Nagising ako sa isang alarm. Pinatay ko ito at sinubukan matulog ulit dahil antok na antok ako.
"ANDREA WAKE UP" sigaw ni mommy at niyugyug ako.
"hhmmm ? Ano ba mom Im sleepy just another 5 minutes please ? wala naman pasok ngayon eh." nakapikit kong sabi at tinalikuran si mommy.
"No ! You need to prepare . May sasabihin kami ng daddy mo bago kami umalis" may halong lungkot sa boses nito. Napadilat agad ako ng mata sa narinig ko .
"WHAT!" nasigaw ko sa harap ni mommy.Bumangon ako at tinitigan si mommy
"Aalis kayo ? Bakit biglaan mom?"
"I'm Sorry baby but we need to" malungkot na sagot nito .
Tinitigan ko ang mata ni mommy at malapit na itong umiyak. Nanunubig na ang mga mata nito. Miski ako biglang nanubig mata ko sa balita nila. Tumayo si mommy at naglakad papuntang pinto.
"But mom" piyok na tawag ko sa kanya huminto ito at nagsalita "Later baby ,Fix yourself first" humarap itong nakangiti at sinarado ang pinto ng kwarto ko .
What the ! After nangyaring kung ano ano kahapon ito na naman ? Ano ba talagang nangyayare ? Simula nung nanaginip ako ng hindi maganda nagakaproblema na at sunod sunod pa nakakainis na.
Nagpasya akong tumayo at naligo .
---
Pagdating ko sa sala nakita ko sila mommy, daddy at kuya sa sala. Malungkot kong tiningnan si kuya nanunubig na ang mga mata ko so kasama si kuya ? at ako lang dito sa Bahay na ito ?
"Princess maupo ka" may authoridad sa boses ni daddy pero kapag tiningnan mo ang mata nito ay malungkot.
"Princess im sorry kung kailangan ka naming iwan dito sa pinas we need to work in America kasama ko ang mommy at kuya mo" pagpapatuloy nito . Nakayuko lang ako habang nasasalita siya ayokong tumingin sa mata niya baka maiyak ako.
"But dad hindi ako kasama ?" sinubukan kong hindi pumiyok para hindi nila mahalata na nalulungkot ako.
"Yes I'm sorry princess, Hindi pa ayos ang mga documents mo and nagaaral ka pa after mo matapos ang 1st year mo dito sa pinas. Babalikan kita at isasama kita sa America." Rinig ko ang boritong boses ni daddy.
"Okay po" pagtatapos ko sa usapan. Nasasaktan ako, nagseselos ako bakit si kuya kasama ako hindi ? gusto ko ng umiyak pero pinipigilan ko . Akmang tatayo na ko ng magsalita ulit si Daddy.
"By the way Princess.. " kinuha ni daddy ang kanyang cellphone sa suot niyang pants. Nagtype ito sa tingin ko nag send ng messages.
"Since wala kami sa tabi mo..." tumingin ito sakin, shocks kinakabahan ako! ito na ba yun ? May biglang pumasok na lalaki sa sala namin. "Meet Mr.Phoenix Mad-"
"IKAW NA NAMAN!" sigaw ko sabay turo sa kanya.
"Oh so magkakilala na kayo ?" gulat na tanong ng kuya niya.
"What ! No !" deny ko agad
"So siya si Mr. Madrigal " sabay turo nito kay Phoenix "ang magbabantay sayo habang wala kami sa tabi mo" May authoridad na sabi ni daddy na ikinatakot ko . Damn!
"Madrigal kilala mo naman na siya so aalis na kami at malalate kami sa flight namin" tumayo sila daddy at kinuha ang mga maleta nila . Sinundan ko sila hanggang sa gate. I won't cry I'm strong . Ngumiti akong nagwave sa kanila habang papalayo ang sasakyan.
---
SOMEONE POV
"Dapat ba nating iwan si Andrea hon ?" tiningnan ko ang aking asawa habang nag mamaneho ito.
