Chapter 2
Xian Greysath's POV
That girl, urgh! She's getting into my nerves.
I slightly pulled my hair and massage my temple.
'Calm down, Xian. You need to calm down.'
Sigh, Alexa.. I'm already missing you. I wish you're here with me to save us all. To save Rhaegos from Tiyo. And I wish that I'm not the prince in this stupid castle.
Suddenly, there was a knock on my door.
"Come in" I responded
"Prince Xian, ito na po ang mahiwagang espada na galing pa po sa inyong Ama. Ayon po sa utos nyo" Sabi ni Mikah
Iniabot niya sa akin ang espada.
"Salamat. Pwede ka nang makaalis"
Aalis na sana siya Ngunit siya'y lumingon at muling nagsalita.
"Ahh, mahal na prinsipe. Hindi po ba kalabagan sa batas ang paghahamon ng dwelo ng lalaki sa isang babae?" sabi niya
Bigla naman akong natigilan sa sinabi niya. Tama nga siya, mali ang ginawa kong paghahamon sa babaeng iyon pero anong magagawa nila? Ako na ang prinsipe ng Rhaegos at magiging hari nito. Tumalikod ako sa kanya at tumingin sa labas ng malaking bintana sa kwarto ko.
"Tsk. As I said, I know what Im doing!" inis na usal ko
"Kahit kase masama ang pakikitungo nya samin ni Stella. Ehh babae din kami. Tapos si Alexa--"
Dahil sa inis ko at narinig ko ang pangalan ni Alexa, hindi ko siya pinatapos
"Go" saad ko habang itunuro ang pinto
"I'm sorry" huling bigkas ni Mikah bago umalis
Nagbuntong hininga ako at napaupo sa aking kama.
'Pano kung sya yung nasa propesiya? Tsk, imposible. Makalabas nga muna'
Leary's POV
Pilit kong tinatawagan ang telepono namin sa bahay ngunit ito lang lagi ang resulta.
"The number you have dialed--"
'Takteng yan, bat walang signal dito! Mga hampaslupa, di man Lang magpakabit ng wifi'
Maya-maya'y may isang squirrel na biglang pumasok sa kwarto ko mula sa bintana. Dahil nadidiri ako rito, kaagad kong dinampot ang lahat ng madadampot ko at pinagbabato yung squirrel.
"Shoo! Hindi 'to tambayan ng mga asungot, hoy! Alis" sigaw ko
Pero nakapasok ito. Kaagad naman akong napatalon at lumayo ng direksyon sa squirrel. Naiwan ko ang cellphone ko doon. Kinuha ng squirrel ang cellphone ko at tinakbo.
"Abat, hoy!!"
Kaagad akong tumalon mula sa bintana at hinabol ang asungot na iyon.
"Watch out!!" sigaw ko
(Bogsh!)
Sumalampak ang aking pwetan sa sahig at talaga nga namang napakasakit!
'Aray ko yung pwet ko! Bat ko pa naiisip na tumalon sa bintana? Tanga mo naman, Leary oh!'
Nakita ko Naman yung squirrel na tuwang tuwa pa at tumatawa sa maliit na boses. Dinilaan niya ako at muling tumakbo.
'Aba, hayop 'to!'
"Hoy pasaway, akin na yan!" At tumakbo ako hawak hawak ang aking pwetan
Takbo dito. Takbo doon. Kung saan saan nang lupalop ako nakatakbo at hindi ko na kaya pa. Tumingil ako saglit dahil hinihingal na ako at pagod na pagod na.
"Ngina kang... squirrel ka." hinihingal kong sambit
Tumakbo ito papunta sa demonyong prinsipe na talaga namang ikinataas ng dugo ko. Umakyat ito papuntang balikat ni Ungas at pucha, binigay yung selpon koooo!
Lumapit ako sa kanila ng padabog at hinarap ang prinsipe.
"Hoy ungas, ibigay mo sakin yang selpon ko"
"Pano kung ayoko" nakangisi niyang sagot
"Gugustuhin mo yan sa ayaw at sa gusto mo!"
"Sa isang kundisyon"
"Ano nanaman?"
