Again

Naramdaman ko ang lamig ng tela na nakapatong sa noo ko, medyo sumasakit pa ang ulo ko. Pero mas lalong sumakit ang ulo ko sa boses ng pinsan ko.

Shet talaga, ngayon alam niya na nag i-spy ako sa kanila. Ayoko munang dumilat, ikakalma ko lang sarili ko.

"Alam kong gising ka na Jinji."

Nakakabanas talaga yung boses n'ya. Nakakairita.

"Pwede bang hayaan mo muna akong magpahinga, wag ka munang hihinga okay?" sabi ko nang hindi kumikilos.

Narinig ko ang mahinang tawa niya, syempre nai-imagine ko yung pang asar n'yang tawa no.

"Bakit ka nasa practice?" naramdaman ko ang pag upo n'ya sa gilid ng kama ko. "Ano? Di ka pa rin sumusuko? Bilis ng karma no?"

Gigil na ko nito eh, bumangon ako ay tumingin sa kanya. "Sabi ko sa'yo di ako basta susuko sa pagre-recruit. Makukuha namin sya-"

"Bakit ba gusto mo kong marecruit sa team nyo?" napatigil ko sa pagsasalita, pati paghinga ko huminto.

Lumingon ako sa kanang bahagi ng infirmary, kung saan may isa pang bed, nandun sya nakaupo at nakacrossed arm.

"Yato-"

"Bakit?"

Nauutal akong sumagot, actually di ko alam bakit ako nauutal parang ang lakas makapanakot ng awra n'ya.

"K-kasi, kailangan ka ng team namin. Ikaw yung pag-asa na tinutukoy ni kuya." humarap ako nang tuluyan sa kanya at nagbend.

"Please sumali ka sa amin-"

Nakita ko ang pagtayo n'ya at paghawak nya sa batok . "I'm sorry. Di na ko sasali sa basketball team."

"Bakit naman?"

Tumingin s'ya sakin, ilang segundo ay sumagot din sya.

"Ayoko lang." eh?

"Ah, eh... Pwede bang malaman yung specific reason para at least baka may magawa kami?" pakiusap ko.

Tinitigan niya ulit ako at napakamot sa ulo nya, "well, ikaw yung manager tama ba?"

"Yes! Ako nga-"

"Ayoko sa matabang manager."

*****

"Ulit nga isa pa, dali." natatawang sabi ni kuya.

"Ayaw nya ng matabang manager!" bwiset to! "Okay na? Happy? Happy?"

And once again, magkamatay matay syang tumawa. Super happy ah, hikain ka sana!

Padabog akong umupo sa couch sa gilid nya, inabot ko ang remote sa tabi nito pero inunahan nya ko ng dampot.

"Anong sabi nya pa?"

Huminga muna ako nang malalim, "Di daw sya sasali hangga't mataba ako." ang kapal ng mukha nya, di ako mataba chubby lang ako.

Pag nagkita talaga kami, dadaganan ko s'ya makikita nya.

"So magpapayat ka na." itinutok ni kuya ang remote sa tv at binuksan ito.

"No way." nag 'x' agad ako ng braso sa harap niya. "Di ako magpapapayat para lang sa isang katulad nya kapal nya ah, di naman ganun kagaling este magaling naman pero mas magaling pa nga si Drei eh."

Walang ka emosyon emosyon ang mukha ni kuya nang tignan ko s'ya.

"Isa lang ibig sabihin n'yan, hindi ka na aalis ng team-"

"No!" tumayo ako, "bakit naman ganun!"

"May deal tayo penguin." nakatutok na sya sa pinapanood niya at parang wala nang balak na kausapin ako dahil NBA na ang pinapanood.

Bwisit na yan.

"Basta, di ako magpapapayat para lang sa kanya. Gagawa ako ng ibang paraan!" hinarang ko ang sarili ko sa tv, "makikita mo baliw kong kuya, makakaalis din ako sa team mo!"

Proud akong umalis sa harap n'ya, tumatawa at umiiyak sa loob.

Anong gagawin ko huhuhu.

*****

"Gagawin mo ang lahat ng pwede mong gawin, today is the day na mapapa oo mo sya!" sabi ko sa sarili ko, papasok na sana ako ng gate ng school ng makita ko si Kimdap sa harap. Nakatalikod siya sa akin at ito ang isa mga pagkakataon na minsan lang dumating.

Lumapit ako pinsan kong walang kamalay-malay sa gagawin kong pagganti sa kanya.

Dalawang hakbang na lang bago ako makarating pero tinalon ko na yun at ipinulupot ang braso ko sa leeg niya at dinala sya kasama sa pagbagsak ko.

Tawang tawa ako sa ginawa ko, ramdan ko ang pagkabigla n'ya sa ginawa ko, loko ka ah!

