46: The Visitors, The Start.
.
.
Lumipas ang mga araw at nakarating na ang Giant-Metallic Aircraft sa Purple Moon Continent.
.
Sa bansang Coryet, Central City FullBloom.
.
May population ang bansa na 12+ billion, 60% ay mga kababaihan at 40% kalalakihan.
Isang bansa kung saan mas Advance ang mga itinuturo sa mga kababaihan kesa sa mga kalalakihan, bansa na pinamumunuan ng mga babae, at ang ilang mga bansa ng kontinente ay masasabing balance at ito lang ang bansa sa mundo na mas pabor sa kababaihan.
.
(Sexist country, pero awesome---too many beauties).
.
Masasabing madami ang tao sa bansang ito, pero hindi parin nito nasakop ang kabuoan ng Kontinente at napakalawak pa ng mga bundukin na hindi pa natutuklas, mga underground Ancient cities na hindi pa nakikita, at tila walang hanggang kagubatan naman sa mga ilang lugar. At dito nakatayo ang isa sa mga Top Sect sa panig ng mga tao.
.
Bumaba na ang Metallic Aircraft sa Aerial Transportation port.
.
May mga kasunod din iba pang mga Metallic Aircrafts mula sa malalayong mga lugar. At masasabing nasa bilang na 100,000 Metallic Aircrafts ang nasa malawak na Aerial Transportation Ports na iyon.
.
Hindi mabilang sa dami ang mga dumagsang manonood sa World Tournament. At dito makikita ang mga kilalang mga Top Sects, Large Clans, Presidents, Great Leaders, Sage Saints etc etc. At mga ilang mga experts na nawala in Seclusion trainings ay mukhang dadalo sa pinakamalaking Tournament sa buong mundo para sa mga Graduating students na walang age limit, hanggat nasa GreatMaster at Peak Epic stages. Mga kilalang Champion teams ng bawat bansa sa lahat ng Kontinente ng mga tao.
.
At mukhang may isa pang kakaagad pansin sa mga Metallic Aircrafts na dumating.
.
"teka bat narito ang PurpleKnights ng Royal Family ng PurpleMoon palaces?, at mukhang may sasalubungin sila! ---".
.
Usap usapan ang pagdating ng mga Saints na PurpleKnights ng Royal Family ng PurpleMoon at nasa bilang silang 1,000+ at naka ayos na tila may sasalubunging mahalagang bisita.
.
"at sino naman kaya ang mahalagang bisita?, kung mismong PurpleMoon na ang pinaka sentro ng Pwersa panig nating mga tao? ----".
.
Naguguluhan naman ang mga karamihan, at mag sitabi sila sa pagdating ng mga Knights na mga ito.
.
Limang High class Metallic Aircraft naman na tila hindi pamilyar sa mga tao kung kanino ang mga ito.
(Dark scarlet at DarkBrown colored Metallic Aircrafts)
.
Napansin naman ng ilan ang hindi kilalang Crest sa mga Metallic Aircrafts na mga ito, may tatak na Diamond shaped Bloody Stone at may tatlong tala sa sulok ng crest nito.
.
Bumaba sa Metallic Aircraft ang mga animoy Half Beasts na mga anyo.
.
"tatay, napakaraming tao sa lugar na ito, at bakit mo ako dinala sa taong ito? "
Sabi ng babaeng pamilyar. At ito ay si Rhian.
.
Katabi nito ang tila maamong lalake na may scarlet official uniform ng mga DemonSpiritualist. Pero mapapansin na human ang at walang bahid ng Beast form sa katawan nito. At may aura na talagang tao sya.
.
"anak, masanay kana sa mga ganitong mga okasyon ha ha ha, baka dito mo makita ang lalakeng makakatuluyan mo."
Sabi naman ng ama nya sa kanya.
.
"Rion, ha ha ha. Mukhang walang balak mag-asawa si Ms. Rhian".
Sabi ng tila pinuno ng DemonSpiritualist na mga ito.
.
"mahal na DefenceSecretary, hindi sa ayaw nya. Sadyang hindi pa nya nahahanap ang makakatapat nya sa kanyang Age range. Ayaw nya ng masyadong matanda na nagmumukhang bata."
Natawa naman silang dalawa sa kanilang mga sinabi. At nahiya naman si Rhian sa tabi.
