Lea's POV
"Mahal na prinsesa! Mahal na prinsesa!"
"Princess Lea!"
Ayt. May kapangalan pala akong prinsesa. Aba ang swerte nya at pangalan ng maganda ang napili ng magulang nya.
"Lea!" sigaw ni Mikah
Agad naman akong napalingon.
"Bakit?" tanong ko
"Sa wakas, prinsesa Lea. Pinansin mo din kami" Sabi ng mga taga-silbi na nasa harapan ko.
"Huh? Ako prinsesa?" nagtatakang tanong ko
"Sabi samin ni Reyna Camia, ikaw daw ang bagong hirang na prinsesa ng Rhaegos"
"Reyna Camia?" tanong ko uli
"Yung lola po ni prinsipe Xian"
'Ay wow!! Hahaha. Kahit papaano may silbi rin pala si Pwet Lady dito sa mundo haha. Ginawa ba naman akong prinsesa? Di bale na, napanood ko na lahat ang mga movies ni Barbie. Marami akong natututunan sa kanya'
"Ah ganun ba. Anong problema" nakangiti kong sagot
'Saya naman ni Lea oh!'
"Si Prinsipe Xian!" wika ni Mikah
'Ano nanaman kayang problema nun?'
"Ayaw nyang kumain!!" dagdag ng isang taga-silbi
"Huh! Edi hayaan nyong mamatay sa gutom!"
"Hindi pwede yun prinsesa. Sya ang susunod na hari at tsaka malaking gulo kapag di sya makakain"
"Magwawala sya!!"
'Ay ganon? Parang KingKong lang? Pwes may sulosyon ako diyan'
"Tss. Madali lang patahimikin ang nagwawalang bata" sambit ko sabay talikod
"Pero prinsesa, hindi mo kilala ang prinsipe. Magwawala sya ng parang Dragon. Mawawasak ang kaharian. Di tulad ng bata pa sya dati. Buong palasyo ang nasira"
"Oh my God" usal ko sa gulat
'Ay grabe teh'
"Anong gagawin namin prinsesa. Lahat na ng mga paboritong pagkain nya, inihanda na namin sa kanya ngunit itinatapon niya Lang po ito"
'Hmmmmm..'
"May naiisip akong pagkain na hinding hindi aayawan ng kahit sinong mga isip bata" sambit ko
Lumakad akong papuntang kusina at sinundad nila ako.
"Ano naman yun?" tanong ni Mikah
"Spaghetti" nakangisi kong sabi
Xian's POV
"Ayoko, ayoko, ayoko!" sigaw ko
Tinapon ko ang mga pagkaing pilit na pinapakain sakin.
"Guards!" usal ko
"Pero mahal na prinsipe, kailangan nyo pong kumain. Wahhhh!!" pagpupumilit nila at agad naman silang hinatak papalabas ng mga kawal
"Wag na wag kayong magpapapasok ng kahit sino maliwanag? Kapag nagpapasok kayo, ihanda nyo na ang mga kabaong nyo" pagbabanta ko
"Masusunod po!" sabay nilang sabi
Agad naman nilang isinarado ang pinto. Pagkaalis nila'y humiga ako sa kama ko.
'(sighs) Ano bang nangyayare sakin? Pake ko ba kung para sa kanya nya lang yung ginagawa nya? Pake ko ba kung niligtas nya ko dahil napipilitan lang sya. Pake ko ba kung--- What the fvck! Ano ba tong nasasabi ko?!'
Sh"t, nakakawalang gana kumain! Wala na kong pake kung magwala pa ko bukas. Sila na ang mamroblema dyan basta ako, di ko alam ang takbo ng buhay ko ngayon.
Bigla kong naalala yung bagay na kinuha ko kay Lea nung isang araw. Kinuha ko ito sa aking bulsa at tinignang mabuti. Binusisi ko ito at aksidente kong napindot.
"Fvck!" sigaw ko
Nahagis ko sa kama Yung bagay na yun sa gulat.
Kaagad namang bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang kawal.
"May problema ba, mahal na prinsipe" tanong nito
"Wala naman" sabi ko sabay tago ng bagay na iyon sa likod ko
"Mabuti naman po. Sabihin nyo lang po samin kung may problema"
Sinara uli nila ang pinto at nagpabuntong hininga nalang ako. Tinignan ko uli yung bagay na iyon.
'Lets see kung anong nagagawa nito. Wait, slide to unlock? The heck? Inuutusan ba ko nitong bagay na to na dumulas para lang maunlock sya? No fvcking way'
(2 mins later)
'Oo na nga, magsaslide na!'
Lea's POV
"Ano ba yung Spaghetti?" tanong ng isang maid
"Malamang pagkain" sagot ko
"Anong klaseng pagkain?"
