka Mine: Age 200, tila nasa edad na 25, slight purple short hair, dark brown eyes, 5'7", (shes gloomy yet beauty)*.
*ayan na guys, nagsama na ang mga kilalang Saints Stage sa kontinenteng SkyFlame. Pero madami paring secrets na hindi muna mabubunyag sa ngayun. Meeting lang yan patungkol sa Prophecy----at sa twin stars. At isa pa may ibabahagi si Satsune sa parteng ito tungkol sa ilan pang mga hidden Saint stage cultivators na hindi lumitaw sa mundo ng mas matagal pang panahon*.
Nagtungo na sila sa loob at magpapaliwanag si Satsune tungkol sa binanggit ni Dragonel.
(ang pavilion ay isang extra crafted Dimensional item, kumbaga may sarili itong space sa loob na maaaring mapalawak or mapalaki at hindi angkop sa anyo nito sa labas. At kakailanganin ng isang Saint stages upang magawan ito ng Dimensional expansion Control)
Nasa pahabang lamesa sila na gawa sa purple gold. At masasabing ang pagkaka detalye ng mga nakaukit sa bawat paa at sa mismong lamesa ay nagsasaad sa isang matinding labanan na nangyari sa nakaraang Unang digmaang pang-daigdig. (those horned humanoid beings)
Ikwinento na ni Satsune ang katotohanan tungkol sa unang digmaang pandaigdig. Pero hindi ang tungkol sa old invasion at mukhang hindi pa sya handang ikwento ito.
"------what!!??, hindi mga tao ang tumalo sa great Kings ng Magical beasts??, ibig bang sabihin may iba pang sumali sa labanang iyon?! At ang kwento mo ay ang ika 6,530th na digmaan----you mean may mga nauna pang digmaan?!".
Napatayo si Reign. Na tila ayaw maniwala sa ibinunyag ni Satsune.
"calm down!, sis. Alam naman natin kung nagloloko si Satsune o hindi. Dahil alam nating hindi ito ang oras para makipagbiruan---- lalo na at napapalapit na ang araw ng susunod na digmaan".
Singit naman ni Guya upang mapakalma si Reign.
"hayst, heto na ngaba ang sinasabi ko. Ibig sabihin HOAX lahat ng mga itinuro saatin simula pa nuon hanggang sa mga henerasyon ng mga kabataan ngayon. At masasabing mas matagal na palang labanan itong kinasasangkutan natin----".
Huminga ng malalim si BaeDuk. At nalala nito ang old war days noon.
"maliban sa tagal o dami ng digmaang pandaigdig na naganap---- so ibig sabihin, yung mga isla sa bandang South seas, kung saan may namumuno sa mga islang ito ---at doon sa sinasabi mong mga naunang mamamayan dito sa mundong ito bago pa man nagdatingan ang ating mga ninuno----At sa mga itinuro nila sayo sa henerasyon nyo ay napag-alaman ninyong nagtagal na ang mga ito dito sa mundo ng halos isang Kalpa(eons) na ang nakalilipas?? ".
Napalingon si Satsune. Dahil sa sinabi ni Baline na tila pinipilit kumalma.
"oo, tama ka. Ang mga islang ito ay tinatawag na Fractured lands nung una(eons ago). Hindi ito pinansin ng mga nagdaang mga Kings(Deity). At sa katunayan may pwersa sa mga islang ito na humaharang sa sino mang lumalapit dito-----at ng matapos ang huling digmaan, ilan sa mga nasa islang mga ito ay nag-umpisang gumawa ng sariling boundaries at lupain sa South lands ng magical beast. At masasabing nasa norte naman natin ang pagitan ng dalawang boundaries na ito."
Pagpapaliwanag ni Satsune. At may hindi nanaman ito nabanggit.
"then, Satsune, sa tingin mo oras naba para imbitahin ang mga nananahimik na mga Ancient Deities? Maaaring may mga peak stage na sa kanila ngayon o masasabing nasa level 1 na sila ng Kakaibang realm na iyon----"
Tanung ni Baron. At napahawak ito sa kamay ni Haruka. Halatang hindi Saint stage ang katulad nila na nasa Pavilion peak.
