Chapter 7 : Arcade

"Saan mo gusto ?" tanong niya sakin patuloy pa din kami sa paglalakad . 

"hindi ko alam ikaw ba ?" tanong ko sa kanya. Sa totoo lang hindi ko alam kung saan na kami ngayon pupunta, masyado akong nawindang sa nangyare. Lalo na yung Nakita ko ang ginang her eyes looks mine baka nagkataon lang? or maybe sila na yung family side nila daddy kaya ganun ? 

"Arcade ?" napalingon ako sa kanya . Nagisip ako kung oo ba o hindi.

"Sure" masayang ngiti ko sa kanya para mawala mga negatibong naiisip ko. Naglakad ako ulit ng mapansin ko na di ko siya kasabay. Nilingon ko siya nakahinto siya . "bakit ?" 

"ah wala wala" sabi nito at naglakad papalapit sakin. Ang weird nito .

---@---

Nang makarating na kami ay nagpapalit agad ito ng token. Excited much Phoenix ? 

Pagbalik nito sakin ang daming dalang token. "Hala ang dami naman nito mauubos ba natin to ?" I think mga nasa 500 tokens to ang isang plastic .

"siguro ? kung hindi ipamigay na lang" bored niyang sagot sakin. Wow ang yaman naman pala this boy. 

"dun muna tayo" Tinuro ko ang basketball game. naglakad kami patungo duon bigla itong nagsalita

"Andrea tutal nandito naman na tayo sa arcade.  Kung sino ang panalo siya ang magiisip ng consequence na gagawin ng talo  ano game?" well pwde naman para mas exciting ang mangyayare.

"game" ngiting sambit ko. Syempre ako na mananalo favorite ko kaya to. Sa tuwing pumupunta kami dito ng kuya ko ito lagi naming nilalaro.

"Round 1. 3....2....1"

Tumunog ang bell simula na ang unang game at nilabas nito ang mga bola papunta sa mga players . Nakaka 80 points na ako sa unang round at nakaka 55 points pa lang siya. Ngumiti ako ng mapangasar ng lingunin ko siya. Siya chill lang sa posisyon niya.

"Times up. Congrats ! Ready for the next round." sabi sa audio ng game na to.

"Round 2. 3....2....1" 

Nagumpisa na ang pangalawang round kaya gumulong na ang bola sa bawat players. Shoot lang ako ng shoot. Para makaabot ka sa 3rd round kailangan maka 200 points ka. Malapit na matapos ang oras ako ay nakaka 250 points na. Kinakalawang na ata ako ah. Sinilip ko kung ilan na nag points niya at nagulat ako na 280 points na siya. Ang bilis ! kanina 50 points lang siya. Shocks! kailangan galingan ko !

"Times up. Congrats ! Ready for the next round." sabi ulit sa audio ng game na to.

"Round 3. 3....2....1"  Tumunog ang bell hudyat para  sa ikatlong round. Para makaabot sa round 4 dapat makakuha ako ng puntos na 350. Kapag hindi umabot sa points na un ay game over na ako.

Nang makuha ko ang bola ay shinoot ko agad sa ring. Paulit ulit kong ginawa yun at lahat ay shoot sa ring. Napapagod na ko pero hindi ako papatalo sa mokong na to ! Tiningnan ko ang puntos ko nakaka 390 points pa lang at 10 Seconds na lang at matatapos na ang round 3. Tiningnan ko ang points ng katabi ko what the ! 420 points na siya. Ang bilis naman ! 

"Times up. Congrats ! Ready for the next round."

So para makaabot sa Round 5 dapat maka 500 points ako.

"Round 4.  3....2....1"  Biglang tumunog ang bell hudyat na simula na ang round 4. Kagaya ng kanina  kinuha ko ang bola at shoot ng shoot sa ring. Dahil napapagod na ako nagkakamintis ako sa pagshoot. Arggg ! Hindi pwde to ! Binilisan ko ang pag shoot sa bola at sinisgurado ko na three points ang pasok nito. Yas umabot na ko sa 500 points at 15 seconds na lang kaya pato .

