Chapter Four: Contract Sealed

[Third Person's POV]

Pagkatapos ng isang linggo muling nagkita- kita ang mga binata at dalaga sa opisina ng Company President. Bago pa man makapagsalita si Sebastian patungkol sa kontrata ay nagtaas ng kamay si Seth.

"Itatanong ko lang. Bakit wala dito yung isa nilang kasama? si Gee? At saka bakit wala man lang litrato yung folder na ibinigay sa akin na naglalaman ng impormasyon niya. Hindi lang yun, puro basic lang ang nandun. May birthdate nga wala namang birth year. Wala ding birth place, pati pangalan ng mga magulang niya wala din. Kahit man lang sana edad niya ei wala din. Yung current address lang ang meron. Estado sa buhay at tungkol sa yaman niya ang nabasa ko. I even hired a Private Investigator pero wala din siyang nakuha kahit ni isang tungkol sa kanya."

"Well, about that. It's an order from my lady. If you agreed to the contract you will know why . . . so? After a week of thinking, can we have now your decision?"- Seryosong tanong ni Sebastian.

Nagkatinginan ang limang binata saka tumango at tinignan ng seryoso ang mga dalagang mataman ding nakatingin sa kanila. Bigla yatang naumid ang mga dila nila dahil hindi nila magawang ibuka ang mga bibig nila dahil sa nakakaintimidang tingin ng mga dalaga. Ngunit pinilit pa din nilang magsalita dahil naghihintay na sila ng sagot. Lumunok muna sila saka sila sumagot.

"P-pumapayag na kami bilang contract husband."- Sabay-sabay nilang sabi.

Napangiti naman ang mga dalaga sa narinig nilang sagot. Ikinagulat naman ng mga binata ang pagngiti nila kaya bahagya silang natulala. Ito kasi ang unang pagkakataong nginitian sila ng mga dalaga dahil noong una nilang pagkikita ay mga seryoso ang mga mukha ng apat na dalaga at hindi man lang ngumiti. Bigla ding nawala ang nakakaintimida nilang awra.

Iba't iba ang lahi ng mga dalaga kaya may kanya-kanya silang taglay na kagandahang talaga namang nakakaakit.

"Very good choice."- Nakangiting sabi ni Mara saka siya pumitik bilang senyales sa mga butler nila na iaabot ang kanina pa nilang hawak na brown envelope sa mga binata. Inabot naman nila. May pagtataka man ay binuksan nila ito para makita ang laman.

Marriage contract ito at may perma na ang mga dalaga. Perma na lang nila at kasal na sila.

"Wait lang! Pepermahan lang namin ito at kasal na kami sa inyo diba? Wala man lang bang kasalanang magaganap? Like church wedding chu-chu?"- Tanong ni Azrael.

"Chu-chu talaga? Ang bading ah."- Natawa naman ang ibang nakarinig sa sinabi ni Aria.

"Well, busy tayo pare-pareho. May mga business kaming inaasekaso at kayo naman may world tour. So alam naming busy kayo sa practice niyo. Kaya wala nang oras pa para sa preparation ng kasal. Sa ngayon, ipapaalam lang natin sa public na nasa dating-stage palang tayo and soon to be married. Hindi natin pwedeng biglain ang nitezens na kasal na tayo. Public figures kayo, kilala naman kami as a respected bachelorettes at matataas ang estado sa sosyalidad. Pag pinaalam nating kasal na tayo tingin niyo ba hindi nila tayo icricriticized? Masyado pa namang critic ang mga netizen, kung ano ang nakikita, kung ano ang alam yun lang ang paniniwalaan. Hintayin nating matanggap nila tayo as a couple bago natin ipaalam. Kung gusto niyo namang magkaroon ng kasal-kasalan sa simbahan willing naman kaming makipagparticipate PERO after na yun kapag tanggap na nila ang ugnayan natin. Okay ba yun?"- Pagpapaliwanag ni Dunya.

'Napag-isipan na talaga nila ito. Desidido na talaga sila sa gagawin nila.'- Sabi na lang ng company president sa kanyang utak at palihim na napangiti.

"Kung sabagay, may point ka jan."- Sang-ayon ni Liam.

"May tanong pa kami. Paano yung tungkol sa bata? You know? Nasa contract din na bibigyan namin kayo ng anak. Oo nga't babayaran naman ninyo kami pero kasi. . . paano ba to?"- Kabadong bulalas ni Simon. Hindi alam kung anong sasabihin.

