"Naging selfish ako noon. And I have to face it's consequences ngayon."
***
Anna's POV
"Anak, papasok ka ba?" Dinig kong sabi ng isang boses na sinundan pa ng sunod-sunod na pagkatok.
"ANNA BANANA, ANO BA? TANGHALI NA! LUMABAS KA NA DYAN! YUNG LAPTOP MO, PAKILABAS NA DIN! NASIRA KASI YUNG SAKIN! PERAM MUNA NG SAYO!" Awtomatikong napadilat ako nang marinig ko ang boses ni ate Paula.
Napatingin ako sa orasan.
7:30 a.m na! Shoot!
Dali-dali akong bumangon at lumabas ng kwarto. Nadaanan ko pa nga si ate Paula at si Nanay, pero halos hindi ko na sila mapansin dahil dali-dali akong tumakbo papuntang banyo.
"Anna banana, yung laptop mo?" Dinig kong malakas na sabi ni ate.
"Ate nasa kwarto, kunin mo na lang!" Balik kong sabi sa kanya nang may bigla akong naalala. "Yung 'Paula Patola' na username yung gamitin mo! Yung dati pa din yung password nyan!" Dagdag kong sabi habang nasa banyo ako.
'Anna Banana' at 'Paula Patola'. Ganyan lang talaga kami magtawagan ng ate ko. Mga baliw-baliwan. Nasa dugo namin yata ang pagkabaliw. Halata naman kay Crimson palang 'diba?
Dali-dali akong nag-ayos ng sarili na hindi ko man lang nakuhang kumain ng almusal. Yung normal na kalahating oras na paliligo ko ay napagkasya ko lang sa limang minuto. Pinagsabay ko na ang pagshashampoo at pagsasabon.
Ni hindi ko man lang nakuhang maglagay ng face powder.
Halos lumipad nako makarating lang sa abangan ng jeep.
Salamat na lang at may dumaan kaagad na jeep sa sakayan. Napabuntong hininga ako pagkasakay ko dito.
"Bayad po," sabi ko habang inaabot sa harap ang walong piso.
Napatingin sakin ang ilang pasahero. Halos tumutulo pa ang tubig mula sa buhok ko.
Geez!
Anna, sa susunod kasi gamitin mo yung alarm clock na regalo sa'yo ng best friend mo! Kaya ka nalelate eh!-sermon ko sa sarili kong isipan.
8:15 a.m. na ng makarating ako sa university.At isa lang ang ibig sabihin no'n, late na ko ng 15 minutes. Lakad takbo ang ginawa ko para lang makarating sa room namin.
Pero nagtaka ako ng wala akong naabutang tao sa room namin. Bakit walang tao? Nasaan sila? Wala bang pasok?
Kinuha ko ang aking cellphone sa bag para i-contact sila pero napasimangot ako ng makita kong deadbatt ito.
What to do? 3 hours pa ang susunod na subject.
Napabuntong hininga ako habang sinisimulan ko nang maglakad papuntang student's park. Baka doon na lang muna ako habang naghihintay mag-eleven a.m. for the next period.
Siguro kung ibang pagkakataon, sa Café Lorenzo na 'ko pumunta. But no, thanks but no thanks. Malamang ay makita ko na naman si Jigs do'n, kaya wag na lang.
Kasalukuyan akong naglalakad papuntang student's park nang may biglang tumawag sa aking pangalan.
"Anna!" Napalingon ako dun sa sumigaw. Si Apacible pala. "Hindi ko alam na marunong ka ng mag-cut ng class ngayon?" Pabiro nitong sabi.
Napangiti ako.
"Apa, I've never been this happy to see you." Sabi ko habang nagsimulang maglakad palapit sa kanya.
Sa likod nya ay nando'n pala sina Robi at Virgo at kasama nya.
"Huhulaan ko, nalate ka ng gising at wala kang ma-contact samin kasi deadbatt ka?" Sabi naman ni Virgo.
Napangiti ako. "You got it right."
Parehas kaming natawa.
"Dinaanan kita kanina bago ako pumasok pero tulog mantika ka pa daw sabi ni nanay," sabi naman ni Robi. Yes, nanay din ang tawag nya sa nanay ko and vice versa. "Tapos hihintayin ko sanang gumising ka para sabay na tayo pero yung ate mo... ang sama kung makatingin,"
Ngumiti nalang ako dito. "Pagpasensyahan mo na, alam mo naman 'yon parang laging may topak." Parehas kaming natawa sa sinabi ko. Alam naman namin na hindi lang 'yun ang dahilan kung bakit mainit ang dugo ni ate sa kanya.
Mortal enemy #1 kasi dati ni ate Paula si ate Roshan (which is ate ni Robi). Hindi ko alam kung bakit at kung anong istorya, pero hindi ko na pinakialaman. Matatanda na sila. Bahala sila. Basta kami ni Robi ang 'wag nilang pakialaman.
