42: Denz the Brawler Magus.
.
.
Nagising si Chris, at pansin nyang, mag gagabi palang.
(Walang Jet lag sa mundong ito, dahil sadyang napakalaki ng mundo para maunahan mo ang paglubog ng araw at ganun din ang pagsikat ng umaga)
.
*ooohhh, pero gaano ba kabilis ang Metallic Aircraft? *
.
(mga 500-600km/hr, ganun----at ang mga Top-grade na Metallic Aircraft ay aabot sa 1000-1500km/ hr, pero kung Deity ka, pwede mong gamitin ang Dimensional control capabilities---at Intent or Aura ang ginagamit sa pag locate ng opening ng Dimensional walkthrough. At sadyang nakakagasta ito ng napakalaking Qi-energy, pero may isang energy pa ang matatanggap ng isang Cultivator----malalaman din ito sa hinaharap na Chapters).
.
Nagulat si Chris ng makita nyang nakayakap si Ahri sa kanya at nasa Kama silang dalawa.
(what happen?!, bat walang suot si Chris!?, ay oo nga pala scarf lang talaga suot nya sa leeg)
.
"gising ka na pala----pasensya na ako ang nakayakap sayu".
Sabi naman ni Ahri kay Chris, na medyo inaantok pa ang mga mata nito.
.
"ah eh, kung gusto mo, matulog ka nalang muna dito---lalabas ako at susubukan ko mga Wines nila sa Lounge. He he he".
Sabi naman ni Chris, at mukhang hindi sya nag sisinungaling.
.
"dalhan mo ako mamaya kahit isang bote lang----itutuloy ko muna panaginip ko---".
Matapos ng huling sabi nya ay napadapa ulit ang mukha nito sa unan ni Chris.
.
'ok, sleepwell'.
Sabi naman ni Chris via mental message.
.
Lumabas si Chris at nagsuot na ito ng Itim na long coat, at bukas ang zipper sa harapan nito, lantad parin ang chest at 6pack abs, kasama ang scarf.
.
*speaking of awesome, Idol, anong brand yang Jacket mo?!! *
.
'Tsk, man made ito at gawa ni Harry Hart'
.
*thanks!!!---- Kings Man phutek!! *
.
Dumiretso sya sa hallway, at kapansin pansin ang malawak na oval, na tila wala ito sa labas na anyo ng Metallic Aircraft.
.
'isa itong pocket dimension, na naka embed sa Metallic Aircraft, masasabing may lawak itong 15Km radius, at napakaraming tao----'.
Naisip ni Chris na medyo magagaling din ang talent ng Alchemist at Craftsmen sa mundong iyon. Masasabing nasa mid-Grade Mortal made, lang itong Metallic Aircraft.
.
(ilan ngaba pasahero ng Metallic Aircraft?, parang limang syudad na ang nasa loob nito eh).
.
*magasta siguro ng BlessStones bilang fuel ng Metallic Aircraft na ito. Pero nagbayad naman sina Chris ng 1000 Spirit Stones, kaya surely namang sakto na pang gasolina----*
.
(pero aabutin sila ng 25days non-stop patungong PurpleMoon continent bro, ilang Bless stones na iyon? )
.
*i dunno, si Boss na magpapaliwanag sa hinaharap----*.
.
Naglakad si Chris at tumingin sa BoardMap sa isang Market Park.
.
At sinunod nya ang daan patungo sa Wines And Liquor Bar.
.
Pagkapasok nya sa loob, hindi na bago sa kanya na malaman na ang isang barong-baro na labas ng Bar na ito ay kasing liit lang ng isang normal na bahay. Sa loob nito ay may second floor at madaming tables.
.
(remember Harry Potter?, yung pumunta sila sa loob ng maliit na tent pero, napakaluwang sa loob nito, isang Dimensional shape shifting magic ang ginamit sa tent, pero dito sa kwento mababase lang sa Dimensional structure at dimensional arrays. Medyo papahirapan konti ang mga mambabasa para unawain ito---i think gamers already know this)
.
