"I'm not like this before. I used to be the damsel in distress type of a girl. Pero simula nung nawala ka, hindi ko na alam kung anong nangyari sakin. Ikaw nga na nangako na proprotektahan ako, sinaktan ako. What more pa kaya yung ibang tao?
***
(Anna's POV)
"Yan po kasi yung mga maiingay na walang sense." Sulsol ni Sammy sa prof namin na kasalukuyang pinapagalitan ang barkada namin dahil naabutan kaming nag-iingay.
Lihim akong napangisi.
Maingay?
Yes, we're too noisy a while ago. Kasalanan naming masyado kaming natuwa kanina sa isa naming kabarkada to the extent na hindi namin namalayan na nasa harap na pala yung prof namin.
Pero yung masabihan kami na 'walang sense'? Wow. Haha. Shet. Nakakahiya naman sa pagiging attention seeker/paepal nya.
Nagkatinginan kami ni Robi. At dahil halos parehas ang wavelengths ng utak namin ng bestfriend ko, parang alam ko na kung ano ang tumatakbo sa utak nya.
God bless you, Sammy.
The atmosphere in the class seems to be awkward. Siguro kasi never pa kaming nasabon ng prof before. Ngayon palang. This is something that is not usual.
Walang nagsasalita sa blockmates namin. Pati yata sila, dumbfounded sa nangyari.
Biruin mo nga naman, yung 'achievers' napagalitan. Sino-sino kami?
Si Xian Jay Apacible, top 1 sa buong accounting department at dean's lister. Medyo moody pero mabait.... sa amin. Picky syang tao. Mapili sa mga kaibigan. Mapili sa taong kakausapin. Mapili sa taong ngingitian. Inshort, choosy ang lolo nyo.
Second, si Robi Anne Romero, another dean's lister and also, president ng klase. She's the girl version of Apacible. Medyo moody, masungit, maldita sa harap ng iba pero mabait samin ng barkada. She's the most respected in the class because of that facade she's been using when facing other people. Motto nya sa buhay ang mga salitang, :"you can't make them all love you but you can make them all fear you.".
Napatingin ako sa gawi nya, only to found out na napapalibutan na sya ng black na aura. Probably dahil sa pangsusulsol ni Sammy sa prof namin. God bless na lang talaga sa'yo,Sam.
Third, is Virgo Ylio Miaan, dean's lister, magaling sumayaw at kumanta--actually, he's good at everything. Pati sa pakikisama. He's the typical nice guy na tipong minsan maitatanong mo sa kanya kung fictional character ba sya na lumabas sa novel books. Ganun kasi sya. Plus the fact na sya lang ang nakilala kong lalaki na hindi marunong magalit--except for someone I knew before.
Fourth, Angel Lyrika Bernardo, THE math wizard. Representative lagi ng university sa mga quiz bee. Don't get her wrong, sadyang bestfriend nya lang talaga ang numbers kesa sa letters. Kung si Robi ang girl version ni Apacible, si Angel naman ang girl version ni Virgo. Approachable at mabait.
Fifth, Airene July Almante, P.R.O ng Student Government ng university. Sya yung may talent sa amin maki-blend in sa ibang barkada. Pang-person's relation talaga sya.
Sixth, ako, Anna Sabriela Ruiz, editor ng literary section ng university publication. Mabait 'daw', maganda 'daw' at matalino 'daw'. Ibang tao ang nagsabi ng mga yan. Kadalasan, ang ibang tao naman talaga ang nagdidikta sa kung sino ka at madalas pinapaniwalaan mo 'yon. Pero sa kaso ko... hindi eh, hindi ako naniniwala sa sinasabi nila.
Kung maganda, mabait at matalino talaga ako, hindi pa rin ba 'yon sapat para manatili sya sa kin?
Aside from being a writer in the university publication, I'm also a writer in webnovel na iilan lang naman ang nakakaalam.
Hindi ako sikat sa webnovel--which is a good thing. Gusto ko lang magsulat. Gusto ko lang magkwento. Yes, nakakatuwa pag alam kong may nagbabasa sa mga gawa ko. Pero hindi ko naman hiniling na sumikat.
It's a bit ironic. I'm a writer. I usually write about someone's happy ending, but why can't I just simply get mine?
Geez. Hindi ko din naman hiniling na sumikat sa school pero bakit ganito?
I was pulled out of my musings when Airene poked me.
"Tawag ka ni ma'am." Pasimple syang bumulong. Napatingin ako sa harap, only to found out na nakatingin nga sa akin ang prof namin. But wait, there's more. Nakatingin din sakin lahat ng kaklase namin! Geez!
