Reality

"Have you remember the time na tinanong kita kung fictional character kaba kasi para sakin too good to be true ka? Laging tawa ang sagot mo sa akin no'n. Ngayon, alam ko na ang sagot sa tanong ko. Totoo ka. Totoong tao ka. Totoong sakit din kasi ang iniwan mo nung nawala ka."

***

(Anna's POV)

Just like any other day for us. Nakasakay kami ngayon sa jeep ni Robi at pauwi na galing sa university. Sa iisang subdivision lang naman kasi kami nakatira kaya madalas sabay kami pumapasok at umuuwi.

"Oh..." sabi nya sakin sabay sauli ng cellphone ko. Pinabasa ko kasi sa kanya yung one shot story na kakasulat ko lang.

"Okay lang ba yung story? Pangit ba?" Tanong ko sa kanya. Madalas kasi, sya yung pinagtatanungan ko kapag gusto kong malaman ang totoo sa isang bagay. Dahil kapag ibang tao ang pinagtatanungan ko, yung sagot na gusto ko ang sinasabi nila sakin at hindi yung totoo.

"Okay naman. Kaso.. panira ka talaga sa feels! Wala na namang happy ending! Mana sayo yung babaeng character, masyadong bitter! Tapos nagpunta pa sa kumbento yung babae sa ending dahil lang sa hindi sila nagkatuluyan nung lalake!--" napahinto sya sa pagsasalita ng biglang parang umaldag ang jeep ng mapadaan kami sa humps. "Tapos mga pangalan pa ng mga balahura nating kaklase ang ginamit mo, tinamad kang mag-isip ng pangalan no?"

"Hmmm.... medyo?" Pag-amin ko habang bahagyang napakamot ako sa batok ko na ikinatawa namin. Totoo naman kasi lahat ng sinabi nya.

Nakalimutan naming nasa loob pa nga pala ng jeep, napatigil kami sa pagtawa ng mapansin naming nakatingin sa amin lahat ng pasahero sa loob nito. Salamat na lang at malapit na kami sa subdivision. Pumara na kami at bumaba ng jeep kahit ang totoo nyan sa isang kanto pa ang subdivision. Geez. Nakakahiya!

"Ang epic no'n! Hahahaha!" Sabi ni Robi habang magkasabay kaming naglalakad pauwi pagkatapos naming bumaba ng jeep.

Pati ako ay napatawa. "Besh, Wag kang maingay, wala ka namang sense." Mas lalo kaming napatawa sa panggagaya ko sa pagsasalita ni Sammy.

"Oo na, shattap na nga ako, besh." Tumatawa pa ding sabi nya.

It's been a week since that incident. Pero hindi pa rin kami makamove on sa pagtawag sa amin ng walang mga sense. Syempre, joke lang 'yun. Nakamove on na kami don. Natatawa na nga lang kami kapag naaalala namin 'yun.

Actually, hindi naman talaga nakakatawa yung panunulsol ni Sammy sa prof namin dahil nakakainit ng ulo! Pero ang nakakatawa ay yung... yung ginawa ni Cyrus para maiganti kami.

Hindi ko alam doon sa boy best friend nitong si Robi kung bakit alam na nasabon kami eh magkaibang course naman kami. Engineering sina Cyrus at Kerwin at Accountancy naman kaming anim. Plus si Crimson na Accountancy din, hindi lang talaga namin sya kablock. Ewan ko ba dun sa isang 'yun. Nalate ng enroll dahil nung panahong nag eenroll na kaming anim ay may LBM sya. Hindi daw nya napansin na panis na yung jelly ace na nilalantakan nya.

There's this one time na may dumaan sa gilid namin na kung sino, (hindi ko naman tinitingnan talaga ang mga dumadaan dahil busy ako sa pagkain ko) ay bigla na lang nagsalita si Cy.

