CHAPTER FIVE

--> Aiza <--

Ibinaling ko ang aking paningin sa harapan,nang tawagin ni miss ang transferee na kanyang sinasabi.

Nagulat ako,dahil hindi ko akalain na sa loob ng apat na taon ay magkikita kaming muli.

"K-kurt" nasambit ko bigla.

Napatingin siya sa akin, marahil ay gulat din.Nang magtama ang aming paningin, siya na mismo ang unang umiwas.

Napansin ko na sa aking katabi ito nakatingin muli.

Hindi parin nagbabago ang lalaki na nasa aming harapan ngayon. Ang lalaking inalalayan ko ng buong pagmamahal,tiwala at ng pagkatao ko.

Ngunit sa hindi malamang dahilan ay iniwan niya na lamang ako ng walang paalam.

~FLASHBACK~

"Mom!Puntahan ko lang si kurt,may ibibigay lamang po ako sa kanya!"paalam ko sa aking ina.

"Sige anak mag ingat ka huh!Ikumusta mo na lamang ako sa inaanak kong iyan,namimiss ko na siya hindi narin siya nagawi rito sa bahay!"mahabang litanya ng aking ina.

Madalas dito si kurt sa aming bahay,simula ng magkaroon kami ng relasyon.

"Opo mom!Makakaasa ka na makakarating ang iyong sinabi!" hinalikan ko muna si mama sa noo bago ako tuluyang lumabas ng bahay.

Magkalapit bahay lamang kami,may limang bahay ang pagitan bago ko marating ang bahay nila. Iisang subdivision lamang kami ni kurt.

Nakasanayan ko na rin ang maglakad lamang patungon sa kanila.

Nawiwili akong pagmasdan at hawakan ang mga bulaklak na aking nadadaanan.Sobrang ganda ng kanilang pagmumukadkad.

May mahigit sampong minuto rin akong naglakad, habang bitbit ko ang isang papaerbag na naglalaman ng ireregalo ko sa kanya. Wala namang okasyon ngayon,gusto ko lamang siyang bigyan ng regalo. Simple lang iyo isang relo na kulay brown. Sinamahan ko na rin ng simpleng mensahe.

Naalala ko kasi nong labing anim na kaarawan ko.Ang dami niyang suprises sa akin.

Tumawag siya sa akin na pumunta sa bahay nila noong araw na yun. Nasa school pa lamang ako, nakakatampo lang kasi hindi niya ako pinapansin sa school o batiin man lamang. Mabuti pa mga kamag-aral at mga guro binati nila ako. Pero siya wala,umabsent pa siya sa araw na iyon.

Nang marating ang kanilang bahay kumatoka ako. Binuksan niya naman agad ang pintuan at biglang tinakpan agad ang mata ko wala man lamang pasabi.

"K-kurt! Teka lang anong ginagawa mo?Bakit kailangan pang takpan ang mga mata ko?" pagtataka kong tanong rito.

"Okay lang yan,basta malapit na tayo! wika nito Huwag ka munang didilat kapag tinanggal ko ang panyo sa iyong mata huh? Huwag madaya !" huling sambiy nito bago niya tinanggal ang panyo na nakatakip sa aking mata.

Maya-maya nagsalita siya "Now open your eyes!HAPPY BIRTHDAY!" sambit nito sa akin.

Laking gulat ko ng makita ko ang nasa aking harapan ngayon.

May tatlong mesa na maliit at bilog may cake na nakapatong, spagetti at isang letter.Mas nakakamanghang  dahil ng effort pa ito para sa akin.

Niyakap ko lamang siya sabay bigay sa akin ng bundle of red roses.

"Hi tita!Good afternoon po! hinalikan ko sa pesnge si tita Karen na mommy ni Kurt. "Good afternoon rin anak!Napadalaw ka?" pagtatanong ni tita sa akin. "Nariyan po ba si Kurt tita,may ibibigay lamang po sana ako sa kanya!" sabay pakita ko ang isang paperbag. 

"Anak hindi ba nagpaalam sayo si kurt, pumunta na nang america kaninang umaga ang flight niya. Hindi niya ba nabanggit?" Sa sinabi ni tita, biglang gumuho ang lahat . Napatango na lamang ako,dahil wala akong alam wala siyang nabanggit sa akin.

Nang malaman ko iyon, pinipigilan ko na nalamang ang huwag umiyak sa harapan ni tita.

"A-ahh! A-akala k-ko p-po b-bukas p-pa! P-pero t-tita n-nabanggit niy p-po sakin!" .pagsisinungaling ko kay tita. Pinipilit kung huwag mapaluha, kaya bago pa mangyari iyon ay nagpaalam na ako sa kanya.

Narating ko ang park na malapit sa subdivision namin. Doon ko inilabas ang lahat, ang sakit . "B-bakit kurt, hindi ka man lang nagpaalam sa akin, bakit mo ako iniwan ng walang paalam. B-bakit minahal naman kita ng sobra, pero sana naman nagpaalam ka." Umiyak lang ako ng umiyak sa mga oras na iyon.

Hindi ko alam kong ano pa ang kasunod na nangyari basta ang alam ko, nagising ako sa umaga nasa sariling kwarto na ako.

~END OF FLASHBACK~

Akala ko doon na magwawakas ang lahat, ang kwento naming dalawa. Ngunit bakit hanggang ngayon kapag nakikita ko siya, malakas parin ang kabog ng dibdib ko.

Bakit?

Bakit pa siya bumalik? Para ipamukha sa akin na kaiwan-iwan ako?

Para maramdaman ko na nagkulang ako bilang girlfriend niya noon?

Bakit niya ako iniwan sa loob ng apat na taon?

Minahal niya kaya ako?

Bakit nasasaktan parin ako hanggang ngayon?

Iilan lamang ito sa sa mga katanungan na nais kong malaman mula sa kanya.

Ngunit kapag nasa aking harapan na ang taong ito,na pepe na ako.

Nakita ko palapit na ito nang palapit sa kinaroroonan ko, ngunit ang masaklap kay besh Samantha ito lumapit.

Kahit nasasaktan ako hindi ko maaring ipahalata iyon, kaya tumahimik na lamang ako.

Akala ko babatiin niya ako, isang akala lang pala.

Masakit ngunit kailangang tanggapin na ang dating minahal ko ay hindi na ako ang mahal ngayon.

Isa lang hiling ko sana magkaroon kami ng panahon upang mag kausap ng nangyari sa amin noon.

Para magkaroon kami ng closure sa aming dalawa. Iniwan niya lang ako without saying goodbye and now he's back he didn't even say Hi.