last glass ko na ito. promise! last long island na ito before we leave this party. ang boring ng party na ito. pero dahil friend ko ang nagplano, go lang. buti na lang may booze! atleast i got to drink here with some friends.
by the way, i'm gail. a regular girl with a regular life. extrordinary dreams and a fabulous future. i have it all, well, almost all thanks to my super busy parents. but who's counting? i have a good job at an advertising firm that pays well. i get to travel because of it as well. and i have a loving boyfriend, brent, who is the perfect man of my dreams. what could i ever ask for?
but if there's nothing missing in my life... why do i feel unhappy? unsatisfied? bakit ganun? yun ang tanong ko sa sarili ko habang umiinom ng cocktail ko, oblivious of the world and to everyone around me.
"uyy, girl! kanina ka pa namin hinahanap ha" tapik sa akin ni jeannie hawak ang margarita glass niya na pangalawa na ata niya tonight as she sat beside me.
"oh really? i thought busy ka with the boys we met at the parking lot" sabi ko habang kumikindat sa kanya.
"they're ok... but a bunch of jocks... puro muscle pero no brainers... gwapo nga, airheads naman. hehehe!" tawa niya habang umiinom ng cocktail niya.
"pang ilan mo na ba yan? you are getting drunk girl" sabay kurot sa waist niya.
"this is just my third one dear. no worries. remember our rule. hanggang four lang tapos water na ang susunod pag nauhaw pa. eh ikaw ba pang ilan mo na yan? if my memory is correct that would be your fourth, di ba?" sagot niya habang nakatingin siya sa mga mata ko.
"yup... fourth... i promised myself that awhile ago" pag assure ko sa kanya.
si jeannie, one of my uber besties, highschool pa lang kami super close na. kindred spirit kung tinatawag. so alam niya halos lahat ng sikreto ko way better than my sister. she even knows pag nagsisinungaling ako.
she works at a bank, higher level management. pero super party girl din. game na game sa lakwatsa at sa gimiks. i sooooo love her! with her nice eyes, perfect tan skin and aura to boot, a real charmer with the boys.
"nasan na ba si di?" tanong ko habang hinahanap ang kaibigan namin.
gosh! dami pala tao sa party na ito ha. wonder san kaya yung isang bestie ko. she has been m.i.a. since we arrived here. she's always being surrounded by boys kasi she is such a cutie. maputi, long eyelashes and a childlike attitude, habulin din ng boys.
"hey girls!" may sumigaw sa may likuran ng sofa na inuupan namin.
"and where have you been ms. dinah?" mock irritation with matching hands sa waist si jeannie.
"wag na magtaray jeannie... i just got caught up with some boys in the other room. sorry na" sabi ni dinah habang papalapit sa amin, eyelashes fluttering.
cute talaga itong si dinah. college bestie ko ever since we met at college. pareho kasi kami ng course, business management major in advertising. after graduation, she was given the job of handling the catering business of her family. the aguilar's are one of the more known families when it comes to big catering events din naman.
"gosh! may cutie dun sa other room!" dugtong ni dinah habang kinikilig.
"di nga? eh lahat naman cute sa iyo eh" sabat ni jeannie.
"ok palitan ko... may hottie sa kabilang room!"
"weh?!?" sabay naming sabi ni jeannie.
sabay kindat ni dinah while sipping her drink. ito talagang si di, ang bilis ng mata sa mga cutie. and may taste siya sa boys. pag sinabi niyang cutie, cutie talaga. pag sinabi niyang hottie, "hold on to your panties, girlfriend" na yun!
di ko nga alam kung bakit single pa rin si di. baka choosy lang talaga tulad ni jeannie. daming boys ang nanliligaw pero wala laging pumapasa. ako pa nga lang ang sinuswerte na makakita ng guy of my dreams. ang swerte ko di ba?
"hi there girls... so are you enjoying the party?" tanong ng isang binata sa harapan namin.