"Yun ba yung paepal sa management class nyo na akala mo kung sino para magmaganda? Tss." Malakas na sabi nya habang itinuturo ang taong kakadaan lang sa gilid namin. Kunot noo kong sinundan ng tingin ang itinuturo nya. Ganon din ang ginawa ni Robi.

Napahinto ang kung sino man iyon sa paglalakad at humarap sa gawi namin.

Si Sammy.

Naglakad sya patungo samin.

"Ako ba ang sinasabihan mo?" Kitang kita ang iritasyon sa mga mata nya.

"Depende." Ngumisi si Cy. "Bakit? Tinatamaan ka ba?" Dagdag pa nito.

"Aba't--" magsasalita pa sana si Sammy pero pinutol na sya sa pagsasalita ni Cy.

"Please, miss umalis kana. Tingnan mo madami ng nakatingin sa atin ngayon. Wag ka ng mag-eskandalo pa. Ang ayoko pa naman sa lahat ay yung mga maiingay na walang sense." Parang nang-iinis lang na sabi ni Cyrus. Walang ibang nagawa si Sammy kundi ang padabog na umalis.

Simula noon ay medyo na-lessen na kahit papaano yung mga nonsensical interruptions nya sa klase.

Thanks to Cy.

I was back to my senses when Robi started a conversation.

"Bitter ka pa din talaga ngayon 'no? Halata naman sa mga storya na sinusulat mo. Hindi... hindi mo pa rin ba talaga sya nakakalimutan?"

Napangiti nalang ako sa tanong nya. Hindi ko na sya sinagot dahil alam kong alam naman nya kung ano ang sagot.

***

Nakatambay ako sa may terrace ng second floor habang naglalaptop. Nakikipagtitigan lang ako sa screen dahil kahit hanggang ngayon, wala pa akong ni draft man lang ng pangalawang short story na pwede kong ipasa sa publication ng university. Sa makawala na ang deadline at isa palang ang nagagawa kong short story! One down, and one more to go! Geez.

Mukhang wala ng papasok sa utak ko ngayon kaya naman pinatay ko ang laptop at binitbit ko ito papunta sa kwarto ko.

I was planning to take a nap. Baka naman magfunction na ng maayos ang utak ko pagkagising. But the moment I closed my eyes... nakita kita.

How we first met. Paano nga ba tayo nagkita?

Ah... oo nga pala, napagkamalan mo 'ko 'non dahil may hinahanap ka at napagkamalan ko din na ako ang hinahanap mo. Ang gulo diba?

Nakaupo lang ako sa swing sa likod ng bahay ng tita ko nang biglang may dalawang kamay na pumatong sa magkabilang balikat ko. Bigla akong nanigas mula sa kinauupuan ko.

"Nia, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap sa kung saan saan, dito ka lang pala nag-suot." Napatingin ako sa nagsalita at doon, doon kita unang nakita.

Bigla mong tinanggal ang pagkakahawak mo sa balikat ko pagkakita mo sakin. Naisip ko ng mga panahon na 'yon--na siguro ganun lang talaga ka-ayaw sa akin ng mga tao. Na siguro nandiri ka sa akin kaya naman bigla mong tinanggal yung mga kamay mo sa balikat ko.

"S-sorry... p-pero h-h-hindi ako si Nia, Anna ang p-pangalan ko." Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para magsalita. Ngumiti ka. Isang ngiti na sigurado akong madami ng nabihag.

"Ah.. sorry akala ko kasi ikaw yung kapatid ko." Pagkasabi mo no'n ay akala ko aalis kana, pero hindi. Umupo ka pa sa isang swing sa tabi ko na ipinagtaka ko.

Napatingin ako sa'yo at parang mas lalo akong nanigas mula sa kinauupuan ko ng makita kitang nakatingin sa akin. Nang magtama ang ating mga mata ay ngumiti ka.

"Dito ka ba nakatira? Bakit hindi pa kita nakikita before?" Tanong mo. "Ako nga pala yung bagong kapitbahay nyo. I'm Cedrick Kenneth Sanchez." Pakilala mo pa.

