"Nakakaloko. Nakakagago..."
***
(Anna's Memory Box)
Napapikit na lamang ako at hindi ko na nakuha pang gumalaw sa posisyon.
Napaisip ako bigla.
Paano kung masagasaan at mamatay ako? Iiyak ka din ba katulad ng pag-iyak mo no'n para dun sa Hanna? Masasaktan ka din ba?
Alam kong hindi mo ko mahal, pero gusto ko lang malaman kung naging mahalaga ba ako kahit papaano para sa'yo.
Handa na kong magpasagasa sa truck nang maramdaman kong may mabilis na humatak sa akin.
Napadilat ako.
"Fuck...." nakita ko si Earl na masama ang tingin sa akin. "Balak mo bang patayin ang sarili mo?"
I stared at him, expressionless.
"Balak mo bang magpaaksidente? Bakit? Para makuha ang atensyon nya?" Masama pa din ang tingin nya sa akin habang sinasabi nya 'yon.
"Tumahimik ka! Wala kang alam!" Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob pero nagawa ko syang sigawan.
"Sa lagay na 'to, ako pa ang walang alam?" Sarkastiko syang tumawa. "Alam mo ba kung bakit wala na syang oras sa'yo? Kung bakit hindi na sya umuuwi dito galing manila? Kung bakit minsan na lang syang sumagot sa mga text mo? Kasi--"
"Tumigil ka na!" Pinutol ko pagsasalita nya kasi hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang makinig pa sa kanya. Ang sakit na.
Pero, manhid yata sya para hindi makita na hindi ko na kaya. Sadista yata sya para matuwa pa at talagang pinagpatuloy nya pa ang pagsasalita nya.
"--may pinag-kakaabalahan na syang iba! May girlfriend na sya ngayon. Yung girlfriend nya na niligawan nya kasi mahal nya. Hindi katulad mo na niligawan lang dahil sa naaalala sa'yo yung kapatid nya!"
May girlfriend na sya ngayon.
May girlfriend na sya ngayon.
May girlfriend na sya....
....niligawan nya..
...niligawan nya kasi...
.....kasi...
...kasi mahal nya...
....mahal nya....
Wala na 'kong nagawa kundi ang umiyak mula sa kinatatayuan ko.
Gaano ba karaming masasakit na salita ang kailangan ipamukha sa akin ng lalaking nasa harap ko ngayon.
"Okay lang...." impit akong napahikbi. "Okay lang, wala akong pakialam kahit kapatid lang ang tingin nya sakin. Okay lang kahit hindi nya ako mahal. Okay lang kahit charity case lang ako. Okay lang kahit may girlfriend na sya... sasanayin ko lang yung sarili ko sa ganitong set-up, kahit masakit. Nasanay nga ako na tinatawag nya sa 'Hanna' , tapos yung eto ngayon, hindi ko kakayanin? Sasaktan ko na lang ng paulit-ulit ang sarili ko, kesa naman mawala sya sa buhay ko, parang namatay na din ako."
Halos hindi makapaniwala nya akong tiningnan bago tumawa ng mapakla.
"You're such a...." tumawa ulit sya at napailing pa. "You're such a fool."
Oo na. Tanga na kung tanga. Imbis mainsulto ay nginitian ko sya kahit na may mga tumatakas pa ding luha sa aking mga mata.
"Dadating yung araw na kapag nagmahal ka... magpapakatanga ka din katulad ko. At kapag nangyari yon, ako naman ang tatawa sa'yo."
Magsasalita sana sya pero hindi natuloy dahil tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ang screen at nakita ko ang pangalan mo.
Mapait akong napangiti.
Lagpas isang linggo kong hinihintay ang text mo o tawag na galing sa'yo pero wala. Akala ko nga yung teorya kong bumalik si Hanna na akala ko ex-girlfriend mo ang dahilan kung bakit ka busy pero ibang babae pala. May girlfriend ka na pala habang mag-M.U tayo.
Ang galing lang.
Paano mo nga ba magiging ex girlfriend si Hanna, e kapatid mo naman pala? At paano ba babalik si Hanna kung patay na pala.
Sinagot ko ang tawag mo habang sinasalubong ko ang tingin ni Earl.
"Hello..." halos manginig ang boses ko.
