Birthday

"Akala ko alam ko na ang lahat. Akala ko lang pala..."

***

(Anna's POV)

"bes wag mong habulin, hindi ka aso. Gapangin mo, ahas ka diba?"

Malakas akong napatawa pagkabasa sa latest post ni Robi sa Facebook.

Sira talaga.

Napailing ako. I know it's not an empty post. I know that she's pertaining to someone.

And that someone is none other than our ex-bestfriend. Joana a.k.a 'bes'.

I smirked.

'Nakita ko kung paano kiligin ang isa kong kaibigan sa tuwing nagtetext sa kanya ang boyfriend nya.'

I included that line in the prologue of one of my stories that is about ourselves entitled 'Once Upon A Time' dahil totoo.

Nakita ko kung paano ngumiti si Mavee sa tuwing nagtetext ang boyfriend nya sa kanya. Pero yung ngiti nyang 'yon ay nabura dahil kay Joana.

Ang epic nga ng chapter kung saan ko pinakilala yung characters nila dahil kailangan ko pang i-edit kasi masyado akong na-carried away sa pagkwekwento. Totoong pangalan nila ang nailagay ko sa unedited version at nakalimutan kong baguhin ng kahit kaunti. Binatukan pa ako ni Robi pagkabasa nya do'n. Bakit daw totoong pangalan ang nilagay ko? Be sensitive daw. Hindi daw ba pwedeng gawin ko lang na kahawig ng totoong pangalan katulad ng ginawa ko sa mga pangalan namin? Dun ko lang na-reliazed na totoong pangalan pala talaga nila ang nailagay ko dahil sa na-carried away ako masyado.

Well, our dear ex-best friend, Joana, steal Mavee's boyfriend. Nung una, hindi pa ko makapaniwala--hindi kami makapaniwala. We don't want to judge but we also don't want to play dumb. Akala namin hindi totoo kaya pilit naming inalam kung ano bang totoo.

But unfortunately, totoo pala na nagawa nya 'yun. She stole our best friend's boyfriend.

Kaya naman naiintindihan ko kahit papaano kung bakit hindi na magawang ngumiti ni Mavee ng masasabi kong totoong ngiti.

From the bubbly campus sweetheart back in highschool she turned into a biatch.

Akala ko sa t.v. at novel books lang nangyayari yung classic double betrayal pero nangyayari din pala yun sa tunay na buhay. The boyfriend cheats with the best friend. Wow. Just Great.

Nagbago si Mavee dahil niloko sya ng dalawang taong akala nya mapagkakatiwalaan nya. At sa aspetong ito, hindi ko maiwasang hindi ikumpara ang sarili ko sa kanya.

Nagbago kasi niloko?

Niloko? O mas tamang sabihing nagpaloko? Nagpaloko ako.... sa'yo.

***

(Anna's Memory Box)

Niloloko ka lang nya.......

Niloloko ka lang nya...

Niloloko ka lang nya...

Niloloko ka lang.....

Niloloko ka lang...

Niloloko ka....

Niloloko...

Niloloko...

Nilolo..

Nilo..

Ni..

"Arrgghhh!" Paulit-ulit na nagpeplay sa utak ko ang sinabi ni Earl.

Bakit nya pa kailangan guluhin ang utak ko? Okay na 'ko sa ganitong set up natin eh.

Hindi mo naman yun gagawin sa kin diba? Diba mahal mo ko? Diba imposibleng mangyari yun? Ako? Lolokohin mo? Niloloko.... mo ko? Diba hindi yun totoo?

Nagsimulang manlabo ang mga mata ko kasabay ang impit na paghikbi.

Gulong-gulong ang utak ko. Hindi dahil sa hindi ko kayang maniwala sa sinabi nya. Kundi dahil alam ko naman talaga ang totoo.

Hindi ko man lang namalayang umiiyak na pala ako.

Alam ko kung anong totoo. Alam ko pero pilit kong tinatakpan ang mga mata ko gamit ang mga kamay ko at ngayong may nagtanggal ng mga kamay na nakatakip sa mga mata ko... naguguluhan ako.

Naguguluhan ako dahil hindi ko ngayon alam kung gagawin ko.

Mali si Earl. Hindi mo ko niloko. Ako ang sadyang nagpaloko. Hindi mo lang alam pero simula pa lang alam ko ng may mali.

