"Is there something special about this thing, huh?" pigil ang ngiting usisa ni Doc Reign habang isinusuot ang pares ng surgical gloves ngunit ang mg mata'y nakatuon sa pares ng hikaw na kinuha ni Lovan sa bag ni Shavy.
Lovan shrugged her shoulders.
"It was just out of curiousity that I took it." She chuckled.
Isang kibit-balikat din ang itinugon ng kausap habang nakaharap sa laboratory table at naglagay ng titanum dioxide-based fingerprint powder sa isang stainless steel plate.
Siya naman ay mataman lang nakamasid habang nakaupo sa swivel chair sa harap ng mesa patapat sa lalaki.
"What are you doing?" usisa niya nang makitang kumuha ito ng feather brush at inilublob sa powder.
"I coated the brush with fingerprint powder. Let's try if may makuha tayong fingerprint sa pares ng hikaw na 'to," kaswal lang na sagot ng doktor.
Kaswal lang din siyang tumango at tahimik na nagmasid sa ginagawa nito hanggang sa makita niyang gumamit ito ng dalawang putol ng packing tape at idinikit sa mga hikaw, pagkuwa'y isa-isang idinikit ang mga tape sa dalawang maliliit na rectengular acetate.
"By the way, one of my colleagues invited me to attend a grand birthday party tonight. I wonder if you can give me a hand and be introduced as my current woman." Pasimple lang itong nagyaya.
Hindi siya nakaimik, tinitigan lang itong mabuti kung sa lahat ng oras ay ganu'n magsalita ang lalaki, no emotions involved. Kung mag-alok ay pasimple lang, ni hindi siya titigan, alamin kung ano ang magiging reaksyon niya o kung kaya ay baka nagulat siya.
Katahimikan...
"S-sige, tutal ay dayoff ko ngayon," alanganin siyang pumayag pagkatapos ng dalawang minutong hindi man lang ito sumulyap sa kanya. Sa isang banda, matagal na siyang hindi nakaka-attend ng party. Para maaliw naman siya.
Noon lang tumigil sa ginagawa ang doktor at bumaling sa kanya, hawak ang dalawang acetate kung saan nakadikit ang dalawa ring packing tape na pinutol kanina.
"Why don't you reject my proposal if you don't like?" curious nitong usisa.
Umismid lang siya, sabay irap dito. "Mamaya magsumbong ka kay mommy, sabihin mong masama akong pinsan," seryoso niyang saad.
Tumawa ito. Humagikhik na rin siya.
"Sabagay. Nobody would suspect that you're my cousin, anyway. Even Yaya Greta doesn't know about it."
Tumango siya bilang pagsang-ayon. Nang biglang may maalala ay saka tumayo.
"Tapos ka na ba? Kailangan ko pang ibalik 'yan ngayon habang wala sa suite si Shavy," pakli niya.
Hindi ito umimik, sa halip ay humarap sa computer sa malapit sa pinto ng laboratory room, umupo roon at in-examine ang nakuhang mga fingerprint galing sa pares ng hikaw.
Siya nama'y iniikot ang tingin sa buong paligid. Mula nang bumalik siya sa Manila, ilang beses na siyang nakapasok rito, minsan ay dito rin siya natutulog kapag may importante silang pinag-uusapan ng doktor. kanugnog lang kasi ng silid ang suite ng lalaki.
Kung titignan, wala silang pagkakahawig ni Reign at walang palatandaan kahit sa apilyedo nito na may kaugnayan ito sa kanya at sa yumao niyang mama.
Hindi rin ito kilala ni Zigfred. Tanging ang kanyang ama lang marahil ang nakakikilala sa lalaki.
"Hindi ba naghinala sa'yo ang personal maid ni Shavy?" maya-maya'y untag ni Reign sa katahimikan.
Umiling siya matapos tapunan ng tingin ang kausap.
"Nagtaka siya kung bakit ako andu'n. Sabi ko lang gusto ko siyang tulungang magtrabaho habang nagtsi-tsikahan kami. Naniwala naman siya," pakaswal niyang turan at dahan-dahang lumapit dito.
"Hey, are you sure this is Shavy's?" Biglang baling ng lalaki sa kanya, noon lang kumunot ang noo.
"Ha? Why?" Litong usisa niya, inilang hakbang ang pagitan nilang dalawa sabay yukod sa likod nito't pinagmasdan ang screen ng computer.
"Although the fingerprint of its owner has almost gone, but look at this." Itinuro nito ang isang fingerprint na mas malaki kesa iba.
