Chapter 110: Hard Physical Torture training.
(The Fiancé of Marie)
.
.
Dalawang linggo na ang lumipas ng kumalat ang balita sa dalawang bisitang naging member ng Alchemy Tower ng Shangri-la.
.
Sila ay nagngangalang Kim Joon at Young Geok.
.
Agad sumiklab ang kanilang kasikatan dahil sa mga nagagawa nilang mga Pills at mga Mid Epic grade weapons at iba pang artifacts. Ganun din ang kanilang Rune Upgrading at adding stats sa mga Artifacts.
.
Naglalakad sina Chris sa Market place kasama nya si Marie. Naging buntot na ni Chris si Marie simula ng malaman ni Marie ang lahat at parang nagising sa isang fantasy like na Panaginip.
(fantasy naman itong kingagalawan nilang kwento ah----'yung totooh!!)
.
Hindi rin maiwasang mabaling ang pansin ng lahat sa dalawa dahil, sadyang napakaganda ni Marie, at hindi nila ito malapit-lapitan dahil sa balitang isa itong Tigress (Amazona----or naninipa ng bird kapag lalapitan sya ng Breezy)
.
Ngunit ganun ding nasa isipan ng karamihan na halos lahat ng nga higher Nobles ay ayaw sa pamilya ni Marie at kapansin pansin din ang pag-pressure ng ilang noble clans sa Clan nya.
.
May dalawang babaeng lumapit sa tabi ni Chris. At kumapit sila sa tig isang braso nito.
"hey, dahil mukhang cute ka naman. Why not leave her and come with us."
Sabi ng babaeng nasa kanan.
.
"----kung ayaw mo naman, then mamili ka ng gusto mo, Divine stones at Cultivation Resources tiyak lalakas ka at hindi ka kakalawangin sa tabi nyang babaeng iyan"
Dugtong naman ng nasa kaliwa.
.
Kalmado si Chris.
"oh kailangan ko ng 500Divine stones para sa aking pag-sasanay. meron ba kayo? Pwede makahingi?".
.
Natigil si Marie ng marinig nya ang sinabi ni Chris. At lumingon sya sa kanyang likod.
'balak nya ba talaga akong iwan?!, nakakalimutan ba nyang nasa slave contract kami!!----hmmmfp!!' .
.
Hindi muna nag pahalata si Marie na galit sya or susugudin nya ang dalawang babae. Tila curious sya sa susunod na gagawin naman ni Chris, o kung iiwan ba talaga sya nito kapalit ng Divine stones.
.
"what?, 500 sure. Bibigyan ka namin ngayon na mismo"
Sabi ng nasa kaliwa at naglabas sya ng 250 Divine stones. At ganun din ang nasa kanan na babae naglabas sya ng 250 Divine stones. Lumutang ito at pumaharap kay Chris na parang mga bituin na kumikislap kislap sa mata ng nakararami.
.
Walang tigil ang telepathy network sa mga nakakita at halos naging bukam bibig na nila ang pag-alis ni Chris sa tabi ni Marie.
.
"woah!!, nako nako!!, ang yaman!!, dalawang Noble Maidens ng Gassia Clan!".
.
"oh my, sana ako nalang yung pinili nila!".
.
"tsk!!, anong meron sa lalakeng iyan!!, na nasa Epic stage lang naman!!".
.
"putek!! Malas na araw nakakita ako ng pulubi nabiyayaan ng dalawang Noble maidens may Divine stones pa!! "
.
Madami ang nag-init ng ulo at titig kay Chris.
.
Pero si Chris ay feeling calm pari dahil, sanay na sya sa mga ganitong pangyayari kung saan. Madaming mga inggitero inggitera.
'manigas kayo sa Inggit!! '.
.
Agad namang kinuha ni Chris ang 500Divine stones at nagpatuloy itong naglakad palapit kay Marie.
"tara Ms. Marie, binigyan nila ako ng Divine stones kaya laking tulong narin ito satin".
.
Matapos ang ginawang paglapit ni Chris kay Marie, at hindi na nito pinansin ang dalawang maiden.
.
