'Di ko mawari kong nasaan ako, basta't ang alam ko ay narito ako sa gubat na ang mga dahon ay nalalagas.
Medyo madilim na, kita ko pa rin ang kabuuan nitong gubat . Napansin ko lang na wala ng hayop dito, siguro ang mga ibon ay lumipat sa lugar na hindi apektado ng ng taglagas. At iba naman ay namalagi sa lugar kung saan makakayanan nila ang lamig tulad ng mga kweba o lugar kung saan sila komportable..
May dalawang bata akong nakita, 'di ko alam kung saan ito tutungo.Sinundan sila ng aking katawan, tila may sariling isip ito dahil sumusunod lamang ito sa dalawang bata kahit 'di ko ito kontrolado.
Hanggang sa napunta kami sa isang napakatirik na bangin. Kapag tumingin ka sa malayo ay makita mo ang araw na papalubog na. Sa ibaba ay may mga isla at may nagtataasang rock formation. Saka mayroon ring akong nakikitang ibon na lumilipad, heto na siguro ang sinabi ko kanina na lumipat na sila sa ibang lugar.
Kay gandang tingnan ng tanawin lalo na't nandito kami sa itaas na bangin na ito. Kita talaga ang kabuuan ng mga isla, islang dilim na kulay at kita ang naiiba ng kulay ng dahon at unti-unti itong nalalagas. Habang ang karagatan ay naging kulay pandan at medyo mamula-mula dahil sa reflection sa sinag ng papatakip-silim na araw.
" Halika Minuia, may maganda akong ipakita sayo, na tiyak kong magugustuhan mo? Halika lumapit ka pa sa akin? Mas maganda rito papanoorin ang sunset" may lambing na ani ng babae, sa tingin ko'y ate ito ng batang si Minuia.
"Talaga ate Inura? Maganda ba talaga kung diyan?" Galak na sabi ni Minuia. "Pe-pero baka mahulog tayo diyan a-ate? Panigurado pa-patay tayo agad diyan" dagdag nito.
Tiningnan ni Inura ang kanyang kapatid, ang expression nito'y tila nagsasabing magtiwala ka lang kay ate. Ipapakita ko ang bagay na di mo pa nakikita.
Subalit hindi natinag dito ang bata, siguro may takot ito sa matataas kaya ayaw nitong lumapit sa ate niyang malapit sa bangin.
" Bahala ka Minuia?? Sige ka Hindi mo makikita ang dragon na nagbubuga ng apoy habang may sunset?" Pang-iinggit nito saka humarap ito sa bangin kung saan magtatakip-silim na.
" Eh makikita ko naman dito ate Inura?" Sagot naman nito.
Walang sagot akong narinig mula kay Inura, bagkos ay tahimik lang itong nakatingin sa malayo. Ang kulot na buhok nito ay umaalon-alon dahil nililipad ng hangin.
Di nagtagal ay unti-unting lumapit ang batang Minuia sa ate niya si Inura, nilakasan lang nito ang kanyang loob, iwinaksi sa isipan ang takot.
"a-ang ga-ganda rito ate?" Mangha na sabi nito ng makalapit sa bangin tumingin ito sa malalim.
Lumapit ang aking katawan malapit sa dalawa, 'di ko alam kung napansin nila ako pero sigurado akong hindi.
" wa-wow? Ang daming malalaking isda sa dagat ate? Iba't-iba ang kulay?" Dagdag niyang may pagkamangha sa mukha nito.
" di ba ang ganda rito kung dito Munuia malapit sa bangin? Kung diyan ka lang sa malayo-layo hindi mo makikita ang kabuuan ng view rito? Edi lugi ka" saad ni Inura ng lumingon ito kay Minuia.
"Oo nga ate tama ka,?" Pagsang-ayon na sabi nito "Takot lang kasi ako kanina ate eh" pagrarason nito.
" wow! Dragon ba yun ate? Limang dragon na lumilipad habang bumubuga ng apoy?" Napanganga sa mangha nitong sabi.
" alam mo ba na binubugahan nila ang ibon na lumipat sa ibang isla kung saan ang season doon ay tagsibol para may makakain? Binubugahan nila iyon ng apoy para matusta ang ibon na siyang kinakain nila?" Pagbabahagi nito ng isang kaalaman.
"Kawawa naman pala ang mga ibon? Paano kaya kapag ibon tayo ate? Yan rin ang sasapitin natin?" Simpatya nito sa mga ibon.
"Ganyan talaga ang buhay Minuia, may papatayin at may pumapatay?" Sagot nito kay Minuia saka lumapit ito sa likod ng bata.
Hindi ako makapaniwala sa aking nakita, bigla na lamang tinulak ng Inura si Minuia. Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya para gawin iyon sa kapatid niya. Kaya ba isinama niya si Minuia sa bangin dahil may balak siya rito?.
Gusto kong iligtas si Minuia gamit ang kapangyarihan ko pero 'di ko kontrolado ang aking katawan. Kahit anong gagawin ko ay hindi ko pa rin kaya.
" a-ate? Ba-bakit?" Gulong katanungan ni Minuia, mabuti at nakakabit pa siya sa isang bato roon.
Marahil tulad ko ay 'di rin niya alam kung bakit nagawa iyon ng ate niya.
Tumalikod si Inura na walang ka-emosyon ang mukha.
"A-ate? Tu-tulungan mo aako please! Nangangawit na ang kamay ko! Ate?" Kita ko sa pagmumukha niya ang hirap habang humihingi ng tulong sa kapatid niya.
