57: The Disastrous outcome.
.
"hayst!! ----oras na para ma warm-up naman itong katawan mo Chris! ".
Pasigaw na sabi ni Chris(Dread). At lalong naguluhan ang lahat sa kanilang narinig.
.
Hindi ganun ang boses ni Chris, at ang kanilang nakikita sa ngayon ay ang pagsanib ni Dread sa katauhan ni Chris.
.
Tanging mga nasa Higher powers na nagkaroon ng enlightenment ang makaka intindi ng nangyayari.
.
"sira ulo na ba sya?, eh kausap nya sarili nya oh----".
.
"pero look at the brighter side parang walang pagod at hindi nauubusan ng lakas, kaso wala syang Qi, or aura manlang sa katawan nya----".
.
Madaming ibat ibang theory o usapan ang sumiklab sa mga audience.
.
"ateh, ano ibig sabihin ng sinabi ni Chris?"
Hindi maiwasang mangamba si Jane at nagtanung sya.
.
"si Chris at yang Chris na iyan ay magkaiba!, yan ang DarkSide ng cultivators na nawalay sa landas ng liwanag".
Seryosong sabi ni Ahri at tila pati sya ay kinakabahan sa maaaring mangyari.
.
"eh pano nangyari yan?! "
Tanong ni Lanna, at ganun din ang nasa isipan ng iba.
.
"marahil sa sobrang paglublob nya sa negative emotions".
Lumingon si Ahri kay Jane.
.
At ganun namang bumaling ang pansin nilang lahat kay Jane.
.
"i think Chris is more hotter that way".
Putol naman na sinabi ni Hannah sa lahat, at mas Naiintindihan nya ang nangyayari ngayon kay Chris.
"i my self only choose to be Good and i only succumbed to my other personality when i'm sad----like now".
Pag papaliwanag naman ni Hannah.
.
"so ibig sabihin, hanggat hindi lumalaban si Chris sa kanyang personality----hindi sya makakabalik sa dating Chris."
Sabi ni Lucas at mukhang naintindihan na nya ang lahat.
.
"iniisip parin nya ang team natin, kaya napilitan syang mag-ibang personality".
Dugtong naman ni Box na tila kanina pang nakatulala sa anyo ni Chris na walang Aura at parang devil kung magsalita.
.
"hindi ko inakalang mapupunta ang lahat sa ganito----".
Tila ngayon alam na ni Jane na sya ang may kasalanan, pero walang nagsabi sa kanya nito. Ramdam din nyang mali sya sa pagtatago ng importanteng bagay tulad ng relasyon nila ni Mocci.
.
"wala kang kasalanan Jane, kung talagang mahal mo yang Mocci na iyan, dapat binalaan mo na sya na mag-ingat kay Chris. Pero mukhang isa sa kanila ang mamamatay sa ngayon".
Sabi naman ni Hannah. At isang unfriendly smile ang tumatak sa mukha nito.
.
Nabaling na sila sa nagaganap na palitan ng atake sa loob ng Arena.
.
Naglabas na si Mocci ng LongSword, at hawak naman ni Chris ang kanyang Annihilation (LongSword).
.
'imposible!!, imposibleng sya si Chris!!, kanina lang hirap na hirap sya sa paglapit saken, pero bumibilis sya sa bawat palitan namin!!, anong meron yang sandata mo!!?, mukhang kailangan na kitang patayin sa harapan ni Jane! '.
Inalis na ni Mocci ang kanyang bracelet at tila mas mabilis na ang kanyang pag-ipon ng Qi-energy mula sa paligid.
.
Si Chris naman ay nagiging mabagsik ang kanyang mga atake at pero tila umaasta na naglalaro lang ito sa bawat swing.
.
Clang!!! ----clang!!! ----bang!! (heavy hits)
.
"ha ha ha!! Weak!! Too weak!! Hindi kapa pwedeng maging appetizer!!, ha ha ha!! ".
Nakakalokong tawa at pasabog na sabi ni Chris(Dread).
.
Hindi nagalit si Mocci bagkus, ngumiti lang ito. At napalibutan ng Lightning sparks ang kanyang katawan.
.
Isang shockwave ng Electric sparks ang dumiretso patungo kay Chris.
.
Rrroooooooaaaarrrgghhh!!! (Monstrous roar)
.
