66: The Arrival of Denz.
.
.
Ganun nga at tumigil si Chris sa kanyang Streak Wins at Kills sa loob ng DuelPlatform.
.
Magkasabat ulit silang lumabas ni Liza sa underground district. At nag uusap naman ang tatlo patungkol kay Chris.
.
"sis, wala din akong nahanap na info, kung sino ang master ni Chris, tiyak akong tanging ang tatlong pumirma ng stamps sa File-case nya ang may-naturang alam sa background nya".
Sabi naman ni Rebecca, curious na curious sila kung saan nanggaling ang mga ipinakitang MartialDao ni Chris sa nagdaang mga labanan.
.
"----Jose Grande Hernandez---".
Mahinang bigkas ni Megan. Na agad nakaramdam ng takot ang dalawang kasama nya.
.
"---You mean, kaya malapit sa kanya si Liza ay dahil may koneksyon sya sa Master ni Liza? ----".
Sabi ni Joan, na malimit hinaan nito ang boses.
.
"---maaaring oo at maaaring hindi, masyadong walang koneksyon ang mga galaw ni Chris sa pagkakakilala ko sa Master ni Liza na si Jose---"
Nag flashback ang mga CrystalOrb recordings ng PurpleMoon archives sa isipan ni Megan.
"---malalaman lang natin ito kung uulitin nating panoorin ang mga laban ni Chris sa WorldTournament---".
.
Ganun nga at nag Message si Megan sa kanyang phone.
.
"you mean, nakasali sya sa WorldTournament?!, si hindi lang basta Chika yung mga kumalat sa labas last year? "
Sabi naman ni Rebecca na hindi nakapanood ng WorldTournament.
.
"oo napanood ko yung ilang matches ng team nya sa early parts, pero wala sya that time----nalaman ko din na nawalan sya ng kakayahang mag-cultivate noon, at nasa Master stage lang sya".
Sabi naman ni Joan. At ganun ding mas na-Curious sya kung papaano nakasali ang isang Master stage sa WorldTournament.
"---unless approved ng higher powers ang pagsali nya, kahit nasa Master stage lang sya----o sh*t!?".
.
Napabaling sila kay Joan na tila may alam sa isang bagay kay Chris.
"oh bakit?, ano problema?, para kang nakakita ng multo".
Sabi ni Megan, ay ganun ngang curious ito sa sasabihin ni Joan.
.
"Guys, i think. Si Chris ay Main Physical Cultivator, tiyak akong nasa Epic or Ancestor stage sya---".
Ganun namang nakaramdam ng kaba sina Megan sa Theory ni Joan. Maaaring balikan sila ni Chris kapag nakalaya na ito. At ganun namang nabuo sa isipan nila kung bakit may tatlong higher Status Powers na back-up si Chris.
.
"---itabi na muna natin yan sa ngayon, sigh. Kung totoo man tiyak hindi naman ganun si Chris na babalikan nya tayo dahil lang sa underground district. Dahil approved naman ng PurpleMoon Elders ang pag bukas natin ng duel arena sa Dungeons".
Sabi ni Megan. At ganun namang kumalma na ito.
.
-----
.
Si Liza ay mas naging malapit kay Chris.
'masasabi mang, brutal at walang awa si Chris, pero may dahilan sya para gawin ang mga bagay na iyon---at may awa sya sa mga alam nyang nababagay din doon'.
.
Patuloy parin sa Ensayo si Chris maging sa loob ng Cell Room nito o sa labas.
'sa tingin ko, handa na akong i-modify ang HeavenlyBlackUmbrella, sa nalalapit na paglabas ko dito----Bro Denz, goodluck'.
May ngiting katiyakan si Chris sa kanyang mukha. At mukhang mai-sasakatuparan na ang kanyang plano, pagnakarating na si Denz sa harap ng Reyna ng DragonNest.
.
-----
.
