Bes

I knew things even from the start. I knew... it. Hindi naman ako tanga. Pero sadyang nagpakatanga lang talaga ako pagdating sa'yo. And it's a bit ironic that even if I knew it, it pained me big time nung marinig ko ang totoo.

***

(Anna's Memory Box)

"Mac Earl Lorenzo" napakunot ang noo ko pagkabasa ng text.

Bakit naman s'ya magtetext sa'kin? Saan naman n'ya nakuha ang number ko? At... ano naman kaya ang sasabihin n'ya tungkol sa'yo?

Sunod-sunod na katanungan ang pumapasok sa aking isipin habang sine-save ang number n'ya. I named his contact number as 'Lorenzo'.

One thing I've learned about your friends is that... wag silang tatawagin sa first name kung hindi mo naman sila ka-close. At sa kaso namin ni Earl, hindi ko s'ya tinatawag sa pangalan n'ya. As a matter of fact, s'ya lang ang hindi ko tinatawag sa first name sa barkada mo. S'ya lang kasi ang hindi ko ka-close.

Kunot noo kong sinagot ang text n'ya.

To: Lorenzo

Anong gusto mong sabihin tungkol kay Cedrick?

Kaagad ko 'yung sinend kay Earl. Nagulat na lang ako sa mabilis n'yang pagrereply.

From: Lorenzo

I have to discuss something about him to you, in person.

Halos mag-isang linya ang kilay ko pagkabasa ng text message ni Earl. It is as if it's so important. Hindi muna ako nag reply sa kanya, instead ay ikaw ang kinontak ko.

To: C.K.

Hello, are you busy?

It took 5 minutes of waiting for you to reply.

From: C.K.

No :) Why were you asking?

I hastily typed a reply.

To: C.K.

Can I ask you something?

Napakagat ako sa labi ko habang naghihintay ng reply mo. May isang unread message pero hindi ko yun magawang buksan. Your reply is my priority. It's more important than anything.

Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko kaya naman tiningnan ko kung sino ang nagtext. Only to find out that it was you.

From: C.K.

Sure:) Fire away.

I typed a reply.

To: C.K.

Do you have something to tell me? Lorenzo said that he have something to tell me about you. I want an information, first hand. So... do you?

Few seconds after, I received his reply to my text message.

From: C.K.

Never believe in anything he's saying.

My forehead creased, again.

To: C.K.

Why?

Mas lalo akong naguluhan sa naging reply mo sa text ko.

From: C.K.

Just. Don't. Talk. To. Him.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdam sa naging reply mo sa akin. Kung kikiligin ba ako? O magsisimula na 'kong maghinala ng kakaiba?

It's funny kung maghihinala ako sa'yo na may kakaiba dahil in the first place, alam kong may kakaiba sa'yo simula pa lang. May mali. At nagsimula 'yon nung pangalawang beses tayong nagkita.

I bitterly laughed as I started typing a reply.

To: C.K.

Ok :)

Hindi ako tanga. Pero pagdating sa'yo naging bobo yata ako.

We had a little conversation after that. Kamustahan. Katulad ng palagi nating ginagawa.

Pagkatapos no'n, papatayin ko na sana ang cellphone nang makita kong may isa pa akong unread message. Ito yung hindi ko nabasa kanina.

It was from Earl.

I was a little bit hesitating if I will open his message. Sabi mo kasi wag akong makipag-usap sa kanya.

Pero... kung titingnan ko lang naman ang text n'ya at hindi na magrereply pa, it could never be considered as talking to him,right?

Bigla akong nagsisi ng mabasa ko ang text n'ya.

From: Lorenzo

Niloloko ka lang n'ya.

***

(Robi's POV)

Nanonood kaming magkakaklase ng movie sa auditorium nang lumabas ulit yung prof namin para sumagot ng tawag sa phone n'ya. Nagsimulang mag-ingay yung mga talipandas naming mga kaklase pero tahimik lang kaming anim.

Teka, bakit nga ba tahimik kaming anim?

Umikot ang ulo ko ng 90 degrees at napalingon ako sa right side ko. At nakita ko ang dalawang ugok na sina Virgo at Apacible na seryosong nag-uusap.

Umikot muli ang uli ko ng another 90 degrees at napatingin naman ako sa likod. Nakita kong tulog sina Angel at Airene. Take note; nakasandal pa sila sa isa't isa.

Binawi ko ang tingin ko do'n at tumingin ulit sa projector nang maalala ko na hindi pa gumagalaw mula kanina yung best friend ko sa left side ko kaya naman napatingin ako sa kanya.

Umiiyak na naman s'ya...

Nakita kong blanko s'yang nakatingin sa harapan habang may luhang nagbabagsakan mula sa kanyang mga mata.

