Chapter 7 - Mr. Victory VS Ms. Mataray

Gail

would i call it lucky? to have met such a hottie on an unexpected moment of day.

"good afternoon, ms. gail. would you want to order your usual tall iced cinnamon dolce latte with non fat milk?" the perky girl behind the counter asked as i approached.

i am one of the many regulars here. well, being employed just in the building across this shop, the staff here have already been some of my usual acquaintances, even friends. and this petite girl in front of me is one of the best baristas here.

"hello, mj. yes please. and don't forget to use non fat, ok? here's my payment. thanks" i said as i paid and got my receipt.

i walked to one of the couches with my back to the window. ayoko humarap sa window, the sun is still shining bright this afternoon. not too hot, but the glare gets to my eyes.

"one tall iced cinnamon dolce latte with non fat milk for ms. gail..." mj called as i stood up and got my drink.

will stay here first. i don't have any meetings for the rest of the day, but don't want to go home early. people might say i rest too much on my laurels and don't do much job. will just finish this drink then i will go back to the office. anyway, i have to learn to relax a bit, i am still too hyped by the presentation and that stud muffin i bumped into a while ago.

"mang eli, please pick us up later ha. di daw kami masusundo ni kuya Paolo. he's not here in manila kasi... ok... i'll just call later if we're ready to be picked up na." that little, rich girl, what's her name, zeleen said as i sat backdown on the sofa that i just stood up from.

"so zeleen, what do we still need to do with our project? we need to pass it by the end of the week." the nerdy looking girl with the thick glasses said.

"true! we don't want to disappoint sir nestor. he is my fave professor!" the girl with her hair tied in the bun answered.

"hayyy... sir nestor... such a hottie! too bad he's..." zeleen said before looking at the other girls.

then they laughed together in their privatae jokes. ano kaya yung meron dun sa professor nila. i just shook my head to what i am watching.

eavesdropping (listening to stories while resting) has always been a past time here at this coffee shop for me. well, i need to unclutter my brain for the time being. masyadong nakakapagod mag isip. and people have said that i over-analyze sometimes. i was taking a sip from my cup when my phone beeped.

babe, will pick you up in an hour.

sender:brent.

shet! ganun katagal na ba ako sa loob ng coffeeshop. then i looked at my watch. time passed by so quickly. i was already 45 minutes in this shop. no wonder my coffee was already cold. need to return to the office to fix things.

in a few minutes, i opened the door of the coffeeshop making the bell on its hinge ring. i slowly crossed the street to go back to the office. hayyy... the life of an employee doesn't really end. looking back to the street, i secretly wished that the guy i bumped onto was going to be walikng along the street. the guy that seemeed such a rebel. such a renegade. a very bad boy.

pero, he was nowhere to be seen. with that i entered the building and pressed the 7th floor button to return to the office. i need to make an excuse to get out early today. i'm soooo done with this day.

ting!

Nicolo

"sir, di ba parang sobra naman ang panlilibre na ginagawa mo ngayon?" tanong ko nang pumasok kami sa coffeeshop na nadaanan ko kanina habang tinatanggal ang shades ko.

"nics, anu ka ba? libre? ikaw ang taya sa coffee. hehehe!" patawang tapik sa akin ni sir nestor habang papalapit siya ng counter na may nakatayong isang dalagang naghihintay ng order namin.

grabe! di ko mabasa ng mabuti yung mga nakasulat sa pader. di pamilyar yung mga salita. ako, 3-in-1 lang buhay na ako. anu ba yung nakasulat... fra... puc...cino... anu yun?

"so ano orderin mo? ako mag ta tsaa ako. order na ako ha" sabi sa akin ni sir ng papalapit siya sa counter.

ordinary coffee na lang ako. yun na lang ang desisyon ko ng lumapit ako sa kinatatayuan ni sir nestor.

"sir, would that be all?" tanong ng masayahing barista sa counter.

"oh, ano sa iyo?" tanong ni sir.

"ordinary coffee lang ako" bulong ko kay sir nahihiya kasi baka may mali akong masabi sa lugar na napaka sosyal na tulad nito. siya na ang nagsabi sa barista.