"Yung nangunguya, nalulunok at nadidigest. Gets?"
"Hindi pa po. Nagaalala po ako sa pwedeng mangyare" sabi niya habang pinaglalaruan ang kanyang mga daliri
Napabuntong hininga nalang ako.
"Wag kayong magalala, tutulungan ko kayong maligtas ang kaharian"
"Naku, maraming salamat, prinsesa"
"My goodness"
"Thank you, Goddess Skiadrum"
Goddess? Tss. Wala yan kay Jesus Christ.
Kaagad naman na akong pumasok sa kusina nila. Laking gulat ko nang makita kong napakarami nilang mga gamit sa pagluluto.
"Oolala~"
"Prinsesa, hindi po kami naghanap ng mga sangkap. Humihiling lamang kami sa aming gamit na tinatawag na imaginator." sabi nung servant
'Woah... Parang magic toaster na ewan.. I love it!'
"Ano ba yung mga favorite kainin ni Xian?" tanong ko
"Uhmm. Nilagang sea dragon na may dugo ng margarinefly"
'Ngina! Margarinefly? Hahahahaha. Sa Earth may butterfly..'
"I'm literally speechless." saad ko
"Pero prinsesa, hindi kumakain ng hindi nya pa natitikman"
"Pwes, for the first time, kakain sya"
Inihanda ko na ang kusina para makapagluto.
Humiling ako sa Imaginator ng pasta, tomato sauce, hotdogs, onions, garlic, ground pork at cheese.
"Eto gawin nyo, hiwain nyo tong hotdog, sibuyas at bawang." utos ko
"Sige" sabay sabay nilang tugon
Humiling din ako ng dalawang malaking kawa para sa sandamak mak na ingredients na nilabas ng Imaginator.
"Tapos na po" Sabi nila
"Aba, magaling! Sige ako nang bahala dito"
Sa buhay ko bilang ate ni sa isang linggo di pwedeng walang spaghetti sa lamesa namin.
Pag talaga naginarte pa si Xiantot dito, aba papalapa ko sya kay Kakai!
Agad ko namang isinalang na Ang mga sangkap at ito'y ginisa. Nilagyan ng tomato sauce at mga pampalasa.
"Hmm. Ang bango naman nyan, Lea" Sabi ni Mikah
"Patapos na 'to, wag laying magalala" sambit ko
Pag nagluluto talaga ako, syempre galing sa puso haha. Kaya pag talaga di pa sya kumain naku, naku!
Makaraan ng 5 minuto. Tapos na yung Spaghetti. Salamat, whoo!!
"Yes!"
Nagulat kami nang may nagbukas ng pinto. Bigla namang pumasok ang dalawang kawal.
"Ano yung naamoy naming masarap?" tanong mga bantay
"Iyan daw ay tinatawag na Spaghetti"
"At niluto pa ito ni prinsesa Lea"
'Kilig naman ang Lola nyo haha'
"Haha. Sige pwede na rin kayong kumain at lalagyan ko narin ng spaghetti yung Gold plate na to" Sabi ko
"Pero.. Di kami pwedeng kumain ng pagkain ng Royal Family" malungkot na sagot ng isang katulong
"Ah-a-a, ako ang nagluto kaya ako parin ang masusunod. At saka pinaghirapan nyo din yan kaya pwede kayong kumain" tugon ko
Bigla naman silang nagsitalunan sa tuwa.
"Yay!!"
'Hay naku.'
Agad ko namang inihanda yung spaghetti ni Xiantot. At dahil sinipag ako ay nilagyan ko pa ng design.
"Sige na, aalis na ako. Ibibigay ko na to kay Xiantot" Sabi ko
"Wait!!" pigil sakin ni Mikah
"Bakit?"
"Pupunta ka sa prinsipe tapos ganyan itsura mo?"
Oo nga noh! Ang dugyot ko. Aba, baka asarin pa ko nun!
"Sige, aayusan ka namin" Sabi nila
Pinaikot-ikot nila ako
"Woah, woah" sabi ko ng nahihilo pa
Natigil naman ito kaagad at talaga namang nahilo ako don!
"Tignan mo po ang sarili nyo sa salamin" sabi ng isang katulong at pinalutang yung salamin
'Woah!! Ang galing.. May make up agad ako ah.. Pati damit ko nagbago. Ang sexy ko dito haha'
Binigay na nila sakin yung spaghetti ni Xiantot.
"Good luck!"
"Ingat haha"
At umalis na agad ako at dumiretso sa kwarto ng Xian na yan. Nasa harap na ako ng pinto ay hinarangan ako ng dalawang gwardya.