At nawasak ang Shockwave na nagmula kay Mocci, at ngayon ay papalapit naman sa kanya ang SoundWave ng skill ni Chris.
.
"mukhang, oras na para patayin ka!".
(slowmotion) nawala si Mocci sa kinatatayuan nya, at sumulpot ito sa tabi ni Chris.
.
Swwiiiinggg!! ----- (incoming slash)
.
Ngumiti ng masama si Chris(Dread), at tinapik ang longsword na hawak ni Mocci.
.
"HUH!!!! "
.
Craaasshhh!! ---(broken to pieces)
.
"isang laruan para sa isang bata, tsk."
Sumipa si Chris at tinamaan sa kanang pisngi si Mocci.
"i'm tired playing to a Kid like you---such a trash among the trashes!".
.
Lalong nagpaasim sa mukha ng mga supporters ni Mocci ang nangyaring iyon.
.
"ano ito?!, laruan ba talaga ang hawak ni Idol?, papaanong nabasag lang sa ganung kadali ni Chris ang sandata nya?!"
.
Halos lahat ng nasa audience ay sumisigaw ng katanungan sa nangyayari kay Mocci. At kung papaanong nasipa sya ni Chris ay tanging nga Higher stage experts lang nakapansin.
.
"gumamit sya ng mental attacking skill!!, ang roar na ginawa nya!, naaalala ko pa ang ginawa satin ni Jose noon!! ".
Sabi ng isang malaking katawan na lalake at nasa tabi ito ng dalawang babae. At mukhang may trauma pa sila sa nangyari noong kaharap nila si Jose.
.
"ssshhh!!, shut up!, wag mo na ipaalala pa, isang kahihiyan ang matalo tayo ng isang Saint stage sa panahong iyon----".
Sabi ng babae at pinitik nya ang tenga ng lalakeng nagsalita.
.
"ho ho ho. 11,000 years na ang lumipas. hindi parin mawawala sa ala-ala ko ang anyo ni Jose na tumalo sa sikat na 3-Snake Kings ng Mt. Arushan, iniligtas nya ang pamilya ko sa tatlong iyon gamit ang skill na iyan".
Sabi ng matandang lalake na may anyong pulubi ang kasuotan at magulo ang buhok.
.
Pagdating sa usapan patungkol kay Jose, Lalong naiinis ang ilan sa mga hindi malapit, o masasabing may galit sa kanya.
.
Nabaling ang pansin nila sa dumatin na anyo sa loob ng VIP room.
.
"mukhang umabot pa ako, wooh. Pasensya na guys, hindi makakadalo si boss Blitz, kaya ako nalang manonood sa laban ng disipulo nya. he he he"
Isang lalakeng may aura na nasa SageSaint level 2 at may UltraLightning sect uniform na Elder.
.
Natahimik ang lahat sa pagdating nitong lalake at ibinaling nalang nila sa arena ulit ang kanilang pansin.
.
-----
.
Tumilapon si Mocci at napadura ng dugo. At agad umayos ng tindig.
.
"magbabayad ka!!! ".
Inilabas ni Mocci ang bagay na ibinigay sa kanya ng kanyang Master.
.
Bamm!!! -----(heavy hit)
.
Tumilapon si Mocci pataas sa ere, at sinundan ito ni Chris ng sweeping kick.
.
Crack!! -----(broken bone)
.
"Aaagghh!!! ----".
Sigaw sa sakit na naramdaman ni Mocci sa kanyang kaliwang braso.
.
"time to kill you, -----".
Itinutok ni Chris ang kanyang Annihilation kay Mocci pero.
.
Wwhhaaapp!! -----Clang!!---(Fast strike)
.
"huh? Isang SageSaint? ----why? "
Naka sangga ang Annihilation ni Chris sa kanang kamay ng SageSaint.
(bare hands!!!, anung klaseng kamay yun!!)
.
*pero mala Jun-Pyo yung dumating!!, ang tangkad nya at may killer looks!! Heto yung lalake na dumating para panoorin si Mocci! *
.
"hindi mo kailangan pumatay sa isang match".
Sabi ng lalakeng nagligtas sa buhay ni Mocci, mula sa sandata ni Chris.
.
"let me get this straight, hindi porket guwapo kayo, eh kayo na lagi nasusunod?, itanong mo muna kung bawal ba talaga ang pumatay sa arena, at isa pa mas madaming kinitil na buhay ang team nya kesa saken".
