Prologue

P R O L O G U E

"Oppa!"

"Waaaaaah oppa tanggapin niyo po ito."

"Ang gagwapo nila."

"Waaaaaah Oppa saranghaeyo!'' 

Magulo at maingay ang paligid dahil sa sigawan ng mga fans ng pitong nagagwapuhang mga nilalang. 

At nandito ako sa gilid, sa tabi. 

Nakatingin lang sa pitong taong pinagkakaguluhan ng napakaraming babae.

Ang BTS. 

Hindi naman ako pwedeng makisigaw, makitili at makipagsiksikan sa ibang fans dahil sabi ng doctor sa akin bawal ko daw i-pressure ang sarili ko.

Hawak hawak ko yung isang bote ng malamig ng tubig. Gusto ko sanang ibigay sa ultimate crush at idol ko.

Si Jimin. 

Walang emosyon na maiuukit sa kanyang napakaperpektong mukha, patuloy lang siya sa paglalakad papunta sa destinayon nila. 

Hindi ako umaasang magugustuhan niya ako dahil unang-una sa lahat, hindi niya alam na nag-eexist ang isang tulad ko, hindi naman ako kagandahan at hindi niya ako ka-level. 

Tila bumalik ako sa ulirat ng makita kong dito pala sila dadaan. 

Hindi naman makapunta yung ibang fans dito dahil hinarang na sila ng mga body guards ng BTS.

Parang may nagkakarera sa puso ko ng magtama ang mga mata namin ni Jimin. Walang emosyon ang mga mata nito at tila naiirita nang makita ako.  

Agad akong umiwas ng tingin at yumuko.  

"Tabi. " sabi sa akin ng isang nagbabantay sa kanila.

Hindi niya sinasadyang maitulak ako at tumama sa pader yung likod ko.

Naramdaman kong may pumapatak ng luha mula sa mga mata ko.

T-teka bakit ako umiiyak? 

Ramdam na ramdam ko ang pagkalabog ng puso ko. Ang pagbagal ng tibok nito at ang pagkirot. 

Bakit ang labo ng paningin ko? 

''Miss, I'm sorry. Are you okay?" paumanhin nito sa akin.

"O-opo, sige po." sagot ko at yumuko dahil napansin kong napatigil din sa paglalakad yung  Bangtan habang nakatingin sa akin. 

Naglakad na ako palayo ng maramdaman kong nahihirapan na akong huminga.  

"Elleigne!" tawag sa akin ng iwang boses.

Naaninag ko ang isang babaeng palapit sa akin, ngunit bago siya makarating sa aking lugar...

Tuluyan ng bumagsak ang katawan ko.

''Tulong! Tulong!''  boses ng kaibigan ko ang tanging naririnig ko. 

Pero nakatuon ang atensyon ko sa lalaking biglang bumuhat sa akin ngayon..

Nginitian niya lang ako at dahan dahan ng nagdilim ang paningin ko. 

Itutuloy...