Pagkaalis lang ni Shavy sa suite ay tumakbo na siya papasok sa kwarto ni Zigfred kung ano ang lagay nito.
Nasa ibabaw na ng kama ang lalaki.
"Zigfred!" Taranta siyang sumampa sa kama, ilang beses na niyugyog ang balikat ng lalaki. Marahan din niyang tinapik-tinapik ang magkabilang pisngi nito upang magising lang, ngunit tila patay na buhay itong nakatihayang nakahiga.
Pasalamat na lang siya't kahit papaano'y humihinga ito.
Sa makaisa pa'y niyugyog niyang muli ang mga balikat nito at nang hindi kumilos man lang ay tuluyan na siyang napaiyak.
"Ziggy, huwag mo akong takutin. Gumising ka, please. Mapapatay ko si Shavy kapag may nangyari sa'yong masama. Please gumising ka," out of impulse ay pakiusap niya, nagbabakasakaling marinig siya nito. Baka sakaling masarap lang talaga ang tulog nito dahil sa alak na nainom at kailangan lang yugyugin nang malakas para magising.
Pero, wala pa ring reaksyon mula sa lalaki malibang normal ang paghinga nito.
"Ziggy, maawa ka sa'kin. Huwag mo akong takutin nang ganito. Gumising ka, please..." Yakap ang katawan nito'y impit siyang napahagulhol.
Kasalanan niya ang lahat. Hindi siya nagpakilala agad dito. Kung sana'y alam nitong si Shavy ang kasama nito sa bahay na iyon, hindi sana ito nagtiwala nang lubos sa babaeng iyon.
Tuluyan na siyang nawala sa huwesyo't napalakas na ang iyak sa takot na baka patay na ang lalaki.
"What's the use of staying alive when my tulip doesn't love me anymore..."
Mabilis siyang umiling habang walang tigil sa pagluha.
"No! That's not true. Your tulip is here. I love you. Muli akong nabuhay para sa--" mabilis niyang tanggi sa narinig upang matigilan lang pagkatapos.
Biglang sumasal ang tibok ng kanyang dibdib kasabay ng pananalaytay ng makahalong init at lamig sa buo niyang katawan. Ilang beses siyang nagpakurap-kurap habang kunut-noong binabalikan sa isip ang kaniyang narinig. O talaga bang narinig niya iyon at hindi lang guni-guni?
Nang sa wakas ay matauha'y tila napasong bigla at agad lumayo sa katawan ni Zigfred.
Heto ang lalaki, ang lagkit ng mga matang nakatingin sa basa niyang pisngi at huminto ang mga mata nito sa nakaawang niyang nga labi.
Bigla siyang natuliro, hindi alam kung tatayo at tatakbo palabas ng silid o mananatili roon at muli itong yayakapin sa tuwa na sa wakas ay buhay pala ito.
Bakas sa namumutlang mukha ang magkahalong kaba at pagkagulat, idagdag pa ang pagririgudon ng dibdib na tila ba ngayon lang niya nakita ang lalaki at para siyang teenager na hindi malaman kung paano kikilos sa harapan ng kaniyang crush, sinubukan niyang kampantehin ang sarili at iniiwas ang tingin mula rito.
"S-sorry po S-senyorito. S-sumigaw kasi kayo mula sa labas kaya akala ko kung ano na nangyari." Sinubukan din niyang magtahi ng alibi, baka sakali noon lang ito nagising at hindi alam kung ano'ng mga ginawa niya't sinabi habang tulog ito.
Ngunit walang sagot mula rito, malibang itinaas nito ang isang kamay, halos hindi kumukurap habang iniipit sa likod ng kaniyang tenga ang mga hibla ng buhok na tumabing sa kaniyang mukha.
"Tell me. If I didn't do this, will you confess that you're my tulip?"
Mahinang boses iyon ngunit sapat niya upang marinig niya ang mga salitang lumabas sa bibig nito, pero nakabibingi pa rin iyon sa kaniyang pandinig.
Pasalamat na lang siya at dimlight lang mula sa lampshade sa bedside table ang pinanggagalingan ng liwanag sa loob ng silid, hindi mahahalata ang pamumula ng magkabila niyang pisngi sa pagkapahiya.
Iisa lang ang ibig sabihin nito. Lahat ng sinabi niya at ginawa kanina'y dinig at alam nito. Na nagkunwari lang itong tulog at hinayaan siya sa ginagawa upang mapilitan siyang umaming siya si Lovan, ang totoo nitong asawa.
Ibig sabihin, hindi ito nakainom ng druga tulad ng inaasahan ni Shavy na nangyari? Sa halip, pakana nito ang lahat upang mai-trap siya.
Lalo lang tila nangamatis sa pagkapula ang kaniyang pisngi, puno ng kumpirmasyong gumanti ng titig sa mga mata nito habang ramdam ang mahinang paglapat ng palad nito sa kaniyang likuran at siya nama'y nakatukod ang dalawang mga kamay sa ibabaw ng kama.