.
(maaaring suppressed lang ang kanilang tunay na Stage-----maaari ding kabilang din sila sa mga Deities/Sage saints)
"Ancient ones?, mga Nagtatago at nag Cucultivate para makalagpas sa Stage ng pagiging Tao at makakapasok sa mas mataas pang stage----ang stage na Deity, maaaring meron at maaaring wala parin nakatapak sa stage lampas nun sa ngayon---ang alam kong may Deity stage experts tulad natin ay ang kontinenteng BlueOcean, SparrowSong, PurpleMoon, BitterTree at ilan lang sa DragonNest. At sa pitong kontinente nating mga tao Ang SkyFlame at kontinenteng DarkinBlaze ang walang Deity representative na Hidden".
Bulgar naman ni Satsune. Na tila may naalala itong mapait na nakaraan. Pero base sa expression nya, lihim parin ang kanilang Stage levels sa mundo. Masasabing nag hahanda sila sa maaaring mangyari sa hinaharap.
*cant you picture the whole worldmap, just imagine it. kaso sadyang napakalawak nga talaga ng mundo. he he he. very detailed dito sa isipan ko baka ma bored pa kayo kapag nag explain pa ako ng mas mahaba. He he he*
.
(sa totoo lang brad, mahirap talaga iguhit ang buong mundo na iyan, almost 90% unsure sila sa kanilang natutuklasan sa bawat paglakbay nila sa ibat ibang lupain. At lalo na sa mysteries ng karagatan at underground ancient ruins).
.
-----
Sa Trock city, kung saan sa loob ng condo ni Chris. Nasa tabi naman nito si Ahri.
'Limang araw na syang ganito, ----ang sabi nya mental cultivation lang tsk.'
Tila bored na si Ahri para sorpresahin si Chris. Na may katawan na sya.
-----
Sa isipan naman ni Chris ay may mga scenes na naglalaro at palipat lipat at may mga dramatic scenes at may mga bloody scenes kung saan nasa lupain sya ng mga tila malalakas na nilalang.
.
Sa isang suntok nito ay maguguho ang mga bundok, sa isang tadyak naman ay makakabuo ng malalalim na butas, at madami pang iba. At lalo pa ang kanyang anyo ay naligo sya sa dugo ng mga may mala dyos na kapangyarihan na kanyang pinaslang.
.
-----
.
Namulat ang mga mata ni Chris sa kanyang pag-memeditate.
.
Umilaw ng black/purple ang kanyang dalawang Spark na pumapalibot sa kanya.
.
"gising ka na ----at mukhang nasa Advance:level5 na ang Qi Cultivation mo. He he he."
Sabi ni Ahri. At may fierce arc ang mga kilay nito at nakabaling ng seducing smile kay Chris.
.
"ah eh??!, si-sino ka!!!? ".
Agad tumalon palikod si Chris at nahulog sya sa kama, nauna ang kanyang ulo na tumama sa sahig.
.
"ako si Ahri. At---- may katawan na ako! Oh diba. Ang ganda ko. he he he. Ahem!, may importante tayong pag-uusapan tungkol ito sa pagbabalik ko sa isang katawang mortal."
Lumapit naman si Ahri at pumatong agad sa nagbabadyang tumakas na si Chris.
.
"umalis ka sa ibabaw ko!!----"
Pinigilan ng isang daliri ni Ahri ang bibig ni Chris na magsalita.
.
"sushh!!, makinig kang mabuti, ikaw parin ang boss sa atin ---base sa contract. Ngunit maaari kitang hawakan. At isa pa. he he he. I have higher Stage than you. he he he he."
Nilabas nito ang dila at ipinamukha kay Chris.
.
"ahm. Hindi ba pwedeng lumayo yang mukha mo sa mukha ko? Ahri. Masyado kang malapit eh. At isa pa----- bat kung saan saan ka pumapatong!!!"
Namula ang mukha ni Chris na tila something is not right. (hard on)
.
.
.
"ah ganun ba. Cherry boy ka pala. Tsk. Ok heto na---aalis na sa patong mo"
Ngumiti ng nakakaloko si Ahri kay Chris.
.