Ganun nga ay, lumipas ang mga araw at dumating na ang takdang oras para kay Denz na harapin ang Reyna ng DragonNest.
.
Si Denz ang kinilalang idol ng mga kabataan sa buong DragonNest, may taglay na mabuti at malakas na leader, may taglay ding kamandag pagdating sa Kaguwapohan medyo hindi lang ito nakiki halubilo masyado sa iba.
.
At sa araw na pagdating ni Denz ay sinalubong sya ng Mayandang Elder ng DragonianSect, at ito ay ang kanyang master na si Siffu.
.
"master, ipag-paumanhin ninyo ang huli kong pagdating."
Yumuko si Denz at masaya itong makita ulit ang kanyang master, na ngayon ay nakasuot ng Daragonian Elder Robe.
.
"ha ha ha. Mas importante ay ligtas ka, laking pasasalamat ko sa kaibigan mo".
Ganun nga at nalaman ni Siffu, ang kabuoang nangyari ng makauwi ang mga ka-team mates ni Denz.
.
Bumili kasi sila ng CrystalOrb recording ng mga laban ni Denz at sa huling nangyari kung saan nalason ito ng kalaban nya sa arena.
.
"ah naalal ko pala, Master, maaari nyo bang gawan ng paraan para makita ko ng personal ang mahal na Reyna? "
Agad na nasagi sa isipan ni Denz ang plano nito.
.
"aba, syempre naman, at sya mismo nag request na dalhin kita agad sa DragonianFortress pagdating mo".
Sabi naman ni Siffu kay Denz.
.
"ganun po ba, kung ganon tara na sa DragonianFortress, Master"
Mukhang walang kahirap-hirap ang gagawin ni Denz.
.
At sumakay sila sa Metallic aircraft na ginamit ng Master nya. At nagtungo sila sa Central country na Dragonite.
.
-----
.
Si Chris ay medyo nakaramdam ng hirap sa kanyang kalaban sa DuelPlatform.
.
Isang babae na tila gusto talagang labanan si Chris ng harap harapan gamit ang MartialDao sa paggamit ng sipa.
.
Excited naman ang lahat kung ano gagawing pagdepensa ni Chris sa mga susunod na atake ng Bababeng ito.
.
'my gawd!, hindi ko sya ma-tamaan ng acupuncture styled fist ko. At wala din akong dahilan para tamaan sya ng mga sipa ko----isa syang top 100 lister pero---wala sya sa DeathRow!!!!'.
Mukhang malakas parin ang conscience ni Chris pagdating sa makakalaban nya sa loob ng DuelPlatform.
.
Ganun namang napansin ng mga Experts at VIP ang pagbabago sa galaw ni Chris, ay alam nilang iniiwasan nitong masaktan ang kanyang kaharap.
.
"ahh, may puso din pala sya pagdating sa mga babae---"
.
"hindi ko din inaasahan na ganun sya ngayon, hindi nya siguro matamaan ang ilang acupuncture points ng kanyang kaharap----tsk tsk tsk. Mahihirapan sya ngayon".
.
Ganun namang may mga Boos na maririnig sa mga manonood ng mapansin na nila ang kakaibang moves ni Chris.
.
'aha!, ganito nalang---'.
Ngumiti si Chris sa kanyg kaharap na babae. At naglabas sya ng kanyang Killing intent.
.
(mga bagay na hindi basta basta nagagawa ng mga cultivators ay ang paggamit ng pure intent para iparamdam sa iba ang takot)
.
*kumbaga, Magbibigay ka ng pakiramdam para matakot ang kalaban sayo ng walang ano mang dahilan*
.
## thanks for explaining ##
.
Ganun nga at naramdaman ng babae ang nakakatakot na intent sa mga mata ni Chris. Na parang hinahatak sya sa pinaka dilim na parte ng Impyerno, puno ng patayan, mga dagat ng dugo, mga bundoking mga bangkay ang naglitawan sa kanyang sea of consciousness at ito ay dahil sa itinanim na killing intent ni Chris.