"Minsan lang ako makaganti sa'yo!" tawa ko. Di ko pa rin siya pinapakawalan, di rin siya gumagalaw medyo weird.

Kaya tumalon talon pa ko, "ano? Mukhang araw ko ngayon ah wala ka atang balak gumanti Kim-"

"Oy Jinji." biglang sulpot ni Kimdap sa harap ko.

EH SINO TO?

Agad kong binitawan ang lalaking hawak ko at yumuko agad ng 90°.

Syet talaga

"Sorry!" sabi ko, sa sobrang lakas kahit yung mga naglalakad papasok ng school napahinto at napatingin sa akin. "Di ko sinasadya, promise! Sorry talaga!"

"Tss, lalaki ka ba?" sabi ng boses, tumingala ako at nakita ko si Yato. Dinampot nya yung kulay dark blue nyang Phone na nahulog sa Semento.

WAAH.

"Y-Yato!" yumuko ulit ko, "Sorry talaga!"

Pangalawa na to ah, yoko na talaga huhu.

Mag explain pa sana ako pero di nya na ko binigyan ng chance dahil tinalikuran nya na ko at umalis. Ang aga pa, parang wala na talaga akong chance litsi.

"Ang tanga ko talaga-"

"Buti naman in-admit mo na hehe!" naramdaman ko ang takip ni kimdap sa balikat ko at sa inis ko kinuha ko yun at ipinaikot sa likod nya.

"Ahhh!" sigaw niya, "binitawan mo ko-" sinunod ko naman agad s'ya at binitawan ang kamay nya, ayun dumausdos s'ya.

Medyo nagglow ang mood ko, kapag nakikita ko talagang nasasaktan tong pinsan ko nasisiyahan ako.

Oh baka isipin nyo masama ako, wag kayong hot ganyan din yang mag isip sa akin.

---

Di na ko makaisip pa ng mga pwede kong gawin para marecruit si Yato, sobrang dami ko nang atraso sa kanya at ang lahat ng ito ay kasalanan talaga ng pinsan kong si Kimdap.

Lalong bumusangot ang mukha ko habang nakikinig kay Mr. Sanchez. History teacher namin, di ko na masundan yung sinasabi nya. Ah bahala na... joke. Mamaya ko na lang aralin, ano nga ulit page yun?

"Psst." napalingon ako sa kanan ko kung saan pinanggalingan nun kay Drei. Isa pa 'to eh.

"Ano?" tanong ko sa kanya nang pabulong. Di rin ako tumitingin sa kanya baka mapansin ni sir.

"Pupunta ka mamaya sa Practice?" tanong n'ya habang nakatingin kay sir Sanchez. Tinutok ko ang mata ko sa Librong nasa harap ko at itinayo ito sa harap ko para di halatang nakikipag usap ako sa lalaking to.

"Oo, wala naman akong choice."

"Ilang araw ka nang di uma-attend, bakit?"

Napatingin ako sa kanya, medyo nakanguso sya habang nakatingin sa libro nya. Nakahawak ang kanan nyang kamay sa leeg nya at medyo nakaside ang mukha nya sa akin. Luh, ano to? Namimiss nya kong asarin ganun?

"Pake mo po?" Napa eye roll pa ko, kala nito. Siguro kung sa ibang babae mahuhulugan sila ng panty isama mo na yung bra para masaya, pero ako? No way. Makilala nyo ugali nito makikita nyo.

"May ipapakita kasi ako sayo, ikaw ba napakasungit mo." narinig ko pang pahabol nyang "kala mo kaganda eh."

Bwiset to, may sinabi ba kong maganda ako? Teka pala, chubby lang ako di ako pangit. Natatakpan lang ng mga fats ang tunay kong kagandahan!

Pero ano naman kaya ipapakita nito? Lumingon ako sa kanya at nakita kong may hawak syang phone.

Nanlaki agad ang mata ko sa nakita ko.

"Hoy saan mo nakita yan?" Nagulat ako sa sita ni sir Sanchez, medyo napalakas ang boses ko sheeet.

"Nakita ko 'tong libro sa Library Ms. Quin, At anong business nyo dy'an sa likod ni Yama?"

"May nakita po kasi syang Artista kanina." Hanu? Nababaliw na ko.

Nakita ko namang humagikgik si Drei sa Kanan ko. Bwiset na to.

"What?" taas kilay ni sir.

"Yes po sir, nakita ko po ata si Park Bogum" Sabi nya pa, "Pero mali po pala ako nakatingin po pala ako sa salamin." Tawanana ang mga kaklase ko sa Joke nya, naku kala nyo joke yan? Poging pogi talaga yan sa sarili nya, kung cancer yun, stage 21 na ito nakakamatay na.

Napangiwi ako sa sinabi nya, grabe pagiging narcissistic nito. Wala nang pag-asa.

