Nabigla si Josh sa narinig. Ngunit patuloy lamang si Rachael sa pagsasalita... bawat kataga ay puno ng pait.
"Sinubukan kong gawin lahat. Ngunit hindi na kaya ng katawan ng kapatid ko labanan. Hindi na aaubutin ng isang taon-" hindi na naituloy pa ng dalaga ang mga susunod pa dahil tuluyan na siyang naiyak. Di na kasi niya kayang banggitin ang pa ang susunond ng mga salitang iyon.
"Kalokohan." Basag ng binata. "Ilang doctor na ba ang nakausap nyo? Ang daming doctor magtatanong tanong ako kahit sa father ko."
Mapait na ngiti lamang ang sinukli sa kanya ni Rachael, "Alam mo ba gaano katatag ang kapatid ko?" Hinayaan ni Josh ang dalagang magpatuloy, "... sa kabila ng sakit niya ito akong laging inaalala niya. Tanggap na niya. Ako itong hindi."
Di alam ni Josh kung ano pang dapat sabihin sa dalaga. Napagkaalaman din niyang parehas ng ulila sa mga magulang sila Rachael at Elijah. Bata pa lamang ang dalawa nang mawala ang kanilang mga magulang sa magkaibang karamdaman. Lumaki mga tiyahin at nang tumuntong na sa tamang edad ang dalaga ay napagpasiyahan nilang bumukod at umuwi sa kanilang dating tirahan na kung saan ay kasama nila noon ang mga yumaong magulang.
Hindi kayang sukatin at hanapan ng mga salita ang sakit at lungkot na kinakaharap ngayon ni Rachael sa kalagayan ng nag-iisang kapatid. Ang tangi nitong kasangga at kakampi mula pa pagkabata, hanggang sa maulila at patuloy na mamuhay... ngayon ay malapit nang mamaalam at iwanan siyang mag-isang haharapin ang mga hamon ng buhay.
Hindi kayang mailarawan sa sarili ng binata kung ano ang naramdaman ni Rachael na makitang umuwing pasaan ang kapatid at iika-ika mula pagkakabugbog niya. Ang murang katawang iyon na inaalipin ng matinding karamdaman, sa kabila ng lahat ng iyon ay nagawa niyang bugbugin! Napasuntok si Josh mesa sa isiping iyon. Ikinabigla man ito ng dalaga ay hindi na ito nagsalita pa tungkol dito.
Tumayo si Josh, malalim na huminga at saka nagsalita, "Babalik ako." Yun lang at tuluyan nang lumabas ito ng bahay. Di na nakita ni Rachael mula sa kusina na bago pa man itong tuluyang lumabas ng pinto ay tinapunan ng binata ng isang tingin ang natutulog na si Elijah sa sofa. Nakita niya muli sa mukha nito ang mga pasa at bakas pa rin ang sakit na na dulot niya.
At alam ni Josh sa mga oras na iyon na babalikan niya ang magkapatid. Kailangan siya nila, sa paanong paraan ay hindi niya alam, pero babalik siya, para sa dalawa... para kay Elijah.
***