*wag natin maliitin mga readers bro, baka meron na sa kanila nakakalam kung anong mundo galing ang gumawa sa Earth natin----Sshhhh!! Conspiracy!!! *
.
-----
.
Ang bar na ito ay malayong malayo sa mga Bar na napasukan ni Chris bukod sa madaming tao nasa loob nito, wala masyadong nag-iingay, ang maririnig lang ay mga konting tawanan, kwentuhan, may Awit sa mini stage ng Bar at ang ambiance ay sadyang pang Noble class.
.
Napalingon si Chris sa dakong gilid kung saan tila may gulong mangyayari.
.
"hoy!!, kayu ba yung grupo ng mga pulubing sumalubong samin kanina?!. Hindi nyo ba alam ang salitang respeto?! ---".
Sabi ng isang Lalake na tila may pagkalasing na sa hitsura nito.
.
Ang grupo namang iyon na may bilang na 10, tila may mga alikabok at rough ang kasuotan sa katawan. At mapapansin na lahat sila ay nasa edad na 28-30.
.
tumayo ang isa sa kanila isa itong balbasarado na 28 yrs old. At hinarap ang lalakeng sumisigaw sa kanila.
.
"ipag paumanhin nyu kung hindi nyu man nagustuhan ang presenya namin kanina---"
Hindi na naituloy ng ibasag sa kanyang ulo ang isang bote ng alak.
.
"----tsk!!, umalis kayu dito at baka mapagkamalan kayong basura".
Sabi ng lalakeng bumara ng mga salita sa grupong iyon.
.
Nagtawanan naman ang lahat dahil alam nilang hindi lalaban ang grupong iyon sa grupo naman ng lalakeng may bilang na 5.
.
"sigh----sa dinamidaming lugar dito pa sila pumasok, kakahiyang isipin na Cultivators sila---"
.
"----oo nga sayang kakahiya, nasabi pang nasa DragonNest continent sila, tsk, poor countries---hindi na sana sila nangarap pang makasali sa WorldTournament, o masasabing naimbita lang sila para punuhin ang slots----"
.
Madaming negative reaction mula sa madla. At narinig itong lahat ni Chris.
.
Sakto namang pabalik na ang lalake sa table nya ng biglang.
.
Shhhoookkk!!! (fast)
.
"paki ulit yung sinabi mo sa grupo ko".
Isang naka old at Ragged coat na may hood sa ulo nito. Base sa boses ng lalakeng ito hindi layong mas bata ito kay Chris ng ilang taon.
.
Naka focus ang lahat sa gulo sa dulong iyon, at lumapit ang Waiter na Babae.
.
Nakatayo ito sa likod ng Lalake.
.
Nagsitayuan naman ang mga kasamahan ng magkabilang table.
.
"Denz, hayaan na natin sila, wag mo silang pansinin, mas mabuting umalis nalang tayo----"
Sabi ng tila pinaka matanda sa grupo nila. At ang tawag nya sa batang ito ay Denz.
.
Sasagot sana si Denz kaso, napigil naman nito ang sarili na mag-init at tinalikuran nalang ang lalakeng iyon.
.
Craaasshh!!! ----(table heavily broke)
.
Iwinasak ng lalakeng iyon ang lamesa sa ulo ni Denz.
.
At kitang kita ito ng lahat, at ganun din ang Bartender at mga empleyado sa Bar. Walang pumigil sa kamay ng lalakeng ito.
.
"tsk!!, hindi lang yan ang matatanggap mo saken weak boy!! "
Sabay buhat ulit ng isa pang lamesa sa tabi nito.
.
Plano ng tumulong si Chris sa sandaling iyon pero----nakaramdam sya ng Tyrannical Aura mula kay Denz. Isang pamilyar na Aura sa kanya mula sa kanyang nakaraang buhay.
