"Fool me once, shame on me. Fool me twice, shame on you."
***
(Anna's POV)
"Bata, anong pangalan mo?" Tanong ko dito ng akin itong lapitan. Hindi ko maiwasang hindi mamangha dahil kamukhang kamukha mo sya.
Hindi ako nito sinagot. Bagkus ay umiwas ito ng tingin.
"Ako nga pala si Ate Anna pero pwede mo din akong tawagin na 'ate' na lang." Pag kausap ko pa dito kahit na napaghahalata na hindi naman ito interesado. Iwas pa din ang tingin nito sa akin.
"Ate, ganyan lang po talaga yan." Sabat ng isang batang babae kaya naman napatingin ako dito.
"Anong 'ganyan'?" Kunot noo kong tanong sa batang babae.
"Suplado lang po talaga yan. Serge po ang pangalan nya." Sagot ng batang babae. Napabaling ang tingin sa amin ng batang lalaki. Masama ang tingin nito, dahilan upang mabilis tumakbo palayo ang batang babae.
"Sinong kamukha ko?" Tanong ng batang lalaki na Serge daw ang pangalan. Naguluhan ako sa kanyang katanungan.
"Sinong kamukha ko?" Pag-uulit nya sa tanong nya. "Narinig kitang bumulong kanina. Sabi mo 'kamukhang-kamukha mo sya'. Bakit po? Kilala mo po ba ang mga magulang ko? O baka naman may kuya po ako na kamukha ko na kilala ninyo?"
Nabigla ako sa tanong nya.
"Ah... sinabi ko ba 'yun?" Tensyonado akong tumawa. "Wala lang 'yun. Baka mali ang rinig mo sa sinabi ni ate,"
"Bakit ate? Ano po bang dapat kong marinig?" Inosenteng tanong ni Serge na para bang nang-aasar.
"Ah.. ano... wala naman. Sige na't pupuntahan ko pa yung iba mo pang ate at kuya na kasama ko," pag-iiba ko ng usapan. Tumayo na ko mula sa pagkakaupo at akmang aalis na sana ako sa tabi nya ng marinig ko syang bumulong.
"Sinungaling," napahinto ako bigla sa sinabi nya. Muli ay napalingon ako sa kanya.
Nakangisi sya.
Kamukhang-kamukha mo sya pero parang magkaibang-magkaiba kayong dalawa.
Kahit kailan, hindi kita nakitang ngumisi. At duon kayo nagkaiba.
Pinapakita ng batang ito ang gusto nyang ipakita. Habang ikaw, ang galing mong magmaskara.
***
(Anna's Memory Box)
Uwian na ng mga estudyante. Kasalukuyan akong nasa park ng subdivision. Mukha akong ewan habang nakatulalang nakaupo sa may swing.
Mugto ang aking mga mata. Daig ko pa si Mavee. Mas mugto pa ang mga mata ko kumpara sa kanya na kakagaling lang sa break up nila ng one year boyfriend nya na si Jecion. Reasons? Third party. Guess who? Our best friend, Joana. Hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa nya yun--ang mang-agaw.
Kaya eto, parehas kami ni Mavee ngayon na 'crying ladies'. Sabi ni Robi, understandable pa daw kung bakit mugto ang mga mata ni Mavee, pero ako daw, bakit? Bakit daw mugto ang mata ko?
Hindi na lang ako nagsalita. Ayokong sumagot. Kasi ako mismo, hindi ko alam kung ano yung sagot.
Bakit nga ba ako umiiyak? Kasalanan mo to eh. Lagpas one week ka ng hindi sumasagot sa mga text ko. Siguro busy ka na... sa totoong 'Hanna'.
Bumalik na ba sya?
Siguro kaya wala ka na talagang panahon para sa akin, kasi.... nandyan na sya. Tama ba?
Mahina kong iniugoy ang swing habang ipinikit ko ang aking mga mata.
Inalala ko yung mga panahong kasama kita dito sa mismong Park na'to.
"Bakit ako?" Tanong ko sayo. Bakit nga ba ako ang pinili mo, kung may pagpipilian ka naman?
"Bakit hindi?" Ganting sagot mo habang nakangiti ka sa akin.
Dahil sa mga sinabi mo ay umasa ako. May naalala ulit akong senaryo sa utak ko na nangyari din sa Park na 'to.
"I don't want to assume things..."
"Then, I'm giving you the permission to."
Hinayaan mo kong umasa. Hinayaan mo kong mahulog, pero hindi mo naman ako sinalo.
"I... love you."
"I love you too, Hanna." Nilapit mo ang mukha mo sa akin. Kaya naman napapikit ako. Naramdaman ko na lang na lumapat ang labi mo sa noo ko. Napadilat naman ako ng napagtanto kong ibang pangalan na naman ang sinambit mo.
Hanna.
Hanna.
Hanna.
Hanna na naman.
Hanggang kailan ko ba kailangan maging si 'Hanna' sa paningin mo?
Patuloy pa din ako sa pagswi-swing habang nakapikit ang aking mga mata ng marinig kong may nagsalita.
"Gaano mo sya kilala?" Napatingin ako sa taong naka-hoodie na nakaupo sa may katabing swing na kanina lang ay bakante. Kahit naka-hoodie at hindi kita ang kanyang mukha ay kilala ko sya sa boses nya.
"Gaano mo sya kilala, ha, Hanna--ay, mali, Anna pala." Tinanggal nito ang hoodie at tumingin sa akin. "Gaano ka na ba ka-sanay na tinatawag ka sa ibang pangalan, Anna?"
Hindi ako makapagsalita.
"Sabagay, Anna at Hanna. Magkatunog naman talaga. Hindi na din masama, di ba?"
Si Earl.
Tumayo na 'ko sa swing at nagsimulang lumakad palayo. Akmang aalis na 'ko ng marinig kong nagsalita na naman sya.
.
"Bakit ka aalis? Takot kang malaman ang totoo?" Dahil sa sinabi nya ay muli akong napalingon sa kanya. "O alam mo na talaga pero gusto mo lang magtanga-tangahan?"
Para akong nanigas mula sa kinatatayuan ko dahil sa mga sinabi nya.
That hit a nerve.