Tila nainsulto si Chris at sinigawan ang isang SageSaint.
.
(isa itong kasiraan ng ulo o sadyang may lakas lang sya para gawin ito?).
.
Natawa naman ang representative ng DemonSpiritualist. At ganun naman ang ilang High power Cultivators na nasa mga VIP rooms na mga iyon.
.
"tsk!, patayin ko sya second brother!, wala syang respeto sa ating Sect!!----"
Pilit na tumayo si Mocci at halatang dumudugo ang kaliwang braso nito na may matalim na piraso ng buto nya ang nakalabas sa hiwang parte sa braso.
.
"shut up you weak!!!, kahihiyan ka bilang isang cultivator, o baka naman pati ang kasama mo?! Ha ha ha ha!, kailangan nyo umasa sa iba para matawag kayong malakas?, tsk rubbish!! and Dog sh*t!! ---- pasensya na kung ganito ako magsalita, sadyang Bob* lang talaga kayo kaya mas maiintinidihan nyo ng mabuti kapag ganito ako!!! ha ha ha ha!!".
Malakas na trip ni Chris sa harap mismo ng isang SageSaint.
.
Napatayo na sina Jegger at plano na nilang ilayo si Chris sa harapan ng kasama ni Mocci.
"this is bad, wala sa sarili si Chris, tiyak papatayin sya ng lalakeng iyon!".
.
Tumalim ang tingin ng Kasama ni Mocci kay Chris at sa isang iglap.
.
Gabbaam!!! -----(Dimensional cut)
.
Nagkaroon ng malaking bitak ng Dimension sa harapan ng lalakeng iyon at hinigop si Chris papasok.
.
"tiganan natin kung magtatagal kapa sa Chaotic space!, maske ang Saints ay hindi makakatagal ng limang minuto sa loob, ikaw pa kaya na nasa Master stage lang. tsk. Weakling! ".
Seryosong sinabi ng kasama ni Mocci.
.
"nabubuti yan sayo!!, mamatay ka jan!, kailanman hindi mo na maaagaw pa saken si Jane!!, saken sya saken sila saken lahat ng gusto kong angkinin. ha ha ha ha!!".
Tila nasiraan naman ng bait. Sa sobrang tuwa si Mocci ng makita nyang napunta si Chris sa loob ng Dimensinal hole na iyon.
.
Nahuli na ng dating si Jegger at naglabas sya ng Lance, at itinutok sa kasama ni Mocci.
.
Pero pinigilan sya ng Babaeng dumating at ito ay ang lagi nyang nakakatabi sa loob ng VIP room.
"wag kang padalos dalos, mga disipulo sila ng lalakeng iyon! ".
Paalala nito jay Jegger.
.
"p-pero, kapag nalaman ito ni Jose, alam mo na ang mangyayari sa ating lahat!".
Tila mas kinakabahan si Jegger sa magiging reaction ni Jose kapag nalaman nitong namatay si Chris sa kamay ng isang SageSaint.
.
Lumingon sina Mocci at ng kasama nito kina Jegger.
"oh ano, Jegger?, tsk. Takot ka naman pala, sa tingin mo magagalaw mo kami?, hanggang pangarap mo lang ya----".
Natigil sya ng biglang may paparating na bagay sa kanyang mukha.
(slowmotion)
.
Slash!! ----(flesh and blood)
.
Napa-atras ang lalakeng iyon at may hiwa ang kanyang pisngi.
.
Ang Chained scythe ni Chris na lumabas sa Dimensional hole.
.
Lumabas duon si Chris at may kalmadong anyo sa mukha nito.
.
"hayaan nyo akong bumawi sa ginawa ng dalawang iyan, wala akong planong gamitin ito pero, mukhang kailangan makaramdam ng takot ang mga tulad nila!".
Nagbago ang pananalita ni Chris(Dread), at nag titig nito ngayon ay nangahulugang tiyak na kamatayan.
.
Bumalik ang anyo ng sandata ni Chris bilang Annihilation(Longsword)
"DivineLigthning----Of Primordial!"
.
Nakaramdan ng malakas na pressure ang lahat ng mga SageSaints at nabaling sila sa hawak na sandata ni Chris.
.
Ang Annihilation ay humihigop ng madaming Heavenly energy mula sa Dimension hole. At ganun din ang nature energy sa paligid, ay mabilis nitong sinasagap.
