68: The Journey to DragonNest
.
.
Wala silang maramdaman sa katawan ni Chris sa mga sandaling iyon. Masasabing nasa total Physical mode sya. At hindi ito mararamdaman kung anong stage ito hanggat hindi mo natitikman ang isang atake nya.
.
(one attack means certain death, pagdating kay Idol)
.
Masasabing Ancestor stage lahat ng nasa loob ng Dungeons bilang bantay, meron paring mga SaintStage experts na nasa malapit na look out.
.
Ganun namang, nakaramdam si Megan na base sa anyo at pananalita ni Chris, tiyak syang kaya nga nitong patumbahin ang mga tulad nilang nasa Ancestor stage.
"ahm, Chris, huminahon ka muna, maaaring nagkamali sina Joan sa kanilang pananalita. Alam kong kaya mong gawin lahat ng gusto mo sa sandaling ito, pero isipin mo kung baka malagay sa panganib ang ilang mga malapit ng makalaya dahil sa gagawin mo. Yung mga naakusahan ay inosente ay madadamay din---"
.
Ganun namang medyo tinamaan ang puso ni Chris sa sinabi ni Megan. At nawala din agad ang Black inky smoke sa kanyang mga kamay.
"maaari nyong palitan ang request nya at ako nalang ang kaharap nya ngayon".
Inunat ni Chris ang kanyang mga kamay sa dalawang guards. Tila hahayaan nyang palagyan ulit sya ng Restrictions sa kanyang mga kamay at paa.
.
"oo, maaari at kaming tatlo ay sang-ayon sa kagustuhan mo".
Sabi naman agad ni Megan, at tila meron paring kaba sa dibdib nina Joan at Rebecca sa huling nangyari.
"oo payag na k-kami Chris".
.
Ganun nga at nilagyan nila ito ng panibagong restrictions /suppression bracelets.
.
"alam kong hindi kayo tatalikod sa inyong sinabi".
Lumingon ulit si Chris sa tatlong chief ng Dungeons.
'ngayon ay nakabawi na ang katawan ko sa mabigat na mga pasa at mga hindi humilom na sugat sa mga nagdaang araw. I'm finaly refreshed!---tiyak akong sisiw lang si Ramon, ngayon nasa peak condition na ang aking katawan.'
.
Pumasok na si Chris sa loob ng DuelPlatform, at ganun namang kalmado si Ramon sa anyo ni Chris.
"khe!!, ikaw na nasa GrandMaster stage ng physical, mas lalo mo ako binigyan ng confidence!!!"
.
"tsk!, sa tingin mo astig ka kung mas mataas ka sa stage ko---tandaan mo non-cultivators tayo pagdating sa DuelPlatform na ito".
Ganun namang humanda na si Chris sa pag-umpisa ng laban nila ni Ramon.
.
Tang! ---tang! ---(bell clang)
.
Walang pinagkaiba ang galaw ni Denio at Ramon. Pero si Chris, meron syang ibat ibang klase at types ng MartialDao. At ngayon ay nasa peak condition ang kanyang katawan. Dahil sa pagsagap nya ng Qi-energy sa buong paligid kaninang nakawala sya sa shackles sa kanyang cultivation.
.
Nag unat si Chris ng kanyang kanang kamay paharap sa kay Ramon.
.
(taunting hand)
.
Ganun namang naunang sumugod si Chris kay Ramon. Na parang pinakawalang Canon.
.
Wwhhhooopp!!! -----(windy speed)
.
Ganun namang sumalubong si Ramon kay Chris.
.
Gablam!! ---Vlab!! ---wahmm!! (heavy hits)
.
Halos magka match lang sila, pero halatang si Chris ang anda upperhand advantage.
.
'Hindi dapat ganito ang lakas nyang taglay?!, ano nangyayari?!! '
Ganun nga at nakaramdam ng kaba si Ramon sa mga unpredictable moves ni Chris.
.
"Gotcha!!"