"You are not allowed to see the child. After the contract, we're back to being stranger again. You'll get your separation fee, we'll take the child. You're a man anyway, it's easy for you to forget about the child. Just live your life like you used to be."- Walang kaemo-emosyong sabi ni Mara. Para namang nabato ang mga binata sa narinig kaya umapila sila.

"Wait lang naman. Baka naman pwede namin silang makilala? Nasa edad na din naman kami. At isipin palang naming hindi namin makikilala at makikita man lang ang mga magiging anak namin ay nasasaktan na kami."- Simon.

"Fine then. Hindi naman kami ganun kaheartless para ipagkait sa inyo ang karapatan niyo sa bata kaya hahayaan namin kayong mapalapit sa kanila pero hindi niyo pwedeng sabihin sa kanila ang pagiging ama niyo sa kanila. Ayaw niyo naman sigurong malaman ng mga magiging anak niyo na nabuo sila hindi dahil ginusto natin kundi kinailangan sila kaya sila ginawa. Mas lalo naman sigurong ayaw niyong malaman nila na binayaran kayo para mabuo sila, tama?"- Seryosong sabi ni Dunya.

Hindi naman nakapagsalita ang mga binata at napatulala na lang. May point naman kasi. Hindi nga naman nila gugustuhing malaman ng magiging anak nila ang bagay na yun. Magsasalita pa sana sila ngunit naudlot ng magsalita bigla si Seth.

"Teka lang! Bakit ganito ito, Sebastian?"- Nagtatakang tanong ni Seth. Tinignan naman siya ng iba.

"Bakit wala siyang pangalan dito pero may perma na? Pinagloloko niyo ba ako?"- Inis na sabi ni Seth. Bahagyang napangiti naman si Sebastian dahil sa sinabi niya.

"Like what I said before, my lady is a very private person. And as I said a while ago, if you agree to the contract, you will know why. And if you sign the contract I will tell you the challenge and the reason why."

"Tsk."- Nasabi na lamang ni Seth at saka inis na tinignan ang papel saka siya pumirma sa kontrata. Pagkatapos ay ibinalik niya ito sa envelope at iniabot kay Sebastian. Ngiting-ngiti naman niya itong tinanggap at itinago sa dala-dala niyang suit case.

"So? What's the challenge?"- Kunot-noong tanong ni Seth. Mataman naman siyang tinignan ni Sebastian. Tahimik namang nakikinig at nanonood ang iba sa kanila.

"2 weeks from now is the young lady's return from Mexico BUT you can't see her yet."

"ANOOO??? BAKIT??"

"That's the challenge. You have to find her within a month. If you can't you will be punished. And the punishment . . . hmmm. . . I don't know if you will like it or not but I am sure you will enjoyed it together."- Nakangising sabi ni Sebastian na may malalim na pakahulugan. Naguluhan naman si Seth sa sinabi niya pati na din ang iba dahil hindi nila ito maintindihan.

"Huh?? Hindi ko maintindihan."- Naguguluhang tanong ni Seth pero hindi siya sinagot ni Sebastian sa halip ay nagpatuloy lang ito sa sinasabi.

"And if ever you succeed in finding her the reward is very worth it, I assure you that."

"Huh? Hoy!! Wag mo akong balewalain!"- Maktol niya at nagpapadyak ng paa na siyang palihim namang ikinatawa ng iba. Hindi kasi namalayan ni Seth na nailabas niya ang pagiging childish niya sa harap ng ibang tao.

"Relax! . . . You'll be alright, I promise. Now, will you take the challenge?"

"Paano naman yun ei ni wala nga akong clue kung sino siya."- Nakapout niyang sabi na mas lalong ikinatawa ng lahat maging ang mga butler na nakatayo sa gilid ay napapangiti. Ang cute lang kasing magmaktol ni Seth.

