Chapter 99: Marie D. The Assassin who abducted Chris.

Chapter 99: Marie D. The Assassin who abducted Chris.

.

.

Walang tigil na palitan ng pwesto, at batuhan ng spell attacks sina Chris at Marie.

.

"hindi ka parin natuto----at isa pa ramdam ko na tuluyang nauubusan ang lakas mo dahil sa trap na ginawa ko".

Halatang hindi nahihirapan si Marie sa laban nila ni Chris.

.

Unti unting nawawalan si Chris ng kakayahang sumabay sa nangyayari. At alam nyang kakaiba ang paralysis effect ng trap. Ang pagkakamali nya ay sadyang napaka bilis ng kalaban nya at may gap sila sa Cultivation.

.

Unti unti ng nawawalan ng pakiramdam si Chris.

"No Choice!!! ----".

.

Nag activate na ang InkyBlackSmoke sa kanyang mga kamay at nag self regeneration sya.

.

Hindi man ganung kabilis gaya kay Dread pero may 5% healing effect ito sa mga sugat nya.

.

"oh, ginamit mo na rin sa wakas----then hayaan mong labanan kita ng patas".

Sabi ni Marie, inilabas nya ang kakaibang gloves na tila naglalaman ng kakaibang aura.

.

Wham!! ------(heavy pressure)

.

Napaluhod si Chris at unti unti humina ang MistyHands ability nya.

'anyare?!!! ----akala ko ba----Dread?!!'

.

Hindi sumagot si Dread at tila napapalibutan ng SacredSeals ang kanyang Sea of consciousness.

"ano ginawa mo?!!! ----".

Hindi na maiwasang magalit ng husto si Chris.

.

May mga Deadly Skills na naglitawan sa memory ni Chris na maaari nyang i-activate laban sa malakas na kalaban na ito.

.

Si Marie ay nakatayo sa ere at lumitaw ang sampung Long swords na gawa sa Ice. (free control of Elemental laws---kagaya nina Denz).

.

Hindi pa ma-activate ni Chris ang kanyang Passive Element dahil nasa level 1 palang sya sa Epic stage.

.

*kakailanganin ng peakEpic stage bago ma-activate ang passive na ito----halatang nasa Ancestor level 1 lang ang kanyang kaharap na babae*.

.

-----

.

Itinuro ni Marie ang kanyang slender hands kay Chris.

"pag naiwasan mo mga pag atake ko ngayon----hindi kita sasaktan pagdating natin sa Bayan ko----pero kung hindi mo maiwasan, yummy! ---ha ha ha. Magiging slave kita".

.

(parang ganun din yun----bihag mo parin sya)

.

"hindi ako papayag----na magamit lang ng isang babae!!".

Namula ang mga mata ni Chris.

.

'huh?!, Spiritualist?! ----Demon, Spiritualist ability!!'.

Namangha si Marie sa kakaibang pagbabago sa katawan ni Chris.

.

Napakaraming misteryo sa katawan ni Chris na hindi alam ng lahat.

.

Tinubuan ng pointed ears si Chris kagaya sa Elfs, may buntot na kagaya sa mga Dragonian---at DragonHorn, dragonized arms at mga paa. Ganun ding may pangil sa kanyang mga ngipin.

.

Isang Darker/ Scarlet shade Dragonized Form. Si Chris.

.

Nakuha nya ito noong ginamit nya ang Royal blood ni Bianca. At gumawa sya ng Structure ng kanyang sariling Blood essence at katulad sa DemonSpiritualist na may merge sa DNA re-construction. At nag karoon ng Highly evolved mutations sa kanyang katawan. At ngayon na-activate na nya ito. Masasabing mas malakas na ang kanyang katawan kumpara sa kanyang Human form.

.

"Rrraaaagghhh!!! ----".

Isang Dragon Roar Wave mula kay Chris.

.

Isang malaking Ice wall naman ang humarang sa Shockwave na ito.

.

Gablam!! -----(Heavy collision)

.

"ha ha ha ha. Sa tingin mo magtatagal ka sa ganyang ayos----kilala ko mga DemonSpiritualist at lalo na mga Dragonian----may limit sila sa Transformation----huh?! "

Nag bago ang pagiging kampante ni Marie ng makita nya ang bagay na hawak ni Chris.