"Hoy!!!, anong ginagawa mo?!, binigyan ka namin ng Divine Stones at ito ang igaganti mo samin?! ----".
Galit na sigaw ng babaeng nasa kaliwa.
.
"oo nga may kasunduan tayo diba?! ".
Dagdag naman ng nasa kanan na babae.
.
Huminto si Chris.
"diba malinis ang pagkakatanong ko----- kung pwede makahingi ako ng Divine stones, oh eh heto kayo at nagbigay naman agad. Wala na ako kasalanan dun".
May nakakalokong ngiti naman sa mukha ni Chris.
.
'ang galing nya, nautakan nya ang dalawa sa ilang salita lang. At lalong magaling sya sa usapan pagdating sa pag-rarason----mukhang masyado kitang minaliit Chris'.
Napangiti naman si Marie.
.
Nagpatuloy nalang sa paglalakad sina Chris at Marie at hindi naman naka imik ang dalawang babaeng may maluha-luhang mga mata.
"isang buong taon ko inipon yun----hu hu hu".
.
Dumating ang isang Lalake na may Leather coat na Blue na tila isang Swordsman expert.
"Mister masama ang paiyakin ang isang babae! ----bilang alagad ng SwordFinity clan bibigyan kita ng parusa sa lugar na ito!."
.
"si Gulu, ang SwordStriker ng SwordFinity isa sa mga younger generations na kayang maglabas ng SwordIntent!!".
.
"woah!, idol!! ".
.
"aiiisshhhh!, mukhang may matatanggalan na ng kamay!!, mukhang magiging Cripple na ang kasama ni Ms. Marie!!".
.
Madami nag cheer sa nag ngangalang Gulu na ito na may taglay na talent at nasa isang Swordsman Noble Clan.
.
Swing! ------(Sword Slash)
.
Nagtataglay ng kalmadong expression ngunit naglalaman ng matinding lakas ang sandata nito na LongSword.
.
Pang! -----(Collision)
.
Tumilapon ang LongSword ni Gulu sa ere at sa hindi malamang dahilan ay nakita ng lahat na naka upo na si Gulu sa Lupa bakas sa mukha nito ang matinding pagkagulat sa nangyari.
.
"a-ano n-nangyari? "
.
Hindi makapaniwala ang kahat at natanong din nila kung ano nangyari sa sandaling iyon.
.
Nahulog ang LongSword sa layong 5meter sa likod ni Gulu.
.
"Next time, wag kang atat, isipin mo muna kung kaya mo ang kinakalaban mo".
Walang emosyon na sabi ni Chris at nagpatuloy na syang sumunod kay Marie sa paglalakad.
.
Sa araw na iyon kumalat ang balita sa pagkatalo ni Gulu ng hindi malamang galaw mula kay Chris na kinilala nila bilang personal Slave ni Marie.
.
(ano nga ba ginawa ni Chris?, at parang nakakita ng multo si Gulu!)
.
*hindi ko din nakita bro eh. Masyado mabilis ang nangyari----back fighter kasi si Gulu pero hindi tumalab ang kanyang sword attack kahit nakatalikod si Idol*.
.
-----
.
Matapos mabili ni Chris ang kanyang mga kailangan, sa araw na iyon ay agad din silang bumalik ni Marie sa kwarto nilang dalawa-----(for real?!, kwarto talaga nilang dalawa!!?)
.
Nakaupo at nag me-meditate si Marie sa itaas ng kanyang kama. Habang si Chris naman ay ganun ding nag-memeditate pero sa patayong ayos.
.
Nasa loob ng Sea of Consciousness ang diwa ni Chris.
'kompleto na ang lahat, ipagpapatuloy ko na ang aking Deadly training para mapabilis ang pagtaas ng aking Cultivation stage!'.
.
Namulat si Chris at naglitawan sa kanyang palibot ang mga 158 different MagicalHerbs at liquids na nabili nya sa ibat ibang Market areas sa Shangri-la at kasama narin ang ilang Rare Magical Herbs na nakuha nya noon sa paglalakbay nya sa ibat ibang lupain.
.