Naupo si Ahri sa higaan. At bumangon naman si Chris.
.
"so pano ka naka-----"
Naputol nanaman ang sasabihin ni Chris ng tinakpan nanaman ng daliri ni Ahri ang kanyang bibig.
.
"ssuuushh!, let me explain. -------(story) ganun ang nangyari. he he he."
Kumindat naman si Ahri kay Chris.
.
"tsk. Sabing wag mo silang pake alaman. Tutal nabigyan mo na sila ng tamang Cultivation techniques. ---Kung ganun ang susunod ay sina Ruby, Vera, Blana at Lucas. Maaaring dalawa sa kanila ang dapat piliin ko para bigyan ng Cultivation Technique or lahat nalang sila na may limit sa Deity stage"
Nag isip ng malalim si Chris. Tila hinahanapan nya ng tamang cultivation techniques ang mga kasamahan nya.
.
"so plano mo bumuo ng mga kasama hanggat maaga pa---- ganun ba?, plano mo din silang dalhin sa nakakataas na realm---- mukhang hindi ka nga normal sa nakaraan mong buhay".
Hindi parin alam ni Ahri ang tunay na Chris sa Nakalipas nitong buhay.
.
"may 100 taon pa, para makapaghanda, bago natin pasukin ang portal patungo sa higher realm. Tiyak akong nasa Sage Saint na kami pagdating ng mga oras na iyon".
Tila may confidence si Chris na mangyayari ito sa loob lang ng 5 taon. Hanggat walang sagabal sa kanila ay maaaring mangyari ito.
.
"wwweeew, kung sa dati kong realm, inaabot na ito ng 100 taon. 500 taon pa kapag sa inyong mga narito sa lower World---tsk----"
Ayaw maniwala ni Ahri, sa mala panaginip na ambisyon ni Chris. Pero naalala nyang nasa mundo sya ng lower worlds.
.
"wag mong kalilimutan, isa din akong Alchemist. Ha ha ha. Pills are something you can't Make, by using only gold".
Tila pagtitibay naman ni Chris sa resolusyon nyang mangyayari ang posible. (pills?, ohh i get it-----)
.
-----
.
Nagpaalam si Lanna sa kanyang ama na si Alux, sa tito Cho nya at kay Bien.
.
"couz, mag iingat ka lagi."
Yumakap si Bien kay Lanna.
.
"oo syempre. Kasama ko naman si Sis."
Sabi nito at lumingon ulit sa kanyang ama.
.
Matapos nun ay umalis na sina Lanna at Jane sakay ng Ice Falcon.
.
Patungo sila sa west.
.
-----
.
-5 months later-
.
Ikatlong buwan na ng pasukan. At busy ang lahat sa Fighting drill sa isang enchanted forest kung saan napipili lang ang mga halimaw na makakapasok sa Magic-Array ng gubat na ito.
.
*magic arrays, may ibat ibang klaseng gamit ang mga ito. Maaaring Defensive type, magic type, Offensive type at Teleportal type etc etc. Ganun yun. Meron ding Trap types. He he he*.
.
"bat kaya wala parin si Chris?"
Natanong ni Jane at katabi nito si Lanna.
.
"yung mokong na iyon!, sya pa pinagyayabang ng kaibigan mong si Lucas. At tinawag pang pinaka matalino sa strategy. At ngayon ikatlong buwan na at wala parin sya!!! ".
Sabi naman ni Lanna na may tagong galit kay Chris. Halatang traumatic ito sa ginawa sa kanya ni Chris noon.
(silip pa more kasi idol)
.
"chillax guys, busy tayo sa Beast waves. Ika limang wave palang ito ng mga three eyed Sabretooths".
Si Ahri ang pinaka sentro ng grupo o masasabing Captain.
.
Si Ahri at Lanna ay sabay na nag enroll sa eskwelahan at pareha-ding napunta sa elite section ng mga Grade 11, at ang priority at layunin ng Grade 11, ay fighting capabilities at enhanced Qi Fighting skills para sa mga estudyante.
(paalala Qi ay energy mula sa nature)
.
Si Lucas ay nakipag kita kay Chris nung unang araw ng pasukan, at ganun din kay Box.