.

"Come fort-----Destruction!! "

Nabasag sa madaming shards ang HeavenlyBlackUmbrella. At nabuo bilang BroadSword na may bigat na 200k kilograms

.

Nagkaroon ng Second Form si Chris sa isang sandali. Tumubo ang kanyang dalawang 8ft Black Dragon wing span.

'isa itong gamble, may 50secs limit bago ma drain ng tuluyan ang Qi-energy ko. Pwede ko ng tapatan ang isang Genuine Ancestor level 5 stage---- kaso may effect parin ang lason'.

.

Ramdam ni Chris ang Crisis sa lason na natamo nya. At wala syang time para gumawa mg antidote dahil hindi sya papayagan ng Assassin na si Marie.

.

'he's way too cute----, pag napasaken sya, magiging proud saken si Ina'.

Tila may ibang plano si Marie kay Chris kahit na ang mission nya ay huliin lang ito.

.

Bumilis na ang galaw ng mga kamay ni Marie. At naglitawan ang madaming Long sword ice sa palibot nya na parang isang anghel na may malaking pakpak na gawa sa longswords. Naka turo ang mga ito kay Chris.

.

Scling!!! -----(thousands Sword Ice fall)

.

Napaulanan si Chris ng thousands of thousands of Ice Swords.

.

Nababalutan na ng makapal na ColdFog ang palibot ni Chris.

.

Naroon sya at tila nahihirapang makagalaw sa tindi ng lamig.

.

Bumaba si Marie sa harapan ni Chris.

"masyado kang Hot, kailangan mo munang magpalamig----Frozen Domain-Activate".

.

Mas bumaba pa ang pressure at maske pawis aya agad nagiging ice sa loob ng domain ni Marie na kayang sakupin ang 600meter radius area.

.

"RRRAAAGGHHH!!! hindi ako papayag-----khuk! ".

Sinipa sya sa kanyang tiyan at tumilapon ang kanyang katawan sa 1km at nahabol sya ng isa nanamang suntok mula kay Marie pasalubong sa kanyang mukha.

.

Tumilapon si Chris sa itaas na parang isang pinakawalang pana, at sinalubong nanaman sya ni Marie ng isa nanamang mabigat na pummel hit sa dalawang kamay nito.

.

Isang Malakas na pagbagsak na halos ika yanig ng 100meter area.

.

"Tsk. Wala kang laban kaya sumuko ka nalang. At hindi kita dadalhin sa aking Commander----isasailalim kita sa isang Slave Contract---."

Yumuko ito at nakatingin sa nanghinang Chris.

.

'Guys, hindi ako makakabalik ng maaga----Denz, ikaw na muna bahala sa lahat'.

Nagiging Blurry na ang paningin ni Chris.

.

Bumaba si Marie sa tabi ng katawan ni Chris na bumabalik sa katawang tao.

.

"oh, mukhang suko ka na nga----he he he. Buweno Magiging alipin kita----".

May itinusok na karayom si Marie sa bandang parte sa leeg ni Chris.

.

Nawalan na ng malay si Chris at binuhat naman sya ni Marie sa likod nito.

"hindi bale, hindi kita mamaltratuhin pag uwi natin, my Slave".

.

Hindi man mapapansin pero may malalim na pagtingin si Marie sa katulad ni Chris. Kahit halos wasakin na nya ang katawan nito mapasuko o matalo nya lang ito.

.

(ipinaglalaban ang bagay na gusto nya, ok yan kesa naman umasa sa iba makuha lang ang gusto)

.

*oh, parang mali lang eh. Unfair lang dahil si Marie ang lumaban para lang makuha si Chris. Diba dapat lalake lang ang ganun sa mga babae? *.

.

## Equality of rights guys. Kaso labag man sa kalooban ni Chris, wala sya magagawa sa harap ng nakakataas na stage or power ##

.

-----

.

Sa Kambala Central Layer kung saan tupok na ang buong lugar sa matinding labanan. At tila hindi huminto ang pagdating ng waves of waves ng mga kalaban

.

