CHAPTER THREE

Tiningnan ko nang maigi ang buong kabuohan ng lalaki na nasa aming harapan ngayon.

Ayaw sumagi sa aking isipan kong saan ko siya nakita.

Ilang segundo rin ay may isang pangalan ang sumagi sa aking isip.

"K-Kurt" wika ko sa aking isipan.

~Flashback~

"What is you name?" bigla niyang tanong sa akin noong nasa swing area kami. Yong oras na magkasama kaming dalawa.

"H-huh" utak kong sambit rito.

"Ano ang pangalan mo?" pag-uulit niya pero tagalog na.

"A-e- Sam" nauutal na naman ako dahil ang kanyang mukha ay malapit sa aking mukha, amoy na amoy ko ang amoy nga kanyang hininga, ang bango kasing bango ng mint candy.

"Kurt" Inilayo niya ang kanyang mukha sa akin at inilahad ang kanang kamay.

Tiningnan ko na lamang ito ng may kunot sa noo.

Bigla niya namang kinuha ang kanang kamay ko at inilagay sa kanang kamay niya. At nag shake hands kami.

Hindi ko alam kong ano ang naramdaman ko ng mga sandaling iyon. Nang hawakan niya ang aking kamay ay may naramdaman akong bultahi ng kuryente na dumadaloy mula sa kanyang mainit na mga palad. Parang gusto kong pakalmahin ang sarili ko dahil sa nararamdaman ko ngayon. Parang aatakihin na ako sa sakit sa puso(pero wala naman ako noon) sobrang lakas ng kabog nito. Hindi ko na maintindihan, ito ba yung tinatawag na Love at First Sight.

Mga ilang minuto rin ang tinaggal ng aming pagkahawak kamay, parang walang isa sa amin ang gustong bumitaw.

"Ehem" pagbasag ko ng katahimikan na namamayani sa aming dalawa.

Napabitaw naman siya ng mga sandaling iyon. At biglang tumingin sa kanyang likuran.

Hindi ko alam pero bigla akong nkaramdam ng lungkot ng bawiin niya ang kanyang kamay.

"Paalam Sam" biglang wika niya sa akin, pagkatapos niyang bawiin ang kanyang palad.

"Paalam din sayo kurt" binigyan ko na rin siya ng ngiti at tango.

"Sa muling pagkikita" tuluyan na siyang umalis.

~End of flashback~

Ikaw nga nasabi ko sa aking isipan.

Bigla naman siyang tumingin sa aking gawi at ngumiti.

Gusto ko mang ngitian siya ay nahiya ako dahil nakatingin sa akin ang mga mata ng aking mga kamag-aral.

Yumuko na lamang ako at hindi na ako muling tumingin sa aking harapan.

"Sam right?napaangat ako ng ulo ko ng may lalaking biglang nagsalita.Can I sit beside you?" pagtatanong niya.

Tumango na lamang ako at umupo na siya sa aking tabi. Napagitnaan ako ng dalawa. Sa kanang bahagi ko si Aiza, sa kaliwa naman ay si Kurt.

Tumingin ako sa kanang bahagi ko. Hindi ko na kasi alam kong buhay pa ang kaibigan kong ito. Simula kasi ng dumating ang lalaking ito, bigla na lamang natahimik ang babae ito. Kanina naman ang dami niyang sinasabi.

"Hoy!babae okay kalang ba!?" sabay siko sa kanya.

"H-huh! ah-eh-o-oo okay lang ako!" at kiming ngiti lamang ang tinuran niya sa akin.

Nagulat naman ako dahil ngayon lamang nauutal ang kaibigan kong ito, maliban nalang kong may tinatago ito sa akin.

Hinayaan ko na lamang siya, baka nga naman pagod lang talaga siya.

Itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa aming guro na nagtuturo sa harapan.

Habang ng dadaldal naman ang aming professor ay kinukulit ako ng aking katabi na si kurt.

Simula ng umupo siya sa tabi ko hindi ko siya pinapansin. Baka naman kasi ako naman maging topic nila.

Nalampasan ko na yung unang araw ng pasukan na pagpapakilala. Huwag na sana masundan ngayon.

"Sam! Don't ignore me please!" kanina niya pa kasi ako kinukulit ayaw kong pansinin, kasi terror pa naman ang prof. namin ngayon, ayaw kong mapunta sa detention room dahil lang sa lalaking ito.

Hindi ko parin nililingon si kurt.

"Okay class! What are the eight parts of speech!?" Biglang tanong ni prof. sa amin.

Nakita ko namang itinaas ni kurt ang kanyang kanang kamay, itataas ko na sana ang aking kamay ng..

~kring ~ kring ~

Biglang ng bell, kaya ayon naging Takdang aralin namin.