Hanna......

Hanna.....

Hanna....

Hanna..

Hann..

Han..

Ha..

Ha.

H..

Hahahahaha! SHIT! Sino ba kasi si Hanna? Ano ba ang mga pagkakatulad namin para sa tuwing kasama mo 'ko, sya ang maisip mo? Hindi ako inggiterang tao at marunong akong makuntento, pero bakit ganun, pwede bang mainggit man lang ng kahit konti sa kanya?

S'ya Diba?

S'ya talaga?

Kahit hindi ko kilala yung 'Hanna' ng personal, alam kong minahal mo sya at hanggang ngayon, mahal mo pa din sya. Nakikita ko 'yun sa'yo sa mga mata mo.

At nakakatawa lang kasi.. akala ko alam ko na talaga yung sagot kahit hindi ako magtanong. Akala ko alam ko na sa simula pa lang. Akala ko alam ko na lahat. Akala ko tanggap ko na.

Pero mali pala ako.

At yun ang mas masakit.

Yung malaman ko kung sino ba si Hanna sa buhay mo at kung bakit lagi mo kong natatawag na 'Hanna' imbes na 'Anna'.

Akala ko ex-girlfriend mo sya. Akala ko simpleng fallback girl lang ako. Akala ko ordinaryong rebound girl lang ako sa isang love story na kapag bumalik na yung original girlfriend ay iiwan nalang ng lalaki.

Pero hindi eh.

Ang galing lang.

Kasi... masyadong twisted yung love story natin.

At yun ang dahilan kung bakit mas naging masakit para sa akin.

***

(Anna's POV)

December 6.

Birthday celebration ni Airene. At nandito kami ngayon sa bahay nila para mambulabog. Sana nga lang hindi sumabog ang kusina nila sa mga pinaggagagawa namin.

"Tubig! Yung tubig!"

"Guys, maalat pa ba? Tikman nyo naman oh."

"Paabot naman ng condense!"

"Teka, kelangan pala nito ng All-purpose cream! Bumili kayo sa grocery dyan sa labasan!"

"Haluin mo ng haluin! Baka masunog!"

Hindi naman kami galit sa paraan ng pananalita namin. Sadyang ganito lang kami ka-focus sa mga pinaggagagawa naming lima.

Wala dito si Airene sa bahay nila dahil pati si tita na mama nya ay kinuntsaba namin. Hiniram muna namin ang kusina nila habang inaya ni tita na mag mall ang anak nya.

Well hindi lang pala kami lilima dito, anim pala kami dahil kasama namin si Crimson. Sya lang ang walang ginagawa.

Pilit syang sumisingit sa pagsasalita namin pero hindi nya magawa dahil sadyang magulo kaming lima ngayon.

"Ah, guys--"

"Yung asin nasa'n nakalagay?!"

Katulad na lang ngayon. Naputol na naman ang pagsasalita nya ng magsalita si Apacible.

"Guys nag text si tita, pauwi na daw sila! Double time naman oh!" Anunsyo ni Robi.

Dahil do'n lahat kami'y nagsimulang mag panic.

The kitchen is a whole mess. Well, at least, congratulations to us dahil hindi namin napasabog ang kusina nila Airene. Kundi ay patay kami kela Airene.

After another 20 minutes, narinig namin ang ugong ng makina ng sasakyan. Kaya naman dali-dali kaming pumwesto sa sala hawak - hawak ang mga party poppers.

Nang sandaling bumukas ang pintuan ay syang pagsabog ng party poppers.

"HAPPY BIRTHDAY AIRENE!" sabay sabay na sabi namin.

Hindi makapaniwala syang tumingin nya sa amin.

"Dalaga na si Nene!" Asar ni Apacible. Loko talaga. Hindi man lang nahiya kay tita.

"Bebe Airene, speechless?" Tanong ni Robi dahil nakatingin lang sa amin si Airene.

"Beh, bakit hindi ka nagsasalita?" Tanong ni Angel ng hindi pa din nagsasalita si Airene.

Nene, Bebe at beh--yun yung tawag namin minsan sa kanya dahil sya ang pinakabata sa amin.

Nagulat na lang kami ng dinamba nya kami para yumakap.