"ok naman... pero parang boring ng konti... wala kasi kami kakilala dito. ikaw lang robbie" sabi ko nang papatayo bago niyakap ang lalaki.
si robbie ay college friend namin ni dinah. may kaya ang pamilya. mabait at gwapo pero may pagka playboy ang dating. dati niya akong niligawan pero tinurndown ko. i don't know. gwapo naman siya. matangos ang ilong. a bit spanish blood in there. matangkad. intelligent. napaka gentleman at kwela kasama. pero walang dating sa akin. maybe i'm just that choosy.
"well, happy ako na nandito ka gail. kasama si jeannie at si dinah. akala ko hindi niyo ako sisiputin eh." sabi ni robbie habang nakayakap pa ako sa kanya.
di ko alam. parang ayokong bumitaw kay robbie. parang masarap yung pakiramdam pag malapit siya. everything's calm. dagdag pa na kilala ko ang pabango niya. yun din kasi ang ginagamit niya nung college pa kami.
"o... teh... pwede na bumitaw..." sabi ni di habang hinihila ako sa pagkakayakap kay robbie.
"sorry naman... namiss ko lang talaga kasi itong si robbie... why did you return nga pala? di ba ok ka na sa new york?" tanong ko habang nakatingin sa kanya.
"gusto ko lang magpahinga ng konti. rest and relax. magkaroon ng konting get together kasama ang ibang mga naging coworkers ko dito. and to see you. alam mo naman na miss na kita, gail." wika ni robbie pagkabitaw ko sa kanya.
"you are so cute, robbie! thanks. pero i think its time for us girls to leave na. still have work tomorrow. naka abot na rin ata kaming tatlo sa limit ng inom namin, di ba girls?" nakatawa kong tanong kina dinah at jeannie.
"yup. pano ka magda drive nyan gail? baka mahuli pa tyo ng pulis nyan. a big no-no" nagtatakang tanong ni dinah.
"di ko pa naman nadala yung car ko ngayon. may sira kasi yung engine." buntong hininga ni jeannie habang papatayo.
nagkatinginan kaming tatlo. pano nga pala kami uuwi. i don't want to get locked up for drunk driving. nag suggest na lang ako na ako na mag taxi na lang kaming tatlo ng magsalita si robbie.
"i'll just drive you three. keys, please?" sabi ni robbie habang nakatingin sa akin nakataas ang kamay.
"pero robbie... party mo ito... you are not suppose to leave your guests" banggit ni di.
"big boys and girls na sila. they can handle themselves" wika nito habang naghihintay pa rin ang kamay para sa mga susi ng kotse ko.
"and i don't plan to have my girls ride a taxi ng ganito ka late na. it's not that safe anymore " dagdag pa nito.
"you are such a sweetie, rob!" yakap ni jeannie kay robbie.
binuksan ko ang bag ko to get my keys at dahan dahan kong binigay kay robbie. nagpaalam lang ito na sasabihan muna ang ibang guest na lalabas lang siya. nang makaalis siya, jeannie spoke to us.
"may gusto pa rin siya sa iyo, gail. after all those years of ignoring na ginawa mo sa kanya" bulong ni di sa akin.
i just smiled. even before, "basted" man ang peg, di nagbago ang pakikitungo ni robbie sa akin. nandyan pa rin siya pag kailangan ko siya. di matinag kahit halos itulak ko na siya palayo. pero never niya pinakita na nanliligaw siya. naging parang protector ko siya all those years. isang napakabait na protector. nakabantay lang. walang hinihintay na kapalit.
"so let's go na girls" banggit ni robbie ng pabalik niya habang nakangiti.
inalalayan niya kami sa kotse ko na nasa labas ng bahay nila. a real gentleman. pinagbuksan niya pa kami ng pinto. at inasikaso ang mga seatbelt namin bago pinaadar ang makina.
"sige take a nap first. gisingin ko na lang kayo pag nandun na tayo sa house niyo." anyaya ni robbie ng umaandar na kami.
sa loob ng ilang minuto, nakatulog na si dinah at jeannie habang magkatabi sa likod. ako naman habang nasa front passenger seat pinipilit kong wag makatulog. maybe kailangan ni robbie ng directions sa mga bahay namin. tahimik lang siyang nagdrive. the music of the radio was in the breeze. puro mga mellow hits. so relaxing. past midnight na rin kasi.
