[SETH'S POV]
Maingay, magulo- sobrang gulo, dinig na dinig pa mula dito ang malakas na tugtug na nagmumula sa sound system. Oh? Akala niyo nasa bar ako nuh? Syempre hindi. Ngayong gabi na kasi ang concert namin at dalawang oras na lang ay magsisimula na kaya naman abalang-abala ang mga staff namin. Samantalang kami naman ay heto at may kanya- kanya kaming ginagawa. Nakaupo at naghihintay lang ng oras na magsimula na. Kinakabahan? Oo pero konti lang. Sanay naman na kami sa mga ganito. Kahit magkamali kami ay wala lang ito sa mga fans they will just think that it's just for entertainment.
"Simon! Pupunta ba ngayong gabi ang mga asawa niyo?"- Nagtatakang tanong ni Xyrelle kay Simon na abalang nagtetext sa cellphone niya. Oo nga pala hindi pa nila nakikita ng personal ang mga napangasawa namin tanging sa litrato lang nila nakita.
"Oo. Nandun na daw sila sa may VIP seats. Tinatamad daw silang pumunta dito kaya dun na sila dumiretso. Kakatext lang ni Mara."- Sagot ni Simon-hyung na nakakunot pa ang noo.
"Ipakilala niyo sila sa amin mamaya ah?"- Ngiting-ngiti namang sabi ni Luze-hyung sabay akbay kay Xyrelle-hyung. Sumang-ayon naman ang ibang hindi nakakakila sa kanila.
"Oo na lang."- Liam-hyung na abala din sa phone niya. Siguro katext din nito si Justhine. Bigla namang napunta sa kulitan at asaran ang topic nila kaya kahit gusto kong sumali sa kanila eh nanatili na lang akong nakaupo sa isang tabi at muling binalikan ang isang gabing muli naming pinagsaluhan. Napapangiti na lang ako tuwing maalala ko na naman yun. Baliw na kung baliw ei sa masaya ako ei. Pake niyo ba?
*FLASHBACK*
Naalimpungatan ako ng makaramdam ako ng gutom. Tinignan ko ang orasan sa side table at 8P.M. na pala. Bumangon ako at nagpalit ng damit. Hindi pala ako nakapagpalit kanina. Pagkabihis ko lumabas ako ng suite at pumunta sa kwarto nina Hyung. Makikikain na lang ako haha.
Wala nang katok-katok pa at pabigla ko na lang binuksan ang pintuan at nakita ko silang nakaupo sa sala at nanonood ng horror. Horror pa talaga ang pinanood alam namang may matatakutin dito. Nakapatay pa ang ilaw para damang-dama talaga nila ang pinapanood nila.
At dahil pabalibag nga ang pagkakabukas ko ng pintuan kanina kaya lahat sila. As in, LAHAT talaga sila ay nagsisigaw na sa pag-aakalang may multo na. Napahagalpak na lang ako ng tawa ng may isang sigaw ang nangingibabaw sa lahat. Walang iba kundi ang sigaw ni Timothy. Hahaha XDD matatakutin kasi ang isang yan at kung meron man siyang pinaka ayaw ay yun ay ang mga multo at kung anu-ano pang nakakatakot na bagay. Kaya every time na may halloween special kami laging siya ang tampulan ng tukso syempre nangunguna na ako sa panunukso sa kanya. Hahaha. XDD
"F*** YOU MAKNAE!!. Bakit ka ba nanggugulat?"- Pasinghal na sabi ni Daniel- hyung.
"Relax mga hyung. Pakipulot mga puso niyo, nalaglag yata. Hahaha. XDD"- tumatawang sabi ko habang nagpupunas ng luha sa kakatawa. Sumasakit na din ang tyan ko sa kakatawa. Ang eepic lang kasi ng mga itsura nila ei. Hehehe. Evil maknae strikes. Lols.
"Ano bang ginagawa mo dito?"- Asar na sabi ni Timothy. Mukhang nakabawi na siya. Ang putla ng loko hahaha…
"*boogsh* aray naman hyung!"- Natatawa kong maktol ng bigla akong batukan nina Azrael-hyung at Ian-hyung. Sumunod naman ang iba at pinagbabatukan ako. Kasalanan naman nila ei. Sana pala nagdala ako ng camera para narecord ko. Hahaha…
"Ang sama mo talaga maknae!"- Gigil na sabi ni Timothy at pabiro pa akong sinakal- sakal gamit ang braso.