Tahimik lamang s'yang umiiyak na ni ako mang katabi n'ya ay hindi ko man lang napansin ang bagay na 'yon kung hindi ko pa sya titingnan.

Kinuha ko ang sariling panyo at akin itong inilahad sa harap ng mukha n'ya. Nilapitan ko pa s'ya ng kaunti para bulungan.

"Besh, alam kong maganda ka kahit umiiyak pero please lang wag kang umiyak ngayon, Comedy yung movie na pinapanood satin ni Sir, tapos iiyak ka? Baliw-baliwan lang?" Pagbibiro ko dito.

Mukha naman s'yang natauhan sa sinabi ko. Hinawakan n'ya ang pisngi n'ya at ng mapagtantong may luha ngang pumapatak mula sa mga mata n'ya ay kinuha n'ya ang panyong kanina ko pa ibinibigay sa kanya.

"Thank you..." sabi n'ya pagkatapos kunin ang panyo. Ngumiti pa s'ya sa akin habang mabilis n'yang pinunasan ang mukha n'ya.

Salamat na lang at ako lang nakapansin na ganyan s'ya dahil nag-uusap pa din ang dalawang lalaki sa isang gilid ko at tulog naman ang dalawa pa sa likod kundi ay magtatanong sila kung bakit umiiyak si Anna.

Salamat na lang talaga at ako lang ang nakakahuli sa kanyang ganyan s'ya. Kundi ay baka magtanong ang iba naming kaibigan at 'yon pa naman ang pinakaayaw n'ya--ang tinatanong s'ya.

Madalas dati ay nakikita namin nina Mavee at Joana na lagi s'yang masaya at nakangiti ng walang dahilan nung high school. Ngayon namang college ay madalas ko s'yang mahuli na tulala at umiiyak ng tahimik.

But still, hindi na 'ko nagtatanong pa. Another thing about Anna is that hindi s'ya mahilig mag kwento sa buhay n'ya. All I know as of now is that, naghihintay s'yang bumalik ang isa at iniiyakan n'ya yung... isang hindi na babalik pa.

Siguro hindi sana umiiyak si Anna ngayon kung hindi lang namatay si--

Naputol ang pag-iisip ko nang may nagsalita.

"Oh? parang ang lalim ng iniisip natin ha?" Si Anna pala.

"Robi, nag-iisip ka? May isip ka pala?" Pang-iinis naman ni Apacible na ngayon ay tapos na palang makipag-usap kay Virgo.

"Buwisit," sabi ko sabay batok sa kanya.

Narinig ko naman ang tawa ni Virgo at Anna.

"Naks. Ang sweet," sabi naman ni Virgo.

Tiningnan ko s'ya ng masama.

"Sweet? Gusto mong ipapapak kita sa hantik?"

"Sabi ko nga, shattap na ko. Naku, ikaw talaga Virgo ang ingay mo. Gagalitin mo pa ang mahal na reyna, tumahimik ka nga." Sabi n'ya na para bang pinapagalitan n'ya ang sarili n'ya pero nakangiti pa din s'ya.

Arrgh!

Sisinghalan ko na sana s'ya nang makita kong nagvibrate ang cellphone ko at pasimple kong tiningnan kung sino ang nagtext.

From: Mavee

SM tayo this weekend nila Anna?

Imbis singhalan si Virgo at Apacible ay napatingin ako kay Anna na ngayon ay nakatingin din pala sa phone n'ya.

Siniko ko s'ya.

"Gala tayong SM this weekend? Nagyayaya si Mavee, kakabasa ko lang text. Call?"

"Kakabasa ko din ng text. What about next weekend? Hindi ako pwede this weekend e. Birthday ni Enzo, yung pinsan ko."

Kunot noo kong inalala kung sino ba yung Enzo nang maalala kong may pinsan pala siya na malapit ng mag birthday.

"Sometimes, family gathering sucks... but still, you should always attend that one no matter what," Anna remarked.

I agreed with her. So, pareho naming tinext si Mavee na next weekend na kami mag-SM.

Minsan nalang kaming magkasama dahil iba-iba ang pinasukan naming university.

Dati apat pa kaming magkakaibigan nunf highschool, pero ngayon tatlo nalang kaming natitira bilang magkakaibigan. I was about to slid my phone to my bag nang magvibrate ulit ito.

Nang tingnan ko ay isang notification pala ito sa facebook.

"Joanabel Farcia change her status to 'Its Complicated'."

I nearly laughed after seeing that.

Out of curiosity I stalked her profile.

I smirked after reading her latest post.

"Running After You." sino naman kayang hinahabol nito?

An idea popped out in my head so I posted what's on my mind on Facebook.

"bes, wag mong habulin, hindi ka aso. Gapangin mo, ahas ka 'di ba?"