.
At nawalan na ng focus ang babae at nagawan na ni Chris ng acupuncture skill hits ang katawan nya.
.
Thud----(body fall)
.
Paralyzed na ang babae at hindi na makatayo pa.
.
Walang sino man ang nakaramdam sa ginawa ni Chris sa babae. Pero alam nila na may kakaibang taglay si Chris, lalo na ang mga nakaraang nakalaban nito. At iyon ay ang pagbibigay ni Chris sakanila ng Takot sa kamatayan.
.
-----
.
Ganun nga at nakapasok na sina Denz sa exterior area ng Dragonite, at nasa loob sila ng Metallic aircraft.
.
"ang bilis ng metallic aircraft ninyo master, hindi tulad noon--".
Sabi ni Denz at ganun nga ay nakapag palit na ito ng Outfit.
.
"he he he. Regalo saken ng mahal na reyna ang mga Divine stones kaya triple ang bilis nito kesa sa paggamit ng Bless stones. At isa pa halos hindi pa nabawasan ang energy na laman ng DivineStone na ginamit ko dito".
Sabi naman ni Siffu kay Denz. At ganun nga ay ipinakita nya ang isang piraso kay Denz.
.
Biglang sumagi sa isipan ni Denz ang ibinigay sa kanya ni Chris na RedStone na kasing laki ng kamao.
"Master may alam kaba tungkol sa bagay na ito? ".
.
Ipinakita ni Denz ang RedStone kay Siffu. At napa isip naman si Siffu ----at wala syang idea sa bagay na iyon. Halos hinawakan na nya ito at inamoy.
"Hindi ko alam Hijo, mukhang isang tumigas na dagta or likido ---maaaring dugo ng Darialon, o ChickenOx".
Hula naman ni Siffu, na halos matawa si Denz sa mga nabanggit nito sa kanya na mga klase ng CommonBeast.
.
'imposibleng ganun lang ang bagay na ito, ha ha ha. Hindi ganun si Bro Chris. Ha ha ha. Sana nga hindi ganun ito'.
Parang nagdadalawang isip na si Denz na ibigay ang RedStone sa reyna.
.
Nag usap sila sa mga kaganapan kung paano nakilala ni Denz si Chris.
.
"oh, so may pagkakatulad kayo, Naiintindihan ko naman kung bakit ka napalapit sa kanya. he he he. So sya ang nagpabigay nyan, para sa mahal na reyna".
.
"opo Master, at kasalukuyan syang nakakulong ngayon sa RoyalDungeon ng PurpleMoon---heto narin lang ang kayang maitulong sa kanya sa ngayon".
Ganun namang itinago na ni Denz ang RedStone sa kanyang storage ring.
.
"syah nga pala, may bisita din ngayon ang mahal na reyna----galing sya sa UltraLightning sect".
Nabanggit naman ni Siffu ang bagay na nagpabago sa anyo ng mukha ni Denz.
.
"ahm. Si Mocci tama ba?, Master?"
Hula naman ni Denz, at napansin nya ang ngiti sa mukha ni Siffu. At mukhang tumpak nga.
.
'mukhang may plinaplano ang Mocci na iyon tsk. Tignan natin kung tatalab ka sa strategy ko pagdating sa plano'.
Tila naging kaaway narin ni Denz si Mocci dahil panig sya kay Chris. Sworn brothers helps one another.
.
(kaaway nya ay kaaway ko din ganun yun, upakan mo na si Mocci sa harap ng Reyna Denz)
.
"ahm, Master ano naman pakay ng UltraLightning sect sa pagbisita nila?"
Ganun namang nagbigay hint ang mga mata ni Denz kay Siffu.
.
Malaki ang tiwala ni Siffu sa kanyang disciple, at ganun nga na napansin nyang may kakaiba din ang biglaang pagbisita ng mga Top tier sects nung nakaraang mga buwan.