"Pasensya naman! Alam ko ba kasing nanood kayo ng horror diyan? Tsk. Pakain ako. Kakagising ko lang kaya gutom ako. Tinamad akong magluto ei. Ituloy niyo na lang yan."- Sabi ko at saka tinanggal ang pagkakasal sa akin ni Timothy at saka dumiretso sa kusina nila para maghalungkat ng pagkain. Hinayaan naman nila ako at nagpatuloy na lang sa panonood.
Nanatili pa ako doon ng mga ilang oras bago bumalik sa kwarto ko. Dumiretso ako sa banyo para maligo. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko kapag hindi ako nakaligo bago matulog. Mukhang hindi na nga siya makakapunta dahil anong oras na pero wala pa siya. Lumabas na ako ng banyo at nagpalit ng pajama. Nagulat na lang ako ng pagharap ko para pumunta na sana sa kama ng makitang may nakaupo sa upuan malapit sa may glassdoor ng balkonahe. Nakaitim itong malaking jacket at natatabunan ang mukha niya ng hood nito. Nakaitim na ripped jeans at white snickers. Dahan-dahan niyang inangat ang mukha niya pero hindi ko padin makita ng maayos ng dahil sa hood niya. Tanging ang ilong at labi lang neto ang nakikita ko. Those lips and nose. Pamilyar sila sa akin. Hindi ko lang maalala kung saan ko nakita.
"W-wifey?"- Gusto kong makasigurado kung siya ito. Unti-unti namang gumuhit sa mga labi niya ang isang matamis na ngiti. Kahit hindi siya sumagot alam ko na ang sagot. I was about to run towards her ng pigilan niya ako.
"Before you come close to me. Please, turn off the lights first."- Malumanay niyang utos.
"But why? Can it just stay like that? I badly want to see you already."- Malungkot kong sabi. Kapag siya ang kaharap ko at kausap napapaenglish ako. English speaking eh.
"I'm sorry my hubby but, it's not yet the time. I promise. After I settled everything I will be the one to introduce myself to you. Now, please turn off the lights."
Wala na akong nagawa pa kaya pinatay ko na lang ang ilaw kahit ayaw ko. Pagkapatay ko sa ilaw muli akong humarap sa kanya. May konti akong naaaninag dahil sa konting liwanag na pumapasok mula sa balkonahe pero hindi sapat ang liwanag para tuluyan kong makita ang mukha niya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at dahang-dahang tinanggal ang hood niya pagkatapos ay ang buong jacket na niya. Kita ko ang hubog ng katawan niya pagkatanggal niya ng jacket niya. Tama nga ako nung sabihin kong petitte siya at hindi katangkaran. Kung susumahin mo halos hanggang balikat ko lang siya. She walks towards the bed and sit saka niya isinandal ang likod sa head board.
"Don't just stand there my hubby. Come here."- Sabi niya at saka tinap ang tabi niyang bahagi ng kama na sinasabing mahiga ako dun. Walang tanong- tanong ay mabilis akong lumapit dun at nahiga sa tabi niya at agad siyang niyakap sa bewang sabay hilig sa dibdib niya. I miss her. I miss her being this close to me. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko at ang mahina niyang pagtawa. Ito na naman. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko at pinuputakte ng mga bubuyog ang tiyan ko.
"You missed me that much?"- Natatawang sabi niya kaya nahiya ako bigla.
"I miss you."- Mahinang sabi ko sapat para marinig niya.
"I miss you too."- Sagot niya na mas nagpabilis sa tibok ng puso ko. Gusto kong kiligin pero hindi pwede. Nakakahiya kasi kaya niyakap ko na lang siya ng mas mahigpit para itago ang pagkakilig ko. Takte! Nakakabakla. Napatigil ako ng pumasok sa isip ko ang challenge niya. Ano yun? Consider na bang tapos na ang challenge ko dahil nandito naman na siya?
"Wifey?"- Pagtawag ko. Patuloy lang naman siya sa paghaplos sa buhok ko kaya nakakaantok tuloy. Pero ayoko pang matulog baka paggising ko wala na naman siya.
"Hmmm?"- Sagot niya.
"About your challenge to me?"- Nag-aalangang tanong ko.
"Oh? That? *chuckled* I'm sorry but you failed."- Natatawang sabi niya.
"What?"- Gulat kong tanong at saka babangon na sana pero pinigilan niya ang ulo ko kaya napabalik ako sa pagkakaunan sa dibdib niya.
"Relax my hubby. You failed, yes, but that doesn't mean I won't give you a second chance anymore."- Nakahinga naman ako dahil sa sinabi niya pero nagtaka ako. Binibigyan niya ako ng pangalawang pagkakataon. Napangiti ako bigla.
