She fight to those who punch me

★ FLASHBACK ★

Nang makabalik ako ng room. Muntik na akong mabugbog ni Zayn. Buti nalang at hindi na tuloy. Kasi magsisimula na yung klase.

Maalam naman akong lumaban kaso gusto kong makita nila na isa akong hamak na pangkaraniwang tao lamang. Ligaw sa kaalaman nila na ako ay anak ng napakayamang CEO.

Hindi ko naman ginusto ang maging ganito ang porma ko. Sadyang malabo ang mata ko, simple lang akong pumorma. Sa twing lalaitin nila ako. Gusto ko silang patumbahin. Pero ang sabi ni dad. Kaylangan kong magpanggap na mahina.

Panigurado na pagkatapos ng lesson. Bugbog ako pamaya.

" Anong gagawin mo pamaya? Sasaktan ka nila " Sabi ni Luke na kinakabahan. Pati ang mga mata ko ay naglilikutan dahil kinakabahan din ako.

" Wala tayong magagawa. Kahit anong gawin natin Luke sila ang masusunod. Sa room na ito " bumalik kami ng tingin sa teacher. Filipino ang subject namin. Tungkol sa Noli Me Tangere. Ang ganda ng mga pangyayari na nakasaad sa libro.

**************

Pagkatapos nga ng lesson. Na tama ang hinala namin ni Luke. Kinaladkad ako palabas ni Zayn at kabado ang mga kaklase namin. Dahil sa sobrang takot. Sila ang Gangster Danger. Iyun ang tawag ng campus sa kanila.

" Sinabi ko sayo wag kang papalpak. Kundi babasagin ko yang bibig mo! " wala akong kalaban-laban. Hindi ko magagamit ang pinag-aralan ko sa taekwondo. Hindi pwede.

Dinala nila ako sa puno ng mangga. Itinali nila ako duon. Miski ang mga paa ko ay itinali din. Galit na galit ako sa kanila.

" Pakawalan nyo ako dito!! Sumunod naman ako sa gusto nyo di ba? " ginagalaw ko ang kamay ko. Pero sobrang higpit ng tali.

" Oo nga. Naibigay mo sa amin. Pati ang sukling hindi mo binawasan. Pero ang time limit tsk! Lumampas ka. Kaya ayan nakatali ka ngayon " mayabang na pagsasalita nito. Gangster talaga. Magiging gangster din ako malapit na yun!. I'm the really GANGSTER! Lahat kayo ay susunod sa akin.

" Pagbibigayan ka namin. Hindi muna namin ikaw sasaktan. Manigas ka muna jan. Babalik kami Bye! " Ginagalaw ko ang buong katawan ko pero sobrang higpit. Ahhhhh!!!!!!!!!!!

" ZAYN! PAKAWALAN MO AKO DITO!!! " Hanggang umalis na itong tuluyan pati ang kanyang mga kasama.

" May tao ga Jan? May Tao dito! Nakatali! Hoy! Tulong! " putik! Kakainis!!!!!!

" Hoy!! Tulungan nyo ako!!! Tulong!!!" sigaw ako ng sigaw. Kaya ko namang wasakin yung tali pero hindi ko magawa. Dahil nga nagpapang-gap ako. Dumating sina Zayn.

" Musta?! kala namin nakatakas kana! " niluraan ko sila. Hinawakan nila ang kwelyo ko.

" Aba! kapal ng mukha mo ha! " sinuntok nya ako. Nagpatakan ang dugo sa ilong ko.

" Gusto mo pa?! " pero bakit hindi ko nadama ang kamay nya. Kala ko susuntukin nya ulit ako. Tumunghay ako.

" Zayn! " tumingin ako si? Rosie?

" Anong ginagawa mo?! Ginagawa mo nanaman ba ang asal mo?! " Sabi ni Rosie na nakakunot ang noo. Kasama nito ang mga kaibigan nito.

" Hindi babe.....Nagkakasayahan lang kami dito" tumingin ito sa akin. Itinulak nito si Zayn. Edi magkarelasyon sila? Naku Hindi!

" Eh ano to! " tinuro nya ang dugong pumatak sa ilong kong bumubula sa pagdugo.