"Umamin ka munang espiya ka"
"Ilang beses ko ba sasabihin sayong di ako spy?! Di iku speuy, di iku speuy" nanggagalaiti kong sabi
"Well, bahala ka." sabi nya sabay binuksan yung phone ko
At dahil doon ay pilit kong kinuha sa kanya ang cellphone ko.
"Yung privacy ko, walang hiya ka! Yung fb ko baka pakialaman mo! Ang kapal ng mukha mo. Baka laruin mo pa yung Mobile Legends ko at ipatalo mo ko. Kiyu biteuweun mu yeun!!"
Sinubukan kong agawin sa kanya yung cellphone ko ngunit di ko siya maabot huta, ang liit ko kase.
"Ano ba! Wag ka ngang malikot?!" pagrereklamo niya habang tinitignan Ang cellphone ko
"Akin na nga kase yan!" bulyaw ko
'Grr.. Nanggigigil na ako ah!'
"Magnanakaw! Tulong!" sigaw ko. Akala mo ah
"Ah-a-a.. I'm the prince, and all of in this kingdom are mine" sabi niya
"Ha. Ha. Ha.. Sa tingin mo ba, galing sa pipityuging kaharian mo yang selpon ko? Aba, made in Japan yan. High quality lahat!" Sabi ko sabay pilit na inaagaw yung selpon ko
Bigla namang may mga batang nagsulputan sa harap namin.
"Ayiieee. Kuya Xian, sino po sya?" sabi nung isang bata
"Bagay po kayong dalawa. Ayiiee" dagdag pa ng isa
'Duhh, di kami bagay'
"She's nothing " cold na sabi nya at mas lalong itinaas pa ang kamay nya para di ko maabot
"Hoy anong nothing? My name is Leary Harrington, marami nang mga pumilang lalaki sakin para ligawan ako pero binasted ko silang lahat. Ganoon ako kaganda" pagmamayabang ko
"Sus, mga bulag ata yung mga lalaki mo. Hulaan ko, mga naka-shades ata sila" Sabi niya
'Tong demonyong may sungay nato! Nakakagigil na!'
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang balikat niya. Tumingkayad ako upang maabot ko ang tenga niya at saka bumulong
"Sige nga tignan natin, Ewan ko nalang kung kainin mo lahat ng mga sinabi mo"
Hindi siya kumibo at napatitig sa mga mata ko. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya.. Tinitigan ang labi nya.
' Shems, ang gwapo pala neto ni Xiantot hihi. No, control yourself Lea. Wag ka munang lumandi, yung selpon mo muna!'
Dahan dahan kong nilapit yung labi ko sa labi nya. Tapos dahan dahan nya na ding binababa ang kamay niya.
'Ayown haha..'
Pumikit sya.
'Aba loko talaga toh, akala nya naman! Ayan na, nakababa na yung kamay nya.'
Dahan dahan kong kinuha yung selpon ko. Pagkaharap ko, ay napakalapit na namin sa isat isa.
'OH MY GOD! Hahalikan talaga ako nito. Liyad na liyad na ko dito'
Tapos nang naramdaman nyang lumalayo ako. Bigla nya akong nilapit paharap sa kanya gamit ang kamay nya.
Natulala naman ako at hindi alam ang gagawin.
'Mamee! Tulong! Sobrang lapit na. Para kay ex lang tong labi ko sira ulo ka!
"Prince Xian!"
Nagulat kaming dalawa dahil sa biglang may nagsalita. Natigilan naman si Xian at bigla akong binitawan. Kaagad naman na nahulog ako at tumama nanaman ang pwetan ko sa matigas na lupa.
'Aray! Pangalawang beses na to huhu'
Nakita ko ang naiinis na ekspresyon ni Xian at siya'y umalis na kasama ang bantay sa tumawag kanina at naiwan ako dito magisa.
'Hehe~ atlis nasa akin tong cellphone ko'
Nang tignan ko ang hawak ko ay laking gulat ko na golden bar na may apat na paang dragon na nakaukit dito ay ang nakuha ko.
'Argh! Malas Naman!'