Pakiramdam ko nalunok ko ang dila ko habang nakatingin ka sa akin at nakangiti ka pa. Hindi ako makapagsalita. Siguro kasi parang hindi ka totoo. Na para bang isa lang ito sa mga panaginip ko.

Hindi ako makapagsalita--hindi yon dahil sa gwapo ka, dahil 'yon sa... ikaw pa lang ata ang nakilala kong lalake na hindi ako pinagtawanan dahil sa kondisyon ko no'n. Nirespeto mo ko. Kinausap mo ko na para akong isang normal na tao. Kinausap mo ko bilang isang tao. At doon pa lang gusto ko nang umiyak sa tuwa.

"P-pamangkin l-lang ako ng n-n-nakatira dito. H-h-hindi ka p-pa ba a-aalis?"

You chuckled softly.

"Pinapaalis mo na ba ako?"

"D-diba hina... h-hinahanap mo p-pa yung ka... kapa... tid m-mo?"

"Yep. But would you mind if I stay here for a while?"

"H-hindi k-ka ba... hindi ka ba nandidiri sa akin?" Thank you Lord at kahit papaano naging straight yung pagsasalita ko kahit dun man lang.

Nakita ko kung paanong ang ngiti sa mukha mo ay unti unting napalitan ng kunot sa iyong noo.

"Bakit naman ako mandidiri sa'yo?"

"K-kasi... kasi ga--ganito a-ako?"

"Bakit? What do you mean by saying na ganyan ka?"

"S-s-sinto-sinto, a--abnormal..."

"Sino nagsabi ng mga yan sa'yo?"

Nagulat ako sa naging reaksyon mo no'n.

"Sino?"

"Yung mga... la--lalaki sa s--school namin..." napayuko ako.

"Nasaan yung parents mo? Alam ba nila na binubully ka sa school nyo?" Kahit alam kong dala lang ng awa yung pagsasalita at pagkausap mo sa akin noon, natutuwa pa din kita. Sinagot ko pa din ang tanong mo kahit ang totoo nyan, sa bawat segundo na kasama kita ng mga sandaling 'yon parang mas lalong nanliliit ako sa pagkatao ko.

Umiling ako.

"K-kapag na--nalaman nila, b-b-baka pahin--pahintuin nila a-ako sa pag-aaral."

Tumango ka. "Nakapag-undergo kana ba dati sa therapy? May therapy ka ba?"

Iling ulit ang naging sagot ko sa tanong mo. "Hi--hindi naman ako ga--gagaling k-kahit m-magpatherapy pa ko. G-gagastos lang sila."

"Baka naman--" magsasalita ka pa sana pero biglang tumunog ang cellphone mo. Sinagot mo ang tawag.

"What happened?--What? Anong nangyari sa kapatid ko?--Saan?--Sige." Yun lang ang narinig kong sabi mo, pagkatapos ay ibinaba mo na ang tawag at para kang natatarantang umalis na ni hindi mo man lamang nakuhang magpaalam sa akin. Sabagay, sino ba ako para pag-paalaman mo?

Akala ko yun na ang una at huling pagkikita natin. Pero mali pala ako...

Napadilat ako at napatulala habang nakatingin sa kisame.

Paano kaya kung... kung hindi ako gumaling sa sakit ko dati?

Napangiti ako ng mapait habang nagsimulang magbagsakan ang mga luha ko.

Napagawi ang tingin ko sa rosary na nakasabit sa kwarto ko.

"Pwede po bang ibalik nyo sya sa akin, kahit ibalik nyo po yung dati kong sakit okay lang. Basta po... ibalik nyo sya sa akin." Nagsimulang manlabo ang mga mata ko.

Nung masaya ako, tinatanong ko kung totoo ba yung mga nangyayari. Ngayong malungkot ako--ngayon ko lang nalaman yung sagot sa tanong ko.

Totoo ito.

Dahil totoong nagmarka yung sakit nung iniwan mo ko.

Pain makes everything so real.