Kinaumagahan tinanghali ng magising si Kenny at nag madali namang tumayo si Barbie sa kaniyang kinauupuan sa may hapagkainan at kasabay nyang nakain sila Bruce at Amanda ng almusal.
"Alis na po ko." Ang sabi ni Barbie na hindi pa rin pinapansin si Kenny.
"Aalis ka na? Pero hindi ka pa tapos sa agahan mo." Ang sabi naman ni Amanda.
Sinisipa sipa ni Bruce ang paa ni Kenny na nakaupo para kumain "tumayo ka na diyan." Ang pabulong na sambit ni Bruce kay Kenny.
"Pero hindi pa po ako nakain dad."
Nag mano na si Barbie kay Bruce para mag paalam "alis na po ko tito."
"Kenny isabay mo na si Barbie."
"Pero dad hindi pa…" tinignan sya ng masama ni Bruce kaya hindi na nya na ituloy ang sinsabi nya "hindi na po kailangan sige po…" ang sabi ni Barbie at nag paalam sya ulit sa nanay nya "Ma alis na po ako."
"Um. Ingat ka susunduin kita mamaya sa uwian nyo intayin mo ko ha?"
"Opo."
At tuluyan ng umalis si Barbie sumenyas naman si Bruce kay Kenny "o—opo aalis na." ang sabi ni Kenny at kumuha pa ng pandesal bago sya tuluyang umalis.
"Kung hindi lang ako babalik sa Manila ihahatid ko na si Barbie eh." Ang sabi naman ni Amanda kay Bruce.
"Wag kang mag alala si Kenny na ang bahala sa kaniya mag bihis ka na at aalis na rin tayo maya-maya."
"Okay sige."
Mabilis namang nag lalakad si Barbie para hindi sya maabutan ni Kenny…
"Honk… Honk…"
Bumusina lang si Kenny lulan ng kaniyang motor para gulatin si Barbie at hindi naman nya niyakag na sumakay ito.
"BWISET KA TALAGAAAAA!!!" ang galit nag alit na sambit ni Barbie.
"."
Maagang nakarating si Kenny sa school nila dahil naka motor naman ito nauna pa nga sya kay Uno kaya na gulat ito sa kaniya.
"Bro! Himala ang aga mo ata. Kailan mo pa nakuha yung motor mo? di ka naka motor kahapon eh iniwan mo dito sa school."
"Wala ka na don bad mood ako ngayong umaga."
"Mukha nga bakit? Nyare?"
"Si dad kasi gustong…." Napahinto siya sa pagsasalita dahil naalala nyang hindi pwedeng malaman ng iba na mag kasama sila ni Barbie sa iisang bahay.
"Ano ang gusto ni tito?"
"Ha? Wala nagugutom ako samahan mo nga ko sa cafeteria."
"Sige, nga pala bakit bigla kang nawala kahapon hindi na kita nakita eh."
"Ahh.. may nalimutan lang akong gawin pero dapat hindi ko nalang ginawa muntik pa kong mapatalsik sa pwesto ko."
"Hmm?"
"Wala… tara na nga."
Nang makalabas ng kanilang classoroom marami namang kababaihan na naman ang nag papansin kay Kenny.
"Tignan mo ang mga babaeng ito agang aga di na naman magkanda ugaga sa pag silay sayo."
"Wala akong pakialam dahil I just want to eat kaya bilisan mo."
"Tsss…oo eto na hindi ka ba kumain sa inyo?"
"Dahil sa babaeng yon!"
Nag pa linga-linga naman si Uno at hinanap yung babaeng sinasabi ni Kenny pero hindi nya nakita na si Barbie yung sinasabi nito "wahhh…si Thew!!!" Ang sabi nung isang babaeng student at naka pukaw iyon ng atensyon naman ng lahat. Kasama rin ni Thew ang kaniyang apat na teammates.
"Kahit kailan talaga ang lakas din ng impact ni Thew sa mga girls no?" Ang sabi naman ni Uno kay Kenny na tinitingnan si Barbie. "hmm? Si Barbie yun di ba? Wait… bakit sya nilapitan ni Thew?" dagdag pa ni Uno.
"Yow! Kamusta ka na?" Ang bungad ni Thew kay Barbie
Nagtataka si Barbie kung sya ba yung kinakausap ni Thew "eh? ako ba ang kinakausap mo?"
"You didn't know me? I'm Matthew Solomon ang ace player ng baseball team ng AGA but you can call me Thew."
