"Teka! Teka! Teka sandali lang! Seryoso ka ba Sister Kate?! Hindi ka ba natatakot?!"
Tanong ni Mel
"Medyo, pero hindi ako makatulog eh! Hangga't hindi ko na so solve ang puzzle na 'to!"
Sagot ni Kate
"Ako din, hindi makatulog! Naguguluhan ako e!"
Sabi ni Eunice.
"Ako naman napapraning sa inyong dalawa!"
Sabat ni Mel
"So, plan nyo bang samahan ako?"
Tanong ulit ni Kate
"Saan?"
"Sa pag solve ng puzzle!"
Nangiti si Eunice.
Napalunok naman si Mel.
'Jusmiyo itong magpinsan na ito, gustong mag playing detective!'
'Ano bang gagawin ko? Mag Yes ba ako o Mag No?'
"Beshy, hindi ka namin pipilitin kung ayaw mo!"
"Hindi naman sa ayaw pero...."
"Kasi ayaw kong mag break ng rules, ayokong bigyan ng sakit ng ulo ang Motherly ko! Pero ayaw ko din naman kayong iwan!"
"Huwag kang magalala hindi ka namin ipapahamak Melabs!"
Sabi ni Kate.
Tiningnan ni Mel na may halong pagdududa si Kate.
"Hahahaha!"
"Your so cute Melabs! Mwah!"
Lalong napraning si Mel ng bigla syang halikan ni Kate. Lalo naman syang tinawanan nito.
"Don't worry Melabs we are not going to do anything na illegal! Promise!"
Sa bandang huli napapayag din sya ng dalawa.
"Okey sige hindi ko naman pwedeng hayaan na lang kayong dalawang na kakalat kalat dyan! Kaya okey, I'm in! Pero kapag me something na deathlyfying thingy na, stop na tayo ha!"
"PROMISE!"
Kinabahan si Mel sa ngiti ng magpinsan. Parehong pareho.
'Jusmiyo tama ba itong pinasok ko?'
"Question, isasama ba natin si Jeremy my friend?"
"HINDI!"
Sabay na sabi ng dalawa.
Tyak na pagbabawalan sila agad ni Jeremy. Sobra yun kung sumunod sa rules kaya alam nilang di sya pwedeng maging detective. Hindi pa sila nagsisimula isusumbong na agad sila.
"Okey I understand! Sorry Jeremy my friend!"
'Etong magpinsan na ito, parehong pareho kung magisip!
"Buti pa let's start! Ate Kate diba nag start ka na ng investigation mo? Ano yung mga nakalap mo?"
"Yes!"
"Well nakuha ko na ang number ni Yna kay Nick at sinubukan namin syang tawagan, pero mukhang lobatt na ang CP nya!"
"So paano yan Sister, umpisa pa lang tayo mukhang dead end na!"
"Ate Kate, is there a possibility na ma trace kung sino ang huli nyang tinawagan or tinext kahit wala yung phone?"
"Pwede siguro kung ihahack natin yung service provider nya pero syempre, hindi natin kaya yun!"
"At illegal yun!"
Reminder ni Mel sa dalawa.
"So saan tayo pwedeng mag start?"
"Sa mga suspects!"
"Ilan ba ang suspects Sister Kate?"
"Bakit ba sister ang tawag mo sa akin, diba pwedeng Kate my love?"
"Ayaw!"
Sumibangot si Kate at nakanguso pa!
"Hahaha!"
Natawa silang dalawa.
"Beshy, tawagin mo na lang si Ate Kate ng Labs!"
"Okey, Labs! Happy?"
"YES!"
At akmang aakapin nito at ikikiss si Mel pero ....
"Ops, ops, ops, ops! Napagbigyan ni kita sa Labs tama na yun!"
"Okey!"
"Hahahaha!"
'Josme, ayan na naman ang creepy nyang tawa!'
"Teka, sino nga ang mga suspects?"
"Si Eunice, si Nick, at yung tatlong teacher!"
"So eliminate na natin si Sissy at si Nick, kaya malamang isa sa tatlong teacher!"
"Tama! Yan dyan din ang iniisip ko, pwedeng isa sa mga teacher!"
Sagot ni Kate.
"Paano natin iimbestigahan ang tatlong teacher? Hindi ako pwedeng sumunod sa kanila dahil grounded pa ako!"
"Ang tagal naman yang grounded mo, baka naman pwede kang magpaalam kay Ninang na lalabas lang kasama naman kami ni Mel?"
"Susubukan ko!"
"Buti pa umpisahan natin sa pagkuha ng information about the three teacher!"
"Paano? Nasa admin ang files ng mga teacher!"
"Nope!"
Sagot ni Eunice
Tiningnan sya ng dalawa.
"Anong ibig mong sabihin sa "NOPE" Sissy?"
"Nakita ko kasi ang files nung tatlong teacher sa table ni Mommy kanina! Mukhang may duda din sya!"
"Then let's go!"
Aya ni Kate
"Saan?"
"Sa principal's office!"
"Jusko! Eto na ang kaba moment!"
Nagpunta sila sa principal's office.
"Secretary Kim, andyan po ba si Mommy?"
"Wala iha, nagpunta sa faculty! Bakit?"
"Pwede po ba kaming pumasok? Hindi pa po tapos ang mga nag eexam kaya hindi pa po ako pwedeng umuwi!"
"Okey sige, pasok kayo!"
Pero nagpaiwan si Mel kay Secretary Kim at yung mag pinsan lang ang pumasok.
Si Mel ang magsisilbing look out nila at mag bibigay signal pag andyan na si Nicole.
Pagpasok ng dalawa, agad nilang hinanap ang files ng tatlong teacher.
Sa mesa, sa mga drawers at sa mga shelves, pero wala pa rin, hindi pa rin nila makita.
"Baka naman naisoli na ni Ninang sa HR, Eunie?"
Ito rin ang nasa isip ni Eunice. Pero inilibot pa rin nya ang mga mata, iniisip kung saan pwedeng ilagay ng Mommy nya ang folder.
Hanggang sa mamataan nya ang bag nito.
"Ate Kate!"
Sabay nguso ni Eunice sa bag ng ina.
Binuksan nila ang bag ni Nicole at naroon nga ang mga files.
"Bakit nasa bag ni Mommy 'to? May plano bang iuwi nya ang mga ito?"
Mukhang may duda na rin di Tita Ninang!"
Nang biglang madinig nila ang boses ni Mel sa labas.
"Principal Cole! Hello po! Good Morning, Good Afternoon at Good Evening na rin po!"