Shhiiiiing!! -----(Baleful Glow)
.
Lumabas ang BlackDragonFurnace ni Chris na nabili nya noon sa isang Auction.
.
Sumilip si Marie sa ginagawa ni Chris gamit ang kanang mata.
'Alchemist nga talaga sya----pero weird, anong klaseng apoy naman ang ginagamit nya?, at bakit DarkBlue?, at bakit iisang Furnace ginagamit nya?, wala din syang Runic Plates para sa Ingredients?, susunugin lang ba nya lahat sa abo?!!.'.
.
Ang hindi alam ni Marie ay merong professional Control si Chris sa kanyang sariling Fire at Aura, pero kadalasan mas pinapahirapan nya ang kanyang sarili dahil isa din itong form of Cultivation para sa mental.
.
Ang kanyang pag control sa Fire na hindi nito sinusunog ang kanyang mga ingredients ay napapalooban ng Intent control maliban sa Aura control kaya masasabing para naring gumagamit si Chris ng madaming runic plates at Pots. Sa iisang Lutuhan lang.
.
(woah!!, masyadong taxing sa Mental kung iisipin diba guys, multi tasking na nga, nagbabawas kapa ng energy, napaka rapid pa ito bumawas)
.
*sigh, para ka lang naman nag-luluto habang nagwawalis, na nanonood ng TV habang naglalaro ng Mobile games----oh diba swak*.
.
## mali ka, nag-rereview ka, habang nasa work ka, at nagsusulat ka ng novel chapters habang tinatapos mo ang almost on deadline na project ng Crush mo----ganun yun kahirap ##
.
-----
.
Ilang oras pa ay dumilim na sa labas, at ang buong central area ng Shangri-la ay may mga bright lights sa mga Market district, Shopping malls, fashion district, sports arena Coliseums, Tall buildings, guilds, Mansions, Clan branches etc etc. Napaka Lively sa Shangri-la kahit abutin na ng Gabi.
.
Natapos na ni Chris ang 500pcs na Bloody pellets at nakalutang ang mga ito sa itaas ng Furnace.
.
"at ano naman ito?".
Curious na tanong ni Marie kay Chris.
.
Tagaktak ng pawis ng mukha ni Chris.
"ahm, mga Vein Bursting Pellets, pra ito sa mga Epic stage para mas ma-accelerate ang Physical cultivation training ko----wala na itong epekto sa Ancestor stage".
.
Nasa Ancestor stage na si Marie at hindi na nya pwedeng gamitin ang pellets na nagawa ni Chris.
.
"tsk!, sayang naman kung wala din ako magagamit sa mga naitulong kong bilhin para sa iyo, pero. Kung magiging malakas ka oo na rin".
Sabi naman ni Marie na naka dapa at naka salungbaba sa ibabaw ng kama nito. (pouty lips pa)
.
Knock! knock!
.
May kumatok sa pinto ng kwarto ni Marie.
"Ms. Marie, pinapatawag ka ng mahal na HeadMaster-----dumating na si JunPyo."
.
Tumatak ang pagkagulat at blush sa mukha ni Marie.
"j-Jun---P-Pyo?!, ----".
.
Sa isang iglap ay nakapag bihid na si Marie na lumabas sa kanyang Banyo at parang hindi nya nakikita si Chris at lumabas nalang ito sa pinto at nagmamadaling naglakad.
.
'JunPyo?, sino naman kaya yun? '
Sa isipan ni Chris, at lumunok sya ng isang BloodBursting pellet na kanyang ginawa.
.
Ggrrruummp!! ----(muscles convulsing)
.
Tumatak ang ugat sa bawat parte ng katawan ni Chris, na parang puputok ang mga ito ano mang sandaling maling galaw nya.
'hindi ko na palalampasin ang pag-hihirap na ito, dagdagan ko pa ng isa----'.
.
Lumunok pa ng isa si Chris na halos magmukha na syang LordOfDemons sa anyo ng Mukha nya na puno ng Galit at Pilit na kino-control ang pagdaloy ng Medicine effects ng kanyang nilunok na dalawang pellets.
.