" Ganun ba kasaya?! Ha! Ano to joke!!! " inalis nito ang tali sa mga paa ko. Ang sakit ng ilong ko.

" Kapag may ibang nakakita ng ginagawa nyo! Lalo kana Zayn! Suspend ka! " Tinapon nito ang nginuya nyang bubble gum.

" Ipagtatangol mo pa yang Nerd na yan! Kesa sa boyfriend mo. Saka babe nalang wag Zayn" hinawakan pa nito ang bewang ni Rosie. Pero tinadjakan lang nito iyun. Bumangon ito at may nilabas na kutsilyo. Agad nitong inagaw nakuha naman at saka itinutok ang kutsilyo.

" Ano ako b*b0! Para pumatol sayo! " sasapukin sana nung mga kasama ni Zayn si Rosie kaso pinigilan sya ni Zayn.

" Wala tayong laban kay Rosie. Tandaan mo Rosie! Mapapasakin ka rin!!!" nag-aangil nitong sabi. Umalis na ang mga ito tumakbo ng mabilis.

Inalis ni Rosie ang mga tali gamit ang kutsilyo. Kumuha pa ito ng tissue para punasan ang ilong ko kaso aalis na ako. Tinapon nito sa malayo ang kutsilyo.

" S-s-salamat. Aalis na ako " tinawag nito akong nerd nung paalis na ako. Kaya napatigil ako. Tumingin ako.

" Pano yung ilong mo? " mahinahong na tanong nito. Tumatango-tango yung mga kabarkada nito.

" Wag na. Ako nalang gagamot " Sabi ko. May inabot itong panyo.

" Kahit manlang tangapin mo " kinuha ko iyun. Naglakad na ako palayo. Inamoy ko pa ang panyo. Ang bango! Napangiti ako dun.

*************************

Lumabas na kami ni Luke sa school. Hindi makapaniwala ito. Dahil sinabi ko na niligtas ako ni Rosie Cortez.

" Talaga ba?! Ang swerte mo naman " napangiti ako at inayos ang salmin. Buti nalang hindi na masyadong pinansin nung teacher namin yung sugat ko sa ilong.

" Baka nagkataon lang Luke " kung wala si Rosie. Baka pati itong salmin ko ay nasira na din.

" Buti nga ang salmin ko hindi nabasag. Buti nalang " tumango ruon si Luke pero tumigil ito ng paglalakad. Hindi sa takot pero sa tuwa. Napatingin naman ako. Ha?! S-si Rosie?

"Hi! Sabay na kayo sa amin kayong dalawa. Right, Girls? " Sabi nito. T-Talaga? Pareho kaming napalaki ng mata.

" Talaga Bryce?! Totoo talaga tong nakikita ko. Niyaya nila tayong sumabay sa kanila? " Sabi nito na mahina. Hindi kami makapaniwala ni Luke.

" Ano? Gusto nyo bang sumabay? " Sabi nung babaeng wavy hair na mahaba ang buhok na parang manika. Walang nagsasalita sa amin.

" So? Kung ayaw nyo wag nalang " Sabi ni Rosie sumakay na ang mga ito sa kotse. Nagkatitigan kaming dalwa ni Luke.

" Ano? Luke Tara? " tumango ito. Hindi pa nakakalayo yung kotse. Hinabol namin tumigil naman ito.

Pumasok na kami agad.

" Heheheh sasabay na nga kami. Hirap kasing maglakad " sabi naming dalawa At nagkamot-kamot kaming dalawa. Pinaharurot ni Rosie ang kotse.

" It's me, I'm Vanessa Park" Sabi nung mukhang doll na manika. Pero mas maganda si Rosie.

" Saka ako naman si Younha Gidget at eto naman si Monica Chen" pagpapakilala nito, may bangs ito. Bagay na bagay sa kanya. Si Monica naman matured pero maganda din nag-Hi! pa ito.

" Ako si Luke Magnus hehehheeh " nahihiyang Sabi ni Luke. Pati rin ako kaya wala kami maiimik.

" A-a-ko naman si Bryce Dayron Villafuerte. Bryce n-nalang " nangangatal talaga ako. Kaya para maderetso ko ang sinasabi ko. Kinurot ko si Luke. Muntik na itong sumigaw.