"Tigilan nyo kalokohan nyong dalawa, lalo kana Yamato." Binigyan muna kami ni sir Sanchez ng matalim na tingin bago humarap sa klase.

"saan mo nakuha yan?" tanong ko ulit kay Drei. Binangsak ko ang mahaba kong buhok para matakpan ang mukha ko habang nakikipag usap kay Drei.

Tumingin ako sa kanya at nahuli ko syang nakatingin sa akin, parang nakakita ng multo.

"Huy!" kinalabit ko na sya, napahawak sya sa mukha nya at di na nagsalita. Napatingin naman ako sa likod ko, baka kasi may nakita talaga s'ya. Bukas kasi third eye nya sabi nya, teka bakit ba ko naniniwala dito?

---

Natapos ang klase nang hindi nya ko kinakausap, parang tanga talaga tong isang to.

Kailangan kong makuha yung phone baka hinahanap na ni Yato yun, malay mo matuwa sa akin yung tao. Makabawi man lang ako diba?

Chance na ituuuu.

Tumayo na s'ya at paalis nang hinila ko ang braso nya para humarap sa akin.

"Akin na yung phone, kilala ko kung kanino yan." agad kong sabi sa kanya. Nawala na yung gulat na mukha nya na meron sya kanina.

"Bakit ko ibibigay?" taas kilay nyang tanong sa akin.

"Hindi sa'yo yan." sabi ko.

"Paano mo nasabi?"

"kay Yato yan, baliw."

"Oh ngayon?"

"Tanga ka ba?" sorry sa term ah, naiinis na ko eh huminga ako nang malalim bago ako nagsalitang muli.

"Di naman sa'yo yan, syempre dapat ibalik mo yan"

"Ayoko." sabi tyaka tumalikod sa akin.

"Ano?"

"A. Yo. Ko."

Aba. Napakatalaga nitong... Mamaya ka sa akin.

----

Bago pumunta sa Practice dumaan muna ako sa field kung saan nagpra-practice ang soccer team.

Nakita ko si Yato syempre na nakaupo. Parang malungkot sya, dahil yun malamang sa pagkawala nya ng cellphone.

Totoo naman kasi para nang nawalan ng kalahating bulay kapag nawala yung phone mo no, I can't disagree anymore.

Kaya need ko talagang kunin kay Drei yung phone. Yari ka talaga sakin Drei...

"Hoy Insan nag i-spy ka na naman?" narinig kong tawag sa akin ni Kimdap mula sa field. Sheet. Nakatingin na silang lahat sa akin.

Mission Abort. Mission Abort.

----

"Managerrrr!" bati nilang lahat sa akin pagpasok ko sa pinto ng gym. Ang o-oa talaga ng mga ito.

Nagsilapitan sila sakin, at inusisa ako.

"Bakit ngayon ka lang?"

"Bakit di ka uma-attend?"

"Namiss kita Manager!"

Sus, kapag nasipag 2nd year kayo magsasawa kayo sa mukha ko.

"Sa court now!" sigaw ko, agad naman silang nagsibalik sa court at bumalik sa drill nila.

"Manageeeer." naiiyak na approach ni Ella sa akin nang ipinatong ko ang bag ko sa upuan.

May hawak siyang score sheet, nag e-evaluate ata.

"Namiss kita huhu bakit ang tagal mo pong nawala. Bakit mo ko iniwan huhu ayoko-"

Hindi ko hinayaan na masabi nya ang huling mga salitang iyon.

"Akin yang linya na yan Ella, nagsisimula ka pa lang wag kang paghinaan ng loob! Tinuturuan lang kita ng pakiramdam na mag isa, at di ba? Kaya mo?"

Umiling iling pa s'ya, "hindi talaga kung wala ka senpai-"

"Shhh... Okay lang yan. Nandito na ko." pagpapatahan ko sa kanya. Buti na lang wala si kuya ngayong araw.

In-scan ko na agad nag buong gym, may ginagawa sa locker room nila kaya nasa labas pansamantala ang mga gamit nila. Pagkakataon ko na ito, Kailangan kong makuha yung phone kay Drei.

Habang busy ang lahat, naglibot libot ako sa tabi ng mga gamit nila. Sana di halata pero hinahanap ko talaga yung bag ni Drei. After 5 mins, nakita ko yung blue na bag ng kumag.

Saktong bukas ko nang biglang sumigaw si Ella, "Five minutes Break!"

Ah letsugas! Kailangan ko nang makita yung phone-

"Yes!" kinuha ko yung phone na nakalagay sa gilid ng bag ni Drei.

"Hoy Manager!" sigaw ng lalaking nasa likod ko. Busted.

Hindi ko na ginawa pang humarap at tumakbo na kaagad ako palabas ng gym.

Waaah