.
"saluhin mo ang karmo mo, Boy! ".
Malalim na sabi ni Chris sa lalakeng naglagay sa kanya sa Chaotic space.
.
Umilaw ang BlackRing sa kamay ni Chris at lumabas duon ang negative aura na nasa projection bilang isang inky black dragon. Sumanib ito sa Annihilation.
.
"J-Jegger, s-si Chris yan tama b-ba? ".
Naglabas na ng armas sina Jegger at ang kasama nyang babae.
.
Ganun ding nakaramdam ng takot ang lahat sa paglabas ng tunay na lakas ng sandata ni Chris. At maging ang suot nyang BlackRing ay naglalaman ng hindi malamang uri ng Aura.
.
"oh!, sa tulad mo kahit ano pa yan, hindi tatalab ang ilusyon mo sa-aming lahat!! ".
Pasigaw na sabi ng kasama ni Mocci.
.
Nagkagulo na sa loob ng Arena at ganun namang nakaramdam ng takot naging lahat ng nga Audience sa nilalabas na Fearful aura mula sa sandata ni Chris.
.
"Chris kung ano man yan, wag mong itutuloy?, yang hawak mo ay hindi mo kontrolado kaya itigil mo na yan, at baka madamay ang mga----".
Natigils si Jegger ng lumingon sa kanya si Chris.
.
"Oh?, hindi kontrolado?, sino ka para sabihin sa aking Darlings ang ganyang bagay?----ako lang ang pina kikinggan nito".
Evil smile nya kay Jegger. At mukhang hindi sya nito nakilala.
.
"ha ha ha----argh!! "
Napaluhod si Chris at naitutok nya ang kanyang sandata sa itaas. Tila nasasaktan ng sobra ang loob ng kanyang ulo.
(parang kinamot at nilagyan ng alcohol ang kanyang utak)
.
Isang dambuhalang inky black lightning dragon ang lumabas sa dulo ng Annihilation. May taba itong 2km at binutasan nito ang Barrier at maging ang Space contraction ng Stadium ay hindi kinaya ang pagsalpok ng projection na ito at lumangoy pataas ang anyo nito hanggang sa umabot sa kaulapan, at hanggang inabot nito ang chaotic space sa labas ng planeta.
.
Sa biglaang pangyayaring iyon nakita lahat ng mamamayan sa PurpleMoon continent ang anyong nito.
.
Maging ang buong rooftop ng stadium ay nabura sa isang atake lang na iyon, nasira lahat ng pader at agad tumulong ang mga SageSaint para walang mamatay sa nangyari.
.
-----
May mga naglitawan na BlackMountains sa palibot ng malawak na lupain ng mundong iyon. Kagaya ito ng realm kung saan nakulong ang lahi ni Bianca.
.
Madaming nag litawan na sealed BlackMountains. At ilan sa mga bundok na ito ay naglitawan ang mga ibat ibang klase ng mga Ancient Clans, at ang pinaka nakakatakot na mga mountains ay naka pwesto sa pinka norteng bahagi. Kung saan may 20 mountains na magkakadikit lang.
.
Lumabas duon ang mga Giants, Titans, Pure bloode Dragons, NetherMonsters at madami pang mga Halimaw.
.
-----
.
Sa pinakamalapit na area ng isang itim na bundok. Tanaw duon ang imahe ng itim na dragon at maging ang Fearful aura na nilalabas nito ay Mararamdaman sa buong palibot ng mundo.
.
"Nakita nyo ba yun?!, hi hi hi hi, panahon na para ibalik sa atin ang lupang pangako!!!!"
Turo ng isang mala FrozenZombie na babae at may hawak na PurpleCrystal broom sa harapan ng Greenish Dragon. Isang Witch.
.
Lumipad na sa ere ang dambuhalang Dragon at nagtungo ito sa hilaga, kung saan isang malawak na lupain na hindi pa natutuklasan ng karamihang cultivators, at madaming ancient ruins na nalipasan na ng panahon.
.
-----
.
Si Adonis naman na nasa Throne nito sa underground secret ancient ground.
.
'oh, isang Peak Monarch stage expert?!! '.
Napatayo si Adonis sa kanyang upuan, at agad syang nawala kasabay ng hangin.
.
Lumitaw si Adonis sa ibabaw ng Stadium ng Coryet.
.