"What's your name again, miss....?"
"Sabriela po." Sagot ko. Sab or Sabriela naman talaga ang tawag sakin ng halos lahat ng ibang tao, mga kaibigan ko lang at kamag-anak ang tumatawag sakin ng Anna. At iisang tao lang naman ang tumatawag sa'kin ng Ella.
"Okay. Miss Sabriela, kindly--" napahinto sya sa pagsasalita ng may marinig kaming kumatok sa may pintuan.
"Teng, teng, teng, teng! Saved by the bell!" Pakikiepal ni Sammy na sinabayan pa nya ng nakakainis na tawa na para bang may nakakatuwa sa sinabi nya. Bwisit.
Kami pa talaga sinabihan nya kanina na 'walang sense'? Nakakahiya naman sa interruptions nya sa klase na nag-uumapaw, nagliliglig, nanlilimahid at nanggigitata sa sense!
Napabuga ako ng hangin nang makita kong nagsimulang maglakad ang prof namin papuntang pintuan. Binuksan nito ang pintuan upang makita kung sino ang kumatok. Nagsimula silang mag-usap ng kung sino mang kumatok sa pintuan with a low volume kaya hindi namin marinig.
After few minutes, humarap sya sa klase para lang sabihing, "class dismiss,"
Pinapatawag pala sya sa faculty kaya i-dinismiss na kami despite the fact na one hour pa bago dapat talaga matapos ang subject nya.
*****
We're currently heading to the school cafeteria, when someone draped his arms around Robi's shoulder.
Cyrus.
"Sabay kaming mag-lunch sa inyo..." he pointed out someone at his back using his thumb--Kerwin.
Irritation was written all over Robi's face. She looked pissed as she removed Cy's arm in her shoulders. "May choice pa ba ako?"
After that, we all resume walking towards the school caf.
Meet Cyrus Kent Fernandez, campus hearthrob 'daw'. Kilabot ng engineering department. (Para yatang mas nakakakilabot yung fact na 'kilabot' yung title nya sa department nila, creepy, in a sense na hindi ko alam kung saan ba nakuha ng iba yung bansag na yun sa kanya! Jusmiyo!) Kung si Apacible ay isang picky na tao, doblehin mo ang pagkapicky at si Cyrus na! He's like a menopause baby sa harap ng iba! (sobra!)
Syempre kung nasaan si Cyrus, hindi pwedeng mawala si Kerwin.
Meet Kerwin Iñigo Lastimosa. Ang lalaking pokerface. Minsan nga naku-curious ako kung hindi nai-stroke yung pagmumukha nya kasi wala naman yatang nagpafunction na facial muscle sa kanya! He's also a man of few words. Susme. Sya lang ang taong nakilala kong one liner magsalita, as in! Isang tanong, isang sagot.
Pagdating namin sa school caf ay nagtinginan sa amin ang ibang kumakain na dahilan ng pagtaas ng kilay ni Robi. Dahil lunch hour ay talagang punuan.
Thank you nalang dahil kasama namin ang mga campus hearthrob 'daw' at may nagvolunteer na umalis at nagbigay sa amin ng mauupuan.
Mga ate, kahit ipaubaya nyo pa ang buong cafeteria sa amin, hinding hindi kayo mapapansin ng mga kasama ko! Lol!
Sa totoo lang hindi naman namin talaga kabarkada sina Cyrus at Kerwin. But since boy best friends sila ni Robi, nakakahangout namin sila madalas.
"Si Crimson, Anna?" Tanong ni Virgo habang nakapila kami sa counter. "Diba sasabay din dapat sa'tin maglunch yung pinsan mo?"
Nagkibit balikat nalang ako. Hindi ko din alam ang isasagot ko. Malay ko ba dun sa pinsan kong mukhang jelly ace kung saang lupalop na naman nagsuot ngayon.
We're all having our lunch, not minding all the stares we're receiving when someone occupied the vacant seat beside me. I looked at my side. Only to find out that it was Crimson.
Lahat kami ay literal na napatigil sa pagkain at natuon ang paningin sa kanya na hinihingal at pawis na pawis.
Biglang nyang kinuha ang bote ng C2 ko at nagsimulang lagukin ang laman nito.
"Ano bang nangyari at parang pagod na pagod ka?" Tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo ko. Pagkababa nya ng bote ay agad ko itong kinuha sa kanya. Nang tiningnan ko ay ubos na ang laman nito.
Napasimangot ako.
Habol pa din nya ang kanyang hininga bago sumagot sa tanong ko. "May binili kasi ako sa labas ng univ, 2 blocks away." Nagpout sya bigla at pinagdikit ang kanyang dalawang hintuturo habang bahagyang napayuko. "Hindi ko naman inexpect na hahabulin ako ng mga aso."
