"Darating din sa akin, malilimutan din kita. Nanlalamig na damdamin, baka nga hindi tayong dalawa..."
***
(Anna's Memory Box)
What he said hits me. Bull's eye.
Bakit ba sya nangingialam? Bakit? Ano bang mapapala nya sa pakikialam? Atsaka.. bakit nga ba sya nandito? Diba dapat nasa manila din sya ngayon katulad mo dahil iisang university lang din naman kayo nag-aaral at may pasok ngayon?
Inipon ko ang lahat ng lakas ko at nagpatuloy ako sa paghakbang palayo nang nagsalita na naman sya.
"Hanna...." dahil do'n ay napalingon ulit ako sa kanya.
I blankly stared at him.
"Hanna...." ngumisi sya at tsaka ako tiningnan ng nakakaloko. "Oh? Bakit hindi ka nagsasalita? Tongue-tied, babe?"
Tinitigan ko sya ng masama.
"Don't call me 'babe'. Never calĺ me names."
Nakita kong mas lumawak ang ngisi nya.
"So, okay lang talaga na tawagin kang 'Hanna'? Pero kapag iba bawal na? Ni minsan ba hindi ka na-curious sa taong pilit na binubuhay ni Cedrick sa pagkatao mo?"
I looked intently at him. Nagkasukatan kami ng tinggin nang muli syang nagsalita.
"Two years ago, may naaksidenteng 13 years old na batang babae. Tumakas sya sa bahay nila..." Pagsisimula nyang mag kwento. "Then, when her family found out na wala sya sa kanila, they started to search for her. Lalo na yung kuya nya... He can't lose her. Ampon lang sya ng pamilyang 'yon at yung batang babae na kapatid nya lang ang dahilan kung bakit hindi pa sya umaalis do'n sa magulong pamilyang 'yon. Mahal na mahal nya kasi yung kapatid nyang babae. But shit happens, kung saan-saan naghanap yung kuya pero hindi pa din nahanap yung batang babae. Alam mo kung sinong nakahanap sa batang babae? Hindi yung kuya kundi ibang tao, nakita nalang nung tao na 'yun na nakabulagta na yung batang babae sa kalsada. Duguan. At... wala ng buhay pa."
Bigla kong naalala yung unang beses kitang nakita. May hinahanap ka. Hinahanap mo no'n yung kapatid mo. Nakasama kita pero bigla mo yatang nakalimutan na kasama mo 'ko nang may natanggap kang tawag tungkol sa kapatid mo.
'What happened?--What? Anong nangyari sa kapatid ko?--Saan?--Sige.'
Mayroon ng teoryang pumapasok sa utak ko kung sino ang batang babae na kinekwento ni Earl pero parang ayaw kong tanggapin.
"Alam mo ba kung sino yung batang babae?" Tanong nya.
"Sino?" Naguguluhan na talaga ako at kailangan ko ng kumpirmasyon.
"Si Hanna."
"Hindi...." Hindi pwede. Hindi pwedeng mangyari yun. Diba Nia ang pangalan ng kapatid mo?
"Imposible. Nia ang pangalan ng kapatid nya." Dagdag ko pang sabi.
Tumawa sya. Tawang nakakapanliit. "Akala ko alam mo talaga at pinili mo lang na magtanga-tangahan, pero mali pala ako, tanga ka lang pala talaga. Wala kang alam."
Naikuyom ko ang mga kamao ko. Pilit kong nilalabanan ang panlalabo ng aking mga mata kasabay ng impit na paghikbi.
"Nia. Nishelle Hanna yung pangalan talaga nya. Nishelle Hanna Lorenzo."
Lorenzo? Kung kapatid mo talaga sya, Diba dapat Sanchez din sya?
"Bakit... magkaiba sila ng apelyido kung magkapatid nga sila?"
"He's an orphan. Well, hindi legally adopted si Ced kaya ganun." Parang tuwang-tuwang pa sya habang nagkwekwento. "Hindi namin sya totoong pinsan at sampid lang sya sa pamilya namin. Wala syang silbi. Aalagaan na nga lang nya ang pinsan namin, hindi nya pa nagawa ng maayos. Kasalanan nya kung bakit naaksidente si Hanna."
Bigla akong nanggigil sa mga sinabi nya.
"Ano bang pakialam mo sa amin? Bakit ka nakikialam? Ano bang mapapala mo, ha?"
Ngumisi sya. Imbis na sagutin ang tanong ko ay nagtanong din sya pabalik.
"Alam mo kung anong tingin sa'yo ni Cedrick? Parang kapatid ka lang para sa kanya. Charity Case. Uto-uto--"
"Tama na!"
"--kawawa."
Napayuko ako. Hindi ko kayang salubungin ang tingin nya dahil ako'y umiiyak na.
"Akala mo ba gusto ka talaga nya? Diba nung makilala mo sya 2 years ago, may speech defect ka pa at hirap magsalita...."
Impit akong napahikbi.
"....nung mga panahong nagluluksa sya sa pagkawala ni Hanna, Ikaw ang laging pinupuntahan nya. Bakit? Kasi ikaw ang nagpapaalala sa kanya ng kapatid nya. Kasi kapag kasama ka nya, iniisip nyang parang kasama nya pa rin si Hanna. Pilit nyang binuhay sa pagkatao mo yung kapatid nya."
Naalala ko yung pangalawang beses tayong magkita. Umuulan at umiiyak ka. Ngayon ko lang naiintindihan yung mga sinabi mo nung araw na 'yon.
'Wala na sya...'
'Sorry.... Hanna.'
Nakakaloko.
"Kung ganon, bakit nya ako niligawan? Kung kapatid lang pala ang tingin nya sa akin?"