"Ahm, base sa pagkakaalam ko. may ibinigay na malaking bagay ang UltraLightning sect sa mahal na reyna, at si Mocci ang nag-abot nito sa personal, ganun ding nalaman ko na nanggaling ito sa kanyang HiddenMaster at makakatulong ito sa pagbangon ng DragonNest continent---ganun ding makakatulong ito sa HumanAlliance sa nalalapit na itinakdang prophecy sa darating na WorldWar".
.
Nag isip ng malalim si Denz, gaya ni Chris kailangan nyang suriin ang bawat hints at Clues ng mabuti.
"hmmmfp, mukhang balak nilang mapalapit sa Reyna----at sa kung anong dahilan ---tiyak akong, alam na din ng HumanAlliance ang kabuoang lakas na taglay ng DragonianClan sa biglaang pagdating nila sa hindi inaasahang panahon----kung gayon, tiyak naman na ang nagtulak kay Mocci ay ang kanyang HiddenMaster na hindi parin nagpapakita---omasasabing walang nakakakilala---at higit sa lahat hindi natin alam kung kakampi ba o Kalaban ang HiddenMaster nya".
.
Ganun namang nakakatakot ang taglay ni Denz na mag-isip at maglabas ng patutunguhan gamit lamang ng ilang Hints at Clues sa isang salita lang ay mas magiging klaro ang lahat.
.
"M-Mukhang may punto ka Hijo, pero wag muna natin ito ipaalam sa mahal na reyna sa ngayon, lalo pa't hindi pa nya masyado naiintindihan ang power structure ng HumanAlliance sa ngayon----sinabi nya na saamin ang tungkol sa nakaraan----"
Ganun nga ay nasabi ni Siffu ang ilang areas sa history ng DragonianClan bilang sentro ng resistance laban sa Mga Tunay na Halimaw ng nakaraang panahon.
.
Ilang sandali ay nakarating na sina Denz sa DragonianFortress. At gayun ding may limang Babaeng mga alagad ni Bianca ang syang sumalubong sa pagdating nya.
.
'woah!!, ang laki ng Fortress na ito!?, kailan man hindi ko inakalang may ganitong lugar dito----at isa pa sadyang napaka layo nito sa outer layer countries'.
Ganun namang umayos din ng composure si Denz. At bumaba sa metallic aircraft.
.
Sumunod na bumaba sa metallic aircraft ay si Siffu. At yumuko sya saglit sa mga babaeng sumalubong sa kanila.
.
Ma-respeto si Siffu sa lahat ng mga malapit sa mahal na reyna, at ganun din sa nasasakupan nito. Tiyak sa kanya lahat galing ang Qualities ni Denz, medyo hindi lang social masyado si Denz.
.
"naghihintay ang mahal na reyna sa loob".
Ngumiti naman ang babaeng ito kay Denz, na tila alam nyang kakaiba ang taglay ni Denz base sa unang tingin lang.
'---oh, syah yung hero ng DragonNest na sumabak sa WorldTournament---cute nya'.
.
Yumuko si Denz, at ganun ding ngumiti ng konti sa babae. Tanda ng respeto nito sa unang ngumiti at bumati.
.
(in short ---formalities first)
.
Sumunod sina Denz papasok sa DragonianPalace.
.
Nasa garden sina Bianca at Mocci, at mukhang kanina pa sila tuwang tuwa sa pag-uusap.
.
"ha ha ha. ----eh?, Elder Siffu?, mukhang nandito na ang mga bisita ko Mocci".
Tumayo si Bianca at ganun din si Mocci.
.
"oh, may mga bisita kang darating ngayon bukod saken? "
Curious naman nitong tinitigan si Bianca.
.
"oo, ang Disciple ng isang Elder mula sa Sect ko----hihintayin mo ba ako dito?, o sasama ka?"
Ganun namang bumaling ang tingin ni Bianca kay Mocci.
.