"Gosh! Ang cute talaga ni Crimson!"
I rolled my eyes as I heard someone whispering those words, followed by some gigglings.
"Ano ba kasing binili mo at parang napaka importante?" Usisa ni Apacible.
"A-ahhh..." namutla si Crimson sa tanong ni Apa. "Ano..." hindi maituloy ni Crimson ang sasabihin nya dahil parang ayaw naman nya talagang sabihin sa amin kung ano man 'yon.
"Ano nga?" Pangungulit pa ni Cyrus.
"Jelly ace." Mas lalong napayuko si Crimson pagkasabing pagkasabi nya 'non.
Napafacepalm na lang ako pagkarinig ng sagot nya. Pati ang iba sa amin ay ganun din ang ginawa.
"Nagpakahirap kang maglakad ng katanghaliang tapat para lang sa Jelly ace?" Iiling-iling na sabi ni Virgo.
"Are you for real?" Pati si Kerwin ay naiiling din.
Mas lalong napayuko ang pinsan ko at pinaglaruan ang mga daliri nya.
"Nabalitaan ko kasing may bagong flavor ng jelly ace ngayon dun sa convenience store." Nakapout ulit nyang sabi.
"Anong flavor na naman yan? Last time na may pinatikim ka samin na jelly ace na sabi mo masarap, ilang baso ng tubig ang nainom ko para lang mawala yung masarap na lasa sa dila ko." Nakakunot ang noo na sabi ni Cyrus.
"Yeah. Ako din." Bahagyang napatawa si Virgo. "Akala kasi natin nagjojoke lang sya nung sinabi nyang chili flavor yun."
Yes. Sa maniwala man kayo o sa hindi, may Chili flavor na jelly ace.
"Don't worry, hindi na 'to chili flavor." Napangiti si Crimson habang may kinuhang kung ano sa bag nya. Isang pack pala ng jelly ace. "Lambanog flavor 'to, guys." Nakangiti syang ipinapakita samin ang pack ng Jelly ace.
Wirdong napatingin kaming lahat sa kanya.
"Seriously? Lambanog?" Parang si Angel na ang nagtanong ng gusto naming itanong.
"Dude, alam mo ba kung ano ang lambanog? At talagang lambanog flavor pa yung binili mo?" Naguguluhang tanong ni Cyrus.
"Hindi eh... ano ba yung lambanog? Kaya ko nga binili para matikman eh. Hehehe."
Napafacepalm na naman kami, ulit.
"Lambanog. A native alcoholic drink." Ala kuya Kim na trivia ni Kerwin.
"Ah... alak lang pala--" natigilan si Crimson sandali. "ALAK YUNG LAMBANOG! BUMILI AKO NG JELLY ACE NA ALAK FLAVOR!"
Naku kung hindi ko lang ito pinsan, matagal ko nang natadyakan.
Meet Crimson Johann Ruiz, childish, makulit, bubbly, friendly at medyo may pagkainosente. He's also one of the famous faces here in the university dahil dance guild member sya. At... pinsan ko sya.
Hindi ko ba alam kung anong meron sa pagiging isip bata ng isang 'to at maraming attracted sa ugok na 'to.
Napailing na lang ako.
Napagawi ang tingin ko sa entrance ng cafeteria. Nakita kong akmang papasok ang barkada nila Sammy pero ng magtama ang aming paningin at saglit syang napatigil. May isinenyas syang kung ano sa barkada nya at nagsimula na silang maglakad paalis.
Naalala ko bigla ang panunulsol nya sa prof kanina.
Napangisi ako.
They're nothing but a bunch of attention seekers, famewores and leeches. Nung una, hindi ko maintindihan kung anong ugali ang meron sila. Mabait sila, sobra, kapag nakaharap ka. Pero pag nagkaroon sila ng pagkakataon na hiyain kami in a way na kunwari nagjojoke lang sila, ginagawa nila. Gusto nilang hilahin kami pababa pero hindi naman nila magawa.
Akala ko nung una masayahin lang talaga sila. Maingay lang talaga sila sa mga discussion. Pero hindi eh. Iba sila. Masaya sila na sila ang nasa itaas. Na nasa kanila ang attention. Na napapansin sila. Kaya alam kong may lihim na galit sa amin ang mga yan dahil kahit anong gawin nila, nasa amin ang bagay na gusto nila.
Attention.
Isang bagay na nasa amin kahit na hindi naman namin hinihingi, kahit na ayaw namin, at kahit na sa totoo lang hindi naman talaga namin ginusto.