Sa Kamay Ni Francis

How would she explain the expression registered on Lenmark's face? Fear mixed with anxiety while staring at her intently and wondering how she would react when a word came out of his mouth? Subalit bakit naroon din ang pagkalito sa mukha nito, wari pang naglakbay bigla ang diwa sa kung saan pagkuwa'y napailing?

"Hindi ako si Lovan Claudio 'di ba? Kilala mo ang mama ko. Hindi siya magsisinungaling sa'kin." Her eyes swam with tears. Ayaw niyang magalit sa kaibigan this time kahit alam niyang may inililihim ito sa kanya. Ang gusto lang niya'y bigyan siya ng confirmation na hindi nga siya ang totoong Lovan Claudio.

Instead of answering, he suddenly drew her close and hugged her. Naramdaman na lang niya ang sariling humahagulhol nang malakas sa mga bisig nito sa sama ng loob sa ina Bakit siya nagsinungaling sa kanya? Kaya ba siya gustong ipapatay ng isa pang Lovan dahil siya ang tunay na Lovan Claudio? Kung gayon, sino ito?

Gusto niyang magalit sa sarili dahil walang sagot na mahagilap ang kanyang utak kung sino ba siya talaga.

"I honestly don't know anything, Lovan. When I saw you at the hospital with your parents, I thought it was you, Lovan Claudio from Sorsogon," sa wakas ay paliwanag nito habang yakap siya.

"Pero tinanggal ko agad 'yon sa isip dahil kilala ko si Lovan. I even called Zigfred if she was still in Sorsogon, nagpapagaling mula sa aksidente. And he said, yes."

Nagpatuloy siya sa pag-iyak, kusa nang yumakap sa kaibigan upang pagaanin ang kanyang mabigat na dibdib dahil pakiwari niya, sasabog iyon kung hindi niya ilalabas ang nararamdaman.

Sa kabila ng sitwasyon niya ngayon, ano't biglang nagkahugis sa kanyang magulong utak ang mukha ng kawawang ama. Paano kung gusto talaga itong ipapatay ng kanyang madrasta dahil alam nito ang lihim mayroon ang huli at ng babaeng nagpapanggap na si Lovan Claudio?

Hindi! Hindi niya hahayaang mapahamak ang kanyang papa. Wala man siyang matandaan ngayon, pero ramdam niyang ito ang kanyang amang kailangan niyang protektahan mula sa masasamang tao lalo na ngayon sa kalagayan nito.

Kumawala siya sa pagkakayakap kay Lenmark at tumalikod paharap sa pinasukang pinto kanina subalit biglang nanlaki ang kanyang mga mata pagkakita sa matikas na katawan ni Zigfred, nakaharang sa mismong pinto, nakapaloob ang isang kamay sa bulsa ng slacks pants na suot habang ang isang kamay ay nakalamukos sa mukha. His eyes were full of unimaginable rage, she could even hear the clenching of his teeth as he glared at her and Lenmark.

"Z-zigfred..." Gusto niyang magpaliwanag sa nakita nito ngunit wala halos lumabas sa kanyang bibig.

"Zigfred, it's good that you're here," anang kaibigan, agad itong nakabawi at lumapit sa pinsan ngunit isang suntok ang pinakawalan ni Zigfred dahilan upang mapasubsob ito sa carpeted na sahig.

Isang sigaw lang ang tanging nailabas ng kanyang bibig, malalaki ang mga matang nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawa, mayamaya'y walang sabi-sabing nilapitan ang kaibigan.

"Ano'ng ginawa mo?" baling niya kay Zigfred nang makatayo na si Lenmark, ngunit isang nakamamatay lang na titig ang ipinukol nito sabay talikod at nagmartsang lumabas ng mini-library.

Patakbo siyang sumunod dito. Hindi siya papayag na hindi nito marinig ang kanyang side. Kailangan din nitong malamang dumating na ang babaeng nagpanggap na siya at gusto siyang ipapatay.

"Zigfred, wait!" nahawakan niya ang braso nito sabay harap sa asawa.

"Nagkakamali ka kung iniisip mong may relasyon kami ni Lenmark. Nakita ko ang mga painting mo sa studio at--" paliwanag niya ngunit 'di pa man natatapos ang sasabihin ay biglang tumaas ang kanang kanang palad nito.

Nang mahagip iyon ng kanyang paningin ay awtomatiko siyang napapikit kasabay ng pagkawala ng isa uling tili. Dinig na dinig niya ang malakas na kabog ng dibdib nito. Ilang pulgada ang pagitan nilang dalawa pero nanooot sa kaniyang balat ang nakapapasong titig nito, kulang na lang ay malusaw siya sa init. Ngunit nakapagtatakang hindi niya naramdaman ang malakas na sampal sana sa kanyang pisngi.

Pagdilat niya ng mga mata, wala na ito sa kanyang harapan. Nahabol na lang niya ng tingin si Lenmark na patakbong lumabas ng suite upang habulin ang kanyang asawa.