"he he. Mukhang importante yan. Kaya hihintayin nalang kita dito, Mahal, na reyna".
Ganun namang may hint ng sincerity sa boses at mukha nito.
.
(tamaan ka sana ng itim na kidlat!! )
.
*chillax bro---------@,$!4/1@!4=@1'!!!!*
.
-----
.
Nasa guest area sina Denz at Siffu at nakatayo silang naghintay kay Bianca.
.
Nabaling ang pansin ni Denz sa Aura ng isang Master stage expert na paparating.
.
At yun nga ay si Bianca, ang kanyang nakita sa kaunaunahang sandali.
.
'woah, such a beauty!, parang halintulad lang sa kagandahan ni Ahri na kaibigan ni Bro'.
Ganun namang umayos sya at unang yumuko ng makita sya ni Bianca. Alam din nyang 18yrs old lang ang reyna ng kanyang bayan.
.
"ako si Denz Ryo, ang yung lingkod mahal na reyna".
Formal na greetings naman ni Denz.
.
Ganun ding yumuko si Siffu kay Bianca.
"may nais, ibigay ang aking Disciple mahal na reyna".
.
Whhhooossshh!! ----(wind)
.
Dumating naman ang ina ni Bianca. At mukhang narinig nya ang tungkol sa bagay na ibibigay ni Denz kay Bianca.
.
"ma'?, diba dapat nagpapahinga ka? Inatake ka nanaman ng Lagnat kagabi".
Ganun namang nagulat sina Denz sa paglitaw ng ina ni Bianca sa sandaling iyon.
.
'SageSaint, at hindi ko maramdaman ang kanyang Aura!!'.
Nanginig ang tuhod ni Siffu at pilit kumalma sa harap ng mag-ina.
.
Habang si Denz naman ay mas lalong pinapakalma nito ang sarili sa pag luhod ng mga paa nito.
'oh, my ---andito ang ina ng reyna, mukhang kinakabahan na ako lalo kung laruan ba itong ibinigay ni Bro, or dugo ng ancient at Kakaibang Uri ng Manok!'.
.
(wahahahaha. priceless bro, kaya mo yan)
.
*ha ha ha. kung ako nakatayo sa pwesto nya, tiyak luluhod talaga ako sa mag-ina---pero go lang bro. Ibigay mo na yan!!*.
.
"he he he. Kilala mo na ako anak, pagdating sa mga regalo at surprises lagi akong nandun para makita ko ito".
Tila parang bata naman ang ina ni Bianca, at maamo itong tignan na tila hindi nito kayang manakit ng kahit gagamba.
.
Wwooosshh!! ----(wind)
.
Ganun namang dumating sina Goryo at Lara.
"ay, sabi ko na ngaba dadating ka Sis, he he he. Magkapatid nga naman talaga tayo".
Sabi ni Lara, na nabaling ang pansin nito kay Denz.
.
Sa sandaling iyon ay hindi inakala ni Denz na makikita nya ng malapitan ang tatlong SageSaint na magiging backer ng Reyna at maging sa buong DragonNest continent.
.
Ganun ding gusto ng lumuhod ni Denz sa tindi ng Pressure sa tatlong SageSaint pero, hindi kapansin pansin sa labas na kaanyuan ang kanyang paghihirap, nanatili paring kalmado tulad ng hangin at tubig sa isang lawa.
.
"oh, ipag paumanhin mo Hijo, kung medyo na-e-excite kami sa bagay na nais mong i-abot sa aking anak".
Ngumiti ang ina ni Bianca kay Denz.
.
'heto na, heto na-----waaahhhhh!!! '
Gustong doobidoo si Denz----Kaso sa isip lang nya ito magagawa.
"mahal na reyna, ang bagay na ito ay ni-request saken ng matalik kong kaibigan, masasabing SwordBrother ko sa buhay kong ito".
.