Walang nakakakita sa kanya o makakapansin sa presence nya.
.
'Anyare nawala na ang Aura!?, hindi kaya may gumamit ng divine contact, at sino naman ang may alam sa Divine realms sa lugar na ito?, maliban sa Northern at southern frozen lands lang at ako ang nakaka-alam sa realm na iyon'.
Naguguluhan si Adonis hanggang sa nasagi sa isipan nya si Chris na nakahakot ng Divine treasures sa loob ng Heroes chamber nya.
'ahhh, sya nga siguro dahilan, pero papaano? '.
Back to thinking moment si Adonis at nawala na sya duon kasabay ng hangin.
.
-----
.
Agad nilapitan nina Ahri si Chris na nakahiga sa lupa at walang malay.
.
Ganun namang naunahan sila ni Jegger at kasama ang mga SageSaints sa mga nasirang VIP rooms.
.
"ano pinaplano nyong gawin kay Chris!!?".
Seryosong tanong ni Ahri sa kanilang lahat.
.
Lumapit ang matandang lalake at humawak sa sandata ni Chris.
"Low-GrandMaster grade artifact, hindi ito Treasure----at ganun ding nasa Master stage lang ang cultivation ng Chris na ito".
Tila sinuri nya ng mabuti ang lagay ni Chris.
.
Ganun namang sinubukang suriin ulit ng ilang mga SageSaints si Chris at napag-alaman nilang normal naman si Chris.
.
Unti unting nagkamalay si Chris at nabigla sya dahil alam nyang SageSaints ang lahat na nakapalibot sa kanya.
(back to normal self).
.
"a-ano nangyare?, bat ----ouch!"
Naramdaman ni Chris ang ilang hiwa sa kanyang katawan at ganun ding naluha sya ng maalala nyang may ibang minamahal si Jane.
.
"hmmmfp, mukhang sinaniban sya ng Dark entity, dahil sa negative emotions nya nung una----bilang isang matandang Alchemist at nabuhay ako ng 50,000 years----totoo nga siguro na ang mundo natin ay hindi nag-iisa at maaaring ang mga Superior experts noon na umabot sa peak SageSaints ay hindi namatay at maaaring nakapasok na sila sa realm na iyon".
Sabi ng mala-pulubing matandang lalake.
.
"lahat naman ng Ancient records ay napalitan na nung 70,000 years ago pa, base sa limited na natuklasan kong mga ruins sa norte, tiyak na may mundo pa na naghihintay sa mga peak stage SageSaint, at ilan sa atin ang nasa level 8, tanging si Jose ang pinaka matanda sa pagkakaalala ko, at isa pa ay si Sir Jarod ng UltraLightning sect."
Dagdag ni Kresia, at ganun nga ay nawala na ang interes nila kay Chris dahil sa kaaalamang iyon.
.
"mukhang bumalik na sa katinuan ang batang iyon, ---no need to kill him, sinaniban lang sya ng DarkEntity, mukhang minalas tayo at napakalakas ng entity na iyon na sumagap ng Heavenly energy sa chaotic space".
Sabi naman ng kasama ni Mocci na tila naintindihan na nya kung bat nagkakaganon si Chris ng harapin sya nito na walang takot.
.
(iba pagkakaalam nila, sa ating binabasa. he he he. Si Chris ay Dread ay nagkaroon siguro ng konting tug-of-war sa loob ng Sea of consciousness)
.
*ah, oo siguro ganun nga, pero ano na kaya nangyari kay Dread?*.
.
-----
.
Sa Darkest area sa loob ng Sea of consciousness ni Chris.
.
Kung saan naroon ang Throne ni Dread.
.
Si Dread ay nakahiga sa sahig na itim at ganun nga ay, parang natatawa ito sa nangyari.
'tsk tsk tsk. Side effects ng Divine class na skill. Ha ha ha. Buti may kakayahan pa akong tumawa sa ayos kong ito----ha ha ha ha. I'm too drained. Aabutin ako ng ilang taon dahil sa ginawa ko---buweno kayang kaya na ni Chris ang lahat'.
.
*pasensya na sa mga mistypos at, nalalapit na ang "new adventures arc". He he he. Madaming mga ancient ruins ancient underground empires, ancient people history, ancient historical paintings etc etc*
.
salamat sa pag suporta guys. More power to us. May Heavens Guide you all 😍😆😄✨✨✨💪🐲🔥