Gano'n din ang kanyang ginawa, subalit hindi pa man siya nakakalabas ay may mabigat nang bagay ang tumama sa kanyang batok dahilan upang mawalan siya ng malay.

~~~~~~

Dalawang malalakas na putok ng baril ang nanggsing kay Lovan mula sa mahimbing na pagkakatulog. Isang mahinang ungol ang kanyang pinakawalan pagkuwa'y dahan-dahang iminulat ang mabibigat na mga mata. Nakasisilaw na liwanag ng LED strip lights sa kisame ng isang estrangherong silid ang agad na sumalubong sa kanyang paningin kaya't muli siyang napapikit. Isa pang ungol ang namutawi sa sariling bibig nang maramdaman ang pagkirot ng nasaktang batok bago siya nawalan ng malay. Noon lang sumagi sa kanyang utak ang panganib na kinakaharap lalo na nang masalat ng daliri ang dulo ng lubid na nakagapos sa kanyang mga kamay.

Nang tuluyan niyang idilat ang mga mata'y mukha naman ng nakangising si Francis ang tumambad, nakaluhod sa kanyang tagiliran habang mariin siyang pinagmamasdan.

"Ahh!" sigaw niya, mabilis na napabangon at tatayo na sana pero agad siyang natumba pabalik sa tiles na sahig. May tali pala kahit ang kanyang mga paa. Nanginginig ang mga tuhod na iniusad niya ang pwet palayo sa lalaki hanggang sa maisandig niya ang katawan sa dingding.

Isang malutong na halakhak ang kumawala sa bibig nito habang tuwang tuwang pinagmamasdan ang namumutla at nanlalaki niyang mga mata sa takot.

Mayabang pa nitong iniangat ang hawak na baril at dinilaan ang dulo niyon sabay sulyap sa dalawang lalaking nakahandusay dalawang metro lang ang layo mula rito.

Muli siyang nagsisigaw sa pagkagimbal pagkakita sa mga bangkay na naliligo sa sariling mga dugong umaagos palapit sa kinaroroonan niya.

Hindi na mahinto sa paghalakhak si Francis, tila isang musika sa pandinig nito ang kanyang paghehestirya sa takot. Kahit ano'ng gawin niya'y 'di siya makahulagpos mula sa pagkakagapos.

Naglakad ito nang paluhod paharap na uli sa kanya.

"Maawa ka, Francis. H'wag mo akong papatayin," mahina niyang sambit. Nag-unahang magsipatak ang kanyang mga luha.

Sa halip na maawa ay marahan nitong inihaplos ang isang daliri sa kanyang luhaang pisngi habang nakangisi-aso. Ang sobrang sayang nakabalandra sa mukha nito habang nakikinig sa kanyang boses at pangangatal ng bibig ay hindi kayang ipaliwanag.

"Ganyan nga, Lovan. Matuto kang umamo sa'kin habang mabait pa ako," anitong mamula-mula ang mapupungay na mga mata, halatang lango sa druga.

Hinawakan nito nang mariin ang kanyang baba at akma siyang hahalikan. Lakas-loob siyang nagpumiglas, ibinaling pakaliwa ang pisngi subalit lalo lamang niyang pinatakam ang lalaki't lalo siyang pinanggigilan.

Marahas siya nitong kinabig sa batok, paulit-ulit na hinalikan sa pisngi. Kahit ano'ng palag niya't paghihihiyaw ay hindi siya makaligtas mula sa lalaki hanggang tuluyan na siyang mapahiga sa sahig at daganan nito.

"Huwag! Maawa ka," pagsusumamo niya, hilam sa luha ang mga mata.

Ngumisi lang ito, pagkuwa'y tumayo at sinimulang tanggalin ang suot nitong pantalon.

Sa kabila ng magkahalong takot at pagkatuliro, inipon pa rin niya ang lahat ng natitirang tapang at lakas upang ipagtanggol ang sarili. Hindi siya papayag na madungisan ni Francis ang kanyang pagkababae.

Sinamantala niya ang pagkakataong nakatayo ito. Saktong kalalaglag lang ng pantalon nitong suot nang buo lakas niyang sinipa ang harap nito gamit ang nakagapos niyang mga paa.

Nagulat ito sa nangyari at biglang sumigaw sa sakit sabay sipa din sa kanyang tiyan, saka umaringking palayo sa kanya hawak ang nasaktang harap. Nang hindi makuntento ay naglulundag habang panay ang hiyaw.

Siya nama'y namilipit sa sobrang sakit ng nasipang tiyan. Halos mawalan siya nang ulirat dahil doon ngunit nilakasan niya pa ang loob. Hindi siya maaring magpadala sa takot sa pagkakataong iyon. Lalaban siya hangga't kaya niya.

"Dammmnn! Pagsisisihan mo ang ginawa mo, gaga!" Pulang-pula ang mukha nito at nanlilisik ang mga mata sa galit, sabay dampot sa kanina'y binitiwang baril, saka itinutok sa kanya.

Doon siya natigilan at hindi na nakakilos. Muling rumagasa ang luha sa kanyang pisngi. Ayaw pa man niya, pero kailangan na seguro niyang tanggaping katapusan na niya sa pagkakataong iyon kaya't ipinikit niya ang mga mata.

"Papa, huwag kang iiyak 'pag nawala ako," usal niya bago nagdasal na huwag sanang pabayaan ng Diyos ang kanyang ama kahit na wala siya.

Sa kabila ng kasalukuyang sitwasyon, ang ama pa rin ang kanyang inaalala sa halip na ang sarili.

Subalit kung kelan handa na siya sa mangyayari ay saka naman biglang bumukas ang pinto ng silid.

"Nasaan ang impostor na Lovan?" Ang galit na tanong ng boses babaeng pumasok.