Sabay kaming tumawa. Para hindi mahalata nila. Kaya napabaling ang mga ito ng tingin. Ang ganda ng kotse nila Ferrari hahahahha.

" Nice name huh! Bryce " Sabi ni Rosie. Kikilitiin sana ako ni Luke pero sinaway ko ito. Tumingin ang mga ito.

" I'm Rosie Vika Cortez, you can call me Rosie for short! " pacute na sabi ni Rosie. Ang cute nya talaga!

" Ahhhh wag nyo nalang kaming pansinin. Si Luke kasi may sinasabi " naghalumbaba si Monica. Parang curious.

" Ano kaya yun? Share nyo naman! " Sabi nito. Naitulak pa ako ni Luke.

" Eh pre! wla naman akong sinasabi na ganyan " Sabi ni Luke. Nagtatawanan silang lahat. Nakaamot ang mukha ni Luke.

" Ah-eh pagpasensyahan nyo natong kaibigan ko. Mahiyain kase " hinampas pa ako nito. Kaya lalong nagtawanan kami.

" Ehhhh What is all about?&quit; Sabi ni Vanessa. Pero kinulbit ito nung Monica. Magkatabi kasi sila.

" I'm sorry. Tungkol saan ba----yung kinuk---" hindi nito masabe. Kasi siguro sana'y sa English.

" Ah-hehehe okay lang na English. Maybe it's hard for you to talk tagalog " napatigil ng pagmamaneho si Rosie. Nagsabay-sabay silang napanganga at nakatingin sa amin.

" You know to speak English?! " sigaw ng mga ito. Na parang hindi makapaniwala.

" Syempre! Baka Bryce to! " natawa naman sila sa akin.

" Hindi lang English kundi Spanish, Thai, Russian, China, Korea and etc. Di bale kung Korea kasi half korean sya " Pagmamalaki ni Luke. Napapanganga nanamn ang mga ito. Nakaramdam ako ng sobrang hiya.

" T-Talaga? Really?! " Sabi nung Vanessa. Na talagang hindi makapaniwala. Napailing nalang yung Gidget.

" Ah-eh konti lang naman. Mas nagaaral pa ako ng maigi at sa iba pang language" Pinaandar na uli ni Rosie yung sasakyan. Pamaya ay nagsalita ito.

" Bakit mo naman nagustuhan aralin ang mga Languages? Isn't you like to know it or maybe anything reason? " sabi nito. Inalis ko ng pansamantala ang salmin ko. Kumuha ako ng panyo tas ipinunas ko iyun.

" Habang kasi tapos na ako sa mga paper works. Naiinip ako sa bahay. Habang nagbabasa ako ng story sa libro. Naisip ko kaya magaral ng Languages or Ibat-ibang salita. At isang araw iyun naka-hiligan ko narin" pagkatapos kong punasan ang salmin ko. Isinuot ko ulit at nilagay ko sa bag ang panyo ko.

" So....habit mo na ito ngayon? " ang accent nya ay parang Thai nung Gidget. Ano kaya kung magthai ako?

" Oo habit ko na yun. Kapag walang magawa or extra na time lang " kaso wag nalang. Hahahahah. She nooded.

Narito na pala kami sa bahay.

" Thank you sa inyo ha. Saka kanina " Sabi ko na lubos na pagpapasalamat. Bumaba na kami ni Luke.

" Your welcome " Sabi ni Rosie na malambing. Nagpaalam narin sina Gidget, Monica at Vanessa. Nakaalis na yung sasakyan.

" Pre! Biruin mo yun! Panaginip ba to? " Hayyy si Luke talaga! Hahahaha.

" Hindi tayo nanaginip. Sadyang nagkataon lang " pumasok na kami sa Dorm. Nagdodorm kasi kami ni Luke. Magkatabi kaming matulog wala nang iba sa aming dalawa. Kaya nga parang naging magbestfriend din kami.

Yung isa naming bestfriend. Uuwi narin dito sa dorm namin. May inaayos lang daw na papeles ang pamilya nya.

Sobrang saya namin ni Luke na magkakasama na ulit kami. Ang tatlong nerd! Magbabalik na hahhahah😂