.
Sumalubong sa ibaba ng Metallic Aircrafts at dalawang lalake.
.
"maligayang pagdating fellow Alliance, ako si Jegger, ang representative ng PurpleMoon forces".
Yumuko si Jegger sa pinuno ng DemonSpiritualist na mga ito.
.
"ako naman si Brian Riar, Representative ng BitterTree Forces".
Yumuko din ito sa pinuno ng mga DemonSpiritualist.
.
"ho ho ho. No need formalities kapwa SageSaints naman tayung lahat. he he he."
Sabi naman ng Pinunong ito.
.
Ganun nga at in-escortan ng PurpleKnights. Ang grupo nina Rhian ay may bilang na 130 lang. Pero karamihan sa kanila ay mga Almost SageSaints at bilang lang ang mga nasa SageSaints.
.
(anung klaseng training kaya mga pinag kakagawa ng mga ito---tsk. halatang malalakas na talaga ang Forces ng DemonSpiritualist na kayang makipag sabayan sa mga Tao o baka mas malaki pa ang Pwersa nila.)
.
*eh bakit napaka lawak parin ng Pwersa ng mga MagicalBeast? Eh sabihin ba namang tinutulungan pa ng DemonSpiritualist ang panig ng mga tao laban sa Pwersa ng mga MagicalBeasts.*
.
## MagicalBeast forces are still unknown, lalo na dahil may koneksyon sila sa Oceanic Alliance----thats the hints for now. ##
.
-----
.
Kitang kita lahat ni Ahri simula sa pagdating at pag-alis ng mga Knights kasama ang mga DemonSpiritualist.
.
'hindi ko inakalang, may fullblood DemonSpiritualist sa mababang mundong ito, kaya pala napakabilis nilang magpalakas ng pwersa laban sa MagicalBeast----pero tiyak akong mas malaki ang pwersa ng MagicalBeast kahit magsanib ang dalawang panig'.
Nakakasiguro naman si Ahri dahil naramdaman na nya ang ilang hidden powers sa kaloob-looban ng MagicalBeast Lands, at hindi pa bilang ang mga Hidden Dangers/powers sa mga lupang iyon.
.
"Team St. Cessia, these way please".
Sabi ng isang Babae na mukhang magiging butler guide nina Ahri sa Tournament.
.
Sumunod na sina Ahri sa babaeng iyon at sumakay sa isang celebrity car/limousine.
.
Halatang malungkot parin sila sa pag-alis ni Chris. At hindi parin nila nalalaman ang dahilan. Pero may feeling si Ahri na may nagtulak kay Chris para umalis ng walang paalam.
.
Napalingon sya kay Bliss, kay Vera, kay Lanna, kay Ruby, kay Hannah, at kay Jane.
.
'iisa lang ang Epic stage nila, mukhang sila ang pinaka mahina, at nasa fresh ages na sasabak sa world tournament. Tsk. Tsk. Tsk. Wala sanang mamatay sa kanila. Dahil lahat ng makakasali ay atleast merong Lima o anim na Epic stages Cultivators'.
Sabi ng Team-Butler nilang babae.
.
"ahm, may nauna na ba saaming ka team mates sa aming matutuluyang condominium?"
Natanong ni Ahri sa Butler.
.
"yes Ms. Ahri, naroon na si Ms. Blana, Mr. Gilbert at Mr. Jake."
Sagot naman nya kay Ahri. Pero may kakaiba syang kaba sa presensya ni Ahri, kahit nasa Epic stage level 3 sya at masmataas ang stage nya kay Ahri ng dalawa.
.
-----
.
Si Chris ay nasa Bayan ng BlueLore, kasama nya si Hulio para magbenta ng Furrs mula sa mga nahuli nilang lesser MagicalBeasts.
.
"ayan!, he he he. Madami tayong nahuli nuong nakaraan. At isang Peak Master stage pa. Salamat sa payo mo Chris isa kang Genius sa pangangaso at pagtatanim ng traps".
Sabi naman ni Hulio kay Chris. At may tungkod na si Chris bilang suporta sa kanyang kaliwang paa na may plaster pa.
.
"walang anu man po."
Sabi ni Chris. At naplingon sya sa grupong tila huminto sa tapat nila.
.