Hindi ko nga lang alam kay ate kung bakit pati kay Robi ay parang galit sya samantalang si ate Roshan naman ay mabait sakin despite the fact na kapatid ako ng mortal enemy nya..
"Ahm... bakit walang tao sa room? Nasaan kayo?" Tanong ko sa kanilang tatlo.
"Lumipat tayo sa auditorium ngayong araw kasi may ipapanood daw sa atin yung prof." Sagot ni Virgo.
Napakunot ang noo ko. "Eh bakit kayo nandito?"
"Umalis sandali yung prof, babalik din daw after 30 minutes. Papunta lang sana kaming cafeteria para bumili ng snacks nang makita ka namin." Paliwanag ni Apa.
"Uh... bawal dibang kumain sa audi?" I looked at them.
"So?" Sagot ni Robi. Pasaway talaga. "Masarap manood habang may kinakain. Besides, lights off naman sa tuwing may pinapanood tayo doon. Madilim kaya walang makakakita." Dagdag pa nya habang ngumiti sakin ng nakakaloko.
Napailing nalang ako. This is us. Maloko pero hindi halata. Yung barkada ko ang mga dakilang patunay ng mga katagang 'looks can be deceiving'. Wala kasi sa mga mukha namin ang gagawa ng hindi tama.
"Tara na," aya ko sa kanila at nauna ng maglakad. Napatingin ako sa kanila ng mapansin kong hindi pa sila gumagalaw sa kinatatayuan nila na parang may mali sa sinabi ko. "Canteen na tayo! Tara!" Aya ko ulit sabay hila sa braso ni Robi kaya wala na silang nagawa kundi ang sumunod.
Kunot noong napatingin sa akin si Apa habang naglalakad kaming apat.
"Akala ko pa naman...," hindi na nya natapos ang sasabihin nya dahil nagsimula syang umiling-uling.
I looked at him puzzled. "Bakit, ano bang akala mo?"
Hindi na sya sumagot dahil sya Virgo ang sumagot sa tanong ko. "Akala namin sasabihin mo na 'wag tayong lumabag sa rules, wag tayong magdala ng snacks sa audi, wag dahil baka magkalat tayo dun." Tumawa sya bago magpatuloy. "Actually, hinihintay namin yung epic failure na mukha mo pag nag-oobject ka sa isang bagay. Ms. Prim and Proper." He said, teasingly.
"Ganun ba ko kabait sa paningin nyo para mag-isip kayo ng ganyan?" I asked him. "And wait, I'm not ms. prim and proper."
"Hindi daw..." he mockingly said. Kung hindi ko lang 'to kabarkada, malamang ay nainsulto na 'ko. At talagang sabay pa silang tumawa ni Apa.
Napasimangot ako, bakit ang malas ko yata ngayon? Nalate ako ng gising, deadbatt yung cellphone ko and now? Pinagtutulungan ako ng mga walang hiya kong kaibigan.
Great. Could this day get any better?
Walang masyadong tao sa cafeteria pagpasok namin.
Pinaupo muna nila ako habang nakapila na sila sa counter. Ayusin ko daw muna ang sarili ko at halata daw na haggard ako.
Mga napakatruefriend talaga nila! Especially, sina Apa at Robi! Si Virgo kasi never in my entire life ko pang narinig na nanglait!
"Psst pre, diba accounting yan?" Dinig kong tanong ng isa sa nasa kabilang table kaya naman gamit ang peripheral vision ko, ay pasimple akong tumingin do'n. Only to find out na nakatingin sila sakin. Geez!
"Oo pre! Accounting student yan! Bakit mo naitanong? type mo?" Bulong ng isa sa kanila (which hindi ko alam kung matatawag bang bulog since dinig na dinig ko naman.)
"Oo kaso... may boyfriend na yata yan, yung dean's lister na accounting din ang course? Yung pang Mr.Congeniality?" Muntik na kong matawa ng mapagtanto kong si Virgo ang tinutukoy nila, buti ay napigil ko pa. Juice Colored! Paano ko naman naging boyfriend si Virgo?
Napailing nalang ako.
People loves jumping into conclusions. Conclusions na wala naman talagang basis.
Nakita kong palapit na sila Robi, Apa at Virgo kaya naman tumayo na 'ko sa upuan ko. Akala ko ay aalis na kami sa cafeteria nang hawakan ako ni Robi sa braso at pagkatapos ay iniupo ako sa upuan. Umupo din sya sa tabi ko. Samantalang ang dalawa naman ay umupo sa harap namin.
"Oh,..." may inilahad sya sa akin na sandwich at chuckie. "Nalate ka ng gising at mukha kang sabog kanina. So, it's safe to assume na wala ka pang kain ng almusal."
Napangiti ako bigla.
