Chapter 3

The more you hate me, the more I love you...

The more you smile at me, the more I fall for you...

The more you cry for me, the more I wanna hold you...

The more you walk away from me, the more I walk close to you...

The more you want to forget me, the more I want to remember you...

The more you will kill with your words, the more I wanna kiss you with my love...

The more you abandoned me, the more I long for you...

The more you push me, the more I pull you...

My love, my love!!!

Whatever you do, remember that I will just still,

keep loving you more and more!

The more you are, the more I am!

And I will never let this go far away from my hand.

- anchor love (Dharu) -

Dumiretso si Hayley sa Tailoring floor kung saan inumpisahan na ang pagtatahi ng kanilang mga designs na gagamitin sa nalalapit na fashion show ng KM. "Tay Mario, kamusta po?" Bati ni Hayley sa head ng lahat ng mananahi sa buong floor. Halos hindi niya na mabilang ang mga taong nandidito dahil halos taon-taon ay padagdag ng padagdag ang bilang nila dahil sa tumataas ang production rate nila. "Buhay pa naman Miss Hayley." Biro ni Mario na nagpangiti sa dalaga. "Basta kahit gaano pa kayo kabusy, ayokong may makikita dito sa oras ng pagkain at pahinga." Bilin ni Hayley. "Areglado, Boss!" Sagot ni Mario na nagpaikot sa mata ni Hayley. "Tay Mario, mapapalo ko na talaga kayo eh." Sabi ni Hayley na nagpatawa sa matanda. "Totoo po ba ang balita na anak na po ni President ang papalit sa kanya?" Tanong ni Mario. "Opo, Tay. Kailangan din kasi ni President na ipahinga ang katawan niya. Madami na din siyang nararamdaman tulad n'yo." Nakangiting sabi ni Hayley. "Ako? Malakas pa yata 'to." Sabi ni Mario sabay taas ng braso para ipakita ang maliit ng umbok dito. "Opo na, malakas pa kayo sa kalabaw." Naiiling na sabi ni Hayley. "Sana ay gasing bait din siya ni President." Sabi ni Mario. "Hindi ko masasagot 'yan, Tay, pero pag-inapi niya ang isa man sa inyo, mata lang niya ang walang latay." Biro ni Hayley. "Kaya mahal na mahal ka ng mga tao ko eh, maganda ka na, mabait ka pa." Sabi ni Mario. "Nambola pa, sige na po, aakyat na ko sa taas." Sabi ni Hayley at tumango si Mario bago bumalik sa pag-iikot sa buong floor.

Umakyat sa fifth floor si Hayley at naabutan niya doon ang mga tao na busy sa pag-aayos ng mga mannequin na paglalagyan ng kanilang mga designs. "Tita Virgie?" Tawag ni Hayley sa head ng Fitting Floor. "Dito." Dahil sa maliit lang ang babae, natabunan siya hindi lang ng mga mannequin kungdi pati ng mga tao niya. Pero kahit hindi ito biniyayaan ng tangkad, lahat ng taong hawak niya ay takot sa kanya. "Small but terrible" sabi nga nila. "Kamusta?" Tanong ni Hayley pagkatapos ay nagbeso-beso ang dalawa. "As usual, hectic na naman ang mga paa ko dahil sa'yo." Sabi ni Virgie. "Ako talaga?" Inosenteng tanong ni Hayley. "Oo, bakit may iba pa ba?" Mataray na balik tanong nito. "Okay, okay, sorry naman." Sabi ni Hayley. "Kailan ba matatapos ang mga damit?" Tanong ni Virgie. "Ang unang batch mamaya tapos Monday ang second batch, tuesday ang last batch." Sagot ni Hayley. "Bakit hindi sunud-sunod ang tapos?" Takang tanong ni Virgie. "Saturday at Sunday, remember?" Sabi ni Hayley. "Alam mo kung meron lang award sa Most Loved Fashion Designer of all Time, ikaw ang nangunguna." Sabi ni Virgie at nagkibit balikat lang si Hayley.

Pagkatapos makipag-usap kay Virgie ay umakyat na siya sa sumunod na floor at pagbukas pa lang ng pinto ay dinig na niya ang music at boses na matinis pa sa boses ni Regine Velasquez, Leandro sa umaga, Lean sa gabi. "Tarah! Ayusin mo ang lakad mo! My goodness gracious, Rob, yung pwet mo!" Sigaw nito. Nang makita siya nila Ashley at Lily ay kumaway ito sa kanya. "Ashley at Lily! Hindi porke't kaibigan n'yo ang baklang ito ay hindi ko na kayo papagalitan, Sige, balik sa umpisa!" Muling sigaw ni Leandro at lahat ng mga modelo ay bumalik sa likod.

"Ang aga-aga ang init ng ulo mo." Sabi ni Hayley pagkatapos ay binigyan ng halik sa pisngi ang bakla. "Nastress ako sa mga modelo mo!" Sabi nito. "Excuse me, modelo mo sila." Sabi ni Hayley. "Eh sino ba nagrecruit sa kanila, aber?" Tanong nito. "Ako pero sino ba nagtraining sa kanila?" Balik tanong ni Hayley. "Kahit kailan talaga hindi ako mananalo sa'yo." Sabi ni Leandro na ikinangiti ni Hayley. "Just relax, breath in, breath out. Madami ka pa naman oras so give them time. And remember my rule." Sabi ni Hayley bago tumayo. "Yeah, the magic word is "ENJOY." sabi ni Leandro. "That's 100% correct." Sabi ni Hayley bago tuluyang lumabas ng pinto.

At ang last destination niya, ang Rooftop. Huminga muna ng malalim si Hayley. Inikot ang paningin sa magandang tanawin sa paligid at pagkatapos ay saka naupo sa pinakapaborito niyang spot sa buong building. May sarili siyang office pero mas gusto niyang magdrawing sa lugar na ito. Binuksan niya ang DVD player kung saan isang instumental music ang madidinig. "Time to work." Sabi ni Hayley sa sarili at kinuha na ang lapis at sketch pad na nakatago sa kahon ng lamesa. Nag-umpisa ng gumalaw ang kanyang mga kamay na akala mo may sariling pag-iisip.