"oh Hulio!!, may kasama ka nanamang non-cultivator!, mukhang may kaya pa ang munting SmallPea village ninyo ha ha ha ha."
Sabi ng lalakeng may tuxedo outfit at may limang mga bodyguards na nasa peak Master stages.
.
"Jaroy, lahat ng tao may karapatang mabuhay ng payapa, kaya pasenya na at may pupuntahan pa kaming lugar."
Sabi ni Hulio at buhat nito sa isang pouch ang laman ng mga gold coins na nakuha nila sa pagpalit sa Furr ng mga nahuli nilang lesser magicalbeast.
.
Hindi nakatakas sa mga mata ni Chris ang masamang balak ng Jaroy na iyon na nasa edad na 28, at may Master level 3 din na stage.
.
Pang!!! -----(metal collide)
.
Napa atras ang Bodyguard na biglang umatake ng sandata(thin sword) sa pouch na hawak ni Hulio.
.
Laking gulat din ni Hulio dahil sa nangyari, at lumingon sya kay Chris na may hawak ng tungkod at ginamit na pinang banat sa sandata ng body guard ni Jaroy.
.
"oh!, mukhang may mabilis kang mga mata bilanh isang non-cultivator trash---".
Nagulat si Jaroy dahil nakatutok ang isang long sword sa kanyang puso at na pierce na ang layer ng skin nito.
.
"isang tulak lang ito ay patay ka na".
Kalmadong sabi ni Chris. At hawak ng kanyang kaliwang kamay ang isang Long sword.
.
"b-boss!!, ikaw bata!!, kung may mangyaring masama sa boss namin mamamatay lahat ng pamilya mo!! ".
Sigaw ng isa sa mga bodyguards ni Jaroy.
.
"oh!, so patayin ko sya, para sesante din kayo sa trabaho, khe, sino maniniwala sa inyo na isang non-cultivator na tulad kong lumpo ang pumatay sa amo nyo? --- tsk masyado pa kayong bata para maglaro sa mga kamay ko".
Malamig nitong counter-threat sa banta ng BodyGuard sa kanyang kinakasamang pamilya sa ngayon.
.
"pa-pasenya na, h-hindi na mauulit hu hu hu hu. Pasensya na Hulio, ayaw ko p-pang mamatay. Hu hu hu"
Pagmamakaawa naman ni Jaroy na ramdam nya ang lamig ng patalim ng sandata ni Chris na isang hibla nalang ng buhok ang layo nito at matutusok na ang puso nya.
.
(i feel the cold sharp pain and fear of death)
.
Umagwat na ang sandata ni Chris.
.
"tara na po, may bibilhin pa tayong mga bagay."
Sabi ni Chris kay Hulio. Nauna na sa paglakad si Chris.
.
"patayin nyu sya! ----".
Hindi na natuto si Jaroy, ay kitang kita ito ng lahat at maging ang Force officer ng bayang iyon ay nahuli na para pigilan ang backhanded attack ni Jaroy kay Chris.
.
Swing!!!! ------(clean cut)
.
Ang limang naka palibot kay Chris na BodyGuard ni Jaroy ay hindi manlang naka gawa ng atake maske mailapit manlang ang kanilang mga sandata kay Chris.
.
Sa kaliwang kamay ni Chris ay isang mid-Grade GrandMaster Artifact na Scythe. Na may habang 5ft.
.
"mga taong may mataas na status ay dapat magaling din mag-isip, pero mukhang wala ding silbi ang mga ulo ng mga BodyGuards mo kaya tinulungan lang kita para matauhan sila".
Sabi ni Chris na kalmadong ibinalil sa kanyang Storage Ring ang sandatang iyon.
.
Nagpatuloy ng maglakad si Chris at tila nagising naman si Hulio at sumunod sya sa likod nito. Na may proud at nanginginig na mga kamay.
.
Napa upo sa lupa si Jaroy na hindi maitikom ang pagka-nganga ng mga labi nito sa nangyari.
.
Nanatili mang ganung nakatayo ang lima, pero ng lapitan na ito ng Force officer, ay saka nahulog ang mga ulo ng mga ito at gumulong ang isa palapit sa paa ni Jaroy.
.
"MaMa!!!!!! ------"
Sigaw ni Jaroy sa takot, at tinamaan ng mental breakdown at kasalukuyang mentally retarded sa sobrang trauma nito.