"Times up. Congrats ! Ready for the next round."  Aist ! naka 530 points lang ako kinakalawang na talaga ako. Sinilip ko ang points ni Phoenix. 530 points din ? Seryoso ba to ? Bakit pareho lang kami ? Eh kanina nauuna na siya. Baka siguro bumilis lang ako magshoot. 

"FINAL ROUND  3....2....1"  Biglang tumunog ang bell hudyat na simula na ang final round. At sinimulan ko na kunin ang bola at ishoot sa ring. Sa round na ito kung ano ang points mo iyon na talaga ito na kasi last round. 3 Seconds left 600 points na meron ako  at ganun din si Phoenix. 

"3" kinuha ko ang bola at Shoot ang 2 points! 602 poins na ! ganun din ang nangyare kay Phoenix

"2" kinuha ko ang bola at Bang! easy 2 points! 604 poins na ! ganun din ang nangyare kay Phoenix

"1"  1 seconds left dali dali kong shinoot ang bola sa ring . YAS ! 2 points ulit 606 points ang total ko!

"game over. Thank you for playing"

Tiningnan ko ang points ni Phoenix. Nanlumo ako sa Nakita ko 607 points !

"Pano ba yan talo ka ?" pangaasar nito sakin. Sinamaan ko siya ng tingin at tumawa lang ito.

"Well simple lang naman ang gusto ko..." tumigil ito sa pagsasalita tila may iniisip ito at bigla itong lumapit sakin. Amoy na amoy ko ang masculine scent niya. Ang bago sobra ang sarap amoy amoyin.

"Don't talk to strangers" may authoridad na sabi nito na ikinataas ng balahibo ko . 

Nabato ako sa kinatatayuan ko. Lumayo ito at ginulo ang buhok ko sabay ngiti. Habang ako nakatitig lang sa kanya. Yun na yun? Ang simple lang naman pala ng pinapagawa niya.

"Tara dun naman tayo sa Crane machine kuha tayo ng stuff toy" ani nito at hinila ang kamay niya papunta sa crane machine . 

"Madaya ang mga yan mauubos lang ang token natin jan wala pa ring nakukuha" nakabusangot na sabi ko. Totoo naman eh madaya yang machine na yan papaasahin ka lang. Yung akala mo na makukuha mo tas pagdating sa taas biglang mahuhulog .

"Oh? Hindi ah Tingnan mo ah makakakuha ako" inihulog nito ang token. At nagsimula na ito asintahin ang gusto nitong makuha. 

"Wag yan Ayun oh maganda" tinuro ko ang panda na nakaupo. Hindi ito nagsalita at sinimulan na nito asintahin ang tinuro ko. Inantay muna nito matapos ang oras bago taska bumaba ang crane sa pandang tinutukoy ko at nabuhat niya ito at dahan dahan itong umaakyat. Alam ko na kasunod na mangyayare kaya tinakpan ko ang mata ko gamit ang dalawang kamay ko. Babagsak yun at hindi makukuha. Biglang tumunog ng malakas ang machine. What ? Tinanggal ko agad ang kamay ko at tingnan. 

"Wow ang galling paano mo nagawa yun ?" tanong ko sa kanya kasi hawak hawak na niya nag panda na tinuro ko ibig sabihin nakuha niya ng isang token lang ? Grave !

"Tsamba lang" bored na sabi nito. Tss napaka mokong talaga netong lalaking to ! Iniwan ko siya dun at ang naghanap ng ibang malalaro. 

Sinubukan ko ang ginawa niya may nakita akong heart shape sa ibang crane. Naghulog agad ako ng token at itinutok ang crane dun. Hindi ko nainantay matapos ang oras para bumaba ang crane at kunin ang heart . pinindot ko ang red button para bumaba na ang crane at kunin na ang heart shape na unan. Natuwa ako dahil nakuha niya nang malapit na ito sa taas nalaglag ito .

"kakainis!" sambit ko. Naghulog ulit ako ng token at ganun padin ang nanyare. Sinubukan ko ng sinubukan hanggang sa maubos lahat ng token na hawak ko halos maiyak na ko . Wala na naubos ko na yung token hindi ko pa din nakukuha. Malungkot kong tinitigan ang unan na yun. Biglang sumulpot si Phoenix sa gilid ko. Tiningnan ko ito ng malungkot. 