Hindi parin lumingon si Inura, pero pagkatapos ng tatloong hakbang niya ay huminto ito.
" all this time Minuia ikaw na ang mahalaga kila nanay at tatay, mula noong dumating ka halos wala na silang paki-alam sa akin. Alam mo ba na ikaw ang naging dahilan kung bakit may pilat ako sa pisngi noong nadapa ka dahil ang likot-likot mo. Pinagalitan nila ako dahil hindi raw kita binabantayan, at ang malupit pa ay pinarusahan nila ako kaya naging ganito ang pisngi ko. 'Di ko alam kung mahal nila ako, tulad ng pagmamahal nila dati noong wala ka pa. Pero nagbago iyon Minuia? Tinuring na lamang nila akong isang alipin at para na lamang isang hangin. Pero alam mo ba ang mas masakit sa lahat? Noong nalaman kong hindi ko sila totoong magulang!? Hindi ko kayo totoong pamilya! Dun ko nasagutan ang mga bakit Minuia? At ang sagot doon ay ampon lang ako kaya hindi ako ang mahalaga Minuia? I-ikaw Mi-minuia? I-ikaw la-lang ang mahal nila! Dahil ikaw lang ang anak nila" Narinig ko ang hikbi ni Inura, hikbi na masakit ang kalooban dahil hindi pantay na trato ng magulang. May halo rin iyon ng galit na siyang dahilan para magawa niya ang ganoong bagay.
Nasaktan siya sa nalalaman niya na hindi siya tunay na anak. Hindi ko alam ang buong kwento ng lahat tungkol sa kanila. Pero hindi sapat na dahilan para patayin ang kapatid niya, dahil walang kasalanan ang kapatid niya kung bakit hindi pantay ang trato sa kanila, nasa magulang nila iyon. Kung ako kaya ang nasa kalagayan ni Inura? Magagawa ko kaya sa kapatid ko ang ginawa ni Inura?
"Ampon lang ako! Ampon lang ako kaya ganoon ang trato nila sakin. Inampon lang ako dahil hirap na mabuntis si nanay noon pero 'di nila inasahan na mabuo ka Minuia. At doon na nga! Doon na nga nagbago ang lahat! Ikaw na ang mahalaga! Ikaw na ang tinuring nilang prinsesa!" Puno sa inggit ang pahayag ni Inura, iyon din siguro ang dahilan kung bakit nagawa niyang iyon.
"A-ate Please!" Paki-usap at pagmamaka-awa nito.
Kita ko ang mata niyang nakiki-usap at pagmamakaawa ni Minuia. Rinig ko sa boses ang munting paghikbi nito, at nahihirapan ito marahil nangangawit na ang kanyang kamay. Kung kaya ko lang sana tulungan siya, ginawa ko na pero hindi eh. 'Di ko kontrolado ang katawan kong ito.
"A-ayaw ko pang ma-mamatay ate please tu-tulongan mo ako! Please" pagmamakaawa niya subalit tila naging bingi si Inura, naging manhid ang kanyang puso dahil sa inggit, galit at sakit na kanyang dinaramdam.
Tahimik na lumakad si Inura matapos ibinahagi niya ang kanyang masidhing naramdaman.
" Aaaaa-aatee!"
Doon na nabitawan ni Minuia ang kinabitan niya kanina. Nahulog siya sa tubig at tuluyan ng nawala sa aking paningin dahil umi-ilalim na ito.
Di nagtagal ay nakita kong nagkulay dugo ang tubig, lumutang punit na punit na nitong damit. Isa lang alam ko kung bakit naging ganoon ang tubig sa dagat na binagsakan ni Minuia dahil kinakain ng mabangis na isda ang kaawa-awang katawan ni Minuia.
...
Biglang umiba ang lugar,narito naman ako sa isang hardin. Harden na may iba't ibang uri ng halaman. Sa ng hardin ay may shed, sa gitna naman ng shed ay may mesa kung saan nakalagay ang Chessboard.
Doon nga ay nakaupo ang dalawang matandang lalaki. Kilala ko ang dalawang ito; ang nakaputing kasuotan ay dating hari ng Albaria at ang puro nakaitim na kasuotan ay hari naman ng Tenebris. Ang dalawang hari na ito ay namatay na noong ikatloong digmaan dito sa Magia.
Di ko alam kung bakit naglaro ang dalawang ito na mortal na magkalaban, ang taga Albaria at Tenebris. Pero may nais sigurong ipinapahiwatig ang aking Aligmata, kung ano man iyon ay sana aking masagutan.
Nakita ko sa labi ng dalawa ang ngiti, ngiting hudyat na magsimula na ang laro.
Unang nagpagalaw ng piece ng chess ay ang dating hari ng Albaria, he move first the left white Knight.
Pagkatapos noon ay bigla na lamang nagbago ang kulay Queen Piece na siyang ginamit ng hari ng Tenebris para i-capture ang white pawn, pagkatapos naman nun ay bumalik na ito sa dating kula. Hindi lang pala ang Queen ang nagbago ng kulay pati rin pala ang isang white rook at white bishop, pero hindi tulad ng White Queen ay 'di ito bumalik sa dating kulay.
Alam kong may nais itong ipinahiwatig iyon, maaaring pagtatraydor pero alam kong hindi lang iyon ang nais ipinahihiwatig. May malalim pa iyong kahulugan na dapat kong alamin. Ano nga kaya?