[Hello...]
"Cedrick.... Anong pangalan ng kapatid mo?" Hindi ko alam kung bakit 'yun agad ang nasabi ko sa'yo nung tumawag ka.
Diretso kaming nagkatitigan sa mga mata ni Earl habang hinihintay ko ang sagot mo.
[Nia] bakas ang pag-aalangan sa boses mo habang sinasagot mo ang naging tanong ko.
"Yung totoo? Nia talaga? O nickname lang 'yun?"
[Why are you suddenly asking that?]
"Just answer me...." my voice is pleading.
[Nia talaga ang pangalan nya. It's not just her nickname, it's her name.]
Natigilan ako sa sinabi mo.
Sinungaling.
Sinungaling ka.
Mahigpit akong napahawak sa skirt ng uniform ko. Trying to vent out my irritation over it.
Naiinis ako.
Naiinis ako sa sarili ko. Kasi ang tanga ko at handa pa din akong magpakatanga para sa'yo.
"Cedrick--" magsasalita sana ako ng may marinig akong nagsasalita sa background ng kabilang linya. Boses babae. Siguro yun ang girlfriend mo? Nagpaalam ka na ibababa mo na ang tawag kasi may gagawin ka pa pala at tatawag ka na lang ulit.
Naputol na ang tawag mo pero hindi pa din mapuputol ang titigan namin sa mata ni Earl.
Nagulat na lang ako ng naglahad sya ng panyo sa harap ko.
"Sorry sa pagiging gago ko sa pagsasabi sayo ng totoo. Mas magandang malaman mo na yung dapat mong malaman ngayon, kasi mas magiging masakit yan kapag nagkataon. Oh. Gamitin mo na..." mas inilapit nya pa ang panyo "...kanina ka pa umiiyak. Hanggang ngayon umiiyak ka pa din,"
Hindi ko tinanggap ang panyo nya bagkus ay hinawakan ko ang pisngi ko at dun ko napagtanto na may luha pa ding umaagos mula sa mga mata ko.
Hindi pa din ba to mauubos? Hanggang kailan ba ko iiyak ng dahil sa'yo?
Bahagya akong nagitla nang sya mismo ang magpunas sa pisngi ko gamit ang panyo nya.
Hindi ko maiwasang maitanong sa sarili ko kung may D.I.D. ba tong kaibigan mo? O split personality? Kanina lang.... mukha syang gago sa paningin ko pero ngayon.... ewan ko.
Sa tagal ko ng kilala ang mga taong konektado sa'yo, ngayon ko lang nakita ang ganitong side ng isang 'to?
Hindi ko alam pero.... simula no'n ay nagbago ang tingin ko sa kanya kahit papaano.
Prangka lang pala talaga sya at hindi gago.
Siguro kung mag-susulat man ako ng story tungkol samin (pero hindi love story) papamagatan ko 'yong 'The Handkerchief'.
Dahil sa panyo.
Ang corny. Pero dahil naman talaga du'n nagsimula ang panibagong kabanata ng buhay ko--buhay natin pala.
I thought you're the prince and he's just some jerk in town.
Pero mali pala ako, he's not just some sort of a jerk in town.
If you're the prince, then he's the knight.
***
(Anna's POV)
"Pagkabunot ng pangalan, walang maingay. Bawal sabihin kung kanino yung nabunot, ha." Malakas na sabi ni Robi habang hawak ang isang maliit na lagayan kung saan nakalagay ang mga pangalan namin. Napagtripan kasi naming magkaroon mag-exchange gift para sa Christmas party.
Kasalukuyang nasa student's park kaming anim plus Crimson, Kerwin and Cyrus. Nagkataong vacant period namin pare-parehas ngayon.
Isa-isa kaming kumuha ng nakatuping papel mula kay Robi. Napakunot naman ako ng noo ng makita ko ang pangalan ng nabunot ko.
Si Crimson.
Ano namang ibibigay ko sa taong 'yun? Jelly Ace?
Sunod naming pinagplanuhan ang mga dadalhin naming pagkain for lunch. Ganito kami, toka-toka. Something new daw dapat, napaisip naman ako. Last year kasi ay graham ang dinala ko. Yung lang kasi ang kaya kong gawin ng hindi ako nakakasunog.