.
'----Hindi kaya sya ---si!!? '
Nasa isip ni Chris na pamilyar ang pangalan na nabanggit ng matanda sa grupo ng lalakeng iyon. Pero napag-isip nyang malabong nasa mababang mundong ang kilala nyang tao, at isinantabi nya ang tungkol duon. Pero ngayon naramdaman na nya ang pamilyar na aura---
.
Inalis ni Denz ang pagkakatalukbong ng kanyang Hood, at humarap sa lalakeng may buhat-buhat na lamesa sa kanang kamay nito.
.
" oh ano!!, lumuhod kana hanggat hindi pa ako nasa mood para pumatay ng insekto!!! Ha ha ha."
Malakas na sabi nito at kumakat sa loob ng Bar.
.
May mga Experts sa ilang sulok ng Bar, pero wala silang pake sa nangyayari, meron din yung manager sa paligid at hindi pa alam kung ano balak nito.
.
Zaaabb!! ----(light Jab)
.
Hindi naman nila inaasahan na ang pagluhod ni Denz ay naging isang atake mula sa tiyan ng lalakeng iyon.
.
"khak!!! "
Napadura ng dugo ang lalakeng may lamesa sa kanang kamay nito, at hindi na nagsakita pa---at mukhang hindi narin makakagalaw pa.
.
Lumapit ang apat na kasamahan ng lalakeng iyon, at napag-alaman nilang patay na ang kanikang kasama.
.
"IKAW!!, Papatayin ka namin!!, at isasama narin namin ang mga kasamahan mo!!! "
Sigaw nila na parang mga naagawan ng Ticket sa Loto.
.
Ganun paring hindi umimik ang mga nasa loob ng Bar. Pero si Chris ang pinaka nagulat sa lahat.
.
'Denz Ryo---- papaanong nangyare ito!! '
Naguguluhan si Chris. At may ilang scenes lang ang naibalik mula sa kanyang ala-ala patungkol kay Denz Ryo. Isa sa dalawang magigiting nyang SwornBorthers.
.
Lumusob ang Apat at nakalabas ang kanilang mga Weapon Artifacts. Na nasa Lowgrade GrandMaster. Masasabing mataas na ang uri ng mga sandata nila sa natawag na Stage.
.
Hindi umiwas si Denz bagkus ipinasa nito ang suot na Ragged Cloak sa Eldest memeber ng grupo nya.
.
"Denz, mag iingat ka, nasa peak GrandMaster stage sila sa Qi!! "
Paalala naman ng ilan sa mga kasamahan nya.
.
Walang emosyon, at napaka tahimik lang ni Denz, masasabing wala syang pake sa lahat. Maging ang pananalita nito ay napaka lamig at napaka direct.
.
Hindi inilabas ni Denz ang kanyang sandata. At sinalubong nya kaagad ang apat.
.
Bang!!!-----(4x rapid strikes)
.
Saan galing ang apat na tunog na iyon?! ---kung hindi ito napansin ng ilang mababang stage, at kaparehang stage, ngayon malalaman na nila na si Denz ay----
.
'----isang Rare Brawler Magus'.
Sa isipan ni Chris, ay ang anyo nila ni Denz na nakikipag laban sa mga Giant Creatures na tila nasa madilim na mundo----mula sa kanyang nakaraang buhay. Pero---papaanong narito si Denz at ganun ding ang edad nito ay malayo sa edad nila nung una silang magkita sa kanyang nakaraang buhay.
.
(reincarnation?, oo siguro namatay din si Denz at katulad ni Chris----)
.
*baka naman, kamukha lang----or siguro nga baka Reincarnation*.
.
## ha ha ha----simpletons ##
.
-----
.
Bumagsak mismo sa kanilang pwesto ang apat na kalaban ni Denz. At umuusok ang marka ng kamao ni Denz sa kanilang mga Vital parts, tiyan, Dibdib, leeg at noo.