Napatingin naman si Barbie sa paligid nya at nakita nyang parang naiinis ang tingin sa kaniya ng mga kababaihan pero hindi nya nakita sila Kenny at Uno na nasa isang gilid lang "sorry, pero hindi kita kilala." nag tatakbo naman na si Barbie papalayo at nalagpasan na nya si Kenny na hindi nya na malayan.
"Anong problema ni Thew sa Barbie ko?" Ang sabi ni Uno.
Napatingin naman si Kenny kay Thew at nagkatinginan sila na para bang may galit sila sa isa't isa "bilisan nyo may practice pa tayo." Ang sabi ni Thew sa mga ka teammates nya.
Nakatingin lang si Kenny habang nag lalakad palayo si Thew kasama ang mga teammates nito "huy!" Ang sabi naman ni Uno sa nakatulalang si Kenny.
"Ano?!"
"Sabi mo kakain tayo tara na sa cafeteria."
"Hindi na wala na ko sa mood."
"Ha? Pero bro nagugutom na ko."
"Bahala ka! Kumain ka mag isa mo."
Iniwan na nga ni Kenny si Uno "Kenny!!! Tignan mo ang taong ito sabi kanina kakain daw tapos ngayon hindi na kahit kailan talaga hindi ko sya maintindihan!"
Habang nag lalakad naman sila Thew kinukulit sya ng kaniyang mga ka teammates "pre sino yong girl sya ba yung transfer student ?" Ang sabi ni Niro isa sa teammates ni Thew na parating nakain ng kung anu-ano kaya mataba.
"Transfer student?"
"Oo pre sa klase mo sya grade 8 din di ba guys?"
"Oo." Ang sagot nung iba.
"Ohhh…" ang reaction ni Thew na para bang may binabalak na kung ano.
Samanatala sa classroom nakarating na roon si Barbie at masaya naman syang binati ni Gaile.
"Morning Barbs."
"Morning din."
Naupo si Barbs at nag sighed "oh? may nangyare ba? hindi ka ba naka gawa ng assignment?"
"Ha? No, nakagawa naman ako yung iba nga lang na hinahabol ko di ko pa na gagawa ang hirap pala kapag transferee ka tapos bago ka pa sa lugar."
"Oo nga pala anong nangyare sayo kahapon? Bakit hindi mo ako hinintay?"
"Ah…na una na ko nakakahiya naman kasi makisabay sayo."
Hinawakan naman ni Gaile ang mga braso ni Barbie at lumapit ng bahagya "wag kang mag alala hindi mo kailangang mahiya sakin."
"O—Okay?"
"So, mamaya sabay ka na sakin?"
"Ha? Ah… eh… ano kasi susunduin ako ng Mama ko."
"Ohhh… I see, okay pero mamaya sabay ulit tayo mag lunch okay?"
"Um."
Dumating naman na si Kenny at hinila nya papalabas si Barbie "sumama ka sakin."
"Bitawan mo ko!!!"
Nag pupumiglas si Barbie kaya binuhat sya ni Kenny ng sa pilitan.
"Lemme go!!!"
"Kapag hindi ka umayos diyan ilalaglag kita!"
At tuluyan na ngang lumabas yung dalawa ng kanilang classroom at pinag chismisan naman yung dalawa na himatay pa nga si Ellaine sa inggit kay Barbie.
"Ellaine!!!" Ang sabi ng mga alipores nya.
Uno made a facepalm "ano na naman kayang binabalak ng isang yon." Aniya at nakita nyang ang sama ng tingin sa kaniya ni Gaile "a---ano? ba—bakit ka naman nakatingin dyan?" dagdag pa nya.
Gaile smirked "ano na namang binabalak ng kaibigan mo sa kaibigan ko?!"
"Hi—Hindi ko alam."
Susundan sana ni Gaile yung dalawa pero pinigilan sya ni Uno "wag na."
"Ano?! Bitawan mo nga ko transfer student si Barbie wag nyo syang idamay sa mga ka gaguhan nyo!"
"Bakit makikinig ba sayo si Kenny? Hindi naman di ba? Kaya kung ako sayo manahimik ka nalang diyan."
Hindi naman naka kibo si Gaile at na upo nalang at tinulak si Uno at habang nag lalakad naman si Thew nakita nya si Kenny na buhat-buhat si Barbie papuntang field.
"Kenny?"
Napatingin naman si Niro sa tinitignan ni Thew "hmm? Si Kenny nga iyon pero bakit nya buhat-buhat yung bagong transfer student?"