"You're a charity case.... dahil gusto niyang iparahas sa'yo yung bagay na kahit kelan hindi mararanasan ni Hanna kahit na buhay pa sya dahil sa kondisyon nya!"
You're a charity case........
You're a charity case....
You're a charity case....
You're a charity case...
You're a charity case.
You're a charity....
You're a charity..
You're a charity.
You're a...
....charity.
...charity.
Charity case lang ako para sa'yo? Hahahahaha. Mas malala pa 'to sa inisip at inexpect ko.
Akala ko ex-girlfriend mo 'yung Hanna.
Kapatid mo pala.
Akala ko rebound girl ako.
Charity Case pala.
Ang sakit lang. Hindi ako marunong magmura, pero pwede bang umisa?
May sinasabi pa si Earl pero parang wala na 'kong marinig. Wala na 'kong maintindihan.
Nakayuko lamang ako at tahimik na umiiyak.
Wala na 'kong pakialam kahit nagsasalita pa si Earl, mabilis akong tumalikod at nagsimulang tumakbo.
Tumakbo ako kasi gusto kong lumayo. Gusto kong tumakas mula sa katotohanan. Pero wala eh, nalaman ko na yung totoo.
Patuloy ako sa pagtakbo hanggang sa makarinig ako ng busina. Napatingin ako sa pinanggalingan nito at kaagad sumalubong saking paningin ang nakakasilaw na ilaw dump truck.
***
(Anna's POV)
"Naku besh, kaya pala hindi nagboboyfriend 'yang si Anna, bata ang gusto. Kung kasama ka lang namin sa ampunan, makikita mo, chuma-child abuse yang si Anna dun sa Serge. Kung makatingin dun sa bata, parang tutunawin." Pagsusumbong ni Robi kay Mavee. Dapat ay nung isang linggo pa kami maghahang-out, pero hindi natuloy dahil busy ako. Kaya eto kami ngayon, nasa Starbucks sa may SM para magkape.
Pabiro kong inikot ang mga mata ko.
"Stop pestering me."
"Asus! Umi-english na sya, napipikon na." Ngisi ni Mavee.
Arrghhh! Robi + Mavee = BULLYING. Eto ang masama pag magkakasama kaming tatlo eh, ako ang laging napagdidiskitahan.
"Binabawi ko na pala. Pwede nyo kong bwisitin basta wag nyo'ng hahaluan ng usapang boyfriend. Banas eh." Seryoso ko silang tiningnan. "O ayan, tagalog na tagalog na. Baka sabihin nyo napipikon na ako kapag nag-english na naman ako."
Parehas silang nag-thumbs down at sabay nagsabi ng 'boo'. Hindi daw bagay sa akin ang maging maldita. Mukha daw akong trying hard.
At pareho din silang tumawa pagkatapos.
Mga bwisit.
Pero kahit na madalas pinagtutulungan nila ako, nakakamiss yung ganito. Yung kami lang tatlo. At mukha kaming walang pakialam sa mundo. Nakakalungkot lang kasi dapat apat kami ngayon. Pero wala eh, may mga bagay na hindi mo na pwede pang ibalik sa dati. Nakakamiss yung mga panahon nung highschool na babanat sa amin yung iba naming kaklase at sasabihin na: 'ang yaman nyo siguro, kasi nakabili kayo ng sarili nyong mundo.' kasi nga, may sarili kaming mundo.
"'Running After You', yan yung nabasa ko sa latest post ni Joana sa Facebook. Nabasa nyo din ba? Sino kaya yung hinahabol nun ngayon?" Tanong ni Robi.
Nagkibit balikat naman si Mavee.
"Malay ko. Ang huli ko lang balita sa kanya, ay yung nagbreak din sila ni Jecion. Then, naging exclusively dating sila ni Robert, na kabarkada din ni Jecion. Pero hindi yata nag work, then naging sila naman ni Ave, Hindi ko nga lang alam kung hanggang ngayon sila pa din, kasi nag-kakalabuan din yung mga yun." Mahabang paliwanag ni Mavee.
"Wow.Updated sa buhay ni bes ha," biro naman ni Robi.
"Baka naman nagkalabuan sila kasi may nagawang mali si Joana kaya hinahabol ngayon ni Joana si Ave," konklusyon ko patungkol sa Facebook post ni Joana.
"Baka," parehas nagkibit balikat ang dalawa.
"Mavee, sabihan mo si Mikael, sya na yung isusunod ni Joana," biro ni Robi patungkol sa isang kabarkada ni Jecion. "Tuhog-tuhog na eh,"
Napaisip ako sa sinabi nya. Tuhog-tuhog na talaga. Dahil magkakabarkada sina Jecion, Robert, Ave at Mikael.. Sa totoo nga, silang apat na lalaki ang pinaka-kaclose naming apat nila Mavee, Joana at Robi nung highschool pa kami.
Maghanda na talaga dapat si Mikael. Sya na kasi yung next in line sa kanilang magkakabarkada.
Bigla akong napatawa sa naisip ko kaya naman napatingin sa akin ang dalawa.
"Hala. Nabaliw na.... tumatawa ng mag-isa," komento ni Mavee.
"Mavee, maiba nga tayo ng usapan, wala na bang pag-asang magkabalikan ni Jecion?" Usisa ni Robi.
Ngumisi si Mavee. "Hindi ako basurera para gustuhin ko pang pumulot ng isang basura,"
"Sira. Napag-hahalataang bitter ka besh," sabi ni Robi.
Pare-parehas kaming natawa sa sinabi nya.
"Pero seryosong usapan, ikaw Anna, paano kung bumalik yung sa'yo?"
Napangiti ako sa tanong nya.
"Malabo. Mukhang.... wala ng babalik pa."
Hindi ka na babalik pa di ba?