"The new fingerprint overlapped the old one, pero rumihestro pa rin sa computer ang may-ari ng lumang fingerprint."
Parang bata lang siyang awang ang bibig na pinaglilipat-lipat ang tingin sa nakaturong daliri ni Reign at sa screen ng computer. Hanggang sa nagtatanong ang mga matang tumingala ito sa kanya.
"Bakit rumihestro ang fingerprint ng mommy mo sa dalawang hikaw?" Mas nagtataka ito kesa sa nagkokompirma sa natuklasan.
Lalong lumaki ang awang ng kanyang mga labi, nanatili lang nakatitig sa mga mata ng pinsan, walang boses na gustong lumabas sa bibig subalit sa isip ay nag-uunahan ang sari-saring katanungan.
Bakit naroon ang fingerprint ng mommy niya? Magkakilala ba ang dalawa? Kilala ba ng ina ni Shavy ang mommy niya bago namatay ang huli? Sino ang totoong may-ari ng hikaw? Ang mommy ba niya? Kung ito ang may-ari, bakit napunta iyon kay Shavy?
----------
Hindi siya mapakali kahit nang bumalik sa suite ni Zigfred. Nakauwi na lang siya't lahat, hindi pa rin makumpirma ng isip niya kung paanong napunta kay Shavy ang pares ng hikaw gayung nang mamatay ang mommy niya ay wala pa ang mag-ina sa buhay nila. Sino pala ang may-ari ng mga iyon?
Kilala niya ang lahat ng mga alahas ng kanyang ina pero wala siyang natatandaang may gano'ng pares ito ng hikaw.
Sa daming gumugulo sa isip ay hindi niya napansin si Aida na namumutla at tagaktak ang pawis sa mukha gayung malakas ang aircon sa buong suite.
Kung hindi siya nito nabunggo ay hindi pa siya matatauhan. Nagulat pa nga siya nang makitang nangangatal ang mga bibig nito sa takot at namumula ang mga mata na tila kagagaling lang sa pag-iyak.
"B-bakit?" takang usisa niya.
Humikbi ito, mariing hinawakan ang kanyang braso.
"Naalala mo ba noong isang araw na naglinis tayo sa loob ng silid ni Senyorita Lovan?" Simula ni Aida, pigil ang pagpatak ng luha ngunit hindi makontrol ang panginginig ng mga kamay.
"O-oo. B-bakit?" maang niyang balik-tanong.
Hindi na nipigilan ng huli ang pagpatak ng luha lalo na nang lumapit si Leila sa kanila, taranta din.
"Wala ka bang nakitang pares ng hikaw sa tokador ni Senyorita?"
Awtomatiko ang kanyang pag-iling ngunit ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib.
"Ala eh! Mapapatay tayong tatlo ni Senyorita Lovan nito kapag hindi natin nakita yaong hikaw na iyon," pumipiyok na hiyaw ni Leila sa likod ni Aida.
"Ha? A-no'ng hikaw? Wala naman akong nakitang h-hikaw noong naglinis tayo sa loob." Napalakas ang kanyang boses, sabay kurap ng dalawang beses at iniiwas ang tingin sa dalawa. Baka mahalata ng mga itong nagsisinungaling siya.
Napaiyak na si Aida, halatang hindi alam ang gagawin.
"Ala eh, 'wag kang umiyak. Lalo tayong mapapahamak kung hindi tayo kikilos para hanapin ang hikaw na iyon," taranta na ring saway ni Leila.
Sinikap niyang maging kampante at hinila si Aida papasok sa loob ng silid ni Shavy.
"N-nasaan pala ang mga amo natin?" usisa niya.
"Galit na umalis si Senyorita Lovan at hinahanap ka. Baka ninakaw mo raw iyong hikaw." Si Leila na ang sumagot, kahit natataranta'y sinimulan agad na maghalungkat sa mga gamit doon upang hanapin ang nanawalang hikaw.
Namutla siya at ilang beses na lumunok ng laway. Ngunit nang makabawi'y tumalikod siya agad at ginaya si Leila sa ginagawa.
"B-bakit ko naman ako magnanakaw n-ng gamit dito. K-kahit mahirap lang k-kami, h-hindi ko magagawa 'yon," pagtatanggol niya sa sarili habang palihim na inaalam ang ginagawa ng dalawa.