"Bye class! See you tomorrow again" paalam ni sir Sander sa amin. Hindi pa naman katandaan si sir nasa 20's pa naman siya. Hindi maipagkakailang maraming babaeng nabibihag ang aming professor dahil sa taglay nitong karisma. Gwapo siya, matangos ang ilong, singkit na mata. Marami ang nagsasabing kamukha niya si Jungkok.

Hindi ko naman kilala kong sino ang lalaking yon. Kaya hinayaan ko na lamang ang mga bulong-bulungan nila habang nagtuturo si sir.Sander.

"Hindi ka ba lalabas"? biglang tanong ng nasa kaliwa ko.

Tiningnan ko lamang siya ng blangko.

Nahagip ng mata ko si Aiza na nakatingin kay kurt. Nang lingunin ko naman ay nagsusulat lamang ito. "Namalikmata lang ata ako " bigla kong nasabi sa aking isipan at sabay iling.

"Dyosababe tara na, canteen tayo" pag-yaya ko sa aking kaibigan na si Aiza.

Sinagot niya lamang ako ng tango at ngiti. Kaya ningitian ko na rin siya

"Can I go with you girls?" pagtatanong ng nasa kaliwa ko, tumingin ako kay Aiza ngunit ngumiti lamang ito.

"Sige" sagot ko.

Lumabas na kami ng room namin at tinahak ang daan patungo sa aming canteen.

Parang may mali na hindi ko alam, pero isinawalang bahala ko ito.

Hindi ko nalang pinansin ang mga napapansin ko sa dalawang kasama ko. Hinayaan ko na lamang .

Habang naglalakad kaming tatlo  wala man lamang isa sa amin ang gustong bumasag ng katahimikan.

Mabuti na lamang at narating namin ang canteen.

Nasa third floor kasi ang classroom ng mga senior high. May Apat na palapag ang Kirito University sa ikaapat na palapag andoon ang lahat ng mga opisina ng mga guro. At ang opisina ng aming Dean.

May elevetor naman ang paaralang ito, dahil sa lawak nito at taas nagpalagay sila ng elevetor para naman hindi mahirap ang mga guro at mga nag aaral sa paaralang ito.

"Anong gusto niyo?" tanong agad sa amin ni kurt ng makahanap kami ng bakanteng upuan.

"Huwag na ningitian ko lamang siya kami na ang bibili ng pagkain namin" dagdag ko pa.

"No! Libre ko na ito sa inyo kasi kayo agad ang nakilala ko, lalo kana" sabay tingin sa akin. Feeling ko naman umakyat ang dugo ko sa aking pagmumukha kaya feel ko namumula na ako.

Tumango na lamang ako, pero hindi ako tumingin sa kanya.

Maya-maya ay nilingon ko ang aking katabi, tahimik niya kasi. Ano kaya ang problema nito.

"Dyosababe! may problema ka ba?" biglang tanong ko sa kanya nag-alala na kasi ako kanina pa siya tahimik baka ano na mangyari sa kanya. Ayaw umi-mik ehh.

"Im fine chixkababe! Don't worry, pagod lang ako" at ngumiti naman ito.

Napansin ko rin ang pagod na makikita sa kanyang mukha. Kaya niyakap ko na lamang siya.Para kahit papaano ay maibsan ang kalungkutan na kanyang nadarama.

"Ehem biglang may napaubo akong narinig kaya kumalas ako sa pagyakap ko kay Samantha. Let's eat" dagdag pa niya.

Sabay abot ng pagkain na binili niya para sa amin.

Kinuha ko naman ang Chicken burger, french fries, spaghetti at may kasamang coke. Mas lalo tuloy akong ginutom. Hindi ko alam kong paano niya nalaman na ang mga ito ang gusto kong bilhin kanina pa. Wala naman kong sinbi ng tinanong niya kami kong ano ang gusto namin, kasi bigla na lamang siyang umalis.

Siniko ko ng bahagya ang aking katabi dahil kanina pa binibigay ang pagkain na para sa kanya, pero hindi niya ito tinatanggap. Nakatungo ang gaga.

Nang sikuhin ko siya ay tumingin ito sa akin at tinuro ko gamit ang aking nguso ang mga pagkain na nasa knyang harapan. Nakuha niya naman ang ibig kong iparating kaya lumingon agad sya sa harapan niya. Kinuha niya ang pagkaing ibigay ni kurt.

"Salamat" pagbasag ko nag katahimikan na namamayani sa amin.

Pinagsaluhan namin ang pagkain na binili ni kurt para sa amin.

And take note favorite ko ang mga binili niya sa akin. Kaya busog na busog ako.

~burpp!~ napahawak ako sa aking bibig."Sorry"sabay peace sign sa dalawa kong kasama.

Ningitian lamang ako ni Kurt. Si Aiza naman ayon sumusubo lamang .