.
Laking gulat nina Lucas at Box sa ipinamahagi sa kanila ni Chris. Dalawang klaseng Cultivation techniques, at mas nag-iba ang ugali ni Box ng matanggap nya ang tila regalo mula sa isang enemy.
(enemy for today, a better comrade for tomorrow)
.
Mas naging mabagsik si Box sa tuwing magkakaroon sya ng Insight sa kanyang bagong natanggap na Cultivation technique mula kay Chris.
.
'mukhang, gusto nya akong palakasin para maging kasama nya sa ano mang labanan. He he he. Masasabing mabuti din pala sya bilang kaibigan. At nakakatakot naman bilang kalaban. '
Napangiti si Box at nagpatuloy din ang grupo nito sa pag pigil sa beast waves.
.
Napansin naman ni Lucas ang pagbabago din sa kanyang lakas at Qi Fighting skills.
.
'hayst. Saan kaya nya napulot ang Cultivation Techniques na ibinigay nya samin. Hindi naman nya siguro ito ninakaw sa isang Saint stage expert? ----'
Curious naman si Lucas. At hindi na nya ito inisip pa at pinagpatuloy nalang ang pag support kina Jane.
.
Si Blana ay nakakasabay din sa kanilang lahat kahit napapansin nyang araw araw ay bumibilis ang Qi gathering ng kanyang ka grupo.
.
'anyare kaya sa kanila. At tila ganado silang lumaban? ----oh well. better not be a slacker'.
Sumunod din si Blana labanan.
.
-----
.
Si Chris ay tila naglakbay patungo sa matatayog na bundukin ng North leek (dating ancient city ng Buruma). Limang milya ang layo nito sa labas ng Forbidden wall.
.
Mahabang buhok, nakahubad na pang-itaas, nakapaa lang ito At tanging pants lang ang suot sa katawan. At no eyeglasses face.
.
'dito na nga yun-----'.
Tila may sinusundan syang green line na Qi.
.
At nagmumula ito sa Blackring este copper ring, ---pagpapalit anyo nito.
(iwas sa mga greedy eyes).
.
At sandali lang ay nakita nya na ang mga grupo ng ilang magical herbs.
.
'ha ha ha. Mukhang Rare nanaman ito. Makakabuo na ako ng 500 pieces na stage 6- Qi gathering pills, 1000 pieces na stage 6- Body enhancing pills, at 30 pieces ng Stage 10- Burning Rage pills'.
Agad namang inilapit ni Chris ang kamay nya sa mga grupo ng mga magical herbs at na store ito sa kanyang copper ring (Black Ring).
.
Matapos nun ay nakarinig sya ng ilang mga yabag ng metal sa kanyang likod.
.
"oyyy oyy, nakita namin yon!, mukhang rare herbs ang mga nakuha mo boy! "
Sabi ng isang lalake na may hawak na giant Axe. At nakasuot ito ng ordinary martial outfit.
.
Lumapit sila ng ilang hakbang kay Chris.
.
"Shit, mga pulubi. Hayst. Wala na kayong pake sa nakuha ko. Mind your own Balls please".
Nagtakip naman ng itim na mask si Chris sa kanyang mukha bago ito humarap sa lima.
.
May mga sumunod pang nagdatingan. At mukhang isang buong Expedition ang grupong ito.
(mga hunters/mercinaries ay may bilang na 20+ at karamihan ay mga heavy knight classes or swordmasters)
.
"tsk. Ang tapang mo bata para maglaro sa dakong ito ng Ancient city ng Buruma!"
Sabi ng tila pinuno ng expedition na may Korean Actor Face.
.
"sure! ako pa. Experience is also strength----kaya aalis na ako base sa pagkakaalam ko madaming Master stage Beasts dito. He he he. "
Akmang aalis na si Chris ng hinarangan sya ng limang mga lalake.
(Sa taglay nilang ka guwapuhan masasabing para silanh KPOP na cosplayers.)
.
"hayst. Mukhang kailangan pa talagang idaan sa dahas? ----"
Tila dismaya naman si Chris sa asal ng mga ito. At nag ununat ang kanyang kanang kamay.