Hindi naman na lumapit sila Thew dun sa dalawa at pinagmasdan lang kung saan dinala ni Kenny si Barbie at ibinaba nya ito doon sa may malaking puno kung saan may upuan "anong ginagawa nila?" Ang tanong ni Niro.
Sa isip-isip ni Thew "ano na naman bang gusto mo Kenny?"
Samantala sinipa naman ni Barbie si Kenny sa binti "ikaw!!!"
"Baliw ka!" Ang pagalit na sambit ni Barbie at iiwanan na sana nya si Kenny ng biglang hinigit sya nito at napaupo sya sa upuan at na corner. "Anong bang problema mo?! Umalis ka diyan!!!"
"Anong sinabi mo kay Thew?!"
"Ano?! Sinong Thew ba yung pinagsasabi mo?!"
"ANONG SINABI MO SA KANIYA???!!!" Ang pagalit na sigaw ni Kenny.
"Ano ba umalis ka diyan?!" napa isip naman siya kung sino yung kausap nyang lalaki kanina at naalala nya yung isang lalaking bumungad sa kaniya nung nag lalakad sya papapunta ng classroom nila.
"Huh! Ano bang binabalak mo? Hindi pa ba sapat ang atensyon sayo ni Dad? Pati dito sa school gusto mo ikaw parin ang bida?"
"What? Baliw ka na nga!!!" ang pagalit na sambit ni Barbie kaya tinulak nya si Kenny para maka layo dito.
"Sabihin mo kulang pa ba?!!! Sige anong gusto mo, magkaroon din ng posisyon dito sa school? Okay ibibigay ko basta tantanan mo na ko!"
"PAK!" hindi na natapos ni Kenny ang sinasabi nya dahil sinampal sya ni Barbie.
"Wala akong pakialam sayo! At higit sa lahat wala akong atensyong hinihingi lalo na kung galing sayo gusto ko lang mag aral ng mapayapa! Kaya lubayan mo ko!Bwiset!" then she walked out at nakita yon nila Thew at Niro.
"Si…Si Kenny sinampal nung newbie?" Ang gulat na gulat na sambit naman ni Niro at pumalakpak naman itong si Thew.
"I like her…" ang sambit naman ni Thew na para bang may iniisip na kung ano.
"."
Patapos na ang klase nila Barbie noong umagang iyon at isang subject nalang ang kanilang ipapasok para mag lunch na ng biglang dumating si Thew at nag hiyawan ang mga kababaihan dahil na miss nila itong makita sa kanilang classroom. Dahil bibihira itong na pasok sa klase at naupo pa ito sa likuran ni Barbie.
Pero hindi naman sya na pansin ni Barbie dahil busy ito sa pag susulat ng mga notes na kailangan nyang pag aralan bilang isa syang transferee nagulat rin naman sila Uno ng dumating itong si Thew "bro, bakit nandito yan?" Aniya kay Kenny na busy naman sa pag babasa ng libro at sumimple lang ng tingin kay Thew.
"Hi…" Ang sabi ni Thew kay Barbie at kinulbit nya pa ito.
Paglingon ni Barbie hindi na naman nya na mukhaan si Thew kaya sabi niya "he—hello?"
Tumayo si Thew at naupo sa tabi ni Barbie dahil wala naman si Gaile na ipinatawag sa teacher's office.
"Kamusta ang pakiramdam mo?"
"Ha?"
"Hindi mo ko natatandaan? Ayos ka rin ah ako kaya ang savior mo."
"Ha?"
"Anong ha? Anyways, ikaw si Barbie yung transferee, right?"
"Yeah? May iba pa bang transferee dito bukod sakin?"
"Ahhh…pilosopa ka… kaya gusto kita eh."
"H---ha?"
Tumayo si Thew at hinawakan ang kamay ni Barbie "oo simula ngayon sakin ka na."
"A---Ano?"
Gulat na gulat naman ang mga kaklase nila lalong lalo na syempre ang mga kaklase nilang mga kababaihan "huh! ano bang meron sa babaeng yan?" Ang na iiritang sabi naman ni Ellaine at naging speechless naman ang mga alipores nya sa selos kay Barbie dahil tanging ito lang ang nahawakan ng dalawang lalaking famous sa AGA.
"Bitawan mo nga ko!" Ang sabi ni Barbie at nag tatakbo papalabas ng classroom at hinabol naman sya ni Thew "Barbie wait!!!"
Tinatapik tapik naman ni Uno si Kenny na para bang niyuyugyog nya ito habang nagsasalita "b---bro…narinig mo ba yon? Anong problema ni Thew? Bakit nya inaagaw sakin si Barbie?"
"TAHIMIK!!!"