Sa under ni Ramon pumasok ang suntok ni Chris, at tumama ito sa chin ni Ramon.
.
Bamm!!! ---(Explosive hit)
.
Umangat sa ere ang katawan ni Ramon, at ganun namang umayos din sya kaagad at tumalon paatras. Kaso.
.
Vaaalmm!! ---(Explosive Kick)
.
Naunahan sya ni Chris at isang sipa sa tagilirang ang inabot ni Ramon at napasangga sya.
'rraaaghh!! ----unti unting bumibigay ang katawan ko sa mga atake nya!! '
.
Isang Pentagram form attack na tila may gagawing engrandeng final attack si Chris.
.
Ganun nga at parang connecting the dots ang ginawa ng pagatake ni Chris hanggang sa nabuo ang pentagram, gamit ang limang magkakaibang MartialDao attacking postures.
.
Nasa gitna ng pentagram si Ramon na hindi na makawala sa magkakasunod na atake ni Chris.
"tsk, sa tingin mo makakatakas ka pa Ramon!".
.
Limang Sets ng pag-atake ni Chris na naaayon sa pentagram form. Halos marinig na ng mga tao ang pagtunog ng mga cracks sa katawan ni Ramon.
.
Crick---Crack----(bones)
.
"Raaagghhh!!! "
Ganun nga at tila magkapareho talaga si Ramon at si Denio.
.
"Too late"
Mahinang bigkas ni Chris.
.
Baaaamm!! ----(Destructive hit)
.
Umiwas si Chris sa suntok ni Ramon na naglalaman ng kabuoang bigat ng katawan nito.
.
'mukhang mapapalaban pa ako lalo---ehdi mas lalakasan ko din! '
Ganun at naulit muli ang ginawa ni Chris, mas bumilis na galaw nya at ganung mas nahirapan si Ramon na makatakas sa mga atakeng ito ni Chris na tila walang katapusang sakit sa kanyang katawan.
.
"Suko na ako!!!, patigilin nyo sya!! "
Sakit at hapdi ang laman ng Sigaw ni Ramon. At ganung napa asim ang mga mukha ng VIP na pumusta sa kanya.
.
Si Adonis naman na nasa sulok, at nasa sariling isolated Dimensional area nito.
'pentagram attacking pattern----hmmm, ngayon ko lang alam ang tungkol dun at isa pa hindi naman siguro Inscription master si Chris para makaisip ng ganung klaseng mga strategy sa labanan'.
.
Tumigil si Chris, at tagaktak ang pawis sa mukha nito.
"swerte ka ngayon Ramon---- dahil natapos na".
.
Ganun nga at nawala si Chris sa paningin ni Ramon at unti unting dumilim ang lahat ng makikita nito.
'ano---nang---yayare'.
.
Sa katunayan ay dumikit ang sipa ni Chris mula sa kanyang kanan, at isa ito sa mga iconic nyang deadly kick kapag ginamit nya ang DragonRising skill.
.
'sa katunayan, lahat ng moves at skills sa WarDragon skill set, ay maaaring gamitin ng isang Non-Cultivator sa isang laban'.
At ganun nga ay late reaction ang pagkasabog ng ulo ni Ramon ng maalis ni Chris ang kanyang paa sa mukha nito.
.
Natahimik ang lahat, pero si Liza lang ang nagawang ngumiti at agad sinalubong si Chris sa labas ng DuelPlatform.
.
"Chris----"
Napayakap si Liza kay Chris.
.
Hindi alam ni Chris pero, may kahinaan sya pagdating sa mga katulad ni Jane at Liza.
.
(mga semi-pader---i mean mga cute girls)
.
*halla ka bro, maiinis na sayo mga divine-beauties*.
.
-----
.
Ganun namang nawala na si Adonis sa pwestong iyon at mukhang natapos narin ang kanyang pagsubaybay sa mga laban ni Chris.
.
Sina Joan at Rebecca naman ay nakaramdam parin ng kaba sa kayang gawin ni Chris kapag wala itong restrictions.