(sino ba hindi magugulat kung ang isang non-cultivator ay nakapatay ng limang peak Master stage sa isang swing lang ng sandata nito. At isa pa lumpo si Chris at kaliwang kamay pa ang gamit).
.
*precision and accuracy ang pantapat nya sa mga ito dahil hindi sila seryoso sa pagharap sa kanya, at ito ang naging advantage nya sa laban----kampante sila masyado yan tuloy*.
.
Nakabili na sila ng mga nasa listahan at pabalil na sila sa kanilang Village. On the way naman halos hindi mapigilang ma-excited si Hulio sa ginawang lesson ni Chris kay Jaroy at tiyak hindi na ito mang-gugulo pa sa kanila.
.
"Chris, napaka - napaka -- napaka astig mo dun!, hindi ko lubos maisip kung -kung---kung --pano kung yung tunay mong stage ang ginamit mo sa sandaling iyon tiyak akong walang matitira sa katawan nila!! Ha ha ha. Masyado na silang bully ilang taon narin ang lumipas ng lumpuhin nila si pareng Bruce at si Lee."
Sabi ni Hulio na puno ng galak at hindi makapaniwala ulit sa kanyang nakita mula kay Chris.
.
"ah eh, ganun ba, so dapat hindi ko na sya hinayaang mabuhay pa, at mukhang nangangamoy pa sya sa dugo ng mga inosenteng babae".
Tila nahukay naman ni Chris ang bagay na mas malala pa sa paglumpo sa mga kaibigan ni Hulio.
.
"tama ka, kasalukuyang may 18 syang asawa, may balita din na may mga ginahasa sya at hinayaan nalang ng korte ang kaso dahil walang haharap laban sa kanya---at mga magsasalita ay pinapatay ng kanyang ama na nasa East Fortress".
Sabi naman ni Hulio. At nakaramdam ng galit at puot sa ugali ni Jaroy. Lalo na sa ama nito na kayang takpan ang mga masamang ginagawa ng anak nya.
.
"hayaan nyo po, kung sakaling plano nyang lumusob sa SmallPea village tiyak akong, hindi sya magtatagumpay".
May Kalmado paring anyo si Chris na mas nagpalakas pa ito ng tiwala ni Hulio sa mga sinabi nya.
.
Ng makauwi na sila sa bayan ay nai-kwento ni Hulio ang nangyari sa kanyang Asawa at tatlong anak.
.
Agad din itong nalaman ng mga kapitbahay at umabot sa Village Leader.
.
Ipinatawag si Hulio at inulit ang kwentong iyon, madami ang naging masaya sa ibinigay na lesson ni Chris, at bilang isang non-cultivator masasabi na nila na totoo nga ang legend sa mga libro at ancient stories tungkol sa
non-cultivators ay may malalakas na puso at kaluluwa.
.
"kuya Chris, balang araw magiging malakas din ako tulad mo----eehh!? "
Idinikit ni Chris ang kanyang hintuturo sa noo ni Bella.
.
Wooongghh!! -----(intent glow)
.
Umilaw saglit ang mga mata ni Bella at tila nagising sya sa isang napakatagal na pagtulog.
.
"kuya! Ano yung ipinakita mo sa isipan ko? "
Curious si Bella sa bagay na ipinasa ni Chris. At ngayon ay lumulutang sa kanyang munting sea of consciousness.
.
"he he he. Ang sikreto natin kung paano maging malakas at maging isang mabuting cultivator, Bella".
Ngumiti sya na parang isang Santo sa paningin ni Bella.
.
"yuph, sikreto lang natin, susshh!! "
Mahinang bigkas ni Bella at nag signal ng silence posture kay Chris.
.
Natawa naman si Chris napaka inosente nga kasi ni Bella sa edad nyang iyon at balang araw makikita din nito ang tunay na kulay ng mundo----at sa mga panahong iyon makakatulong ang ipinasa nyang cultivation technique sa kanya.
.
-----
.
Nakarating ang balitang nangyari sa mga bodyguards ng anak nito na si Jaroy sa East Fortress.
.
"ganun ba, SmallPea village hmmmfp!!, isang non-cultivator kamo".
Sabi ng isang lalakeng may malaking build na katawan at mukhang isang Tank-Guardian ang Character nito.
.
