"Ganon ba? hhm.. wala naman tayong kahinaang type hindi ba? Lahat kasi ng type ay meron yata tayo exept sa Lightning and.. ahh basta! Ehh ikaw ba Kagome Lang type ka lang ba?" Tanong ko
"Hhm.. pwede rin akong kumontrol ng plant type dahil parang part narin naman yon ng Land"
"Umm.. Habang nandito kaya tayo ay mag share tayo tungkol sa buhay natin? sigee since si Hiroshi ang nagiisang Lalaki dito.. sya na ang mauuna!" Sabi ko
"Hayhay sige.. ang nanay ko ay isang Wind Mage at ang dad ko ay Water at Light mage! nung pinagbubuntis palang ako ng nanay ko ayy ayaw na saakin ng mga magulang ng tatay ko! then pinatapon kami ng mom ko at binigay saamin ng tatay ko ang bahay na ito.. nag aral ang nanay ko ng medicina at itinuro nya saakin lahat! bata palang ako non na master ko na ang mga iba't ibang klase ng Herbs sa gubat na ito! then isang araw binalikan kami ng tatay ko.. inuwi nya kami ngunit nalaman ng mama ko na kabit lang sya at may asawa ng iba ang tatay ko! bumalik kami sa bahay namin pero madaming lalaki ang pumunta doon at kinuha ang mama ko.. bago sya kinuha pinamana nya saakin ang bahay at binigay saakin ang level nya. Mula non hindi ko na alam ang nangyari sa nanay ko! lahat naman kasi ng pumupunta sa nanay ko dati ehh hindi sila naandoon para bisitahin ang nanay ko! gusto lang nilang gamitin si Mom. at ganon nga" Kwento ni Hiroshi
"Sandali? ehh paano ka naging level 90 support?"
Tanong ko
"Ahh sinabi ko nga sayo diba? may kapalit an serbisyo ko! lahat ng nag pupunta saakin hinihingan ko ng kapalit! syempre yung iba hindi nagbibigay at paminsan sinusubukan pa akong atakihin"
"Hhm! okay ikaw naman Kagome!"
"Ahh... pinanganak ako sa hindi gaano kayamang pamilya! meron akong dalawang kapatid at matagal na kaming iniwan ng nanay namin at nag asawa ng iba samantalang ang tatay namin ginagawa ang lahat para buhayin kami hangang sa hindi nya na kaya at nagpahinga.. wala kaming choice kung hindi buhayin ang sarili namin! nag hiwa-hiwalay kami! ang alam ko isa sa mga kapatid ko ay sumasagaw sa Inn.. ako naman habang naglalakad-lakad ako, may tinulungan akong matanda at ginawa nya akong student nya! tinuruan nya ako ng Land magic.. lahat ng batang naandoon ay ayaw saakin at kahit kailan hindi nila ako kinausap! sinubukan konh makipagusap pero lumalayo sila. Naging tahimik ako at makasarili! madalas mabilis akong magalit, lumakas ang magic ko at natalo ko lahat ng kamag-aral ko. Kinatakutan nila ako dahil ang alam nila ehh mayabang at masungit ako.. hindi pa doon nag tatapos! nakita ko ulit ang nanay ko at meron syang bit-bit na mga bata.. meron din syang kasamang matandang lalaki at mukhang kasal sila, nang makita ako ng nanay ko.. kinuha nya ako! nung una maayos ang trato saakin ng iba nyang anak pero lumala ito tuwing wala sya! ako ang inuutusan nila at wala akong magawa hangang sa hindi ko na kaya at gumamit ako ng malakas na magic at sinira ko ang bahay.. sinampal ako ng nanay ko kaya't naglakbay ako! doon ko kayo nakilala" Kwento ni Kagome
Magsasalita palang ako bigla nang nagliyab ang puno kung saan kami nagpapahinga! at ngayon ko lang napansin na gabi na pala..
Bumagsak ako pero agad akong sinalo ni Hiroshi! na sa harapan namin ngayon ang grupo ng Fire Type! Bumuga ng apoy ang isa at agad namin itong iniwasan
"Ha! tignan natin kung sino ang mas malakas saatin.. hhmmm ahaha! ha? ano yang mukhang yan? takot kayo? ahaha!" Sabi ng isa sa grupo
Sure akong hindi magagamit ni Hiroshi yang Jail na meron sya dahil na ka activate pa iyon kina Takumi! kaunti narin siguro ang mana ni Hiroshi..
"Kagome! kaya mo bang harangan sila habang tumatakas tayo?" Tanong ko
"Pwede, pero hindi tayo pwedeng umatras! hindi tayo pwedeng mag retreat..! kailangang labanan natin sila, kung tayo ang matatalo hindi na tayo pwedeng mag patuloy sa paglalakbay na ito! at ang ibig sabihin ng retreat ay pag katalo! kaya walang atrasan to" Sabi ni Kagome
Lalabanan namin sila?
"The dead shall rise!"
Pinalabas ko ang wand ko at sinammon ang Eagle na nakuha ko. Siguro ang kahinaan ng Apoy ay Wind,water at Land! pwede na ito
"Hhm? ano to? hahaha! oo nga kahinaan namin ang Wind type pero satingin mo sapat na ang level 30 beast na ito? hahahahaha"
Hhm? kung mag summon pa ako ng isa? ahh si Hyosuke! magiging magandang panlaban ang fkrce field ng lizard at maganda rin dahil water type ang snake na nasa buntot nya! hmm.. pero madaming mana ang kailangan non! dalawa na ang pinalabas ko? tapos si Hyosuke ay Level 50 at ang Eagle na to ay Level 30!
"Huwag kang masyadong mag isip.. magagawan natin to ng paraan! huwag mong kalimutang nandito rin kami, hindi mo kailangang lumaban mag isa" Sabi ni Hiroshi
Ahh.. na kaka warm ng heart ang sinabi nya! tama, magkakajbigan at isa na kaming grupo! dapat hindi ko sinasarili ang problema ko!
"Ha? ano? tapos na ba kayo!? kanina pa kami naghihintay dito! bibigyan namin kayo ng chance.. tatangapin namin ang kahit na anong First attact nyo! pangako.."