Ch. 10 redecorated

"Ang sakit ng paa ko." Reklamo agad ni Caleb ng makauwi sila sa apartment, naka upo sya ngayon sa sofa habang hinihintay ang magde-deliver sa pinamili nila. Si nathan naman halos nakahilata na sa rug gamit ang throw pillow na unan.

"Nakakatamad magluto, take out na lang tayo." Ani ni nathan na nakahiga sa lapag bago kinuha ang cellphone. "Anong gusto mo?" Tanong nito sa lalaki.

"Pizza na lang saka coke." Maikling sagot niya, ang hirap palang bumili, ilang pieces lang ang kinuha nila pero masakit na ang paa nya.

"Okay, and done." Sabi nito bago ipinato ang phone sa ottoman. Ang pinamili nila dumating na kaya busy si Caleb sa pagsasabi kung saan nila dapat ilalagay ang mga sofa.

"Diba mas maganda kesa sa dati?" usisa ni Caleb habang tinitingnan ang pinamili nila. Tumango na lang si nathan sa pagsang-ayon bago niya hinalikan si Caleb, this time, Nathan is gentle, holding Caleb's chin. Hindi alam ni caleb kung paano tumugon, nakatinggin na lang sya sa taong nanghahalik sa kanya.

"Close your eyes babe." Paanas na sabi ni nathan bago ipinagpatuloy ang paghalik. Caleb's feel his body going limp, his lips are all tingling, he tried to imitate how nathan's lips are doing making the man kiss him in a deeper and aggressive manner.

"Hindi ako bakla" sabi ni caleb habang nakakandung sya sa lap ni nathan, naka-upo silang dalawa sa sofa at ninanamnaman ang after taste ng halik na pinagsaluhan nila.

"I know, me too."

Buong maghapon na walang ginawa ang dalawa, pagka-ubos nila ng dalawang box ng pizza at isang litrong coke, cheetos saka doritos naman ang isinunod, pinapanuod nila ang favourite sit-com ni nathan—Ang that 70's show. Inulit nila sa season One hanggang sa Season seven. Ayaw nila yung last. Minsan din naghahalikan din sila. They spend their all afternoon in a carefree manner.

"Ano balita?" ang unang tanong ni violet nang makitang papasok sa shop si Caleb. Kumindat-kindat pa ito, hindi alam ni caleb kung matatawa or maiiyak sya dahil sa tanong at sa ginagawa nito.

"Wala naman ah." Pag maang maangan niya.

"Anong wala, kumusta ang isang araw ninyong date ni nathan?" pagdediretsa ni violet, hindi nya pwedeng tanungin ang boss so sa kadate nito ang mapagtatanungan niya.

"Wag mangarap, Dare lang ang dahilan." Sabi ni sarah ng marinig ang usapan nila. Kararating lang din nito.

"At least nasubukan na niyang makasama si boss, ikaw? Ha! Nga-nga!" asar na sabi ni violet, bwisit na bwisit na sya sa babaeng ito, kung wala sana sila sa shop talagang sasampalin niya ito, paano ba naman, nang wala ang boss nila, parang ito ang nagmamay-ari sa shop kung umasta.

Nandilim ang mukha ni sarah, sasagutin sana nya ang babae ng makitang palabas sa office si nathan, "I'm sorry Caleb, alam ko namang kayo na ni sir eh, don't worry hindi ko na sya guguluhin." Sabi niya sa nagmamakaawang boses, tingnan lang niya kung paano ito pagagalitan ni nathan. Sa loob looban ni sarah ay natatawa sya pero sa labas para itong naiiyak.

"Caleb, to my office." Sabi agad ni nathan bago nagpatiuna. 'Kung pagagalitan sya ng kumag na ito, talagang lalayasan na nya ito, lalo na pag hindi man lang ito makinig sa explanation niya.

Pagpasok na pagpasok pa lang niya sa pintuan ay sinungaban na sya ni nathan, isinandal sya sa tabi ng pintuan bago sya nito hinalikan. 'Walang hiya, hindi pala sya mapapagalitan, so gusto nito na makikipag-away sya dahil sa kanya? Kawawang Sarah, ibang result ang nangyari sa provocation and allegation nito sa kanya.

Mga thirty minutes ang nagdaan bago sila lumabas, medyo namaga ng kunti ang labi ni caleb, halatang katatapos lang nitong mahalikan. Lahat sila sa labi nag zoom out ang tinggin bago tiningnan si sarah, tumawa pa nga si violet ng nakakaasar na tawa bago ito kumanta ng love is in the air.