"Pasensya na prinsesa, pero utos ng prinsipe na hindi kami magpapapasok ng kahit sino" Sabi ng isa
"Pasensya na pero sumusunod lang kami sa utos. Kahit parang masarap yang pagkain na dala mo. Pero bakit ang konti lang?" Sabi ng pangalawa
"Ano bang pakialam nyo? Eh kung papasukin nyo nalang kaya ako!" pagrereklamo ko
"Sorry pero utos ni prinsip--"
Kinuha ko yung kwelyo nilang dalawa gamit ang isang kamay
"Ang utos ni Xian. Wag magpapapasok ng KAHIT SINO!! Mukha bakong kahit sino huh? Sumagot kayo!" sigaw ko sa pagmumukha nila
"H-Hindi po" takot nilang sagot
"Are you stupid? Kita nyong ako si prinsesa Lea at hindi ako si KAHIT SINO! Gets nyo nga ugok? Kaya papasukin nyo ko!" sigaw ko
"OPO" sabi nilang dalawa
Binitawan ko sila at kaagad na binuksan ang pinto saka pinapasok.
Xian's POV
Anong problema netong kung bagay na ito? Naka-slide na nga ako ng ilang beses eh hindi paren nagu-unlock?!
Wait, siguro dalawang beses.. Slide two unlock ata yun. Ano ba yan mali mali naman yung spelling. Two lang hindi alam, kaseng abnormal ng may-ari.
Kaagad namang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Lea na nagtataka sa akin.
"Ginagawa mo?" tanong niya
Agad kong tinago yung bagay na yun muli sa bulsa ko.
"Ako ang dapat magta..."
'Oh crap! Why did she look so gorgeous?
"... nong kung bakit ka nandito" mabagal kong dugtong
Sfx: Careless Whisper
'Olala.. Shes so sexy---Wait! Kinikilabutan ako sa mga sinasabi ko!'
Agad naman na akong pumunta sa kama.
Lea's POV
'Susme, parang bata lang eh.'
Pumunta din ako sa kama nya at umupo.
"Nga pala, eto oh spaghetti niluto ko para sayo. Kumain ka na" malambing kong sabi
'Kumain ka ng kupal ka! Wag mo na kong pahirapan!'
"A-yo-ko!!" sabi niya at mabilis na tumalikod
'Shala ang arte arte mo dai!'
"Dali na pleasee??"
"Ayoko nga sabi eh!"
Aba, ayoko ng magtimpi!!
"Aba hindi ka kakain?!"
Ginamit ko ang kamay ko at iniharap ko sya sakin.
"Oo! Bahala ka dyan!" tugon niya
"Eat or else..."
Wala nang ibang paraan kundi ito. Pag di pa talaga to gumana ewan ko nalang
"Or else what?"
"Ill eat you" sabi ko
"Hahaha. Hindi mo ko--"
Natigilan sya ng hawakan ko ang dibdib nya at tumingin sa labi nya. Dinilaan ko ang labi ko at kita ko sa mga mata niya ang gulat.
"Ano kakain ka na ba?" tanong ko at hinawakan ang mukha niya
I cant believe na ginagawa ko to! Sobrang kahihiyan! Para to sa kaligtasan ko!
"Ba-Bahala ka nga dyan!" sabi nya sabay takip ng kumot. Kita mo na may namumuong pula sa kanyang pisngi
'Abat!! Pasaway!'
"Ikaw, gusto mo talagang magpakain sakin eh ano?" sabi ko sabay inaalis yung kumot sa kanya.
Hinablot niya yung kumot at pilit na inaagaw sa akin. Inaagaw ko rin ito pero ayaw nya talagang bitawan. Kaya kiniliti ko nalang sya
"Hahahahaha. Tama na! Tama na-Hahahaha"
"Ayaw mong kumain eh" sabi ko habang tuloy tuloy parin sa pangingiliti
"Ayoko nga kase--hahahaha"
Tapos ginrab ko na yung chance para alisin yung kumot. Nang naalis ko na Yung kumot ay tumambad sa akin ang isang napakagandang senaryo.
'Takte. Yung abs pare! Tengeners!! Daming pandesal.'
Kiniliti ko sya para mahawakan ko yung pandesal bwahahaha. Landede mo Lea! Ang dakilang Hokage.
Ah alam ko na hahaha. Kung ayaw mo ng maayos na paraan, edi gawin nating sapilitan.
Habang kinikiliti ko sya dahan dahan akong kumukuha ng spaghetti. Ngunit napigilan niya ang kamay ko sa paggalaw dahil hinawakan niya ito. Pumaibabaw ako sa kanya at dahil nga isa lang yung ginagamit kong pangiliti, kaya napigilan nya ito at siya naman ang napaibabaw sakin.