"kailan man di nawala ang pagmamahal ko sa iyo, gail... i just didn't show it anymore..." mahinang bulong ni robbie sa akin while keeping his eyes on the road.
sa sobrang hina halos di ko na nga narinig. i was speechless. iniisip ko pa lang sasabihin ko ng pinark ni robbie ang car ko. lumabas ito at pumunta sa side ni jeannie.
"jeannie... we're here... nandito na tayo sa inyo..." bulong niya habang tinatapik ng marahan si jeannie.
gumalaw si jeannie at nagising. mabagal na tumayo at lumakad papunta sa gate ng bahay nila habang inaalalayan ni robbie. ng makapasok na ng gate si jeannie, she thanked and said goodbye to robbie. hinintay muna ni robbie na makapasok ito ng bahay bago bumalik sa kotse. pumasok at pinaandar ang kotse.
"robbie... bakit ba ang bait mo sa akin... even if i pushed you away..." bulong ko para di magising si dinah.
isang matamis na ngiti lang ang sagot ni robbie sa akin. a sweet smile that held a lot of meaning, mga mata sa pagmamaneho pa rin.
"dinah... you're home..." tapik ni robbie ng makarating kina di.
inalalayan pa rin niya si dinah papunta sa bahay nito. and left only when she was inside. tapos bumalik na siya sa kotse. pinaandar niya at hinatid ako pauwi. mellow sounds lang ang naririnig hanggang maka abot ako sa condo ko.
"salamat sa paghatid sa amin, robbie. how will you go back?" sabi ko while we were in the elevator from the basement parking ng building ko.
"wag mo na isipin yun gail. i'm already a big boy. kaya ko na sarili ko. magta taxi na lang ako pabalik" sabi nito sa akin.
"robbie..." i started pagka abot sa may pinto ng lobby ng condo ko habang inaabot niya ang car keys ko.
"thank you ha. you are very sweet. kung nagbago ang ikot ng mundo, baka sinagot kita." sabi ko as i turned at humarap sa kanya habang ang mga kamay niya ay nasa bulsa niya.
he didn't say anything. tumingin lang ng diretso sa mga mata ko. di nagbabago ang mga mata nito. i can still see the comfort in his eyes. kahit alam ko na nasaktan siya sa sinabi ko.
"pero... gusto kong maka move on ka na... you deserve to have someone who loves you as well. yung love na di ko maibibigay." sabi ko ng tanggalin ko ang tingin sa mga mata niya. i can't turn him down a second time. ayoko makita ang parehong pagkadismaya niya tulad dati.
"... gail... i will try... pero never forget... una kitang minahal... at di yun magbabago..." he said to me.
lumapit ito at niyakap ako. he kissed me on the forehead. tulad din nung dati nung una ko siyang binasted. mabagal siyang bumitaw at naglakad palayo.
"thanks gail..." he said ng di lumilingon.
pinagmasdan ko siya hanggang maka alis siya. di ako naka alis sa kinatatayuan ko ng ilang minuto. still thinking of robbie. the very first person to value and cherish me this way. mula sa bag ko kinuha ko ang phone ko at tumingin sa screen.
babe, text mo ko pag naka uwi ka na. so i know you're safe. love you.
sender: brent.
babe, already in the condo. hinatid ako nina jeannie. love you too.
sender: gail
ayokong malaman si brent na si robbie ang naghatid sa akin. di ko kayang dalawang lalaki agad ang masaktan ng sabay. masaktan. why did i think of that all of a sudden? wala naman ako ginagawang masama, di ba?
"wala kang ginawang masama, gail. wala" i thought to myself.
i went up to my floor. mabagal na binuksan ang pinto, pumasok at isinara ito mula sa loob. turned on the lampshade sa may sala at sa kwarto. pagkababa ng bag sa may dresser napatingin ako sa picture namin ni brent nung nag first anniversary kami habang yakap niya ko. i am lucky having brent. binago niya ang buhay ko.
mabagal akong nagpalit ng damit at pumunta sa may bintana habang nakatingin sa buwan. malamig ang hangin ngayong gabi.
"it's going to be a cold night..." sabi ko ng humiga ako sa kama hila ang comforter until i was sleepy.
"goodnight, gail..." i said hanggang makatulog na ako.