.
Si Megan naman ang tila hindi nahalatang masaya sa sandaling iyon pero sa kalooblooban nito tuwang tuwa sya.
'yeeeshhh!!, ang dami kong panalo ngayon!!!, Chris!! Talagang bunga ka ng GodOfLuck!!!'.
.
Umalis na sina Chris at Liza sa Underground district.
.
"ahm, Chris---pano ba yan ikaw na ang Ranking no. 1 sa Underground district tiyak akong wala ka na makakalaban".
Sabi naman ni Liza. At ngayon kang mapapansin ang kaamuhan sa mukha nitong nakangiti.
.
"ah eh, oo nga eh. At isa pa baka laya na ako bukas o sa makalawa".
Sabi naman ni Chris, kay Liza. Tila malungkot ito.
.
"huh?, papaanong makakalaya ka eh, 5 years yung sabi sa File-Case mo diba?"
Sabi naman ni Liza na tila ayaw nitong maniwala sa sinabi ni Chris, or sabihing ayaw nyang mawalay kay Chris.
.
(Idol, pati Tibo, umayos dahil sa kamandag mo, puno ka ng miracle voice kasi)
.
*Tsk tsk tsk. Madaming Tibo na maganda sa panahong ito---si Idol lang ang kasagutan para tumino sila at magpakababae*.
.
## well said ##
.
-----
.
"ahm, Basta kapag umalis na ako, tiyak akong nasundan mo naman ang mga MartialDao ko, sigurado din ako na ligtas ka na sa DuelPlatform kapag gamit mo mga natutunan mo saken".
Sabi naman ni Chris, na mas matanda o mas malawak ang Wisdom nito kesa kay Liza.
.
"tsk. Ano ka ba Chris, ha ha ha. Hindi na ako papasok sa Underground District, ilang taon nalang lalaya din ako."
Sabi naman ni Liza para kahit papaano, hahanapin nalang nya si Chris kapag nakalaya na sya.
.
"tama ka----pero sa ngayon mukhang mauuna akong aalis"
Sabi naman ni Chris.
.
-----
.
Sumunod na araw sa mismong oras na nakapag handa na si Chris sa kanyang paglaya, tila alam nyang darating ano mang oras ang susundo sa kanya.
.
Sa opisina ni Megan, naroon ang isang Elder na tila nagmula sa DJC. Department Of Justice for Cultivators. May dalawa itong naka Tuxedo outfits na tila bodyguards.
.
"Masusunod sir, pirmahan nyo nalang po ito ng iyong Qi".
Sa isang tablet ni Megan, at sa isang sway ng kamay ng Elder na ito ay tumatak ang Qi Aura sa tablet magsisilbing signature nya.
.
"Buweno laya na sya sa ngayon"
Ganun namang ngumiti ang elder na ito, na may hawak na phone sa kanyang kamay.
.
Si Megan na mismo susundo kay Chris sa mga sandaling iyon
.
'Mismong Chief ng DJC ang pumunta para pirmahan ang paglaya ni Chris.'
Naalala nito na Top secret ang paglaya ni Chris, at hindi nya ipapaalam sa dalawang Chief ang tuay na nangyari.
.
Ganun namang nadatnan nyang nakatayo si Chris sa tapat ng Crystal barrier ng Cell roo nito.
.
Ganun ding nabigla si Liza sa pagdating ni Megan sa tapat ng Cell ni Chris.
.
Inalis ni Megan ang Crystal Barrier at ganun ding inabot kay Chris ang CopperStorageRing ni Chris. (BlackRing)
.
Isinuot ni Chris ang kanyang StorageRing, ganun ding inalis ni Megan ang Restrictions /Suppression bracelets sa mga kamay at sa dalawang paa ni Chris.
.
"mukhang aalis ka na talaga"
Ganun namang pilit nalang ngumiti si Liza, at nakita nyang nakasuot na sa outfit si Chris. At ganun ding mas gumanda na ang Complexion sa kulay ni Chris.