"Thank you. Bayaran ko na lang sa'yo yan mamaya, alam ko naman na hindi yan libre," sabi ko pa habang nakangiti pa din.
"Buti alam mo," sabi ni Robi na dahilan kung bakit pare-parehas kaming apat na natawa.
"Wala naman na kasing libre sa mundo--" naputol ang pagsasalita ko nang biglang sumingit si Apa.
"Hugot ba yan?"
"Sandali lang. Koya, patapusin mo muna ako sa sasabihin ko. Okay?"
"Ineng, bago ka humugot, kainin mo muna yan, okay?" Sabay turo sa pagkain na nasa harap ko.
Tumango ako. Sabagay, may point sya. Another thing about Apa, sya yung taong never magsasalita about nonsense sh*ts.
Sinimulan ko nang lantakan yung clubhouse sandwich. Naubos ko na ito at inuubos ko na lang yung chuckie nang may bigla akong naisip.
"Guys, anong oras na?"
Napatingin si Virgo sa wristwatch nya. "8:45 a.m."
Nagkatinginan kaming lahat pagkasabi no'n ni Virgo. Pare-parehas nanlaki ang aming mga mata.
Parang iisa lang yata ang nasa isip namin at awtomatiko kaming tumayo at mabilis na naglakad papuntang auditorium.
Thanks God, dahil nang makarating kami sa audi ay wala pa yung prof. Pare-parehas kaming natawa. Para kaming ewan kanina habang nagmamadali para lang makarating dito.
Sinalubong kami ni Angel at ni Airene.
"Bakit ang tagal nyo?" Tanong ni Ai sa kanilang tatlo nang bigla nyang mapansin na kasama ako ng tatlo kaya naman napabaling ang tingin nya sa akin. "Babae, bakit ngayon ka lang? Buti hindi pa nag-aattendance si Sir kanina,kaya technically hindi ka pa late."
Napabuntong hininga ako. "Thanks to God,"
"Ano bang nangyari? Akala ko aabsent ka Anna, kasi tinatawagan kita kanina pero hindi ka naman sumasagot," sabi ni Angel.
"Patay yung phone nya. Deadbatt," sabat naman ni Apa.
Magsasalita pa sana sina Angel at Airene nang biglang dumating yung prof kaya wala na kaming nagawa kundi ang umayos.
I suddenly realized how blessed I am to have great friends like them. Yung mga taong kasama ka kasi gusto nilang kasama ka nila, at hindi dahil sa kailangan ka nila.
But before, the word 'FRIENDS' is a strange one for me.
Habang nanonood ang lahat sa film na pinapanood sa amin ng prof, napatulala ako sa projector nang may bigla akong naalala.
Naalala ko bigla yung mga naging kaibigan ko nung high school. At... naalala na naman kita.
***
(Anna's Memory Box)
4th year high school.
2 years na kitang kilala at one year na akong nagpapatherapy.
Akala ko dati walang pag-asa. Walang pag-asang gumaling ako sa sakit ko at habang buhay na akong ganito.
But no.
Gumaling ako. Hindi na ko nahihirapan magsalita ngayon. Kung meron mang instances na bigla akong mahihirapang magsalita, sobrang bilang na lang sa daliri.
All thanks to you. Kung hindi mo ko pinilit hindi ko naman susubukan.
Salamat kasi kahit papaano ay nagkaroon ako ng normal na buhay noong 4th year high school.
Nagkaroon ako ng mga kaibigan. Bestfriends, to be exact. Si Mavee na sobrang fashionista at si Robi na sobrang nakakatakot sa paningin ng iba na noong mga panahong iyon ay hindi pa nakatira sa subdivision kung saan ako nakatira ngayon. Plus, si Joana pala na ms. Congeniality.
We have different personalities but for some reason, we clicked.
Imagine, isang fashionista na campus sweetheart (si Mavee), isang nakakatakot na parang siga ng Alexis High (si Robi), isang kaibigan ng lahat (si Joana) at isang.... ano nga ba ako sa high school na pinapasukan ko? Ako nga lang pala ang walang title samin. I'm the invisible girl. Ako yung babaeng pinapansin lang ng ibang tao kapag may gusto silang ipasabi ka Joana, Robi at kay Mavee. Ako yung babaeng may full bangs na laging nakayuko kapag kinakausap ng ibang tao. Mababa pa ang self confidence ko no'n. Siguro kasi may Culture Shock pa din ako nung mga panahong 'yon. Naninibago ako dahil maganda ang pakikitungo ng mga tao sa paligid ko at walang nambubully sa akin.
Pero kahit ganun, masaya ako. Masaya akong nagkaroon ako ng mga taong matatawag kong tunay na kaibigan.
Nagkaroon ako ng kahit papaano'y matatawag kong normal na buhay. Pero kasabay noon, ay hindi ko naman alam na halos mawawalan pala ako ng oras sa'yo.