"Wala ka ng token ?" tumango ako sa tanong niya tas tinuro ko yung heart shape na unan.

"Sinubukan kong kunin yan kaya naubos lahat ng token ko" tumawa siya ng malakas kaya nakakuha ng attention sa ibang naglalaro kaya biglang naginit ang mukha ko at dali-dali akong yumoko

"bakit mo ko tinatawanan ?" nahihiyang tanong ko.

"wala ang cute mo kasi, tabi na jan kukunin ko" umalis ako at pinanood ko ang ginawa niya. Naghulog ito ng token at ginalaw na nito ang crane papunta sa heart shape na unan na gustong gusto ko. Tinitigan muna nito ang crane . Iniisip ata nito kung asintado na makukuha na niya sa palagay ko eh makukuha na nga niya katulad kanina . nagantay lang siya ng ilang minuto at pinindot ang pulang button para kunin ang unan. 

Natuwa ako dahil paakyat na ang crane dala dala ang unan at hindi ito nahulog. Maya maya ay tumunog ng malakas ang Crane ibig sabihin nakuha nito ang Prize sa loob. 

Kinuha ni Phoenix sa prize box ang unan "Oh sayo na to pati to wala akong hilig sa mga to. " binigay niya sakin ang unan na heart shape at dalawang paper bag na malalaki tiningnan ko ang laman nun puro stuff toys ! 

Akala ko ba tyamba lang kanina ?  Iba't iba ang laman ng paper bag, may apple na stuff toy , may bear, may mermaid at marami pang iba halos lahat ata ng stufftoy na meron sa mga crane dito eh nandito sa paperbag. Ang dami! Madaragdagan na naman ang mga kaibigan ni snow ! 

Naglakad si phoenix papalayo para ipapalit ang mga ticket na hawak niya. Ngumiti ako sa sobra kong saya ng biglang makaramdam ko ng gutom. 

"Phoenix..." tawag ko sa kanya kaya napalingon ito. Lumapit ako sa kanya

"Kain na tayo ?" biglang sumingit ang babae sa harap namin

"sir may card po ba kayo?" napatingin ako sa babaeng nagsalita

"wala miss eh. bigyan mo na lang kami ng card at ako na magsusulat." mataray na sabi ko sa babae. Ang lagkit kaya ng tingin niya kay phoenix !

Nagbigay ang babae ng Form at sinagutan ko agad yun. Habang nagsasagot ako kinausap ng isa pang babae si Phoenix.

"Ah Sir Girlfriend niyo po ?" tanong nito kay Phoenix. Tinapos ko agad ang sinusulatan ko at ako na ang sumagot "Yes girlfriend niya ako may problema ba ?" tinitigan ko ito

"Wala po Maam bagay po kasi kayo ni Sir itatanong ko lang po kung sakali pwde kayo maging modelo sa video na gagawin namin para sa store po namin" ay akala ko pa naman kung ano. 

"Pagiisipan namin" ayoko magpadalos dalos ng desisyon. 

"Ito po madam tawagan niyo lang po ako kung sakaling pumayag po kayo. Una na po ako Salamat po." iniabot nito sakin ang card at umalis ito.

"Maam pirma na lang po kayo dito" tumingin ako sa nagsalita . Oh yung babaeng pinagbigyan ko ng form . Pinirmahan ko ang papel na binigay niya sakin at iniabot nito ang card kung saan nandun na ang mga ticket na naipon ni Phoenix. 

Sinulyapan ko si Phoenix at Nakita kong nakangiti ang mokong. Kumunot ang noo ko sa itsura nito.

"Bakit?" tanong ko sa mokong na to. 

"Sinabi mo kasing girlfriend kita" bumalik sa dati ang mukha nito. 

"para iwas sa babae kaysa may eyeglass ka pa magmumukha kang tanga wala naman araw sa mall" ani ko sa kanya. Totoo naman eh. Yung Salamin kasi niya black yung lens niya yung tipong para sa sinag ng araw. 

"tara na nagugutom na ko" dagdag ko sa kanya at naglakad kami papalayo sa Arcade. Siya na din nagbitbit ng mga paper bag.