Nang mapansing walang nakatingin sa kanya, kunwari'y binuksan niya ang closet ng mga bag. Naghalungkat roon at nang masegurong abala ang dalawa sa paghahanap ay mabilis niyang inilabas sa bulsa ng pantalong maong ang nawawalang pares ng hikaw at ibinalik ang mga iyon sa bag kung saan niya kinuha sabay harap sa dalawang sige pa rin sa paghahalungkat ng mga gamit.
"L-lahat na ba n-nahalungkat niyo? B-baka naman andito sa d-damitan at m-mga bag ni S-senyorita L-lovan," aniya sabay turo sa binuksan niyang dalawang closet.
Nagkatinginan ang dalawa at lumapit sa kanya.
"Matignan nga ang loob ng mga iyan, baka naman mailagay lang d'yan kung saan," ani Leila, bahagya nang kumalma ang boses.
Pero si Aida ay namumutla pa rin, panay tulo ang luha sa mga mata kahit na sige sa paghahanap.
Hanggang sa lahat sila ay tila naging tuod sa kinatatayuan nang umalingawngaw ang matinis na boses ni Shavy.
"Narito ka na palang magnanakaw ka! Nasaan ang hikaw ko?!" Parang papatay ito ng tao sa lakas ng hiyaw at tila bulkang pinatubong nagpupuyos sa galit, kitang-kita sa nanlilisik nitong mga mata nang bigla na lang ay nilapitan siya't sinabunutan.
Sumigaw siya sa sakit. Gusto man niyang lumaban at itulak ito palayo, pero hindi pa panahon. Hindi pwedeng pairalin niya ang galit lalo ngayong natuklasan niya ang tungkol
sa hikaw.
"Magnanakaw! Mapapatay kitang magnanakaw ka! Nasaan na ang hikaw ko, hayup ka!" Sige sa paghihisterya sa galit si Shavy. Ayaw tantanan ang kanyang buhok na lalo pa yatang hinigpitan ang pagkakasabunot.
Hindi niya matiis ang sakit kahit pigilan niya ang mga kamay nito. Wala siyang magawa kundi ang sumigaw.
Lalo siyang napatili nang ibalibag siya nito sa nakabukas na closet ng mga bag.
"I found the earrings! Stop it now!" Boses ni Zigfred ang sunod na umalingawngaw sa buong silid kasabay ng biglang paghatak kay Shavy palayo sa kanya.
Umiiyak siyang napakapit sa gilid ng closet upang mabitiwan ng babae.
Noon lang biglang tumahimik ang kapaligiran maliban sa mahina niyang hikbi habang nakayuko ang ulo at yakap ang sarili.
"Oh my god! Where did you find it?" sambulat ni Shavy.
"In one of your bags!" Narinig niyang sagot ni Zigfred. Mahina lang 'yon ngunit bakit sa dinig niya'y nagpipigil ito ng galit? Galit para kanino? Kay Shavy kasi bigla itong nanabunot? O sa kanya?
Paano nito agad nalaman kung nasaan ang nawawalang hikaw?
Sumasal ang tibok ng kanyang dibdib sa pagdududang umukupa sa kanyang isip.
"All of you, get out!" paasik na utos ng lalaki sa lahat.
Napapangiwi man sa sakit ng ulo at sa pasang natamo nang ibalibag siya sa closet, mabilis pa rin siyang tumalima at lumabas sa silid kasama ng dalawa pang katulong na agad umalalay sa kanya at pinaupo siya sa mahabang sofa.
Naghanap si Leila ng first-aid kit, saka pinunasan at nilagyan agad ng ointment ang kanyang pasa.
Si Aida nama'y inayos ang pagkakabuhol ng kanyang buhok at inalam kung meron siyang pasa sa mukha. Nang makitang wala ay saka lang ito nakahinga nang maluwang.
"Ang sama ng ugali niya. Nailagay niya lang pala sa loob ng isa niyang bag iyong hikaw eh gusto nang pumatay ng tao? Aba'y mas mahalaga ba ang hikaw na iyon kesa sa buhay natin?" Garalgal na uli ang boses ni Leila nang magsalita at maglabas ng sama ng loob.
"Shhh! Tumahimik ka, baka marinig ka ni Senyorita," saway naman ni Aida na mugto rin ang mga mata sa pag-iyak. Noon nga lang ito tumigil sa pagluha at mas inalala siya kesa sa sarili nito.
Gusto na tuloy niyang maluha uli. Ramdam niya sa dalawa ang pag-aalala para sa kanya kahit kelan lang sila nagsama-sama sa suite na iyon.