"I'll give you another chance but this time, no time limit."- Mas lalo akong napangiti sa sinabi niya.
"And about the punishment."- Nawala ang ngiti ko at agad kinabahan.
"W-what about it?"- Kinakabahang tanong ko.
"Look at me."- Matigas niyang sabi kaya kahit kinakabahan at kahit hindi ko makita ang mukha niya lumingon pa din ako sa kanya. Bale parang nakasandal na ako sa kanya at ramdam na ramdam ko ang dib-dib niya sa likod ko. Oh f***! Maghunos dili ka Sehun!.
"Are you nervous?"- Rinig ko ang nakakaloko niyang tono at parang pinipigilan ang pagtawa. Napalunok na lang ako ng dahil dun.
"Don't worry my hubby. It's a sweet punishment anyway."- Pagkatapos niyang sabihin yun ay nagulat na lang ako ng bigla na lang may malambot na dumapi sa labi ko. Dilat na dilat ang mata ko at hindi ko maigalaw ang katawan ko. S-she's kissing me. ON MY LIPS. Nagririgidon na ang kaloob-looban ko. Nakakabakla naman ito! Kainis. Ano na Seth? Hindi ka gagalaw? Mas natuod ako ng maramdamang gumalaw ang labi niya. Marahan at maingat like she's asking me to kissed her back and so I did. Hinawakan ko ang mukha niya at mas pinalalim ang halik. Unti-unti din akong bumangon at hinarap siya habang hindi pa din pinapakawalan ang mga labi niya. Kung ganito lang din naman pala ang magiging punishment ko kapag hindi ko nagagawa ang challenge niya aba! Mas gugustuhin ko na lang na ifailed lahat ng challenge niya. hehehe…
And right then, right here. I realized something. I keep denying it but now I am admitting to myself. That this girl I'm kissing, even though I couldn't see her. I know for sure that I love her already. Hindi ito ang unang pagkakataong nainlove ako pero masisiguro kong sa lahat ng minahal ko siya ang pinakaminahal ko sa lahat. Its weird dahil nagmamahal ako ng taong ni hindi ko man lang makita ang mukha. Wala pang dalawang buwan ng pumirma ako sa kontrata pero heto ako at nahulog na sa kanya.
What did you do to me Gee? The passionate kiss we're sharing turns to a fiery one. I don't think I could stop myself now. I'm drowning fast and it's making me crazy.
"Stop me now before I could do something."- Nahihirapang sabi ko.
"Then let it be."- Nahihirapan ding bulong niya at kinabig ang batok ko at siya na mismo ang humalik sa akin. It's now or never. Hindi ko na talaga kaya pang pigilan ang sarili ko.
*END OF FLASHBACK*
And that night we united as one. It shocked me dahil ako ang nakauna sa kanya. I feel proud of myself dahil dun. At hanggang ngayon nararamdaman ko padin ang bawat haplos at halik niya. Ramdam na ramdam ko din sa mga kamay ko ang malambot niyang balat. I touch my lips dahil parang nararamdaman ko pa din ang labi niya sa akin.
This is your fault Gee. You make me insane. Insanely wanting you all over and over again. And crazyly inlove with you. As usual nadisappoint ako ng paggising ko kinaumagahan ay wala na siya sa tabi ko. At first akala ko panaginip na naman pero kitang-kita ko ang pulang ebidensyang totoo ang lahat ng nangyari sa amin ng gabing yun. Kaya wala sa sariling napangiti na lamang ako habang titig na titig sa pulang markang nasa kama.
"*boogsh* mukha ka na namang tanga jan."- Nawala ako sa malalim kong pag-iisip ng may bumatok sa akin. Pag-angat ko ng ulo ko ay nakita ko silang nakangiting aso sa akin. Oo nga pala hindi ko sinabi sa kanila ang nangyari nung gabing yun. Nagtatanong sila dahil sobra-sobra ang lawak ng ngiti ko mula ng mag-umpisa kami sa rehersal at hanggang matapos kami ay nanatili akong tikom. Bakit ba? It's my precious memory with her kaya bakit ko isheshare sa kanila di ba?
"Wala na kayo dun."- Pairap kong sabi sa kanila.
"Alam mo konti na lang talaga iisipin na naming nababaliw ka na. Nung makalawa pa yang mga ngiti mong yan ei."- Azrael-hyung. Kung sabihin ko kayang oo? Oo, baliw na ako. Baliw na baliw na ako sa wifey ko at siya na lang ang pwedeng magpatino sa akin. :P
"May nangyari talaga nung gabing namasyal tayo ei. Ayaw lang magsabi ng bunso natin."- Kunyaring irap ni Kris-hyung. Pasensya hyung pero hindi ako madadala sa mga yan.