"Thank you, guys! Akala ko galit kayo sakin kasi kahapon nyo pa ko hindi kinakausap. Akala ko may nagawa akong mali. Yun pala, eto... may maitim pala kayong balak." Pagbibiro nya pa.

"Speaking of maitim na balak, meron talaga kami no'n. Kahit tingnan mo pa yung kusina ninyo." Sabi ni Robi.

Hinila namin sya at tumungo kaming kusina. Malinis na ito ngayon, hindi katulad ng kanina.

"Nagluto..... kayo?" Hindi makapaniwalang tanong nya sa amin ng makita nya ang spaghetti, bakemac at yung cake. "Di ba hindi naman kayo marunong?" Tanong nya pa.

Napangiti naman kami. Dahil totoo. Hindi kami marunong. Walang may alam sa amin kung paano mag luto at ngayon lang namin sinubukan.

"Hindi nga. First time lang namin." Pag-amin naman ni Virgo.

Naisipan ko namang bumanat.

"Ang pagluluto parang pagmamahal, natutunan 'yan."

dead air~

"Guys, kain na tayo! Tingnan nyo nga't bumabanat na si Anna! Nalipasan na ng gutom." Sabi naman ni Robi.

Mga bwisit.

Nagsimula na silang kumuha ng pagkain at pare - parehas silang napahinto sa unang subo palang nila.

"Bakit ang alat nung cake?" Tanong ni Airene at yung bakemac naman ang sinubukan nyang tikman. "Bakit ang tamis naman masyado ng bakemac?" Yung spaghetti ang huli nyang tinikman. "Bakit ang asim?"

Napatingin sya sa amin kaya kaagad naman kaming nag-iwas ng tingin.

"Yan nga yung kanina ko pang gustong sabihin sa kanila," Napatingin kami kay Crimson na ngayon ay naka pout. Muntik naming makalimutan na kasama pala namin sya. "Mali kasi sila ng mga pinaggagagawa tapos sa tuwing magsasalita na sana ako, lagi namang napuputol dahil sa magsasalita din sila," Pinagdikit nya ang kanyang mga hintuturo habang bahagya syang napapayuko. "Sayang yung mga niluto nyo... alam nyo bang maraming nagugutom sa Pilipinas?"

Pare-parehas kaming napabuntong-hininga. Tama sya. Sabi ng iba, hindi marunong magsinungaling ang mga bata. Pero mas lalong hindi marunong magsinungaling ang mga isip bata.

"Anong gagawin natin sa mga yan?" Malungkot na tanong ni Angel.

"Sorry kasi nasira namin yung dapat na celebration ng birthday mo, Airene." Panghihingi ko ng paumanhin.

Ngumiti si Airene. "Sira, okay lang. It's the thought that counts."

***

December 8.

Nandito kaming anim ngayon sa bahay ampunan. Binawasan namin ang sarili naming mga allowance para makapagdonate para sa mga bata dito. Yung ipangdodonate sana namin na pera, binili na namin ng groceries at yun talaga ang donation namin. In kind. HIndi lang pala kami anim dahil kasama namin ulit si Crimson. In kind din naman ang donation nya, isang sakong Jelly Ace.

Fiesta ngayon sa amin, pero imbes na sa sarili-sariling bahay kami mag celebrate, dito kami pumupunta. Yung donations namin na groceries ay kasalukuyang ginagamit panluto ngayon ng kusinero dito sa ampunan para maging fiesta din dito kahit papaano.

First time lang naming ginawa ito. At sa totoo lang, dahil 'to sa guilt na nararamdaman namin sa pagsasasayang ng pagkain nung birthday ni Airene.

'Madaming nagugutom sa mundo' sabi nga ni Crimson nung isang araw.

Habang nandito kami sa ampunan ay nakipaglaro kami sa mga bata. Buti pa nga ang mga bata dito, marunong makuntento. Jelly Ace lang ang bigay ni Crimson sa kanila at hati-hati pa ang dalawang bata sa bawat isang pack pero do'n palang masaya na sila.

Bahagya akong napatulala ng may makita akong isang batang lalaki na kamukha mo.

Hindi kaya....

I shook my head. Imposible eh.

Pero... posible din.

Baka naman kapatid mo sya?

Kasi.... diba ampon ka?