.
Nangyari ang lahat sa margin na 10 breathes, simula ng dumating si Denz sa lugar.
.
At ang ika limang kasamahan ng apat ay tumayo na sa kinauupuan nito.
.
Napansin na ito ng pinaka malapit na Waitress.
"wag na kayung gumawa ng gulo dito, please sirs----".
Nag mamakaawang sinabi ng babaeng Waitress.
.
"hindi ko sya haharapin o lalabanan, sa katunayan ni-rerespeto ko ang ginawa nya sa limang kasamahan ko".
Sabi ng African-American skin toned na lalakeng ito, kalbo sya na may tattoos sa ulo at magkabilang balikat.
.
Nagulat naman ang lahat dahil, sa sinabi ng lalakeng iyon.
.
Yumuko ito kay Denz at ganun din sa grupo nito.
.
"ako ang humihingi ng dispensa sa mga sinabi ng limang kasama ko, at ganun ding nakalaya na ako sa Bind ng Contact mula sa kanila".
Sabi ng lalakeng iyon at lumapit sa katawan ng Limang nakahandusay sa sahig.
.
Ibinigay nya ang limang storage rings kay Denz, at kinuha naman nya ang mga sandata ng mga kasamahan nya.
.
Akmang ibabalik ni Denz ang mga ito,
.
"mas kailangan nyo ang mga laman nyan kesa sa akin, galingan ninyo sa Tournament---- fellow DragonNest brothers".
At agad na itong lumabas ng Bar matapos nun.
.
*how touching, nasabi nyang contracted, siguro slave sya ng limang kasamahan nya kanina---- Heavens Will siguro na makalaya sya sa kamay ni Denz.*
.
Matapos ang gulo ay balik inuman at medyo natahimik ang Bar sa nangyari, hindi na nila minaliit pa si Denz sa mga sandaling iyon.
.
Bumalik na si Denz sa grupo nito, at ganun ngang nagkasalubong ang titig nila ni Chris. Pero hindi ito nag react at ibinaling nalang sa kanyang kagrupo ang atensyon.
.
'Hindi nya ba ako nakilala?, eh halos magkalapit din naman ang anyo ng mukha ko sa nakaraang buhay at sa buhay ko ngayon'.
Lalapit sana si Chris sa grupo pero may humatak sa kanya.
.
"hey!, nandito ka, iinom kaba? ".
Sabi naman ni Hannah at mukhang kasama nito sina Vera at Ruby.
.
'maybe, next time nalang, tutal iisang lugar din naman ang pupuntahan namin'
Napaisip si Chris, dahil sadyang napakalaking katanungan kung ano ang nangyayari sa takbo ng panahon, oras at buhay nya sa mga panahong ito.
"---ah oo, kayo iinom ba kayo? ".
.
"yah, tara hanap tayo ng bakanteng lamesa---".
Sabi naman ni Ruby na tila napansin nyang nakatingin si Chris sa grupo ng mga lalake sa dulong parteng iyon.
'ano naman kaya meron sa grupong iyon, at mukhang galing sila sa DragonNest, isa sa mga lugar kung saan isinilang ang mga Ancient Warlords.'
.
-----
.
Si Denz naman ay tila nakaramdam ng kakaibang Koryente sa kanyang katawan, isang feeling na hindi ganung kalakas at hindi rin ganung kahina ng magsalubong ang mga titig nila ni Chris.
'----sya na ba kaya ang sinasabi ni Ama?, pero wala syang taglay na aura, siguro nagkakamali lang ako'.
.
-----
.
Nakahanap na sina Vera ng table, at ganun nga na kanina pa syang pilit umiwas sa mga titig ni Chris. Dahil nasa tabi nila si Ruby, alam nyang matagal ng may hint si Ruby tungkol sa nabubuong tulay nila ni Chris.