Nakapagsabi na silang lahat ng dadalhin nila, pero eto ako, nag-iisip pa din.
Si Crimson? Wag nyo ng itanong kung ano ang dadalhin. Coffee Jelly daw. Nung nakaraang taon Gelatin naman ang dala nya. Hulaan nyo nalang yung dadalhin nya for the next christmas party, siguro anything related with jellies na naman.
Hmm. Siguro madali lang naman lutuin yung Mixed veggies na nabibili sa groceries na ginigisa sa butter kaya naman 'yun na lang ang sinabi kong dadalhin ko para sa Christmas Party.
"Matanong ko lang, Anna, sino yung nakita naming lalaking kausap mo nung minsang mapadaan kami ni Kerwin sa Cafe Lorenzo?" Out of the blue na tanong ni Cyrus sa akin. Dahilan kung bakit napatuon sa akin ang pansin ng lahat. Well, except for Kerwin na nakasubsob sa mesa at mukhang natutulog.
"Anna, ha, hindi ka nagsasabi sa amin... nakikipagdate ka na pala ngayon." Sabi ni Angel, may halong tampo sa boses nya.
Bahagya akong nagpanic. Si Jigs? At ako? Nagdedate? Magugunaw muna ang mundo pag nangyari 'yun.
"Anna, sino 'yun?" Usisa ni Virgo.
Sasabihin ko ba? Paano kung magtanong pa sila ulit?
Napabuntong hininga ako. "Si Jigs."
"Sino 'yun? Boyfriend mo?" Tanong ulit ni Airene na sinundan pa ng ibang nakakalokang tanong.
"Pogi ba?"-Angel.
"Matalino ba?"- Apacible.
"Mayaman ba?" - Cyrus.
"Mabait ba?" -Virgo.
Nakakaloka na yung tanong nila pero mas nakakaloka yung tanong ng pinsan ko.
"Mahilig din ba sya sa Jelly Ace?"
Akala ko yun na yung pinaka malala pero biglang sumigaw yung best friend ko.
"KAYA KA BANG PALAMUNIN NYAN?"
Masama ang tingin nya sa akin na para bang sinasabi nya sa paraan ng tingin nya na:'patay ka sakin mamaya, hindi ka na naman nagkwekwento, ha, sino 'yun?'
"Ah... eh..." kung kanina ay bahagya pa lang akong nag pa panic, ngayon ay nàgpapanic na talaga ako. "Yun 'yung may-ari ng Cafe. Hindi kami nagdadate no'n. Magkakilala lang talaga kami." Paliwanag ko.
Napataas naman ng kilay ang iba sa kanila dahil sa sinabi ko.
"Close ba kayo nung may-ari ng Cafe?" Tanong ni Angel.
Napakamot ako ng batok. Paano ko ba sasagutin yung tanong nya?
"Paano mo naman 'yon nakilala, ha, ineng?" Usisa ni Apacible.
"Ah... eh..." hindi ko alam kung anong sasabihin ko buti nalang at biglang nagsalita si Kerwin na mukhang kakagising pa lang.
"Ang ingay nyo," pokerface na sabi nya kaya napabaling ang atensyon sa kanya.
"Sorry naman at nagising ka namin, kamahalan." Asar sa kanya ni Cyrus.
"Lul," at ayan naman si Kerwin sa pagiging monosyllabic nya kung kanina ay one liner pa sya, ngayon ay one word answer na lang.
"Pero back to topic, bakit mo kilala yung may-ari ng Cafe, Anna?" At ayan na naman po kami sa tanong na yan, wala talaga akong takas sa mga kabarkada ko.
Sinabi ko na lang na may 'common friend' kami kaya magkakilala kami ng may-ari ng Cafe. Tinanong nila kung sino daw yung 'common friend' na yun pero sinabi ko na lang sa kanila na hindi naman nila kilala kahit na sabihin ko pa kung sino kaya naman hinintuan na nila ang kakatanong sa akin at nag-usap nalang ulit kami tungkol sa Christmas Party.
Common friend?
Napatawa ako sa nasabi ko sa kanila.
Common friend ka ba namin ni Jigs?
Magkaibigan kayo. Pero tayo? Naging magkaibigan ba tayo no'n?
Ano nga ba tayo no'n?