"How long have you been pretending not to know me?" curious niyang usisa, sa isip ay naroon na ang kumpirmasyong matagal na nitong alam kung sino talaga siya.
"How long do you plan to keep me in the dark?" He asked back in a soft and yet intimidating way. His hands touched her slightly parted lips, caressed them and gave her that seductive gaze.
Hindi niya napigilan ang pagkawala ng isang mahinang ungol nang maradaman ang marahang pagdampi ng daliri nito sa kaniyang mga labi, pagkuwa'y ipinasok ang isang daliri sa kaniyang bibig dahilan upang mapapikit siya.
Ahh, hindi niya kayang dayain ang sariling damdamin, lalo ang kaniyang katawan. Matagal na niyang gustong yakapin ang asawa, matagal nang gustong damhin ang mainit at nakaliliyo nitong halik na naghahatid ng iba't ibang uri ng sensasyon.
Marahan nitong kinabig ang kaniyang likod palapit habang hindi inaalis ang mga mata sa pagkakatitig sa kaniya.
"My tulip...My every breath. My reason for living..." he whispered.
Matagal na niyang hindi narinig ang matatamis na salitang iyon mula rito. At ngayon, habang inuulit-ulit niyang pakinggan sa isip na tila nagsilbing musika sa pandinig niya'y kusa na lang tumulo ang kaniyang mga luha.
"I'm sorry that I lied. I thought, you'll just be in danger if---"
Hindi na niya natapos ang sasabihin nang walang sabi-sabi nitong inangkin ang kaniyang labi, marahang nilaro-laro, tinantiya kung gaano siya kasabik. At nang tuluyan na siyang magpaubaya sa nararamdaman at kusang dumagan dito'y saka niya naramdaman ang pagpasok ng dila nito sa kaniyang bibig, animo'y mangingisdang gumagalugad na malawak na karagatan.
Kaysarap sa pakiramdam, para siyang idinuduyan sa alapaap habang ang mga paa'y nakaapak sa ulap gawa ng mababangong tulip flowers.
Angkin pa rin ang kaniyang mga labi, bumangon ito at binuhat siya palayo sa kama habang siya'y ipinulupot ang mga kamay sa batok nito at napilitang ilayo ang mukha upang tingnan ko saan siya dadalhin. Pagkuwa'y idinikit niya ang ulo sa dibdib nito, dinig na dinig ang mabilis na pintig ng puso ng asawa, damang-dama ang init ng katawan nito sa masidhing pagnanasa.
Pumasok sila sa mini-library, deretso sa isa pang kwarto kung saan naroon ang lahat ng mga painting nito mula pa noong mga bata sila.
Hanggang sa may buksan itong secret door sa likod ng isang malaking painting sa wall.
At nang buksan nito ang ilaw sa loob ng kwarto ay saka lang siya napatanga.
"Ziggy..." usal niya nang makitang muli ang malawak na kwartong iyon kung saan nakapinta ang sarili niya habang nasa dalampasigan siya.
Kumawala ang isang hagikhik sa kaniyang bibig saka siya nagpababa sa lalaki at lumapit sa dingding, tuwang tuwang pinasadahan ng kamay ang kaniyang mukha.
"Ito ang picture natin noong fourteenth birthday ko. Ito rin ang unang beses na dinala mo si Lenmark sa dalampasigan at sinabi sa kaniyang ako ang future wife mo," natatawa niyang pagbabalik-tanaw sabay lingon sa lalaking kitang-kita kung paano nagsalubong ang mga kilay sa pagtataka, maya-maya'y nanlalaki ang mga matang tumitig sa nakangiti niyang mga mata.
"Lovan... Wala ka nang---?" kumpirma nito, hindi pa rin makapaniwala sa narinig mula sa kaniya.
Isang kaswal na kibit-balikat lang ang kaniyang ginawa at muling pinagmasdan ang kaniyang mukha sa painting.
Walang isang minuto'y maingat itong yumakap sa kaniyang likuran. Bahagya pa siyang napasinghap nang maramdaman ang mga labi ng asawa sa kaniyang leeg, dumampi roon at isa ring dampi ng halik sa kaniyang batok habang ang isang kamay nito'y humimas sa nakaumbok niyang dibdib at ang isa pa'y bahagyang sumampal sa kaniyang pwet dahilan upang ilang beses siyang mapaungol.
"Ohhh, Lovan... I missed you so much..." usal nito, bahagyang hiningahan ang likod ng kaniyang tenga kaya't ang marahang ungol mula sa kaniyang bibig ay tila naging normal na sa kaniya.
Nahuli niya ang kamay nitong humihimas sa kaniyang dibdib habang ang isa niyang kamay ay tila may sariling isip na humaplos sa hita nito hanggang sa mahawakan ang naghuhumindig nitong pagkalalaki na anumang oras ay magwawala na sa galit.
"Ohhhmmmp...Tulip...Yeah...Touch it...Ohhhh..." pagsusumamo nito, naging hudyat upang lalo siyang maliyo sa pagnanasa.