.
(tulay ng pusong pa-fall!!! )
.
'i sense emotion-chaos, he he he'
Si Hannah naman na nasa tabi ni Vera ay may naghalong excited at kilig sa nangyayari, at dahil third party sya, para narin syang nanonood ng KDrama.
.
(kdrama?, korny-han drama? ---)
.
*wag ganun bro, nanonood ako ng Korean drama, hindi yun Korny-han*.
.
-----
.
Umorder na sila ng Wine at pulutan. Isang plater ng exotic-meats. At may runic-heat grill sa kanilang lamesa.
.
"ok, Chris nakita ko kanina si Bliss".
Sabi naman ni Vera at tila may gusto syang malaman.
"----at nagtungo sya sa kwarto mo---pero agad ding lumabas".
.
"ah baka may gusto lang syang itanong--"
Nag iisip si Chris sa kung ano ang maaaring itanong ng mga ito sa kanya, at kailangan nyang naghanda ng madaming Rason na may ending at distracting effects.
(ha ha ha convo analysis)
.
"---then explain mo kung bakit nasa kwarto mo si Ahri,"
Singit ni Ruby na tila, may lakas na loob magtanong kesa kina Hannah.
.
May katiting silang feeling sa nabubuo ding tulay nina Chris at Ahri, at mas mabilis itong nabuo simula ng huling laban kung saan nawalan ng kakayahang makasagap si Chris ng Qi-energy mula sa nature.
.
"ah eh, baka tumingin lang sya----".
Palusot ni Chris with inosente face.
.
"oh!, tumingin----eh bat sya natulog dun kagabi? "
Dagdag naman ni Vera na mukhang nagkaroon ng bwelo ang damdamin nito---damdaming selos at pagdududa.
.
Mukhang agad nakalas ang Pader sa mga palusot ni Chris para syang hubad sa mga mata nina Vera at Ruby, at hindi na sya makapag tago pa.
.
"ahy!, ahm. Sinubukan nya akong tulungan sa aking kawalan ng pagsagap sa Qi energies, kaya duon na din sya nakatulog dahil sa pagod----"
Tila may word na dapat hindi nya nasabi o nagamit sa harapan ng tatlong babaeng mga ito.
.
"Na-pagod!?, Para saan ba ang pagod na yan?, "
Sabay na sabi nina Vera at Ruby. Parang magkadikit ang utak ng dalawa.
.
Si Hannah naman ay tila nakakaramdam na rin ng selos, dahil nauna syang nakilala ni Chris kesa kay Ahri.
(sa katunayan hindi nila alam na matagal ng magkakilala sina Ahri at Chris. At nasa iisang katawan pa sila noon bukod sa katawan ni Chris, lantad lahat ng kasuloksulukan ng katawan nito Kay Ahri)
.
*i feel the electricity---- forming and ----gripping with fear*
.
"sigh, oo na talo na ako. Aamin na ako. Si Ahri ay nagpunta sa room, dahil takot sya sa Nightmares, at naisipan nya akong lapitan at kilalanin ng mabuti---gusyo nya malaman kung bat kayo ganung kalapit saken. At holla, na bored sya sa kwento ko at dun na nakatulog".
Nice comeback naman ni Chris sa kanyang Inosente speechlines.
.
Dumating na ang kanilang order, at agad namang binuksan ni Hannah ang isang bote ng Red-Wine.
.
"nice!!, 500 years old Wine!,"
Sabi naman ni Hannah at nilagyan nya ng laman ang chalice sa harapan ni Chris. At ganun din sa kanilang chalices.
"para sa rason at mga palusot ni Chris! "
.
Parang nagising naman sina Vera at Ruby sa sinabi ni Hannah.
.
'ang daya mo Hannah!, hu hu hu'
Naka-plaster naman ang ngiti sa mukha ni Chris at lumingon lang saglit kina Ruby at Vera.