"Ako yung taong hindi nag-aassume. For me, assuming leads to hurting. But you... you made me learn on how to. You somehow made me assume."
***
(Anna's POV)
"Yo, Ellah."
I just stared at him. No words came out from my mouth. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-react.
It's been two years since the last time I saw him.
Jigs...
Iwinagayway nya ang kaliwang kamay nya sa tapat ng mukha ko ng mapansin nyang nakatitig lang ako sa kanya.
Napakurap lang ako.
"Uy... hindi mo man lang ba ako namiss?" Mas lalong lumawak ang ngiti nya na dahilan kung bakit kita ang dimples sa magkabilang pisngi nya.
2 years na ang nagdaan pero parang wala pa ding pinagbago sa kanya.
"Ella.. Sab... Anna....." tinawag nya ako sa magkakaibang palayaw sa akin pero nakatitig pa din ako sa kanya na parang hindi totoo na kausap ko sya ngayon. "Ella.. Sab... Anna.... Hanna....."
Napatigil ako bigla dahil sa huling tinawag nya sa akin. Hanna.
Muntik ko na palang makalimutan. Pati pala sya at lahat ng kabarkada mo... ganun ang tawag sakin nung una kasi akala nila yun talaga ang pangalan ko. Pero nagkunwari ako no'n na okay lang. Na parang yun talaga ang pangalan ko.
'Anna' at 'Hanna'. Magkatunog naman diba? Kaya nga hinayaan ko lang na tawagin ako sa ganun... noon. Kasi akala ko wala lang. Kasi akala ko hindi naman ganun kaimportante yon.
Pero mali pala ako..
Napatingin ako diretso sa mata ng taong nasa tapat ko.
"Tawagin mo na ko sa lahat. Wag lang yun."
"Oh," He seems sorry. "I didn't mean to offend you. Hindi ka kasi nagrerespond kanina. I thought that would--" I cut him off.
"Would get me back to my senses? Would pull me back to the reality?" I raise my left eyebrow at him. "No need to do so."
He chuckled softly.
"You changed. A lot."
"I didn't change. I just grew up. There's a difference."
Mas natawa sya sa sinabi ko.
"Nag-iba ka na..."
"What would you like me to impose to you? The old me, who's like a crybaby. Nah. There's no way in hell I would go back to the old version of me."
Unti-unting napalitan ng isang seryosong mukha ang mukha nyang kanina ay nakatawa.
"Anong nangyari sa'yo sa dalawang taong wala ako?"
"Umalis ka. Nawala naman sila. Walang natira. You happened. They happened." I smiled at him, sana nga lang hindi nagmukhang pilit. "Buti ka pa nga may pasabi na aalis ka. Eh yung dalawa? Isang hindi ko alam kung babalik pa. At yung isa... hindi na talaga babalik pa."
"If this is all about Cedrick and Ea--" naputol ang sasabihin nya ng may nahulog na tray na dala ng isang waiter. Nabunggo kasi ito ng isang customer na naglalakad.
Nagkaroon ng maliit na commotion ng magreklamo ang customer na nakabungguan ng waiter dahil natapunan ang dress nitong 'mas mahal pa daw sa buhay nung waiter.'
Nakatingin ako sa eksenang yon, pero yung katapat ko, nakatingin pa din sakin na para bang walang nangyayari ngayon sa sariling Cafe nya.
"Look, Ellah. If this is all about--" I cutted him off.
"Hindi mo man lang ba aayusin ang gulo?" I asked him.
"Kaya na yan ng mga tauhan ko. Besides, nandyan naman si Manager Ria."
"Right. Where are we again?" Nagkunwari ako na parang nag-iisip. "Oh. We're talking about your asshole best friends."
He groaned. "They are not assholes." Pagtatanggol nya sa mga ito.
"Yes, they are." I smiled.
"No, they are not."
"Yes, they are."
"No, they are not." Napipikon na sya. Kita yun sa buong mukha nya. Kaya naman naisip kong pikunin pa ito.
"Yes, they are."
"No, they are not."
"Yes, they are."
"No, they are not."
"No, they are not."
"Yes, they are." Napatigil sya ng mapagtanto ang sinabi nya.
I smiled triumphantly.
"How could you..... how could you trick me?" He groaned inwardly. "The old you, didn't even know how to do that."
I laughed.
"Exactly my point. This--the one in front of you--is not the same as before."
"People change, huh?" Halos pabulong na sabi nya. "You really change." Napaiwas sya ng tingin at napatingin sa may labas.
"Time changes everything." I said before sipping the chocolate frappe that one of the waiters gave me a while ago.
"Paano kung bumalik sya?" He asked out of the blue.
That question made me dumbfounded. Paano nga ba kung bumalik sya?
***
Nasa library ako ngayon. What for? Wala lang. Gusto ko lang matulog. 4 hours vacant period namin ngayon at nagpass muna ako sa gala dapat namin sa mall near our university.
So ayun, nasa mall ngayon yung lima at nagliliwaliw. Mas trip kong matulog ngayon kesa gumala. Bakit? Ikaw ba naman ang 2 am nang matulog para lang tapusin ang script para sa play ng drama club.
Kung member ba ako ng drama club? Well, sort of. Isa din kasi ako sa mga writers doon. Nandoon ako sa auditions bilang isa sa mga taga-sala ng mga nag-o-audition. But there's no way in hell na mapapa-acting nila ako.
Ano sila? Sineswerte?
Nilagay ko ang earphones sa tenga ko and I set the volume to the lowest one. I chose my 'lullaby' playlist.
Sumubsob ako sa table at ipinikit na ang aking mga mata.
The first song just ended and as the second song starts to play, I can't help but to sing along in a very low volume while my eyes are still closed.
"And she's insecure as she goes out the door, coz' her heart's been broken too many times before. And she's insecure as she walks out the door, but babe, take a chance on me..."
And with that song, I remembered something...
***
(Anna's Memory box)
"And you're insecure as you goes out the door, 'coz your heart's been broken too many times before. And you're insecure as you walk out the door, but babe, take a chance on me..." nagstrum ka pa ng gitara kahit tapos ka ng kumanta.
Ngumiti ka sa akin pagkatapos nung kanta. "Maganda ba?"
"O-oo."
"Para talaga yun sa'yo. That song supposed to be a second person's point of view. I changed it to first person's point of view. Just for you."
"H-ha? Anong..."
"Hanna, will you take a chance on me?"
Hindi ako nakasagot. Tulala lang akong nakatitig sa'yo. Hindi ko maiproseso sa utak ko yung mga sinabi mo. Ako ba naman ang sabihan mo ng ganun?
"Anong--" naputol ang dapat na sasabihin ko nang biglang may umakbay sa'yo.
"Yo, ano yan?" Si Jigs.
Thank you nalang sa kanya dahil kahit papaano nawala yung awkward na atmosphere. Kung nagkataon hindi ko talaga alam ang sasabihin sa'yo.
"Yo, too. Bakit ka nandito?" Tanong mo sa kanya. Kasalukuyan tayong nasa park ng subdivision no'n.
"Bakit? Masama ba?" Sabat naman ng isa. Napatingin ako dito. Ang akala ko ay si Jigs lang ang dumating.
Masama ang tingin nito sakin kaya agad akong nagbawi ng tingin. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, parang mainit ang dugo nya sakin sa simula palang.
"Earl..." pabulong kong nasabi.