.
"Kita nalang tayo sa labas, 4yrs later"
Sabi naman ni Chris. At ganun ding pinigilan ang sarili na tumingib ng matagal kay Liza.
.
(ay si Idol, baka umiyak---)
.
*iiyak na yan!!, iiyak na yan!! *
.
-----
.
"Sige, hahanapin kita. Wag kang magtatawag ng gulo lagi sa sarili mo ah"
Ganun namang sabi ni Liza.
.
Matapos nun ay sinamahan na ni Megan si Chris patungo sa waiting room, kung saan naroon ang susundo kay Chris.
.
"Hello,? Mr. Chris-----narito ang gustong sumundo sa iyo mula sa DragonNest continent".
Sabi naman ng Elder mula sa DJC.
.
Ito ang isa sa mga malalakas na Alagad ni Bianca, na naiwan sa HumanAlliance para meeting. At ngayon ay ito ang susundo kay Chris pabalik sa DragonianFortress.
.
"hi, i'm Anetta, Chief Commander ng sandatahang lakas ng DragonianFortress".
Pormal na pagpapakilala nito kay Chris.
.
Ganun namang yumuko si Chris, at kinuha ang kanang kamay ni Anetta, isang maginoong halik sa likod ng palad nito.
.
Matapos nun ay sumunod na si Chris kay Anetta patungo sa metallic aircraft na kasalukuyang naka hover himpapawid sa labas ng RoyalDungeon.
.
Umangat na si Anetta sa himpapawid, at napansin nyang may mali. Lumingon sya kay Chris.
.
"pasensya na nasa Master stage palang ako".
Ngumiti ng alanganin si Chris.
.
Ganun namang lumabas ang aura ni Anetta na nasa SaintStage at pinalibutan nito ng Aura si Chris at ganun namang imangat si Chris palapit sa pasukan ng Metallic aircraft.
.
Ng makaalis na sina Chris sakay sa Metallic aircraft ay ganun namang nakatingin sina Megan sa papalayong anyo nito.
.
"Megan, kung may magtatanong alam mo na ang gagawin. Hindi mo kami nakita o wala kang narinig".
Sabi naman ng Chief ng DJC.
.
"Masusunod, Sir. "
Yumuko naman si Megan, at ganun ding paalis na ang grupo ng DJC at pasakay na sila sa Metallic aircraft.
.
-----
.
Tahimik si Chris dahil may limang high ranked Commanders sa loob ng metallic aircraft na iyon. At lahat sila ay nakatingin sa kanya na parang sinusuri sya ng maigi. Lalo na't mga kutis morena at sadyang Hindi lalayo sa kagandahang taglay ng Ancestors ni Ruby.
.
'plano ba nila akong litsunin?, o plano nila akong hiwain at gawing shawarma!!?, kanina pa silang ganyan makatingin sakin'
Lumunok si Chris ng kanyang laway tila naghalong kaba at saya ang kanyang nararamdaman.
.
"Chris Grande Hernandez , tama ba?"
Sabi ni Anetta na tila may naalala ito.
.
"oo, Ms. Anetta."
Sagot naman agad ni Chris, at naka plaster parin ang pagiging kalmado sa hitsura nito.
.
"hmmm, pamilyar saken--- kung hindi ako nagkakamali, Si Jose ba ay kamaganak mo? "
Tanong nito na may malalim na titig kay Chris.
.
"Ahm, sya kumupkop saken, pero hindi kami Blood relative".
Sabi naman ni Chris. Nakahinga sya ng maluwang dahil sa pagka-alala nya kay Tito Jose nya.
.
Nanatiling tahimik ang loob ng metallic aircraft. At ganun ding nakatingin parin ang Limang diyosang ito kay Chris.
.
Masasabing mental torture ito kay Chris sa mga sandaling iyon. Kahit sabihin mang madami na syang experience patungkol sa mga Babae noong nakaraang buhay nya.