"You smiled. And I just died..."
***
(Anna's POV)
"May nagpakamatay daw na engineering student sa Natividad Hall."
"Sayang. 5th year na yun diba?"
"Oo nga eh. Kaya nga nagpakamatay kasi ayun nga, 5th year na tapos bumagsak pa."
"Tapos... nakipagbreak pa yung girlfriend sa kanya. Kawawa naman."
Rinig ko ang usapan sa kabilang table. Kasalukuyan akong nasa Café sa labas ng university para mag relax. Pero imbis na ma-relax sa ambiance, mas naiistress ako.
Ano namang paki nila dun sa nagpagkamatay? Kaano-ano ba nila yun para pag-usapan ng ganyan?
At mas lalong anong pake ko sa kanila? Mas nakakastress makarinig ng mga istoryang hindi ka naman talaga ang dapat mamroblema. Kaya naman ipinasak ko ang earphones ko sa tenga ko. I started browsing my playlist.
I maximize the volume. Ganito ako kapag gusto ko na wala akong pakialam sa paligid ko. Ako lang mag-isa ang nandito ngayon dahil sa iba't ibang dahilan.
1.) Sila Apa, Robi at Virgo ay pinatawag ng dean.
2.) Nasa quiz bowl competition si Angel.
3.) May meeting ang Student Government kaya wala din si Ai.
4.) Hindi ko alam kung saan na naman nagsuot ang pinsan ko.
5.) Alangan namang abalahin ko pa ang dalawang itlog (Cy at Kerwin) para lang magkape.
Busy halos lahat ng tao sa paligid ko. Parang ako lang ang hindi. Pero sa totoo lang, busy din dapat talaga ako ngayon. Thanks God na lang talaga at natapos ko na ang mga kailangan kong gawin at nakapagpasa nako ng short stories para sa latest edition ng literary folio ng university publication kaya medyo maluwag ang sched ko ngayon.
I was enjoying the music while tapping my fingers at the table when one of waiters come near me. Binaba nya ang tray at naglapag ng choco frappe at blueberry cheesecake sa table ko na kinakunot ng noo ko.
"Miss, hindi ako umorder ng mga ito?"
The girl just give me a small smile.
"Hindi nga po, pinapabigay po yan ni boss. Enjoy eating daw po."
Napatulala ako sa sinabi nya na hindi ko man lamang na namayalan na umalis na pala sya sa harapan ko.
Boss? So... bumalik na si Jigs? Bumalik na sya pero ikaw... babalik ka pa ba?
I bitterly smiled as I shifted my gaze at the window. Umuulan na pala sa labas.
Naalala kita bigla.
Umuulan noon... at umiiyak ka sa hindi ko alam na dahilan.
Yun yung pangalawa nating pagkikita...
Kakagaling ko pa lang sa bahay ng tita ko at pauwi na sana ako sa bahay namin nang makita kita. Nakaupo ka sa isa sa mga swing sa park at nakayuko. Akala ko nga guni-guni ko lang 'yon. Kasi... nakita kong nanginginig ang balikat mo. At nung mga panahong 'yon.. alam kong umiiyak ka. Alam kong umiiyak ka kahit basang-basa ka na ng ulan.
Nung una, nagdalawang isip pa ako kung lalapitan ba kita. Baka kasi hindi mo na ako natatandaan pa. Pero naisip kong baka magkasakit kana dahil sa ulan.
Nang mga sandaling 'yon... kulang nalang ng background music. Para ka kasing lalaking bida sa MV ng isang sikat na kanta na iniwan ng girlfriend nya.
Kahit hindi ako kasing ganda ng mga babaeng nagiging second best option ng mga bidang lalaki dun sa mga MV na napapanood ko ay nilapitan kita... at pinayungan.
Napansin mo yatang wala nang tumutulong ulan sa'yo kaya naman napaangat ang tingin mo. Nung nagtama ang ating mga mata ay bigla mo na lang akong niyakap. Nabitawan ko ang payong ko, dahilan para parehas na tayong mabasa ng ulan.
"B--bakit?" Naguguluhang tanong ko sa'yo. Sa dami ng gusto kong itanong ay yun lamang ang lumabas sa bibig ko. Humigpit ang hawak mo sa akin at ramdam na ramdam ko ang panginginig ng iyong mga balikat.
Kahit hindi ko alam ang nangyari sayo ay niyakap kitang pabalik. Mahina kong tinapik-tapik ang likod mo.
"Wala na sya...." Yun lamang ang sinabi mo. Hindi ko maintindihan yung sinabi mo pero nagkunwari ako na para bang alam ko kung ano ang sinasabi mo kaya naman pinagpatuloy ko ang mahinang pagtapik sa likod mo.
Hindi ko alam kung ilang minuto tayo sa ganoong posisyon pero isa lang nasisiguro ko, basang-basa na tayo sa ulan.
Pagkaraan ng ilang minuto ay tinanggal mo ang pagkakayakap sa akin. Hinawakan mo ko sa magkabilang balikat at tiningnan sa aking mga mata.
"Sorry... Hanna..." mugto ang mga mata mo habang sinasabi mo 'yun sa'kin. Hindi ko maintindihan kung bakit ka nag-sosorry sa akin at kung bakit Hanna ang tawag mo sa akin pero hinayaan nalang kita.
Simula noon ay naging mas madalas na kitang nakita. Sa park mismo na yun o di kaya ay magugulat na lang ako na nasa bahay ka ni tita, minsan.
Simula noon ay nagsimula kang gumawa ng oras para sa akin. Mabait ka nung una kitang nakita pero parang mas naging mabait ka sa akin sa hindi ko malaman na kadahilanan. Medyo nakakailang nga lang nung una dahil hindi ako sanay na may taong ganun ang trato sa akin.
Minsan nagtataka ako kung bakit 'Hanna' ang tawag mo sa akin. Pero hindi nako nagtanong pa. Baka kasi mali lang ang dinig ko. Hanggang sa nasanay nalang ako na Hanna ang tawag mo sakin at pinagkibit balikat ko na lang 'yon.
Pilit mong pinakita sa akin na hindi ka nandidiri sa sakit ko. Trinato mo ko bilang isang normal na tao.
Pero minsan, kinukulit mo pa rin na magpatherapy ako. Sabi mo kasi gusto mong makita na magbago ako.
Kaya sinubukan ko.
Ang daya nga lang kasi... nung nagsimula kang gumawa ng oras para sa akin, hindi lang oras ang sinimulan kong gawin para sayo, ginawa kasi kitang mundo.
That every time you smile, I feel like I just died.
Pero nung nalaman ko ang dahilan kung bakit Hanna ang tawag mo sa akin. That time, i just really wanted to die--
Naputol ang pag-iisip ko ng may biglang umupo sa bakanteng upuan sa tapat ko at nag-snap ng daliri sa harap ng mukha ko.
He snatched my earphones away.
Napatingin ako sa tao na yun na nakangiti sa akin ngayon.
"Yo, Ellah."