"so that would be 1 venti green china tips tea and 1 tall brewed coffee. under your name, sir nes?" sabi ni barista habang inaabot ko ang bayad sa kanya

"yup, thanks mj." banggit ni sir habang papunta sa isang bakanteng upuan sa may bintana nakatalikod.

sinundan ko ng lakad si sir at umupo sa upuan na nakaharap sa inuupuan niya ngayon. malambot ang upuan na ito. malamig. mabango ang hangin. ganito ba pag may kaya. umuupo sa isang lugar na ganito para lang magkape? iba talaga ang mga may kaya. iba sa mundong sinimulan ko. sa kinagisnan.

"ganda naman dito" sabi ko sa sarili ko.

"sir? sir nestor!" sigaw nung isang dalaga sa may kabilang mesa na tumayo at pumunta sa amin.

"oh iza. lunch time? at magkakasama pa pala kayo ni zeleen at pj." sabi ni sir habang nakatingin sa nagsalit.

"di ko alam sir na nagco-coffee kayo" tanong ni pj habang inaayos ang salamin niya.

"nope, i go for teas, not coffee. it's more relaxing" sagot ni sir nestor ng nakangiti.

"hi sir! please rest assured that the project you had us made is halfway through. we just need to tweek some items and it would be soooo perfect." sabi nung isa habang dumaan ang tingin niya sa akin.

"that's awesome, zeleen! happy to hear that from some of my best students... by the way, this is nicolo. one of my nephews from the province. nicolo, this is zeleen... izabella... and this one is patricia jane, pj for short. some of my very best students at school" kwento ni sir sa akin.

"nice to meet you, sir." sabi ng mga girls habang nakatayo sa may tabi ng mesa namin nakatingin sa akin na tinanguan ko lang habang nakangiti.

"coffee and tea for sir nestor." tawag ni mj mula sa counter.

buti ok na yung mga inumin namin. naramdaman ko na wala ako sa lugar sa harap nila. nakaka ilang. ako na ang tumayo para kunin ang mga inumin namin. pabalik na ako sa mesa ng makita kong paalis na ang mga estusdyante ni sir.

"sige po, sir nicolo. we have to go back to school for our next class" sabi ni zeleen sa akin bago silang tatlo ay umalis ng shop, nag uusap.

ting!

dahandahan kong binaba ang mga baso sa harapan ni sir nestor. tapos tumingin ako ng diretso sa mga mata niya habang papaupo.

tinawag niya akong nephew? parang pamangkin? pagtatanong ng mga mata ko kay sir.

"di naman siguro magandang sabihin kung ano talaga ang trabaho mo sa mga bata. and how we met, di ba?" sabi niya habang hinahalo ang honey sa tsaa niya.

tama nga naman si sir. magkakaroon pa ng mga tanong ang tatlong yun. at baka ikasira pa ni sir sa mga estudyante niya. discreet. respetable. tumango na lang ako sa sinabi niya at sinumulan ko ng inumin ang kape ko.

ting!

"good afternoon, sir! the usual?" sabi ni baristang mj sa bagong dating sa shop.

pumasok ang isang matangkad na lalaki na mukhang may kaya dahil maganda ang pananamit at mukhang inteligente. iba ang pagdadala niya sa sarili niya. ganun ata pag mga may kaya sa buhay.

"thanks, mj" sagot ng lalaki habang papaupo ng nakatalikod sa amin sa isang upuang bakante sa di kalayuan.

"magiging ganun din ako, balang araw." pangako ko sa sarili ko.

"sir, here's your usual order. please enjoy!" sabi ni mj ng i-serve ang inumin nung dumating na customer na busy sa pagte text sa phone niya.

"so, nics, inform na lang kita kung kelan ka mag start at ang mga info at documents na kailangan mo ipasa" tapik sa akin ni sir.

"salamat po talaga sir. bakit ba ang bait niyo?" tanong ko habang inuubos ang kape ko.

"ganito lang talaga ako. kasi ako rin may kakulangan din. gusto ko lang bumawi... kahit sa iba" banggit nito bago nanahimik ulit.

bumawi? bakit ano naman kaya ang kasalanan ni sir para kailangan niya bumawi? sa isang taong katulad ko. yun ang nasa isip ko ng binaggit ni sir kung ano ang mga documents na kailangan ko ihanda para ipasa pag nagsimula ako.