Tinignan ko sya sa mata at dahan dahan kong itinaas ang kamay ko para mapalamon ko sya ng Spaghetti, ayan na malapit na!
"Dont make the same mistake again" sabi ni Xian at hinawakan ang kaliwa kong kamay..
Lumapit siya sa akin at aakma niya akong halikan.
'Wtf? Hahalikan talaga ako neto! Kailangan mong umisip ng paraan Lea.'
Pumiglas ako at ako ang pumaibabaw sa kanya.
"Diba sabi ko sayo ako ang kakain sayo kapag hindi mo kinain ang niluto ko?"
Ngumisi lang sya.
"Oh fvck, rot in hell!" sigaw ko sabay pinalamon sa kanya yung Spaghetti na nasa kamay ko
Napatayo sya sa gulat. Tapos may apoy na pumagilid sa kanya. Ang init, shems!
"Ano yung pinakain mo sakin?" walang emosyong sambit niya
"Ah. Spa-Spaghetti. Masarap ba? Hihi"
"Hindi..."
Ano ba tong ginawa ko? Siguro naman nabusog sya sa isang kamay na Spaghetti diba? Susmiyo de Corazon dela potpot!
"Ahh... Ganun.ba?"
'Shocks, naiihi na ko pucha!'
"Oo.. Kase.."
Humarap siya sa akin ng dahan dahan.
"..sobrang sarap! Pahingi pa ko please?!" tugon niya na may mala-bituing nagniningning sa kanyang mga mata
"Fvck.." pabulong na.mura ko
Binigay ko sa kanya yung isang plate ng Spaghetti at agad niya itong hinablot sa kamay ko. Mabilis niyang kinakin ito na para bang hindi kumain ng isang taon.
"Oh dahan dahan lang, baka mabilaukan ka" sabi ko
"Ifaw bwa tawagwa wang nwagwufo nifo? (Ikaw ba talaga ang nagluto nito?)" tanong niya
"Aba syempre naman. Ano, hinahangaan mo na ba ako ngayon?" pagmamayabang ko
Naubos niya ang pagkain.
"Haaahh.." tugon niya habang masayang hinihimas Anwg kanyang tiyan
"Gusto ko pa!" pagrereklamo nya
"Tsk"
Tumayo na ako sa higaan.
"Kung gusto mo pa, edi bumaba ka at kumain" dagdag ko
"Ayoko nga, dalhan mo ako!"
"Aba, ano ako katulong? Kung ayaw mong bumaba problema mo nayan. At saka ok lang nakakain ka nanaman eh"
Paalis na ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko
"Wait!"
Tinaasan ko nalang sya ng isang kilay.
"Oo na, bababa na ako" dugtong niya
"Very good. Tara na"
Pagdating namin sa Dining Room, umupo agad sya sa upuan nya at kumuha ng sandamakmak na spaghetti.
Rinig ko namang naghihiyawan ang mga katulong at kawal dahil nagtagumpay ang misyon.
"Yey!"
"Ang galing talaga ni Lea"
'Tsk ako pa'
Lumapit ako sa kanya.
"Alam mo ba mahal na prinsesa, ikaw lang ang nagpaamo sa kanya ng ganyan."
"Kahit si Reyna Camia hindi sya mapasunod kung ayaw na ayaw nya"
"Ay ganun hahaha.." pilit kong tawa
'Masama ang pakiramdam ko at baka ako nga talaga ang dragon's bride. No I can't be!'
"Kaya nga baka ikaw nga talaga ang Dragons Bride princess Lea. At saka sa isang banda, bagay na bagay kayo ng prinsipe yiee"
"Oo nga!"
'Hays, anong gagawin ko kung ako nga talaga?'
Sa kalayuan ay narinig kong umuubo si Xian na parang namamatay na. Kumaripas ako ng takbo at lumapit sa kanya.
"Hoy, ok ka lang?"tanong ko
Agad ko siyang binigyan ng isang basong tubig.
"Hahhhh.."
"Tama na ang pagkain, mukha ka nang zombie" pang-aasar ko
"Ihh!! Gusto ko pa" Sabi niya nang nakangisi
'Itsura naman nito!'
"Tama na, sabog kana"
Binitbit ko siya at inalalayan papunta sa kanyang kwarto.
'Hinayupak, ang bigat!'
Dahan dahan ko syang dinala sa higaan nya pero nasama ako sa paghiga. Pinipilit kong kumawala kaya lang mahigpit na nakakapit tong ungas na to sakin.
"Xiantot?" bulong ko
"Hoy!"
'Tulog na. Yaan mo na nga! Matutulog nalang din ako'