Ramdam naman ni Chris ang patuloy na pagyanig ng mga Muscle tissues nya sa katawan na nagbigay hudyat na malapit na syang mag Level up.
'isasabay ko na din ang Qi level up ko!! '.
.
Nag hands together ang kanyang dalawang palad at parang isang monk na nag-p-pray at pinilit nya pinakalma ang matinding pagyanig ng kanyang muscles.
.
(Mental concentration at Body Endurance, Meditation while in deep pain----Aigoo!! isang bagay na hindi ko kayang gawin mga idol, yun pa ngang mag-review habang nag jojogging bagsak na ako)
.
*yah, fantasy life hacks kasi yan. Kaso nagiging error sa real life, diba bro*.
.
-----
.
Nasa hall way si Marie nagmamadalung pumasok sa HeadMaster hall kung saan naroon ang kanyang ama.
.
Narinig nya ang masayang tawa ng kanyang ama na si Long Zeddo at isa pang tawa mula sa isang lalake.
.
Bumukas ang pinto at bumungad sa paningin ni Marie ang isang Guwapong lalake, may dating, sharp amd fierce brows at may magandag eyelashes, may tangkad na 6'2". At naka suot ng white coat martial outfit, at matching white gloves at combat boots na puti din.
.
(para syang White Swordsman Expert)
.
"Marie, my dear."
Sabi nitong lalake at agad lumapit kay Marie.
.
"woah, nasa peak Ancestor ka na pala sa Cultivation mo, JunPyo".
May indescribable joy parin sa mukha ni Marie.
.
Umagaw eksena naman ang ama ni Marie.
"ha ha ha ha. Like wise Si JunPyo lang ang makakapag pa-amo sa anak ko. Ha ha ha ha".
.
Namula naman ang mukha ni Marie at napatingin ulit sa guwapong mukha ni JunPyo, (Korean Star teen heartthrob lang ang kiddo, Aiiisssshhh!)
.
"ipasyal mo sya sa garden anak, tiyak madami kayong pag-uusapan lalo na't pitong taon kayong hindi nagkita ni JunPyo, he he he"
Thumbs up naman ni Long sa dalawa.
.
Agad namang hinatak ni Marie ang kanang kamay ni JunPyo at nagmadali silang nagtungo sa Garden.
.
Nakangiti si Long sa pag-alis ng dalawa.
'sigh, may makakapag pahina din pala sa pagiging Amazones ng anak ko-----Honey kung nasa langit ka man at nakikita mo ito sa ngayon, tiyak akong nakangiti ka at masaya'.
.
-----
.
Nasa kalagitnaan ng Garden ang dalawa at nakatingin sa Moons sa itaas at ganun din ang mga bituin sa kalangitan.
.
"----so naaaalala mo pa ba ang sinabi mo saken noong bata pa tayo? "
Sabi naman ni JunPyo na may nakangiting titig kay Marie.
.
"----sigh. Pwede ba, madami akong sinabi noong bata pa tayo, sa tingin mo maaalala ko lahat mga iyon? Duuuuh!! ".
Sabi naman ni Marie na umiwas tingin kay JunPyo.
.
"ha ha ha. Syempre yung pinaka imotanteng bagay lang naman, pinapaalala ko eh. Yung sinabi mo na ako ang Future Husband mo, at wala ng iba. Tama ba?, or mukhang may iba ka na gusto?".
Naupo sa Grassy area si JunPyo.
.
Hindi man mapapansin ang pamumula sa nagkabilang pisngi ni Marie, halatang na tahimik ito sa tindi ng kabog ng kanyang dibdib.
"ah eh. Ha ha ha. Wala naman akong ibang nagugustuhan eh. Ha ha ha."
Agad nyang sabi kay JunPyo.
.
Tila galak naman si JunPyo sa kanyang narinig mula kay Marie.
"kung ganon, tiyak akong alam mo na kung bakit ako naparito, ----will you be my Girl, For the rest of my Life?".
.
May sincerity at maamong mukha si JunPyo na lumuhod sa harapan ni Marie.
.
Hindi na naka imik si Marie at yumakap sya kay JunPyo.
.