Hindi lang naman ako ang nawalan ang oras sa'yo, pati din naman ikaw halos nawalan na din naman ng oras sakin sa hindi ko malamang dahilan diba?
You've asked me if I'm gonna take a chance with you noon pero hindi ako nakasagot sa tanong mo. Pero there's this one time na tinanong mo ako kung pwede bang manligaw. Hindi ko alam kung anong dapat isagot kaya sinabi ko sa'yong "bahala ka"
Pagkatapos no'n ay nanligaw ka pero hindi kita sinagot.
And now, we're both stuck. Naging parang tayo, pero hindi.
Walang label. Walang assurance.
At ngayon kahit na parehas na tayong halos nawawalan ng time sa isa't isa, Alam kong nandito pa din sa'tin yung kung ano mang meron tayo.
Sabagay paano bang mangyayari na magtatagpo ang landas natin? Alexis Santos High School ako nag-aaral at Darwin International Academy ka naman.
At ngayong 4th year high school student na ako, Alexis Santos High School pa din ako. Samantalang ikaw... nasa isang sikat na university na sa maynila. College student ka na.
Naku-curious yung mga kaibigan ko kung may boyfriend na daw ba ako. Ako lang daw kasi ang wala pang boyfriend sa star section.
Tumatawa lang ako lagi kapag nagtatanong sila. Sinasabi ko lang na; "Hindi porque't uso mag boyfriend, magboboyfriend na 'ko,"
That wouldn't hurt right? Hindi naman kasi talaga kita boyfriend di ba?
Siguro kaya ako nagkasecond thought na sagutin ka kasi alam kong mas madaming deserving kesa sakin. Uso no'n yung selfie (hanggang ngayon din naman) pero wala akong ni isa mang picture na magkasama tayo kasi pakiramdam ko mukha lang akong basahan kapag ikaw ang katabi ko.
Nagkaroon ako ng second thoughts kung sasagutin kita kasi pakiramdam ko hindi ako ang para sa'yo. Ang daming mas maganda, mas matalino at mas sa lahat ng aspeto. Siguro nga bagay sakin yung kantang kinanta mo para sakin dati.
I'm insecure. I'm unsure of myself.
Hindi kita sinagot... kahit mahal kita. Oo, mahal kita. Hindi naman ako magpapakahirap sumubok magpatherapy kung hindi eh. Gusto ko kasing kahit papaano... kahit papaano mapantayan kita.
Alam akong kakaiba ako at kaya lang ako hindi pinagtatawanan ng mga kaibigan mo kasi hindi sila gago. Iba kasi kayo. Pero naisip ko... anong sasabihin ng ibang tao? Ayokong mapahiya ka. Ayokong mapagtawanan ka ng dahil sa akin.
Tinatanong ng mga kaibigan ko kung may boyfriend na daw ba ako. Pero hindi ako sumasagot. Hindi ko naman kasi alam kung ano ba ang dapat kong isagot.
I watched them having their own love life, falling in love, then hurting at the end. Pinapanood ko lang ang buhay nila.
Nagmahal at nasaktan. Gano'n sila. Pero ako, tahimik lang. Tayo? Gano'n pa din naman. Parang tayo pero hindi. Minsan ka lang umuuwi dito galing manila but still, hindi naputol ang Communication natin through text and chat.
Walang tayong label. Walang assurance.
Nagtanong ulit sila but I remained silent as before.
"Andaya. Wala ka bang tiwala sa'min?" Sabi ni Mavee nung minsang pinilit nila akong mag kwento tungkol sa'yo.
I felt guilty as they felt betrayed. I can see it through their eyes.
"His name is Cedrick Kenneth Sanchez, C.K. for short."
Yes. Pangalan mo lang ang sinabi ko. Naging selfish ako pagdating sa'yo. Natakot kasi ako. Natakot ako na baka kapag nakilala ka nila o nakilala mo sila... may mas magustuhan ka sa kanila. They are way better than me.
Insecurities surfaced.
Alam ko naman hindi ka nila aagawin sakin. Pero natakot ako. Hindi ko alam kung saan ba ako takot pero natakot ako. Natakot ako na baka kapag nakakilala ka ng 'mas' kumpara sa akin, bigla ka na lang umalis sa kung saan mang kinalalagyan nating dalawa at maiwan ako. Natakot ako na baka bigla ka na lang tumalikod at magsimulang lumakad palayo kapag narealize mo na mas madaming higit pa sa akin.
You're my living prince. But it suddenly changed in just one text.
From:09*********
I have something to tell you. About Ced.
Napakunot ang noo ko pagkabasa sa text message na galing sa unknown number.
I replied.
To: 09**********
Do I know you?
In just a span of seconds, naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko.
From: 09**********
Mac Earl Lorenzo