Naglabas sya ng Aura na nasa PeakEpic stage.
.
-----
.
Pinatawag si Chris sa harapan ng Village Leader.
.
Yumuko si Chris bilang respeto sa nakaupo.
.
"Chris, ang sabi saken ni Hulio, may importante ka daw na ibibigay saken?"
Sabi ng matandang lalake na may aura na Epic level 3 stage. At nasa edad na 70s. tila bilang na ang tagal ng buhay nito sa ilang dekada.
.
"opo kamahalan, bilang isang lingkod at tapat na membro ng mamamayan ng SmallPea village. Nais ko ibigay ang sampung scrolls na ito. At tiyak akong alam nyo na ang gagawin sa mga ito kamahalan."
Formal nitong ipinasa ang Sampung Scrolls sa Leader.
.
Unang binuklat nya ang isang Scroll, at tumambad ang mga inscriptions duon na may liwanag na Golden luster.
.
At sinuri nya din ang isa pa, at sumunod pa ang isa hanggang sa nakita nya lahat ng scrolls ay nagtataglay ng ganung inscriptions.
.
Lumingon sya kay Chris na may galak at sincere na pagtingin.
.
"Chris, sigurado ka ba na ibibigay mo lang ito ng walang kapalit, maaari mo din itong bawiin basta sabihin mo lang ang totoo".
Sabi nito na may tapat at tunay na pusong pinuno.
.
"ako ay tapat na lingkod ng bayang ito, at ito ay tulak ng aking puso para maibigay ang mga ito sa inyo ng walang halong pag-aalinlangan".
Yumuko ulit si Chris bilang pormal na alagad ng Bayan.
.
"Simula ngayon, dahil sa mga ibinigay mong Cultivation technique, masasabing mababago nito ng husto ang takbo at sitwasyon ng ating bayan. Laking pasasalamat ko sa iyo Chris, kung may kailangan ka sabihin mo lang at gagawin ko sa lahat ng abot ng aking makakaya".
Ganung ngang naging importanteng membro ng mamamayan si Chris sa puso ng Leader.
.
"may isa pa po akong nais ibigay sa inyo, mahal na kamahalan."
Iniabot ni Chris ang isang pill box na kasing laki lang ng lalagyan ng rolex watch.
.
Tinanggap ito ng Pinuno at binuksan.
.
Kumalat ang amoy ng isang malakas na gamot, at nagbibigay ng aura ng isang Epic stage.
.
"h-heto a-ang!! Spiralling pill, para sa mga Epic stage cultivator!!, C-Chris, napakalaking halaga nito---hindi ko matatanggap a-ang ganitong k-kaseng k-kayamanan"
Nanginginig ang mga kamay ng pinuno sa hawak nyang isang piraso ng pill.
.
"mahal na pinuno, hindi ko din po maaaring kunin yan dahil, hindi ko ito magagamit. at lalong mas kailangan nyo po yan sa ngayon. Bilang isang pinuno ito ay mas nararapat sa inyong mga kamay at wala ng iba".
Sabi naman ni Chris na tila napaka tapat nya bilang isang mamamayan ng Bayan.
.
"buweno, hindi na ako magiging rude at tatanggapin ko na ito, basta tandaan mo kung may kailangan ka hinding hindi ako tatalikod. at gagawin ko ang lahat para sa bagay na nais o gusto mo".
Yumuko din ito kay Chris, dahil malaki ang pasasalamat nito, at sa isang pill na iyon maaaring humaba pa ng ilangdaan ang buhay nya sa mundo. At makakatapak sya sa PeakEpic Stage ng wala sa oras.
.
Si Chris naman ay tila parte na ng kanyang Calculation ang lahat. Dahil alam nya ang mga tulad ni Jaroy na makapit sa patalim at ang patalim na iyon ay kailangan ding mahulog sa kanyang nagbabagang bitag.
.
'tignan natin kung sino ang luluksa sa huli Jaroy'.
Malagim na ngiti ni Chris na tila walang pinag kaiba sa anyo ni Dread.
.
(napaka futuristic mind ni Chris, calculate nya mga maaaring mangyari. At mukhang nagkaroon sya ng goal sa ngayon)
.
*mas mabuti na ito kesa magsayang sya ng panahon na walang ginagawa at naghihintay ng katapusan*.