Ting!

matapos ang ilang minuto pa, may pumasok ulit sa pinto ng shop. muling tumunog ang bell na nakakabit sa may pinto ng shop. di ko napansin ang pumasok kasi nakataliko ako sa may pinto.

Gail

"babe! you are here early. i went down as soon as i got your message" i said recalling how i had to beg mr. tuyor for an early out, recalling that i will come up feeling more energized by tomorrow.

"babe... you are such a sweetie" sabi ni brent as he stood up and bent over a little to kiss me on the cheek.

we were in that position when i happened to glance towards one of the customers inside the shop. i couldn't be wrong. that blue shirt. that skin head. those big muscular arms. its the guy i bumped onto awhile ago.

"babe, i'll just go to the washroom before we leave." brent said before leaving for the restroom.

i just sat down on the armchair that was opposite the one brent was sitting on. i was staring at the burly man with his back to me. si mr. 'victory is sweet'. i wish that i can see his eyes. those eyes that were hidden under those shades a while ago. and as it was like a wish granted, he turned his head to his shoulder, brushing some dirt off his shirt. i was able to see his eyes from where i sat. he then turned his head more and stared at me. intently. those dark brown eyes slowly making me feel hot under the collar. like being undressed seductively. passionately.

"babe... so let's go now. i know its going to be traffic soon. so we can reach our reservation on time" brent said as he walked to me, surprising me a bit and blocking the contitnued sight of the man on the other table. with his hand in mine, he pulled me slowly and led me to the door.

Nicolo

andito rin siya sa loob ng shop. yung babe kanina. si... si ms. mataray. isang napakagandang babae sa paningin ko. nakita ko rin siyang nakatingin sa akin. matagal. may pagkapit ng tingin. may konting pagnanasa. o baka ako lang yun.

"uy, nics. mukhang kailangan na natin umalis. yung klase ko mag start in 30 minutes. kailangan ko pa mag prepare" yaya ni sir habang patayo mula sa mesa inuubos ang tsaa niya.

sa loob ng ilang minuto nasa may pinto na siya. nauna lang ng bahagya kay ms. mataray at yung lalaking kasama niya. huminto ako at pinauna ko na sila. matapos lumabas ni sir nestor, sunod na lumabas yung lalaking kasama ni ms. mataray. tapos si ms. mataray naman huminto sa may pinto.

"ummmm... m-ma una ka na, miss" sabi ko ng paaunahin ko siya.

"thanks" banggit niya sa akin habang palabas ng pinto na hawak kong bukas para sa kanya.

matapos nito lumabas na rin ako at sinundan ko ng tingin si ms. mataray at yung kasama niya habang inaalalayan siya sa kotse. di ko matanaw ang itsura niya ng pumasok siya ng kotse. pero naaninag ko na nakatingin pa rin siya sa akin ng papaalis na ang kotseng sinasakyan nila.

"uy, nics! ano bang tiningnan mo dyan?" tanong ni sir sa akin ng may pagtapik sa balikat ko.

"ah... w-wla sir. so text text na lang sir?" tanong ko ng humarap ako sa kanya.

"yup. message ko sa iyo yung ibang mga requirements" sabi nito bago nagpaalam na umalis pabalik ng school.

bakit di ko maalis sa isip ko yung si ms. mataray? anong meron sa akin? parang napako ang tingin ko sa pinanggalingan nung kotse nila ng tumunog ang phone ko.

tol, sama ka sa amin ni ross.

may booking tayo.

alam ko off mo ngayon. pero mataas magbayad itong customer na nagmessage sa akin.

tawagan kita mamaya. kita tayo sa boarding haws mo.

sender: drei

"mukhang may booking din pala talaga ako ngayong off ko. sayang naman ang pera. magagamit ko yun sa pag aaral ko. sige na nga" sabi ko sa sarili ko habang nilakad ang kalsada pabalik sa boarding house.

"kailangan ko muna kalimutan si ms. mataray. pagkakakitaan muna" bulong ko sa sarili ko habang tila nagsimulang lumubog ang araw sa di kalayuan.