Si Bianca ay nasa safezone sa undeground bunkers at chambers.

.

Sina Denz ay walang tigil sa pagpigil sa mga kalaban na mapasok ang ilang lagusan patungo sa Undeground zones.

.

Inabot na ng limang Araw ang labanan. At mabalitaan na mamatay ang ilang kilalang malalakas na Commanders ng Kambala. At mas madaming Commanders naman ang namatay sa panig ng mga kalaban.

.

(war is unpredictable ------)

.

(WarHorns)

.

Pagod na pagod na sina Denz, at lalong ganun din sina Vera. Naligo na ng pawis at Dugo ang kanilang mga katawan.

.

Ganun din ang lupain sa labas ng Walls. Puno ng bundok bundok na mga bangkay mga ilog na nagmistulang libingan at agusan ng dugo.

.

Mga kagubatan at bundok na hindi na mamukhaan sa dati nitong lagay at ayos.

.

Mga nasusunog na bahay at mga dating pasyalan na ngayon ay natabunan na ng katawan at mga sandata.

.

Nanginginig na ang mga kamay ni Ruby sa dami ng napatay nito na aabot sa Hundreds at baka thousands.

.

"Ms. Ruby, mukhang last wave na nila ito base sa ayos nila".

Sabi naman ni Hannah na tila hindi parin pagod at may evil smile sa mukha nito.

.

"Hannah, samahan mo si Lanna sa kabila----kami ni Bliss ang bahala dito"

Nakatingin si Ruby sa Limang naka itim na DarkArmored na nasa himpapawid sa labas ng West wall

.

"Ok, ingat kayo----mukhang nasa Genuine Ancestor stages sila".

Sabi ni Hannah at nag dash na ito patungo sa kinalulugaran ni Lanna.

.

Huminga ng malalim si Ruby at lumingon kay Bliss.

"sa tingin mo sapat na ba ang bilang nila para talunin si Chris? "

.

Ngumiti ng matipid si Bliss.

"malabong mangyari----".

Sa isang swing ng kamay ni Bliss ay naalis ang makapal na dugo na nakakapit sa Kanyang WarHammer.

"----sapat na sila para mailabas ko ang limit ng aking Lakas".

.

Ganun din kay Ruby at tila iginalaw galaw ang magkabilang balikat nito.

"tara---- last Battle na ito, bago tayo mag shower".

.

Umabante na ang Limang DarkArmored giants kina Ruby at Bliss.

.

Sumalubong naman sina Ruby at Bliss.

.

-----

.

Si Denz ay tumilapon sa malayong lugar. Dahil sinagga nya ang hindi inaasahang sipa ng isang kalaban.

.

"oh, may Fighter type din pala dito----ha ha ha. Ma eenjoy ko ito! ".

Sabi ng isang Lalake na may Bluish Skin, at may suot na Gauntlets at armored battle boots. (tatapat kaya sya sa galing ni Denz sa Martial Dao)

.

"khe! -----ngayon ka lang lumapit ngayon nakagawa na ako ng palasyo ng bangkay".

Sabi ni Denz na tila isang WarGod sa anyo nito na nabablutan ng dugo at dumi ang kanyang katawan. May matalim na titig dulot ng patuloy na pagpatay sa mga kalaban.

.

"ha ha ha. Para saan pa ang titig na iyan------"

Sabi naman ng kalaban na naka Boxing posture.

.

Ngumiti lang ng masama si Denz.

"Bro, ganito pala ang feeling----naiintindihan ko na kung saan nanggagaling ang lakas mo".

.

Sa isipan ni Denz. si Chris ay isang mabait at mabuting pinuno. Pero alam nya na ang lakas nito ay nanggagaling sa experience nito sa pagkitil ng buhay ng mga nakakalaban nya.

.

(experience will become knowledge and wisdom-----)

.

*kaya mahirap sabihin kung hindi pa nararanasan ang isang bagay----kaya sa mga nakaranas na ng real Love dyan masasabi nila na may forever, pero sa mga naiwan, nasaktan, napilitan at nabigo --masasabi rin nilang walang forever*.

.