"Naglilihim ka na sa amin ah maknae!"- Xyrelle-hyung at saka ako sinakal ng pabiro. Sakto namang bumukas ang pinto ng dressing room namin kaya napatingin kaming lahat doon. Pumasok dun si Sebastian na may kasamang isang lalaki na kaparehas niya ng suot na suit and tie at isang babae na nakamaid uniform.
"Sebastian? Anong ginagawa mo dito?"- Nagtatakang tanong ko sa kanya at saka tinanggal ang mga braso ni Xyrelle-hyung sa leeg ko. Oo nga pala, may atraso pa ang lokong Sebastian na ito sa akin. Tumayo ako at lumapit sa kanya at walang pag-aatubiling sinuntok ko siya sa sikmura. Nagulat naman silang lahat kasama na ang lalaki at babaeng kasama ni Sebastian. I smirk nang makitang namamaluktot siya sa sakit dahil sa suntok ko.
"A pay back for kissing me, you bastard!"- Malamig na sabi ko. Natawa naman siya ng konti. Hayop na ito nagawa pang tumawa. Tsk.
"I'm just following an order, my lord, I'm sorry."- Hirap niyang sabi habang tumatayo. Tinulungan naman siya ng maid na kasama nila. Natatawa naman ang lalaking kasama nila. Sino ba ang mga ito at anong ginagawa ni Sebastian dito? Nakarinig naman ako ng halakhak galing sa mga hinayupak kong kaibigan.
"Hindi pa pala niya nakalimutan yun? Haha."- Natatawang sabi ni Simon-hyung. Hindi ko na lang sila pinansin at itinuon na lang ang pansin kay Sebastian na himas-himas na ngayon ang tyan niya.
"Anong ginagawa mo dito Sebastian? At sino sila?"- Malamig kong tanong sa kanya. Sumeryoso naman siya kaya natigil sa paghaharotan ang mga kumag kong kaibigan.
"First of all, it's an order again from my lady that's why I'm here. Second, let me introduce to you this young man and young lady here. they are my younger siblings. This is my younger brother Steven; he will be your personal butler as what the lady said. And this lady here, Marga, his twin sister, she will be your personal maid. All around ang trabaho nila sayo. They will attend to your every needs like what retainers do. Don't worry because you can trust them. They are personally chosen by the lady herself. If you want something you can ask them. It's an ORDER from MY LADY so no one can defy her. That would be all."- Mahabang sabi ni Sebastian na siyang ikinalaglag ng panga ko. Hindi ko alam ang sasabihin kaya tumango na lang akong parang tanga.
"Inihatid ko lang sila sayo, my lord, kaya tapos na trabaho ko dito. Aalis na po ako."- Sabi niya at saka yumuko ng konti bilang paggalang at saka lumabas pero bago pa man siya lumabas ay nagtanong ako. Hindi naman siguro impossibleng nandito siya dahil nandito si Sebastian.
"Si Gee ba. . . nandito? Manonood ba siya?"- Kinakabahan ako pero hindi ko ipinahalata. Ngumiti siya sa akin bago nagsalita.
"Yes, my lord, nasa VIP seat na siya kasama ang mga kaibigan niya. Gusto ka niyang mapanood at makita ng personal na nagpeperform sa taas ng stage. Kaya galingan mo. At pinapasabi nga pala niya "good luck" and you will get a reward kapag na impress siya sa performance niyo. And oh, ganun na din sa inyo, mr. Kim, mr. King, mr. Park and mr. Brown."- Huling sabi niya bago tuluyang lumabas.
Natahimik ang buong kwarto dahil sa tensyon. Oo, ramdam ko ang tensyon. Dahil sa huling sinabi ni Sebastian. Bigla akong na pressure at kinabahan. Dinadaga ang dibdib ko. Nandito siya at manonood siya. Mahihirapan yata kaming gumalaw galaw mamaya sa stage. Knowing na nanonood lang mga "asawa" namin. Muling bumukas ang pinto at iniluwa doon ang manager namin.
"Guys!, ready na? mag-uumpisa na. tara na sa backstage."
Mas lalo yata akong kinabahan sa sinabi niya. Oras na. oras na para sa kahihiyan kung sakaling magkamali kami. Kahihiyan, hindi sa harap ng mga fans, kundi sa harap ng mga asawa namin.