WebNovelOne Soul38.46%

OneSoul5

ika lima ng umaga ng ako'y magising dama kong gising na ang aking mga magulang at kapatid rinig na rinig kona ang tunog ng inaayos na pinggan at kubyertos sa lamesa.

agad akong dumiretso sa banyo upang maligo , ginising ko na rin ang aking nobyo para makapag ayos na din.

hilamos at pag lilinis lamang ng ngipin ang ginawa ng aking nobyo sa kadahilanang hindi talaga siya maliligo sa umaga dahil malamig ang tubig, napaka matatakutin sa malamig kahit sa mga inumin gusto niya mainit o maligamgam kahit sobrang init ng panahon.

dahan dahan kaming lumabas ng aking kwarto, napansin agad kami ng aking ina na kasalukuyang nag hahain na ng pagkain sa hapag.

"magandang umaga nay ano ang ating almusal?" nakangiting tanong ko sa aking inay agad naman nag silingunan ang aking mga kapatid at ang aking itay.

nakatulala silang tumingin saamin ng aking nobyo napansin kong namula ang gwapong katabi ko, marahil ay nahihiya sa mga tingin na pinupukol sa aming dalawa.

"mano ho tay" pag papakita ng nobyo ko ng pag galang sa aking ama nag mano na din ako.

"bakit hindi ko namalayan ang inyong pagdating? anong oras ba kayo nakauwi?" sunod sunod ang tanong ng aking ama bakas pa din ang pagka bigla sa kanyang mukha

"hindi na ho namin kayo pinagising kay inay kagabi at baka tulog na tulog na kayo, mag iika Isa po kami ng madaling araw ng dumating dito sa bahay" nakangiting tugon ko sa aking ama

"mamaya na ang kwentuhan mag almusal na tayo" nakangiting wika ng aking ina

yumakap muna ako sa aking ama at mga kapatid bago naupo sa aming hapag. Ang sarap sa pakiramdam ng nakauwi na, ang sarap sa pakiramdam na kahit ang tagal mong hindi nakakauwi ganun pa din ang pag trato sa iyo ng iyong pamilya.

napakasarap ng nakahain sa lapag matagal ko ng hindi natitikman ang aking paboritong gatas ng kalabaw na sinasabaw ko sa aking kanin at nilalagyan ng asin. nakita naman ng aking nobyo ang ginagawa ko walang pag aalinlangan niyang ginaya ito, nginitian ko siya nilagyan ko pa ng itlog at tuyo ang kanyang pinggan.

"anak buti at umuwi ka kasama ang iyong nobyo" nakangiting tanong ng aking itay

"tay para ho kasing nasasakal ako sa maynila Kaya naisipan kong magbakasyon muna tutal may ipon naman din ako kaya kahit hindi ako pumasok ng isang linggo ay ayos lang"

"maganda yan ipayapa mo muna ang iyong katawan at kaisipan dito sa atin, kung gusto niyo ay pwede kayong maligo sa ilog mamaya, napaka linis pa din nito walang pag babago" nakaka ingganyo ang sinabi nang aking ama, matagal na panahon na din ng maka ligo ako sa aming ilog mga panahong pakiramdam ko ay napakalaya ko habang nag lalangoy.

nakangiti akong tumingin sa aking nobyo, mukhang naintindihan naman niya ang aking tingin at tumango siya agad.

"ate magbaon nalang tayo ng palaman at tinapay katulad ng dati" excited na sabi ng aking bunsong kapatid na si Veera siya ay kasalukuyang nasa high school na, laging kasama sa honor students kaya ipinagmamalaki ko talaga ang kapatid kong ito

"magmula ng hindi kana naka uwi hindi na din kami nakapaligo sa ilog dahil ayaw kaming payagan ni inay at itay" nakangusong turan naman ng aking pangalawang kapatid ang nag iisang lalaki na si Vaughn siya ang aking sinusuportahan sa pag aaral ngayon dahil nasa kolehiyo na siya at dalawang taon nalang ay magtatapos na.

"wag kayo mag alala susulitin natin ang paliligo sa ilog, araw naman ng sabado ngayon paniguradong wala kayong mga pasok" nagtanguan naman sila. napangiti ako Lalo, gustong gusto ko ng maramdaman ang pag dami ng malamig at katamtamang agos ng tubig sa aking katawan na nag bibigay sa akin ng pakiramdam ng kalayaan.

Matapos ang almusal agad na kaming naghanda ng aming gagamitin sa aming pag ligo, dadalhin na rin namin ang tricycle ni itay upang hindi kami mag lakad patungo sa ilog. marunong naman mag maneho ang aking lalaking kapatid.

nakarating na kami sa ilog agad nagtampisaw sa ilog Ang aking mga kapatid, napatingin ako sa aking nobyo malamang ay nag dadalawang isip ito kung makikiligo sa amin o alam ko namang ito ang isa sa mga kinakatakutan niya . Takot siya sa malawak na katubigan Ang sabi niya ay para daw siyang mamatay pag lulusong siya rito.

"ayos kalang ba mahal?" tanong ko sa kanya at sumandal sa kanyang dibdib, napaka kumportableng lugar para sa akin

" ayos lang naman" tugon niya habang hinahagod na naman aking aking buhok. hilig niya itong gawin sa akin

"sigurado ka? Kung ayaw mong maligo ay Hindi kita pipilitin, sasamahan na lamang kita dito ayusin natin ang pang picnic natin"

"maligo ka papanoorin na lamang kita dito Alam kong matagal mo ng gustong maranasan ulit yan, dyan ka nakakaramdam ng kalayaan diba?" tumango na lamang ako sa kanya ayoko siyang pilitin sa bagay na ayaw niya at baka ikapahamak niya pa.

Dali dali akong tumakbo patungo sa ilog, nag punta agad ako sa malalim na parte at sumisid, napaka ganda sa sobrang linaw ng aming ilog makikita mo pa ang mga isdang makakasabay mo sa pag langoy. matagal tagal din ng ako'y umahon, sanay ako sa matagalang pag sisid sa tubig binibiro nga nila ako ng ako'y bata pa na baka may hasang ako kaya nakakahinga ako sa ilalim ng tubig ngunig kahit sa akin mang sarili ako'y nagtataka.

Napalayo na pala ako masyado sa puwesto ng aking nobyo, napansin kong hindi mapakali ang kanyang ulo marahil ay hinahanap ako, may napansin din akong parang nag liliwanag sa kanyang kamay na parang apoy, nakita kong palapit na sa kanya ang aking mga kapatid ang nagliliwanag na bagay sa kanyang kamay ay biglang na wala.

"ano iyon?" bulong ko sa aking sarili agad agad naman akong lumangoy papunta sa pangpang nagtataka pa din sa bagay na aking nakita sa kamay ng aking nobyo, ngunit napaka imposible namalikmata na naman ba ako?.