"Yup kailangan hon." may halong lungkot ang tinig nito .
"Manganganib lalo si Andrea kapag nalaman nila na tayo ang tumayong magulang ng bata maaari nila tayong gamitin laban sa kanya " dagdag nito. Sa sitwasyon namin ngayon mas mahihirapan si Andrea kung mananatili kami sa tabi niya.
"Pero hon nagaalala ako para kay andrea alam mong tunay na anak ang turing ko sa kanya ." maluha kong sabi sa kanya.
"Hon hindi mo kailangan magalala para kay Andrea. That young man Madrigal, isa siyang mandirigma at alam kong proprotektahan niya si andrea. We both know what happen a few weeks ago at alam din natin na nagaalala ang tunay na magulang ni andrea kaya pinadala nila si Madrigal." hinawakan nito ang kamay ko at tuluyan akong humagulgol ng iyak.
"hon hindi ko kaya namalayo kay Andrea. Sino magaalaga sa kanya kapag may sakit siya ? sino ang magluluto ng pagkain ?" sunod sunod na tanong ko habang umiiyak.
"hon kailangan natin magpakatatag magiging ligtas si Andrea" binitawan nito ang kamay ko at nagfocus sa pagmamaneho.
Baby girl please be strong .I love you very much ayoko man umalis ngunit hindi maaari dahil mas lalo kang mapapahamak samin. I'm so sorry baby hindi pa namin sayo nasasabi ang totoo but soon you will know at sana hindi magalit samin sa paglihim namin sayo.
-
ANDREA POV
Isinara ko ang gate at pumasok ako sa bahay at dun na bumuhos ang mga luhang pinipigilan ko kanina habang kaharap sila daddy . Iyak ako ng iyak nasasaktan ako sobra! Ang sakit-sakit ngayon lang nila ako iniwan.
"Here" lumapit ito sakin at binigayan ako ng tissue. Inangat ko ang tingin ko sa kanya his eyes is so dark and deep parang hinihigop ako ng mga mata niya, tiningnan ko ang hawak niyang tisuue at kinuha ko iyon mula sa kamay niya.
"Sa..*sob* la.. *sob* mat" ani ko between my sobs.
Ano na ang gagawin ko? wala na sila mommy . Sino na ang maluluto para sakin ? hindi ako marunong magluto . Mauubos allowance ko nito . naiiyak na naman ako .
"marunong ako magluluto" bulong ni Phoenix na nakatayo pa din at tinititigan ako .
"ha? ano sabi mo?" tanong ko dahil hindi ko masyado narinig ang sinabi nito.
"sabi ko gutom na ako at marunong ako magluto ano ba gusto mo ?" tumaas ang mga balahibo ko ng marinig ang boses niyang singlamig ng yelo . Natigilan ako sa pagiyak at nagisip yung ano nga ba ang gusto kong ulam .
"Sinigang please! Sinigang na hipon" sambit ko habang nakangiti sa kanya at pinunasan ko ang mga luha ko.
I need to fix myself ayoko ng umiyak at kasama ko tong lalaking to.
"punta na muna ako sa kwarto ko ." paalam ko sa kanya. Naglakad ito pa puntang kusina at ako naman sa kwarto.
Nang makarating ako sa kwarto ko niyakap ko ang malaking teddy bear na kulay khaki siya si Snow. Regalo sakin ni kuya . Ang sabi pa ni kuya nung araw na yun 'tandaan mo kapag nalulugkot , natatakot at nasasaktan ka yakapin mo lang tong si snow gagaan ang pakiramdam mo '.
"Snow namiss ko na agad sila mommy" naluluha kong sabi kay snow niyakap ko tong maigi buti na lang at walang pasok ngayon kung hindi mugtong mugto ang mga mata kong papasok sa school.
Iyak ako ng iyak hanggang sa hindi ko namalayan nakatulog na pala ako kakaiyak.