"Anong wala? Meron. Nandun sa folder na binigay ko sayo. Basahin mong mabuti yun at makikita mo ang hinahanap mo. Pwede kang humingi ng tulong sa mga kaibigan mo para tulungan kang maghanap sa kanya PERO hindi ka pwedeng humingi ng tulong sa mga kaibigan ni my lady. Syempre kilala nila ang my lady edi effortless na ang paghahanap mo? Di ba? That is considered as cheating. Wag mo ding idadahilan na hindi niya malalaman dahil malalaman at malalaman niya ito. Marami siyang mga tauhan sa paligid. Karamihan ay nakasibilyan kaya hindi mo masasabi kung sino sa mga taong nakakahalubilo mo ang tauhan niya. Simula pa lang noong unang meeting natin dito ay nakamonitor na. Ibig sabihin alam niya. Kahit nga ngayong pag-uusap natin ay alam na alam niya. Nakikita at naririnig niya. So Good luck na lang sayo. "- Nakangiting sabi niya.

"Tsk. Fine. I'll accept the challenge."- Nakasimangot niyang sagot. Mas lalo namang napangiti si Sebastian.

"Well, then. Let's seal the contract."- Anunsyo ni Sebastian saka siya tumayo at lumapit kay Seth.

"Ohh, right. Muntik na naming makalimutan yun."- Sabi ni Aria at saka sinenyasan ang kanyang butler na lumapit sa kanya ganun din sina Mara, Justhine at Dunya. May iniabot naman ang kanilang mga butler sa kanilang maliit na kahon. Inilagay naman ng mga dalaga ang kahon sa harap ng mga kapareha nila saka ito binuksan. Nagulat ang mga binata sa nakita. Wedding ring lang naman kasi ang laman neto. Simple lamang ang pagkakagawa ngunit eleganteng tignan.

"Ipinagawa pa namin yan sa pinakamagaling na jewelry designer. Nag-iisa lang ang mga yan sa mundo. Billion ang halaga niyan kaya wag na wag niyong iwawala. Wag niyo na lang munang isuot sa daliri ninyo. Mapapansin yan ng mga tao. Gawin niyo na lang munang pendant."- Sabi naman ni Justhine saka kinuha ang isang singsing at isinuot ito sa palasingsingan niya.

Kinuha din niya ang kapareha ng singsing saka siya lumapit kay Liam. At isinuot niya sa leeg ni Liam ang singsing na ginawang pendant. Nakatingin lang naman si Liam sa ginagawa ni Justhine. Pagkatapos niyang maisuot ito ay hinarap niya ng seryoso si Liam.

"Now. Let's seal the contract."- Seryosong sabi ni Justhine saka niya hinawakan ang magkabilang pisngi ni Liam at walang pasabing hinalikan ito. Nagulat si Liam at napatulala. Nagulat din sina Simon, Azrael, Kailer at Seth at si ms. President sa ginawa ni Justhine. Samantalang hindi naman na nagulat sina Mara kasi yun ang napag-usapan nilang lima na gagawin kaya naman sinuot na nila ang kani-kanilang singsing at saka lumapit sa mga kapareha dala-dala ang kapareha ng singsing. Biglang nagising mula sa pagkagulat ang mga binata nang maramdamang isinusuot na sa kanila ng mga dalaga ang kanilang singsing at walang pasabing hinalikan sila ng mga ito.

Nagugulat naman si Seth pero nakahinga siya ng malalim ng maalalang wala pala ang "asawa" niya. Walang gagawa sa kanya ng ginawa sa mga kaibigan niya. . . Ngunit akala lang pala niya iyon ng mapansing nakatayo ng seryoso si Sebastian sa harap niya.

"Ba-bakit?"- Kinakabahan niyang tanong. Hindi niya alam pero bigla nalang siyang kinabahan ng matindi. Kinuha ni Sebastian ang singsing at ginawa ding pendant pagkatapos ay isinuot niya ito kay Seth.

"Ka-kaya ko na."- Ani ni Seth pero hindi siya pinakinggan ni Sebastian.

"No. it's an order from my lady. And as her butler I have to follow whatever she want me to do. And this is not excluded."- Walang kaemo-emosyong sabi ni Sebastian bago niya walang pasabing hinalikan ni Seth.

Nagulantang ang lahat sa ginawa ni Sebastian. Laglag panga at halos lumuwa na ang mga mata ng mga nakakita. What the f***?? Sinong hindi mapapamura kung makakakita ka ng dalawang lalaking magkahinang ang mga labi?? Katanggap-tanggap pa ang sa kanila Mara at sa mga kaibigan niya pero siya? What the f*** nalang ang masasabi.

After 5 seconds ay humiwalay na si Sebastian at muling naupo sa upuan niya na parang walang nagyari. Samantalang parang tinakasan naman ng kaluluwa si Seth sa nangyari.