Inilabas ni Denz ang RedStone at pilit na pinakalma sa pagyugyog ang kanyang dalawang kamay na naghawak sa RedStone.
.
Sumeryoso at gulat ang tumatak sa mukha nina Lara, Goryo at ina ni Bianca.
.
'Sh*t, Bro----why you do this to meeeee!?!?'
Napapikit si Denz at tagaktak ang pawis sa kanyang katawan, na tila lilitsunin sya ng buhay ng tatlong SageSaint na itong nasa tabi nya.
.
"Hijo, maaari ko bang mahawakan ang bagay na hawak mo? "
Tila naglalaman ng tuwa at galak ang ina ni Bianca, sa sandaling iyon. At nagpabago sa pakiramdam ni Denz at huminahon sya.
.
Ganun namang ibinigay nya ang RedStone na kasing laki ng kamao ni Denz sa ina ni Bianca.
"Ma'?!, ano ang bagay na iyan?".
.
Huminga ng malalim sina Lara at Goryo. Ngumiti sila na tila nagkaroon ng malaking pag-asa.
.
"hindi ako nagkamali, Hijo, sino ang SwornBrother mo?, maaari ko ba syang makita at makausap".
Naluluhang sabi ng ina ni Bianca.
.
"ahm, sa katunayan nakakulong po sya sa ngayon, at may 4 pang taon bago sya makalaya".
Sabi naman ni Denz at hindi nya alam ang itatawag sa ina ni Bianca. Pano naman kasi Reyna na si Bianca eh.
.
(ehdi Mudra Queen ata--bro narinig ko sa mga Bi. ha ha ha)
.
*ha ha ha. Narinig ko yan sa mga Bi sa kanto. ha ha ha.*
.
## sigh, pwede namang Ex-Queen kaso nakakatakot kung ganun mo sasabihin diba ##
.
-----
.
"---Ma'? "
Tila naghihintay naman si Bianca sa sasabihin ng kanyang ina kung ano ang bagay na iyon.
.
"anak, ang hawak kong ito ay ang DragonBloodStone, 1000x na halaga ng isang DragonBloodPebble---".
Lumingon ang ina ni Bianca kay Denz.
"---Hijo, anong gusto mong kapalit ng ibinigay mo sa anak ko, kahit ano sabihin mo lang".
Ganun namang may sincerity sa boses ng ina ni Bianca.
.
"ang kalayaan ng SwornBrother ko po, yun lang ang nais ko".
Ganun namang walang mas importante kay Denz ngayon, at hindi sya nagdalawang isip sabihin ang kanyang gusto.
.
Natulala sina Lara, Goryo, at Bianca.
.
hindi na naging sorpresa kay Siffu ang sasabihin ni Denz. At kilalang kilala nya ito na parang tunay nyang anak.
.
Pumikit ang mga mata ni Bianca at ganun ding iminulat nya ito.
"tunay ang iyon puso, ganun din ang sigaw ng iyong kaluluwa. Buweno matutupad ang kahilingan mo".
Ganun namang lumingon sya kay Bianca.
.
"he he he. Mom kanina ko pa na-message ang Head ng DJC, tiyak laya agad ang kaibigan nya".
Sabi naman ni Bianca. At nakalimutan nya na si Mocci na naghihintay sa Garden area.
.
-----
.
2days earlier.
.
Si Chris ay kasalukuyang kinakaharap ang Ranked no. 5 sa list ng Underground district.
.
May ilang pasa si Chris sa mukha, at ang kanyang kalaban ay isang Lalake na balbasarado--at may tigasing muscles.
.
Bam!! ----(heavy kick)
.
Sumipa ito kay Chris ng napakabilis, isang expert sa kick ang nakaharap ni Chris.
.
"ha ha ha. Mukhang mananalo ang manok ko!!!".
.
Sigaw ng ilang VIP na pumusta sa kalaban ni Chris. At tahimik ang buong lugar dahil sa intense battle na nagaganap sa loob ng DuelPlatform